Expat Huntress Series 2: Kinō...

By Juris_Angela

15.7K 477 25

"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER TWO

1K 36 0
By Juris_Angela

"LOLO, bukas na po ang alis ko," paalam ni Andie paglapit niya sa matanda.

Napangiti siya ng lumingon ito na malungkot ang ekspresyon ng mukha. Naroon na sila sa bakuran ng hapon na iyon.

"Gaano ka ba katagal doon sa Macau?" tanong nito na para bang may tampo sa boses nito.

Yumakap siya dito. "Isang buwan at kalahati lang naman po pagkatapos ng project namin ng boss ko. Deretso bakasyon na ako doon," paliwanag ni Andie.

"Hmp, ang tagal naman."

Natawa na naman si Andie dahil para itong bata na nagtatampo.

"Saglit lang po iyon promise! Pag-uwi ko, may pasalubong ka sa akin."

"Baka pagbalik mo, wala na ako. Sumunod na ako sa Lola mo."

"Hala siya, Lolo naman eh! Ikaw talaga, nagda-drama ka na naman! Malakas ka pa, di ba usapan natin one hundred years old ka pa susunod kay Lola?"

Nang mga sandaling iyon ay napangiti na ito.

"Maiba ako, Andrea. Ikaw ba ay wala pang nobyo?"

"Po? Wala pa!" sagot niya.

"Aba ay wala ka bang balak mag-asawa?"

"Lolo talaga, bakit minamadali mo ako?"

"Ay, hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang kasi makita ang magiging apo ko sa tuhod bago man lang ako lumisan sa mundo na 'to," anang abuelo.

"Ayan ka na naman eh, bakit lagi mo na lang bukambibig 'yan? Pero malay mo, Lolo. Doon sa pupuntahan ko, may makilala ako," sagot ni Andie.

"Basta ang mahalaga sa akin ay hindi ka lolokohin, mamahalin ka at hindi ka iiwan. Kahit anong lahi pa 'yan, basta huwag Hapon," sabi ni Lolo Julio.

Napakunot-noo si Andie.

"Naku, napasok na naman sa usapan 'yan mga Hapon."

"Wala akong tiwala sa kanila! Sasaktan ka lang nila!" galit na sabi nito.

Natawa na naman ang dalaga sa biglang pagpapalit ng mood nito.

"Oh? Nabanggit lang ang mga Hapon, nagalit ka na agad?"

"Ah basta! Kahit sino huwag lang sila," giit nito.

"Eh paano Lolo kung Japanese na mabait?"

"Huu kalokohan! Pare-pareho lang sila! Ikaw Andrea, tumigil ka diyan! Hindi ko 'yan tatanggapin kapag Hapon 'yan!"

"Joke lang po," tatawa-tawa pa rin na sagot niya.

Napakunot-noo si Andie ng mapansin na titig na titig sa kanya ang Lolo.

"Lo, bakit ganyan po kayo tumingin?" nagtatakang tanong ni Andie.

"Ikaw ha? Alam kong pareho kayo ni Makoy, mahilig manood ng mga Japanese cartoons na 'yan! Baka mamaya sa Japan talaga punta mo at hindi sa Macau," naghihinalang sabi nito.

"P-po? Hindi po, si Lolo talaga. Tamang hinala na naman," tanggi niya.

"Mabuti na 'yong nakakasiguro ako. Magagalit talaga ako sa'yo kapag nalaman ko pumunta ka doon sa Japan," sabi pa ng abuelo.

Binalot ng guilt sa dibdib si Andie. Kung puwede nga lang sabihin ang totoo. Kaya lang, kinailangan niyang itago iyon sa Lolo dahil una, para iyon sa trabaho niya. Pangalawa, buong buhay ni Andie ay pinangarap na niya ang makapunta sa Japan. Ngayon na dumating ng kusa sa kanya ang pagkakataon, hindi na hahayaan niya hahayaan mawala pa iyon. Bahala na, kung sakaling dumating ang panahon na malaman ni Lolo Julio ang totoo, magpapaliwanag na lang siya ng mabuti dito. Napalingon silang mag-Lolo ng lumabas ang Mama niya.

"Anak, tapusin mo na 'yong pag-e-empake mo."

"Opo," sagot niya.

"Lolo, iwan muna kita ha?" paalam niya.

Tumango lang ito, pagkatapos ay saka siya pumasok sa loob. Pagdating sa kuwarto niya ay saka siya humarap sa ina.

"Ma, nagi-guilty naman ako," ani Andie.

"Saan naman?"

"Sa pagsisinungaling kay Lolo tungkol sa lakad ko bukas."

Bumuntong-hininga ito.

"Ay, sino ba? Kahit ako naman nako-konsensiya, kaya lang, alangan hindi mo i-grab ang magandang opportunity na 'yan dahil lang sa personal na sentimyento ng Lolo mo sa mga Hapon. Alam namin ng Papa mo kung gaano mo pinangarap makapunta sa Japan. Isa pa, masaya kami na sa dami ng mga kasama mo sa trabaho. Ikaw ang napili ng Boss mo na isama, ibig sabihin kasi niyon ay malaki ang tiwala niya sa iyo. Ang gusto namin ng Papa mo ay maging successful ka," sabi pa nito.

Napangiti siya saka yumakap sa ina.

"Salamat po."

"Basta, mag-iingat ka doon. Palagi kang tumawag dito para hindi mag-alala ang Lolo mo. Alam mo naman 'yan. Iyon nga lang male-late ka ng uwi galing ng trabaho ay hindi mapakali 'yan."

"Sige po, lagi akong magbi-video call kay Lolo."

Simula sa dapat ay isang linggo lang na pananatili sa Japan, na naging isang buwan at kalahati. Sobrang laki ng pasasalamat ni Andie sa Boss niya dahil sa pagpayag nito na ituloy na sa bakasyon ang pagpunta niya ng Japan. Isa pang tumulong sa kanya ay ang asawa ng pinsan niyang si Imee na si Saito Hitoshi, na mataas ang posisyon sa Japanese government kung saan ito nagtatrabaho. Nagpadala ito sa Japanese Embassy dito sa Pilipinas ng kompletong documents na nagpapatunay bilang guarantor niya. Kaya in less than two weeks matapos nilang ipasa ang mga papeles sa embassy ay may visa na agad siya. At bukas na nga ang tinakdang araw ng pagpunta niya sa Japan. Everything is ready, and she's excited to see Reiji again.




HINDI MAWALA ang ngiti sa mga labi ni Andie pagtapak ng mga paa niya sa arrival area. Her heart is pounding so much, gusto niyang magtatalon at sumigaw sa tuwa. Finally, the time has come. Narito na siya sa bansang buong buhay niyang pinangarap na marating. Napalingon siya kay Alona ng umakbay ito sa kanya.

"We're here, Andie."

Maluha-luha siyang tumango at ngumiti dito.

"Andrea!"

Napalingon siya matapos marinig ang tumawag sa pangalan niya. Impit siyang napatili saka literal na napatalon bago mabilis na tumakbo ng makita si Imee.

"Imelda!"

Nang makalapit ay agad niyang niyakap ito ng mahigpit.

"Na-miss kita!" sabi niya.

"Ako rin! Kahit palagi tayong nagkikita thru video call, iba pa rin kapag sa personal!"

"Nakakaloka ka! Ang ganda mo pa rin talaga," puri nito sa kanya.

"Salamat," aniya, pagkatapos iyon ay pinakilala niya ang pinsan sa Boss niya at kay Alona.

"Nakausap ko si Reiji, siya ang bahalang mag-tour sa inyo dito sa Tokyo para matikman ninyo lahat ng masarap at authentic Japanese food," sabi pa Imee.

"Naku Salamat sa tulong mo, malaking bagay iyon," ani Alona.

"Wala iyon, basta para sa pinsan ko," sagot naman ni Imee.

"Teka, alam ba ni Reiji na kami ang itu-tour niya?" nag-aalalang tanong niya.

"Siyempre hindi, ang sabi ko sa kanya. Mamayang gabi ko siya ipapakilala sa mga itu-tour niya. Kaya mamaya, doon tayo sa restaurant niya magdi-dinner. Treat na namin ni Hitoshi sa inyo, bilang pag-welcome sa inyo dito sa Japan," sagot ni Imee.

"Wow, that's so nice. Thank you," nakangiting sabi ni Erika.

Nakangiting tumango si Imee.

"Halika na, ihahatid ko na kayo sa hotel n'yo!"

Inayos ni Andie ang jacket paglabas nila ng airport. Malamig na sa mga sandaling iyon doon sa Japan dahil sa Autumn Season na. Pero sa tuwing naiisip niya ang nalalapit na pagkikita nilang dalawa ni Reiji, pinapainit ng excitement ang nararamdaman niya.

"Ano nga kaya ang magiging reaksiyon ni Reiji kapag nagkita kami?" hindi niya napigilan tanong sa sarili.




"HOW DO I look?" tanong ni Andie kay Alona bago sila pumasok sa Sushi Restaurant na ayon sa pinsan na si Imee ay ang pag-aari ni Reiji.

She's wearing simple black jeans, black pair of boots, a black turtle neck blouse, and beige long coat. Nasa Pilipinas pa lang ay sinabihan na siya ng pinsan na puro makapal na damit ang dalhin dahil kahit Autumn pa lang doon sa Japan ay napakalamig na. Sinigurado ni Andie na naka-make up siya, at hinayaan na nakabagsak ang hanggang likod ang dyed brown ang tuwid niyang buhok.

"You look stunning," nakangiting sagot ng kaibigan.

"Hindi ba makapal ang make-up ko? Nakakahiya, baka sabihin n'ya pinaghandaan ko masyado ito!"

"'Wag kang ano! Pinaghandaan mo naman talaga itong pagkikita n'yo! Echusa kang babae ka!" pambubuking sa kanya ni Imee. Natawa siya at hindi maitanggi ang sinabi nito dahil totoo naman iyon.

Pinuno niya ng lakas ng loob ang dibdib. Paalis pa lang sila ng hotel ay labis na ang kaba niya. Hindi alam ni Andie ang magiging reaksiyon ni Reiji kapag nagkita sila, she's excited, at the same time, very much nervous. Pagdating sa restaurant, naunang pumasok si Imee kasama si Alona at Erika. Nang marinig niya ang boses na magiliw na binati ang pinsan, lalong dumoble ang kaba niya.

"Imee-chan!"

"How are you?" narinig niyang tanong ng pinsan.

"I'm fine. Akala ko hindi ka na darating," ani Reiji.

"Sorry na, sinundo ko pa kasi sila sa airport eh."

Matapos iyon ay narinig niyang pinakilala ng pinsan si Alona at Erika sa binata.

"Oh, by the way, may kasama pa pala sila," ani Imee.

"Sino?"

Ang tanong na iyon ng binata ang mistula naging hudyat para tuluyan siyang pumasok sa loob.

"Hi Reiji," bati ni Andie, sabay ngiti.

Kitang-kita niya ang pagkabigla ng binata ng makita siya. Halos natulala ito at tila hindi makapaniwala.

"Andie?" paniniguro pa nito.

"Yup, surprise!" sagot niya. Lumapit ito sa kanya at halos hindi kumukurap na nakatitig sa mukha niya.

After eight long years, muli niyang nakita ang binata. And damn, this man in front of him is the exact definition of perfection. Reiji Yamada become more handsome. Ang kulay tsokolate at singkit na mga mata nito na mataman nakatingin sa kanya ay naghahatid ng mas dobleng kaba at may kasamang kilig. Matangos ang ilong nito at natural na kulay pula ang labi nito. Nang magkausap sila noong nakaraan gabi ay medyo mahaba pa ang buhok nito, ngayon ay umigsi na iyon at tila nag-iba ang hair style nito. Hinayaan na nitong nakabagsak ang buhok nito kaya natatakpan niyon ang noo. Mas maputi ito ng konti sa kanya at hanggang baba lang siya nito, may American features din ang binata na ayon noon dito ay galing sa ina nitong half-japanese at half-american.

"Is this real?" hindi makapaniwalang tanong ni Reiji.

Kahit hindi nito sabihin, bakas sa mukha ng binata ang labis na saya. Marahan siyang natawa saka kinurot ito sa braso.

"Sa tingin mo?" natatawang tanong niya.

Imbes na sumagot ay bigla na lang siyang hinila nito palapit sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Natigilan si Andie. Hindi niya maipaliwanag ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. Kaylamig ng panahon ng mga sandaling iyon, pero pinawi iyon binata. Nang makabawi sa pagkabigla ay siya napangiti at gumanti na rin siya ng yakap dito. 




"OKAY LANG ba talaga sa'yo na samahan kami sa pagtu-tour sa Tokyo?" tanong pa ni Andie.

"Oo naman," sagot ni Reiji.

Mag-a-alas onse na ng gabi ng mga sandaling iyon. Sarado na ang restaurant nito, nauna na rin bumalik sa Hotel nila si Alona at Erika. Sinumpong kasi ng migraine ang boss niya kaya nagpaiwan na lang. Si Imee naman ay kailangan na rin umuwi dahil aasikasuhin pa nito si Hitoshi. Ayaw pa naman din niyang umuwi kaya ng sinabi ni Reiji na baka puwedeng magpaiwan siya ay pumayag naman si Andie. Bago umalis ay katakot-takot na bilin pa ang ginawa ng pinsan niya na ihatid siya ni Reiji sa Hotel.

"Thank you, malaking bagay ito sa amin."

"You're welcome," sagot nito.

"Hindi mo talaga nahulaan na pupunta ako dito?" tanong pa niya.

Marahan itong natawa.

"Seriously, I have no idea! You should've told me, para napaghandaan ko ang

pagdating mo," ani Reiji.

"Eh di hindi na surprise kung sinabi ko sa'yo. Gusto ko kasi talagang makita ang reaksiyon mo, it's been what? Ten years since we met?"

Marahan siyang tumango. "Yup. Come to think of it, two years kang tumira sa Pilipinas, three years naputol ang communication natin bago tayo ulit nagkita at nagkausap through video call, and that was five years ago. Wow, medyo marami na rin tayong pinagdaanan," sabi pa niya.

"Buong akala ko talaga hindi na tayo magkikita," anang binata.

Bahagyang napapitlag sa gulat si Andie ng hawiin ni Reiji ang buhok niyang bahagyang nakatabing sa isang mata niya. Napatingin siya sa binata at muli silang nagpalitan ng tingin. Hayun na naman ang guwapong ngiti nito, again, her heart is beating so fast. Nang padaanin ni Reiji ang buhok sa daliri nito, sumayad iyon sa pisngi niya. And that simple accidental touch makes her body shiver.

"You have no idea how happy I am to see you. Parang gusto kong tingnan ka lang ng matagal," sabi nito.

Noong una, ang buong akala ni Andie ay magkakaramdam siya ng pagkailang, dahil matagal din silang hindi nagkasama. Akala niya ay maninibago bago ulit siya kapag nakasama ang binata. Pero hindi ganoon ang nararamdaman niya, panatag ang kanyang loob, komportable siya at hindi niya maipaliwanag ang saya ng mga sandaling iyon. And now that he is staring at her right now, a familiar feeling starts covering her heart. Isang damdamin na pamilyar at hindi makakalimutan ni Andie.


Continue Reading

You'll Also Like

70.9K 1.3K 10
Man hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya aya...
84.9K 589 6
Babala: Ang istoryang ito ay Rated SPG. Maaring maglaman ng masasarap na pagkain, katabaan, mantika at over confidence na hindi naaangkop sa mga se...
30.3K 1.3K 54
(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of...
34K 757 12
His smiling at her at ganun din naman ang babae sa kanya,wala nang maihihiling pa si Van sa Perpektong buhay na meron sya ngayon,he has all that he w...