Huling Sandali

By ginoongjoselito

3.8K 704 116

"Behind your smile, there is an untold story." -Via (BOOK 2) Date Started: March 2018 Date Finished: June 25... More

Untold Story
PROLOGO
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
EPILOGO: HULING SANDALI
Author's Note

Kabanata XX

77 12 1
By ginoongjoselito

#UntoldStory

Jaye's POV

"Ang laki ng ngiti mo ha, may nangyari bang maganda sa tabing dagat kanina?" Tanong ni Giniel habang naglalakad kami ngayon pabalik sa dorm kasama si Jemuel.

Sabi ko sa kanila mauna na sila sa canteen kaso mapilit eh kaya hinayaan ko na lang. "Wala." Matipid kong sagot habang pinipigilang ngumiti ng malaki.

Pagkatapos kasi naming panoorin ang sunset 'di ko alam pero bigla kong hinawakan ang kamay ni Via at naglakad na kami pabalik. Wala sa amin ang nagsalita.

Flashback...

Tumigil kami sandali pero magkahawak pa rin ang aming kamay. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko eh. Yung feeling na gustong gusto mong hawakan ang kamay ng isang tao. Ano ba kasi nangyayari sa akin, kanina I kissed her forehead tapos ngayon naman I held her hand hays.

"Uh ano kasi Jaye.." Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita, mabilis kong binitawan ang kamay nya. "Sorry." Paumanhin ko.

Ayan na naman yung awkwardness. Naging tahimik ang aming paglalakad pabalik sa pinangyarihan ng event. Pagdating namin ngumiti lang sya sa akin at tumango lang din ako saka naglakad na sya papalapit sa mga kaibigan nya.

Hindi ko maalis yung tingin sa kanilang magkakaibigan lalo na sa kay Via habang nagtatawanan sila. Natutuwa talaga ako sa babaeng yon, napaka simple lang nya. Maganda sya pero mas lalo pa syang gumaganda kapag tumatawa O ngumingiti sya.

Kaya hanggang ngayon nagtataka pa rin ako, hindi ko alam kung bakit nakita ko syang umiiyak nung gabing yon. Parang napaka-inosente nya para masaktan at maiwan. Hindi ko man alam ang eksaktong dahilan ng pag-iyak at sakit na nararamdaman nya sigurado ako na sobra syang naapektuhan doon.

Nagulat ako ng biglang may humampas sa braso ko. Muntik na kong mapamura doon ah. "Huy pre baka matunaw si Via nyan kakatitig mo." Pang-aasar ni Jemuel.

Napailing naman ako sa sinabi nya at di maiwasang mapangiti. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya dahil baka maasar pa nya ko lalo. "Sige na balik muna ako sa dorm para magpalit. Kita na lang tayo sa canteen." Pag-iiba ko ng topic.

"Sama na lang kami sayo para sabay sabay na tayong pumunta sa canteen." Suggest ni Giniel. Sumang-ayon naman si Jemuel sa sinabi nito.

"Wag na, magbibihis lang naman ako eh mabilis lang ako." Pigil ko sa kanila.

"Ang arte halika na." Hinila na nila agad ako papunta sa dorm kaya no choice na 'ko.

End of flashback.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan naglakad na kami pabalik sa dorm para magpahinga. Mula sa malayo tanaw namin ang ilang tao na nagstay sa dalampasigan. Halos lahat yata mga lovers. Narinig ko yung mga kasamahan namin na pupunta daw sila do'n mamaya at may mga plano na sila. Kahit sila Giniel nakisali din sa usapan nila, mukhang excited na excited sila. Ako? Magstay lang ako sa dorm magpapahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya ipapahinga ko na lang para bukas may lakas ulit.

Biglang tumunog ang phone ko.

1 new message.

From Miya.

Kamusta na ang bakasyon ni Clinton Jaye? May nahanap ka na bang chicks dyan?

Napailing ako. Kahit kailan talaga 'tong babae na ito. Magrereply na sana ako ng magsalita si Jemuel.

"Clinton Jaye?"

Napatingin ako sa kanya. "Oh bakit may problema ba sa pangalan ko?" Tanong ko sa kanya. Iling at tawa lamang ang naging sagot nya sa akin.

"Clinton Jaye pala buong pangalan mo eh. Edi CJ na lang itatawag ko sayo. Ayos diba!" Sabat naman ni Giniel.

"Dami mong alam. Bahala ka sa buhay mo." Nagdiretso na kami sa paglalakad ni Jemuel habang tumatawa.

Pagdating sa dorm. Nagkanya kanya na kaming gawa. May ibang humiga kaagad siguro napagod din sa event kanina. Yung iba may katawagan sa telepono nila, mga jowa nila siguro yon. Habang ang iba naman may sari-sariling ginagawa na.

Kakatapos ko lang maghilamos at nagpupunas na ako ng buhok ng biglang magring ang cellphone ko.

Miya is Calling...

Lumabas muna ako bago sagutin ang tawag.

"Oh bakit?"

"Aba ang sungit natin ha? Na-istorbo ko ba kayo ng babae mo?" Narinig kong tumawa sya ng malakas. Bwisit talaga.

"Ewan ko sayo tsk."

"Sungit nito. Meron ka ba ngayon? Bakit di mo ko nireplyan kanina? Kinakamusta ka nila tita. Hindi ka man lang nag text masyado kang nag-enjoy dyan."

Nakalimutan ko ng replyan sya kanina dahil sa kakulitan ni Giniel. Siguro kung di sya tumawag makakalimutan kong nagtext sya haha.

"Kakatapos ko lang maligo. Magrereply na sana ako kaso bigla kang tumawag." Deny ko.

"Wala kang maloloko dito Clinton! Ang sabihin mo nakalimutan mo talaga. De-deny ka pa dyan ha!" Wala talaga akong lusot sa babaeng 'to.

"Alam mo na naman pala eh." Natatawa kong sagot. "Pakisabi kay Mama't Papa ayos lang naman ako dito I enjoyed this camp. Bukas ng umaga ang alis namin dito baka tanghali na ako makauwi sa bahay." I added.

"Pasalubong ha!!"

"Sige magdadala ako ng buhangin."

"Tse!! Babye na may date pa kami ni Adrian. Mag-enjoy ka lang dyan, maghanap ka na din ng girlfriend sayang kagwapuhan mo hmp! I love you eww" Magsasalita pa lang sana ako ng patayin nya ang tawag.

Kahit kailan talaga ang hilig patayin agad yung tawag. Hindi man lang ako pinagsalita eh. Papasok na sana ako sa loob ng tawagin ako ni Matthew. Nakasuit and tie pa rin sya at nakasuot pa rin ang sash sa katawan nya. Halatang napagod sya sa pakikipagpicture sa kanya ng mga babae. May ilan din namang nag-pa-picture sa akin kanina kaso kaunti nga lang. Di ko na kasi pinagbigyan yung iba. Masungit ako eh bakit ba. Hindi ako sanay sa mga ganito, di naman kasi ako artista para makipag-picture sila sa akin.

"Congrats, bro" Nakangiti nyang bati halatang proud na proud sya sa pagkapanalo nya. No doubt bakit sya nanalo dahil magaling naman talaga sya. Halatang sanay na sya sa ganitong competition.

"Congrats din." Matipid kong sagot. Di na ako ngumiti dahil wala ako sa mood. Akala nya di ko naalala ang ginawa nya kanina? Tsk.

Pumasok na ako sa loob saka dumeretso sa higaan ko. Pagpasok nya sa loob binati agad sya ng mga kasama namin dahil sa pagkapanalo nya. Nakita kong nagkumpol kumpol sila na para bang may pinag-uusapan.

"Uy Jaye halika sama ka sa amin." Yaya ni Nikko. Tatanggi sana ako dahil antok na antok na ako kaso lahat sila nakatingin sa akin para bang isang maling sagot ko lang mapapatay na ako ng mga titig nila. Wala akong nagawa kun'di makisama sa pinag-uusapan nila.

"Ayan kumpleto na tayo. Nandito na ba lahat ng boys?" Tanong isa naming kasamahan.

"Yung iba nasa labas pa eh. Yung iba nasa CR pa." Sagot ng isa.

"Hintayin natin si Matthew magpapalit lang daw sya ng damit." Suggest ni Nikko.

"Wag na magsimula na tayo."

Teka ano ba gagawin namin? Para kaming mga sindikato ha. Pasasabugin ba namin itong lugar na ito? Ibang dorm yata itong napasukan ko ha. Mga adik ba sila? Napailing ako bigla. Ano ba 'tong naiisip ko para akong tanga.

"Oh bakit?" Nakatingin sila lahat sa akin. May nagawa ba akong mali?

"Ano Jaye, G ka?" Tanong ni Jemuel.

"Ha? Oo sige G ako."

"Yon!! Masaya 'to!"

Teka bakit ako umu-oo? Ano gagawin? Ano meron? Nilapitan ko si Miguel para tanungin. Nag-uusap pa rin sila at nagtatanungan.

"Pre sa'n tayo mamaya?" I asked.

"Sa labas pre mag bonfire tayo masaya yon." Nakangiti nyang sagot.

"Luh kaya na lang inaantok na kasi ako eh." Medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil napatigil sila sa pinag-uusapan nila.

"Hoy pre um-oo ka na kanina eh wala ng bawian yon."

"Oo nga 'tsaka last day na naman natin dito eh. Parang bond na lang natin 'to."

"Wag ka ng KJ pre"

Talagang pinipilit nila akong sumama. Kaya kahit inaantok at wala ako sa mood ngayon. "Sige na nga nakakahiya sa inyo eh." Saka kami nagtawanan na.

"Ikaw pre may natitipuhan ka ba dito sa camp?" Biglang tanong ni Christian.

"Wala eh" Mabilis kong sagot.

"Nako wala daw kaya pala" Pang-aasar nila sa akin. Napakunot noo agad ako. Kaya pala ano?

"Wag mo na itanggi pre halatang may gusto ka eh." Pamimilit nila.

Natawa naman ako. "Gagi wala." Bakit sa akin na napunta ang usapan?

"Ehem Via ehem." Napatingin kami lahat kay Giniel.

Lahat kami natahimik at dahan dahan silang napatingin sa akin. No way.

"Via pala haaAaa. Ayyiieee"

Hindi ko alam kung maiinis O matatawa ako sa mga unggoy na 'to eh.

"Ano naman nagustuhan mo sa kanya?" Tanong naman ni Miguel sa akin. Wtf! Hindi ko nga sya gustoOo.

"Hindi ko nga sya gusto." Natatawa kong sagot.

"Atin atin lang 'to pre wag ka mag-alala." Seryoso pang sabi ni Nikko. Jusko.

Natahimik ako sandali. Hindi ko naman talaga sya gusto eh. Oo, natutuwa ako sa kanya. Maganda sya, ang cute nyang asarin, mukha namang mabait pero di ko sya gusto. Hindi na nga ba?

"Ewan ko sa inyo. Halika na lumabas na tayo." I changed the topic. Di ako komportable eh. My heart suddenly beat faster and I don't know why.

Tahimik lang akong naglalakad papunta sa dalampasigan. Nang makarating kami dito balak namin kami kami lang pero nakita namin sila Abby na walang bonfire. Kaya naisip nila na gawan sila. Dalawang bonfire ang ginawa nila. Isa sa mga boys at kanila Abby.

Nilibot ko ang paningin ko parang wala yata sya.

"Hinahanap mo sya 'no?" Napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko. Si Jemuel lang pala.

I smirk. "Bakit ko naman hahanapin si Via? Alam mo kanina—" Napatigil ako sa pagsasalita.

Tumawa ng malakas si Jemuel. Napasabunot ako sa buhok ko nakakaasar. "H-hoy pwede ba tigilan mo ko"

"Pre wag ka kabahan napaghahalataan ka eh." Di pa rin sya tumitigil sa pagtawa.

Sinipa ko sya sa tuhod. "Dun ka na nga bwisit!!"

"Wag ka mag-alala pre suportado ka namin." Sabay kindat.

"Gago." Tuluyan na syang umalis.

Tumulong na din ako sa pagset para matapos na din.

"Nandun bebe mo oh" Turo ni Nikko gamit ang nguso nito.

Nasa dagat sila malapit kasama nya Sam. Tsk sigurado nag-eemote lang yon. Narinig naming tinawag na ni Lance yung dalawa dahil tapos na naming magawa ang bonfire.

Yung ibang boys sa kabila habang kami dito sasama kanila Lance. Masyado kasi kaming marami kung nasa iisang bonfire lang kami. Halata sa mukha nila ang excitement habang papalapit sila.

"Sino nagset nito?" Tanong ni Via.

"Yung mga boys." Turo ni Lara sa amin. Paglingon ni Via halatang nagulat sya. Hindi nya siguro ine-expect.

"Hi Via." Nagulat ako sa pagbati nila at halatang nang-aasar pa base sa boses nila. Mga unggoy talaga.

Lumapit na sila kanila Abby habang ako naiwan sa p'westo ko. Di ko mapigilang mapangiti habang nakatingin kay Via. I smirk ng inirapan nya ako.

"Mabuti naisipan nyong lumabas last day pa naman natin ngayon sa camp." Sabi nya paglapit sa akin.

"Hindi naman na talaga dapat ako lalabas, pinilit lang naman ako nung mga unggoy na yon." Nakangisi kong sabi.

"Arte mo." Tumawa lang kami sa isa't isa.

"Aalis na tayo dito baka namiss mo 'ko." Pang-aasar nya. Wow. Asaran pala ha sige.

I smirk. "Bakit naman kita mamimiss kung magkikita pa naman tayo pagkatapos nito, aber?" Nakatitig kong tanong sa kanya.

Biglang nawala yung ngisi ko dahil sa pagtitig nya rin sa akin. B-bakit biglang bumilis tibok ng puso—

"A-anong ibig mong sabihin?"

Bigla akong natauhan. Kaya para di nya mahalata tumawa ako ng parang nang-aasar saka nya hinampas ang braso ko. "Hoy ano nga 'yon?" Kahit kailan talaga ang cute nyang asarin.

"Wala 'yon." Sagot ko. Sinamaaan nya ako ng tingin pero binalewala ko yon dahil tinawag na kami ni Giniel.

Maglalakad na sana ako ng biglang magtanong sya. "CJ? Bakit CJ ang tawag sayo nung kaibigan mo?"

"Ewan ko ba dun kay Giniel daming alam. Clinton Jaye kasi ang tunay kong pangalan, CJ for short." Paliwanag ko.

Nakabilog na sila ng upo. Sinamaan ko ng tingin sila Giniel dahil sinadya nila na ganito ang p'westo para magkatabi kami ni Via. Wala na akong nagawa kun'di ang umupo katabi ni Nikko. Sa kaliwa ko naman umupo si Via na katabi naman ni Sam.

Ang init sa katawan ang sarap sa pakiramdam. May dala pa silang pagkain katulad ng hotdog at marshmallow na pwedeng iinit namin sa apoy. Ayos 'to ha.

"So ano na gagawin natin ngayon?" Tanong ni Ella habang nag-iinit sya ng marshmallow.

"Edi kumain di ba obvious." Pilosopong sagot ni Giniel.

"Alam mo kanina ka pa epal ka hmp!" Inis na sagot ni Ella.

"Nako baka kayo magkatuluyan nyan ha." Natatawang sabi ni Lara.

"Dyan nagsimula lolo't lola ko." Sabat naman ni Miguel. At nagtawanan na lang kami.

"Magtanungan na lang tayo." Suggest ni Sam.

"Ha?" Sabay sabay naming tanong.

"Parang FAQ. Frequently Asked Questions. Bawat isa sa atin magbibigay ng tanong tapos lahat kailangang sumagot. Kapag hindi nakasagot may consequence. Ano, deal?" She explained.

"FAQ Ganern." Sagot ni Lance.

Lahat sila excited ako lang yata hindi :<

"Ako unang magtatanong." Halatang excited si Lara.

"Ayusin mo tanong mo hoy." Masungit na sabi ni Jemuel.

"Oo tse." Kinabahan tuloy ako. "Here's the first question." Lahat kami napatigil para marinig ang magiging tanong nya. "Anong status ng puso nyo ngayon? Single, Taken, or Complicated? And why?"

"Luh ba't ang daming tanong isa nga lang daw eh." Reklamo ni Nikko.

"Ang arte ha sagutin nyo na." Pamimilit ni Lara.

Lahat kami biglang tumahimik. Walang gustong mauna. Mukhang pinag-iisipan talaga nila yung sagot. Hindi naman mahirap yung tanong ha. Status ng puso, single. And why, kasi—Kasi torpe? Pinaasa? Umasa? Ang hirap ngang sagutin.

Biglang nagtaas ng kamay si Ella. "Ako na mauunang sumagot." Nakangiti nyang sabi.

Nakangiti sya pero bakas sa mga mata nya ang lungkot. Lahat kami naghihintay ng magiging sagot nya.

"Status ng puso ko? Hmm Muntikan ng maging taken, kung pareho lang kaming sumugal. Komplikado kasi eh ewan ko ba masyado kaming nakulong sa what if's namin." Nakangiti nyang sagot. Tahimik lang kaming lahat. Napatigil kami sa pagpapainit ng pagkain.

Parang mali yata yung naging laro namin ha.

"Okay next."

Para di mahirapan sunod sunod na lang ang pagsagot. Sumunod si Lance na nasa kanan ni Ella. "Ako naman broken. Kakabreak lang kasi namin ng jowa ko." Sagot nya.

"May jowa ka pala" Sabat ni Giniel.

"Hindi ba obvious? Ganda ko 'no!" Sagot ng Lance.

"Sana all." Malungkot na sagot ni Giniel.

"Bakit wala pa bang nagkakamali sayo?" Tanong ni Lara.

"Wala pa nga eh." Natatawang sagot nya. At tumawa na rin kami.

Kahit papaano medyo gumaan ang usapan namin. Nagpatuloy pa rin ang pagsagot namin. Sumunod na sumagot si Abby. Single daw sya dahil wala pang nanliligaw sa kanya.

"Bagay kayo ni Giniel, kayo na lang kaya?" Suggest ni Jemuel.

"Ayoko nga."

"Eww"

Tawanan kami bigla dahil sa sagot nilang dalawa. Sabay pa silang tumanggi.

"Oy wag kayong ganyan baka magselos si Ella." Bigla kong sabi.

"Ako na naman nakita nyo!!" Gagalit na si Ella. Hahahahaha.

Bago pa kung saan mapunta ang usapan sumagot na din si Sam. "Ako na. Single na 'ko whooo!! Bakit? Eh gago yung ex ko eh. Sa ganda kong 'to niloko pa ako? Tapos ngayon makikipagbalikan sya tsk manigas sya." Mahaba nyang sagot.

"Palaban si ate mong girl." Komento ni Lara.

"Oh tahimik na si Via na ang sasagot." Biglang sabat ni Nikko.

Oo nga pala pagkatapos ni Via ako na ang susunod, anong sasabihin ko? Napatingin ako kay Via. Ngayon malalaman ko na kung anong estado ng puso nya. Malalaman ko na kung bakit ko sya nakitang umiiyak.

Ngumiti sya. Pilit na ngiti. "Actually kakabreak lang namin ng boyfriend ko nung isang araw." Natahimik kami lahat sa sagot nya. Kaya pala.

"Why? Hindi na nya daw ako mahal. He fell out of love. Ewan ko ba dun, 2 years kaming magkarelasyon tapos biglang ganon? Biglang wala ng nararamdaman. Ang sakit lang." Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko pero hinawakan ko ang kamay nya. Nagkatinginan kami saka ko sya nginitian.

Hindi madali ang pinagdadaan nya lalo na't kakagaling lang pala nya sa break up. Ngayon naiintindihan ko na.

"Ako naman." Tumingin ako sa kanila. "I'm single. Single kasi hindi sumugal. Single kasi takot masaktan, baka kasi hindi pareho yung aming nararamdaman." Nakangiti kong sagot.

Tahimik lang sila. Naramdaman kong tinap ni Via ang kamay ko gamit ang kaliwa nyang kamay dahil hindi ko pa rin binibitawan ng kanang kamay nya. She smile to me.

Sa tingin ko, magiging madrama ang gabing ito. Good luck sa mga pusong sawi.


Enjoy Reading!!!

Continue Reading

You'll Also Like

533 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
157K 8.3K 43
Paasa ba talaga siya? o sadyang assuming lang ako?
7.3K 244 87
"Gusto ko ako lang gusto."