Series of Shadows: The Battle...

By SaBahayNiNanay

8.3K 508 81

In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusu... More

Dedication
Backtrack: Series Of Shadows The Book of Dawn Devour
Mission One: Semestral Break
Mission Two: The Date
Mission Three: Xynan, Athan and Radcliffe
Mission Four: The Day of Birth
Mission Five: Ivan Devour
Mission Six: Aquinox
Mission Seven: Abilities
Mission Eight: Killing Spree
Mission Nine: Reverted Time
Mission Ten: Verden
Mission Twelve: Seiya and Marina
Mission Thirteen: Rest
Mission Fourteen: The Plan For Mass Murder
Mission Fifteen: Braganza
Mission Sixteen: Ohiro
Mission Seventeen: Messed Up
Mission Eighteen: The Gate Keepers
Mission Nineteen: Finally Settled
Mission Twenty: Ashley
Mission Twenty Point Five: Answer
Side Story One: Iya Valkerie Fontanilla Monteverde
Side Story Two: The Plan For Marina Devour's Death
Side Story Three: Rafaelo Kashmir And Dawn Devour
Epilogue
Introduction To Book Three: Khalifa
About The Authors

Mission Eleven: Hamayana

237 15 3
By SaBahayNiNanay

Mabilis na sumakay mula sa isang black na BMW ang leader ng Hamayana. Pupunta muna siya sa mansyon ng mga Hamayana at ipapatawag nya lahat ng mga magagaling na myembro ng kanilang mga angkan. Sumunod sa kanya ang kanang kamay na si Clifford.

Clifford was a tall guy. Nasa 5'8" ang height nito at maganda ang pangangatawan. His eyes and his hair are dark brown. Moreno siya. Sa itsura nya, lagi syang napagkakamalang model.

"Natawagan mo na ba sila?" tanong ni Mohana. Nasa tabi nito noon si Clifford sa back seat ng sasakyan. May kasama silang driver.

Katatapos lang ng tawag nya noon sa mga myembrong ipinatawag ni Yadir.

"Opo. Nakausap ko na sila. Pupunta na sila sa Mansyon ngayon."

"Sya nga pala, maghanda ka rin Clifford. Kung nagawa nilang patayin ang mga taong pinadala natin, iisa lang ang ibig sabihin non." sabi ng leader ng Leonza. "Masyado natin silang minaliit."

Hindi sumagot ang kasamang lalaki. Nakatingin lang ito sa labas.

As usual, lumitaw si Seiya sa bahay ng mga Devour via teleportation. Nadatnan nya ang lola ng kambal na nasa library. Nagbabasa ito ng libro. May  nakatabi ring isang malaking mapa sa mesa nito. Mukhang may hinahanap ito.

"Lola," sabi niya. "They need some help."

Napatingin sa kanya ang matanda.

"What do they need iho? Wala pang dalawang  oras nang mawala kayo ni Marina."

"They are looking for some clan. Do you know the Verden?"

"Verden?" takang tanong ni Donya Milagros. "Let me look for them. Give me some time."

"But they don't have time, Lola. Tyler's been back to his old self."

"What do you mean old self?" tanong ng matanda.

"Ah. Sorry. What I meant was, he's back to his younger self. And he told me he's beginning to forget details, his parents, his friends." paliwanag ni Seiya. Lumapit sa kanya ang binata. Nakihanap din ito sa mapa na nakalapag sa mesa.

Huminga ng malalim si Donya Milagros. "Then, you should go back. I'll look for the exact location of that clan. Bring this with you."

May iniabot na isang papel na walang sulat ang matandang babae sa kanya. "Once I find them, their location will be written in this paper. For now, make sure that Asty and Tyler won't get hurt. It's possible that they forget even their magic."

Tumango lang si Seiya. Pagkakuha ng papel, he vanished.

Napasigaw sina Vyolene, Leeone, at Zach nang biglang sumulpot si Seiya sa loob ng van. Nakaupo ito sa lap ni Marina na wala pa ring expression sa mukha.

"Sorry." sabi ng natatawang lalaki. Nagmove naman si Throwa para makaupo si Seiya. Umupo naman ang lalaki sa tabi nilang dalawa ni Marina.

"You frightened them." sabi ni Marina.

"Sorry, girls." baling ni Seiya sa grupo nila Marina. "But I thought you have one member who can teleport right? Isn't he doing this?"

"He hasn't done teleportation inside the van." sabi ni Throwa.

Tumango naman si Seiya. Ginulo nito ang buhok niya.

"You're as grand as ever, Seiya." sabi ni Asty na nasa tabi ni Carlos, sa passenger's seat.

Napatingin si Seiya sa pinsan na nasa harapan. "Oh you're here! And you didn't change!"

Alam ni Asty kung ano ang sinasabi ni Seiya. Pagkakita niya kanina kay Tyler, hindi niya inaasahan na makikita niya ang kakambal, his 10 year old self. Pero hindi siya nagsalita. He just knew that everything is changing in a fast pace. And he wouldn't be surprised if maging ganon rin siya, bumalik sa batang version niya.

Flashback.

Pagpunta ni Asty sa direction ng van kasama si Throwa at Xynan, agad nyang nakita si Marina. She's seated at the front seat, kung saan din nakaupo si Throwa. He immediately thought na pinadala si Marina ng lola nila. He knew very well that his lola knows what's happening to them. She's doing the Scrying to monitor them. Scrying is using objects and view distant events or persons.

The girl (Marina) looked at him, as if she didn't care. Matapos siyang tingnan nito, binaling na nito ang tingin sa labas ng van. She avoided his stare.

'Asty,' tawag sa kanya ni Tyler sa telepathy.

Pagtingin niya sa kakambal, hindi siya makapaniwala na bumalik ito sa 10 year old version nila, pero hindi siya nagpahalata. 'So this is one of the effects, huh.' sagot niya sa kapatid.

'Yeah, and I'm starting to forget everything. Wala pa bang nangyayari sayo? Like you can't use magic or whatsoever?'

'None so far.'

Of course he lied. Nagsimula na rin siyang makalimot pero hindi niya pinapansin. Focusing on that problem won't help them.

"Why are you here?" tanong ni Asty. "Are you with Marina?"

"They didn't tell you?" tanong ni Seiya. "Yeah, I'm with her. Lola called us. She told us you need help. So here I am. Reed wanted to come, but apparently, he can't." sagot ni Seiya. "Anyway, Lola will try to find that clan. So here." Iniabot ni Seiya ang papel kay Throwa. "One she finds them, their location will be written there."

"Thanks Seiya." sabi ni Throwa.

"By the way, Seiya," sabi ni Tyler na nasa likuran nakaupo, "I didn't know you can teleport."

"Oh, I can. But I don't use it. It's better when I travel by plane. Also, I only use magic when needed. Or when I'm provoked."

"Gano ka naman kalakas?" tanong ni Xynan.

Napalingon si Seiya. "Who are you?"

"Ako lang naman ang marunong magteleport dito." pagyayabang ni Xynan. "Ako lang ang inaasahan nila sa mga ganitong pagkakataon."

Seryosong nakatingin sa kanya si Seiya. Matagal ito bago nagsalita. "I didn't understand. What did he say?" tanong ni Seiya. "I only got the teleport part."

Tawang-tawa naman sina Radcliffe at Athan.  Tiningnan ng masama ni Xynan ang dalawa. 'Imbes na kampihan ako nitong dalawa, sila pa ang nauna tumawa.'

"Don't mind him. He just talks non-sense." sabi ni Hyna.

Pagdating sa mansyon ng mga Hamayana ang kanilang leader. May limang lalaki na ang naghihintay sa kanila sa tanggapan ng leader nila. Malaki ang mansyon ng kanilang leader. The house one of the grandest sa subdivision na yon. Mayroong apat na palapag ang bahay. May sarili itong malaking library, sinehan at isang auditorium. The house was very modern. Maraming nakainstall na CCTV at mga security features. Biometrics na rin ang gamit sa bahay na yon para makapasok.

Tumuloy si Yadir sa kanyang tanggapan. Sinabihan kasi sila ng mayordoma ng bahay na naghihintay ang kanilang mga bisita sa library ng bahay na yon. Sumunod lang si Clifford sa leader nila.

Pagbukas ng pinto, nakita na nila ang limang lalaking kinausap niya sa telepono kanina. Sila ang grupo ng mga magaling gumamit ng dark magic combined with elements.

"Mabuti at nakadating kayo." sabi ni Yadir. Umupo ito sa kanyang mesa sa di kalayuan. Napapalibutan sila ng iba-ibang istante ng mga makabago at lumang libro. Busy sa pagbabasa ang dalawa sa limang lalaki na naroroon.

"Our parents doesn't want us to join you actually.." sabi ng isa sa kanila. Mukhang seryoso ang lalaking yon. Clean cut ang buhok nya na may kulay red. Mukhang sasali ito sa anime cosplay. Yon ay si Marc Hamayana. "Hindi nila kami gustong makigulo kay Dawn Devour."

"Ano bang plano ng Aquinox? Bakit yung grupo na naghahanap sa Verden ang haharapin namin? Bakit hindi na lang si Dawn?" matapang na suggest ng isa pa sa kanila. Ibinagsak nito ang katawan sa upuan na nasa di kalayuan.

"Kapag nahanap nila ang Verden, maaaring mawala tayong lahat, Red." sagot ni Leader ng Hamayana. "Alam nyo bang nasa aklat ng ating mga ninuno, na kung hindi nawala si Dawn sa panahong yon, mamamatay ang ating buong angkan?"

"Bakit ba takot na takot ang mga tao sa angkan niya?" tanong naman ng isa pa. Umupo sa isang upuan na nakaharap sa mesa ang lalaking yon. He's got glasses. Ang lalaking yon ay si Bryan Hamayana.

"Makakaharap nyo rin siya. Yun eh kung magtagumpay tayo laban sa grupo ng mga naghahanap sa Verden. Kapag nawala ang grupong yon, pwede na nating harapin ng diretso si Dawn." sagot ni Yadir.

"Nasaan ba si Dawn ngayon?" tanong pa ng isa. He's got a weird aura. Para itong laging nagluluksa. It was Viince Hamayana.

"Ang huling balita sa Aquinox ay iniisa-isa na ni Dawn ang angkan ng Aquinox. Kaya hindi sila makakatulong  sa atin. If they all die at the hands of that Devour, pagkakataon na ng ating angkan na mamuno sa ating komunidad." He's referring to the warlocks and witches, na kagaya nila.

"Paano namin mapupuntahan ang grupong yon?" tanong pa ng isa. Siya si Loel Hamayana, mukhang bata ito sa edad niya. Sya rin ang pinakamaliit sa limang lalaking naroroon, subalit bakas sa mukha nito ang kakisigan.

"Sasamahan kayo ni Clifford. He can locate that group."

"Sumunod kayo sa kin." biglang sabi ni Clifford. Tumungo ito sa pinto.

"Clifford." Tawag sa kanya ng leader ng Hamayana bago sila umalis. "Kapag naramdaman kong nasa peligro kayo, pupuntahan ko kayo. Don't get killed. Son."

Biglang tumigil na naman ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada. Nauntog pa si Xynan mula sa upuan niya. Kaya nagreklamo na naman ito.

"Ano na naman ba to?" reklamo ni Xynan. "Kanina pa tayo patigil-tigil! Pwede bang i-teleport ko na tong van? Masyado na nila tayong inaabala. Nakakabwisit na pero since magaling naman ako, sabihin nyo lang at tatakasan na natin yang mga yan!"

"Talagang kailangan mong isingit na magaling ka?" hirit ni Yhaen. "Eh kung tadyakan ko kaya yang mukha mo!"

Hindi siya pinansin ni Xynan.

"Saka hindi ka ba nakikinig sa usapan earlier? Di ba sabi ni Throwa, kapag nagteleport tayo doon at hindi nila tayo kakilala, maaaring magpatayan ang Devour at ang Verden clan." sabi ni Carlos.

"Oo nga no." sabi ni Xynan. "Sorry."

"Parang pang-five minutes lang ang memory mo no?" sabi ni Hyna. "Kanina lang yun sinabi ni Throwa ah."

"Guys, wag nyo namang pagtulungan si Xynan." Hirit ni Vyolene. "Baka madali lang talaga siyang makalimot."

"Thanks Vyolene!" sabi ni Xynan. "Ikaw lang talaga ang kakampi ko dito!"

Hindi sumagot si Vyolene. 'Hindi naman ganon ang point ko. Masyado lang akong naaawa kasi lagi na lang siyang tinatabla. Kawawa naman.'

Inis na inis na rin si Tyler. Kanina pa sila bumibyahe pero hindi sila makarating-rating sa pupuntahan nila dahil na rin sa biglang pagsulpot ng mga kalaban nila.

Napatingin si Asty kay Carlos. There were no people on the road with them. Kahit mga sasakyan ay wala. He felt Carlos is sensing something again.

"New enemies?" tanong nya.

"It seem's this time it will be different, Asty." sabi ni Carlos. "They are stronger than the one's we just met."

Maya-maya ay nagsalita din si Lee. Katulad ng dati noong napredict nya na kakalabanin nila si Asty, his eyes turned white. "Galing sila sa clan ng Hamayana. Anim sila. And you won't be able to use your magic, Asty. You have to be careful."

Ilang minuto lang, something fell into the van's roof. Katulad yon ng pagbagsak nila Asty kanina.

"Now what?!" sabi ni Xynan.

"They're here."

Yun lang ang sinabi ni Carlos. Pagtingin nila sa katapat nila, ilang metro ang layo sa van, there were 5 men. They instantly knew that the other one, is at the van's roof.

"Kayo na ang bahala dyan." sabi ni Asty.

Napatingin si Carlos sa katabi. "Are you serious?"

Nakatingin lang si Asty sa kamay niya. He can't let them know na nagsisimula na niyang makalimutan ang mga mahikang natutunan nya from the book of Dawn. Malamang ay kapag sinabi niya sa mga ito, mag-aalala pa ang grupo nila, lalo na si Throwa.

"I don't like to fight with them."

"Okay. Dito ka na lang muna sa sasakyan. Kami na ang bahala sa limang yan." sabi ni Carlos.

Bumaba ang mga myembro ng Shadows at ng Pegasus mula sa sasakyan. The man in the roof is like an anime character out of the television. Clean cut ang buhok nya na may kulay red. Then his body was lifted in the air. Para itong lumilipad. Pumunta ito sa side ng limang lalaki na nasa harapan ng van nila.

"Bakit ba kayo nakikigulo?" tanong ni Carlos.

"Simple lang. Dahil mga Devour kayo." sagot ng isa sa lima. The one with glasses.

"Gaganti kami sa ginawa ni Dawn Devour sa angkan namin. Isa pa, masaya siguro ang mundo ng mahika kung mawawala ang salot na mga Devour." seryosong sagot ng lalaking mukhang idol yata si L ng Death Note. Mukha itong hindi masaya sa buhay niya.

"Hoy L, ayaw kitang labanan ha! Baka marealize mong mas magaling ako." singit ni Xynan.

"Grabe rin itong isang to ano, maisingit lang talaga ang pagyayabang niya, kahit sa kalaban pa sabihin, wala siyang pakialam." bulong ni Zach kay Leeone.

Tumango lang si Leeone bilang pagsang-ayon.

Umandar naman ang sasakyan nila Carlos. Asty sent them the message via telepathy.

'Ilalayo ko lang ang van sa laban nyo. Let me rest.'

"Sino yon?" biglang tanong ni Xynan. "Sinong nagsalita?"

"Hindi mo ba kilala yung boses ni Asty?" inis na tanong ni Xavier.

"Si Asty ba yung nagsalita? Pano nangyari yon eh ang layo na nung van?"

Throwa rolled up her eyes. 'Bakit ba sinama-sama pa namin tong isa?  Hindi ko malaman kung maaawa ako sa kanya kapag inaapi siya ng grupo o mabwibwisit ako sa mga tanong niya.'

 

Hindi sila nakapaghanda sa atake na ginawa ng lalaking nakasalamin. Ikinumpas nito ang kamay niya at bigla may isang malakas na hangin ang dumating, tumama sa kanila ang pwersa ng hangin na yon at tumilapon sila. Buti na lang at mabilis si Xynan na nakapagteleport, nasalo niya kahit papano si Vyolene.

Nang maibaba niya ang babae mula sa pagkakahawak niya, ang lawak ng ngiti nito. Hindi tuloy malaman ni Vyolene kung matatakot sya sa mga kalaban nila o matatakot sya kay Xynan.

Hindi na naman sila makakilos. And they knew very well kung anong klase ng kapangyarihan ang gamit ng isa sa anim na kalaban na nasa harapan nila ngayon. May isa sa mga ito ang gumagamit ng Kinesis.

"Elemental magic ang gamit nung isa sa kanila." sabi ni Throwa. Katabi niya noon si Hyna na pabangon din mula sa pagkakatilapon nila kanina. Buti na lang at hindi sila apektado ng kinesis na ginagamit ng kalaban nila. Napatingin sila sa mga kasama, hindi makakilos sina Lee, Vyolene, Xynan, Carlos, at Yhaen. Halos pabangon naman na sina Xavier, Zach, Leeone, Radcliffe at Athan. Mabilis din niyang hinanap si Tyler. He's nowhere to be found. Kinabahan sya.

"Nasan si Tyler, Hyna? Nakita mo ba siya?"

"I think hindi siya bumaba sa sasakyan, he's burning kanina. Parang inaapoy siya ng lagnat.

Napatingin si Asty sa likuran ng van. Hindi pala bumaba sina Marina at Seiya sa sasakyan. Nakatingin lang sila sa labanan ilang metro mula sa pwesto nila. Buti na lang at walang dumadaan na sasakyan kaya walang makakapigil sa labanan nila sa kalsada. At the side of the road was a blank land na may mangilan-ngilang puno. Kalat-kalat ang Shadows at ang Pegasus.

"Are you not going to help them?" tanong niya kila Marina at Seiya.

Umiling si Seiya. "It's more fun watching than fighting." sabi nito na nakangiti. "I don't think Marina and I are needed. Throwa is fighting isn't she?"

Hindi naman nagsalita si Marina. She's just staring at Throwa. 'Let's see what you can do, Throwa.'

Napalingon si Seiya sa pwesto ni Tyler. Tyler was sleeping pero pinagpapawisan ito. Mabigat din ang mga hininga nito as if nahihirapan.

"Tyler is not okay." sabi ni Seiya. "We should really hurry, Asty."

"I know."

"Mahihirapan tayong sumugod kung gumagamit sila ng elements." sabi ni Hyna kay Throwa. Throwa raised her arms, nakagawa na siya ng invisible shield bago pa tumama ang tira na hangin ng lalaking nakasalamin. Napaurong sa pagkakatayo sina Hyna at Throwa pero hindi na sila tumilapon sa malayo.

"Puntahan mo sila Carlos, kailangang mapakawalan mo sila sa kinesis nung kung sino man sa anim na kalaban natin Hyna. I'll protect the others." sabi ni Throwa.

Tumango naman si Hyna. Mabilis siyang tumakbo patungo kila Carlos.

"Jinhae." bulong ni Hyna. (Hangin)

Isang lubid ng hangin ang biglang lumitaw mula sa kamay niya. Inihagis niya ang hangin na yon sa pwesto nila Carlos. Pumulupot ang mga lubid na yon sa katawan mga kasama niya. Nang hilain niya ang mga ito, parang lumilipad sila Carlos na bumagsak sa di kalayuan. Narinig niyang sumigaw si Vyolene.

"Mapapatay kita Hyna!" galit na singhal ni Vyolene sa kanya.

Natawa lang si Hyna. "Erif kan Dal." (Fire)

Mabilis na gumapang ang apoy mula sa kinatatayuan niya papunta sa anim na lalaking kalaban niya. Ngunit nang mapadako ang apoy sa pwesto ng mga lalaking yon, unti-unting umagos ang tubig papunta sa apoy. Nagkaron ng hamog dahil na rin sa humidity na naging  outcome ng paghalo ng apoy at ng tubig. It's almost as they couldn't see what's going to happen.

Nagulat si Hyna nang biglang palapit na sa kanya ang isa sa anim na lalaki. It was the man na mukhang model. The one na moreno. His hand had fire in it. Hindi makakaiwas si Hyna. Kapag tumama ang kamay na yon ng kalaban niya, who knows, baka matusta siya.

Out of nowhere biglang lumitaw si Throwa sa harapan niya. Bago siya tamaan ng nagbabagang kamay ng lalaking yon, hawak-hawak ni Throwa ang nagliliyab nitong kamay, pero hindi man lang ito nasaktan. Itinapat ni Throwa ang kamay nya sa dibdib ng lalaking yon. May parang malakas na hangin ang nagtulak sa lalaking yon palayo sa kanila. Matapos non at tumilapon ito sa malayo.

Nang nakatayo si Radcliffe, mabilis din siyang kumilos. Kasabay niyang kumilos si Athan na nagliliyab na rin ang kanan at kaliwa niyang mga kamay.

Bawat daanan ni Radcliffe ay nagiging yelo, lalo na sa bahaging nalagyan ng tubig kanina dahil sa pag-atake ng mga kalaban nila.  Samantalang ang bawat daanan naman ni Athan ay nagkakaron ng marka. Siguradong kapag natamaan o nabunggo nila si Athan, magkakaron sila ng mga 3rd degree burns.

Hindi pa sila nakakalayo mula sa kinabagsakan, hinarap sila ng lalaking may kontrol ng hangin.

Radcliffe created a big wall of ICE para hindi sila tamaan ng mga  tira ng lalaking yon na may kontrol ng hangin. Para lang itong may pinipitik sa hangin matapos non ay makakaramdam sila ng sobrang sakit sa mga katawan nila. At dahil, malakas ang ulan, at hindi siya masyadong makaconcentrate sa paggawa ng harang, may mga atake ang lalaking yon ay tumatama sa kanila ni Athan. Napangiwi siya ng matamaan siya sa bahaging tyan. Para siyang timaan ng paint ball na wala siyang protection sa katawan.

"Kailangan mong tirahin yung kalaban natin ng apoy Athan. Hindi ba't mas malakas ang apoy kung may hangin?" tanong ni Radcliffe sa kanya.

"Gagawan kita ng harang, tiyakin mo lang na tatamaan siya." dagdag ni Radcliffe.

Tumango si Athan. Kumilos na ito, palayo sa kanya.

Kung hindi nila matatalo ang lalaking yon, maaaring ngayon nila kailangan si Asty at si Tyler.

"Carlos, I'll protect you. Kung ano man yung ginawa mo don sa kalaban natin nung nakaraan, gawin mo na sa mga kalaban natin." sabi ni Lee. Nakatayo na ito katabi si Carlos. Hindi naman sila masyadong nasaktan sa ginawa sa kanila ni Hyna. Who would've expected na bigla siyang itatapon ni Hyna sa malayo para lang makawala sila sa kinesis nung kalaban nila.

"Sige." sagot ni Carlos. "Yhaen, tulungan mo sila Xavier."

Tumango lang si Yhaen. Mabilis din itong tumakbo papunta kila Xavier, dahil may isa sa anim na lalaki ang umaatake sa grupo nila. May harang na ginawa si Leeone, ngunit malapit na itong bumigay. The man who looked like L is using lightning to penetrate the shield that is protecting them.

Lee raised his both hands na hanggang dibdib niya. Unti-unting lumiwanag sa paligid nila Carlos habang si Carlos, naghanap na sa anim na kalaban nila ang pwede niyang i-manipulate.

Patayo na si Clifford mula sa pagkakatilapon niya gamit ang kapangyarihan ng babaeng humarang sa kanya kanina. The one with strong eyes and long wavy hair. At that moment, alam niyang defense ang kapangyarihan ng babaeng yon. Maaaring galing siya sa Kashmir clan. Kung ganon ay hindi sila maaaring magsawalang-bahala. Hindi nila alam kung alin sa mga kalaban nila ang Devour o hindi, at kung sino sa mga kalaban nila ngayon ang kabilang sa Kashmir o hindi.

Nang mapatingin siya sa mga kasama, Vince is attacking a group of girls na under sa isang shield. Unti-unti nang bumibigay ang protection ng mga babae yon at kapag nagtagumpay si Vince, maaaring maparalisa ang grupong yon. Hindi makalabas sa shield ang iba pang kasamahan ng mga kalaban nila dahil kumakalat ang kapangyarihan ni Vince. Kapag lumabas sila, maaaring ikamatay nila ang mataas na boltahe ng kuryente na lumalabas mula sa palad at kamay ni Vince.

Isa na lang ang paraan na alam niya para mapabilis ang laban nila sa grupong yon. Kailangan na niyang gumamit ng dark magic kahit pa mapatay niya ang mga hindi ka-myembro ng Devour o ng Kashmir. Ibinuka niya ang kanyang kanang kamay. May itim na ilaw ang lumabas doon.

Sinuwerte sila Radcliffe sa laban nila sa lalaking may kontrol ng hangin. Nang tumakbo si Athan palapit sa pwesto ng lalaking yon, nagpakawala ng isang malakas na apoy si Athan patungo sa pwesto ng kalaban nila. As expected, the man reacted and called the wind to his defense. Yun nga lang, dahil mas lumakas ang apoy ni Athan dahil na rin sa hangin na ginawa ng lalaking yon, mabilis nalamon ng apoy ang kalaban nila.

Hinarang ni Loel Hamayana ang dalawang lalaki na papunta sa pwesto ni Vince. Sila ang nakalaban ni Bryan kanina. As expected natalo ng dalawang yon si Bryan. Hindi naman kasi talaga sanay sa labanan ang pinsan nila. The other one was using ice. The other one was using Fire. He smiled. 'They are very interesting, considering na magkalaban ang elemento nila.'

All he had to do is touch those two. Hindi ba't sabi nga nila ay gawa ang katawan ng tao, 75% water. Kapag namanipulate niya ang tubig sa katawan ng dalawang kalaban niya, siguradong hindi magtatagal ang laban at mananalo siya.

Loel closed his eyes. Unti-unti ring humangin ng malakas, as if may paparating na bagyo. Napating sa kanyang direction ang lahat. Natigilan din pati ang dalawang lalaki na may kapangyarihang apoy at yelo. Nang magmulat ang mata niya, umulan ng malakas. Itinaas niya ang kanyang kamay, na halos tapat sa dibdib niya. May unti-unting nabuo sa kamay niya. It was a ball of water, na halos kasinglaki ng baseball. Out of the small baseball sized water, may mga malilit pang bola ng tubig. When he said "Go", parang bala ng baril na kumawala ang mga malilit na bola ng tubig at inaatake ang mga kalaban nila.

Basang-basa na sila. Hindi pa rin tumitigil ang ulan na ginawa ng pinakabatang kalaban nila. At hindi pa rin tumitigil ang water gun shots na pinapakawalan nito. Napansin niyang palapit si Yhaen sa pwesto ng lalaking yon. Parang hindi nito iniinda ang mga tira na tumatama sa katawan niya. Kaya laking gulat niya nang biglang suntukin ni Yhaen ang lalaking yon. Bumagsak ito sa lupa. Pansamantalang tumigil ang atake ng gun shots nila, pero hindi ang ulan. Nang titirahin uli ng lalaking yon si Yhaen, isang harang na gawa sa apoy ang sumalo sa tira ng kalaban nila. Napatingin si Yhaen sa kasama, mukhang nakabawi na si Athan. Gumawa ito ng malaking apoy. He manipulated the fire in his hands at sumugod ang apoy na yon papunta sa lalaking may kontrol ng tubig.

Lahat sila ay nakaramdam ng alinsangan at init kahit umuulan. Marahil ay dahil yon sa kapangyarihan ni Athan. Natigilan sila nang biglang may kumapit sa kanilang mga dibdib na isang chain na kulay itim. Kagaya yon ng ginamit ni Asty sa pagpatay sa nakalaban nila.

"Shit." Tanging sambit ni Yhaen.

Hindi sila agad nakakilos. Ang lalaking mukhang modelo ang may hawak ng chain na nakatali sa mga dibdib nila. Throwa, Hyna, Carlos and Lee are exempted.

"Kung ako sa inyong tatlo, hindi muna ako kikilos." sabi nito sa kanila. "Hawak ko ang buhay ng mga kasama nyo."

Hindi sumagot si Throwa. Alam niyang isang maling hakbang niya, maaaring mamatay ang mga kasama niya. Natahimik ang grupo nila. Dahil takot ang iba sa kanila dahil ito ang unang beses na mangyayari sa kanila iyon.

"Ang mabuti pa, ibigay nyo na lang sa amin ang mga Devour na kasama nyo." sabi pa nito.

Hindi sila agad nakapagsalita. Nagulat na lang sila nang biglang sumulpot si Xynan at si Vyolene sa likuran ng lalaking yon. Obviously, Vyolene created a spell.

"Zeer." (Freeze)

Unti-unting nanigas ang katawan ng kalaban nito. Hindi na ito kumikilos. 

Flashback.

"Xynan, magteleport tayo papunta don sa mukhang model. Ako ang bahala sa isang yon." bulong ni Vyolene kay Xynan.

"Pero hindi naman nila tayo pinapansin dito, hayaan mo na sila."

"Naduduwag ka ba?"

Tumawa si Xynan. "Kelan pa ko naging duwag ha? Ang laki kaya ng pakinabang nyo sa kin?"

"Kaya patunayan mo yang pakinabang mo dito. Huwag ka ng maraming sinasabi."

Napatingin sa kanya si Xynan. "Pero anong gagawin mo kapag nakalapit tayo don?"

"Ang dami mong tanong." simpleng sagot ni Vyolene. 'Nakakainis na itong mga tanong niya.'

"Oo na, sige na. Hawakan mo ang kamay ko, magteteleport na tayo."

Nang hawakan ni Vyolene ang kamay ni Xynan, hindi niya napansin ang malawak na pagngiti nito.

Ikinumpas ni Throwa ang kamay niya sa direction nila Leeone. Tumilapon ang lalaking kamukha ni L. Ikinumpas niya uli ang kamay niya sa direction nila Yhaen. Tumilapon din sa malayo ang lalaking nagpaulan kanina (at nagpapaulan pa rin sa oras na yon). Lumingon-lingon pa sya. There's a guy lying on the ground. Kung hindi siya nagkakamali, kasama ito ng mga lalaking kalaban nila ngayon.

Pagtingin niya sa dalawang lalaki na inihagis niya palayo gamit ang mahika niya, gumawa pa sya ng mahika para tuluyang hindi makakilos ang dalawa. It's as if, they are glued to the ground.

Nang akala nilang tapos nang lahat ang laban nila, unti-unting gumalaw ang lupa. Hindi nila makita kung sino ang gumagawa noon. Napansin nila na apat lang ang visible na kalaban nila. Hindi ba't anim ang kaharap nila kanina?

Biglang bumaon ang mga paa nila sa lupa. Maaring hanggang sa sakong nila. Hindi na sila makakilos kahit gustuhin pa nila. Out of thin air, biglang lumitaw ang isa pang lalaki na katabi na noon ng lalaking modelo na nanigas na at may hawak pa ring itim na chain.

'Oo nga pala, hindi pa rin natatanggal ang magic nila kahit naparalisa sya ni Vyolene.' isip ni Throwa. Her friends are still in danger.

Throwa tried to move. Hindi siya makakilos. It was like Asty and Tyler's kinesis. 'Kung ganon, kontrolado na niya ang lupa, may kinesis pa siya.'

All of them are frozen. Wala ni isa sa kanila ang nakakagalaw. Dinaanan nga lang ng lalaking yon si Vyolene at si Xynan.

Hinawakan niya ang lalaking kasama niya. The one na pinaralisa ni Vyolene. Unti-unti itong kumilos. Matapos non ay tumayo ito. Napangiti ito. It was as if, he will pull the chain and kill her friends.

Mabilis siyang gumawa ng kagaya ng mahika na ipinakita ng lalaking yon. Kung papatayin niya ang mga kasama niya, mabuti pang gumanti rin siya. Hindi naman niya kailangang kumilos para mapalabas ang Hedtha (chain of death).

"Magaling siya." sabi ni Marc Hayamana, ang may kontrol ng lupa. Ang tinutukoy niya ay si Throwa.

Napatingin sa kanya si Clifford. Napatingin din siya sa kalangitan. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Napadako din ang tingin niya sa kanyang dibdib. There was a chain, similar to what he did to her friends. Mabilis niya nakopya ang atake niya kanina. There's no doubt na galing sa Kashmir ang babaeng yon.

"Pakawalan mo ang mga kaibigan ko at bubuhayin kita." sabi ng babae sa kanya.

"Akala mo ba ay ganon kadali yon?" sagot niya. "Isa pa, hindi mo ba alam na may isa pa kaming kasama na hindi pa lumalaban sa inyo?"

'Isa pa?'

Napatingin sila sa paligid, wala naman na silang mapansing kalaban na iba pa. May biglang lumitaw na lalaki sa tabi uli ng dalawang lalaking kaharap nila. Wala silang idea kung ano ang kapangyarihan nito.

Napalunok si Throwa. 'Hindi kami makakalaban kung hindi kami makakilos. Limitado ang alam ko sa ganitong sitwasyon. Asty, what would I do?'

Unti-unting gumalaw ang lalaking bagong dating. Hinawakan niya sa balikat ang dalawang kasama nito. Nasindak sila ng biglang parang hinihigop nito ang espiritu ng mga kasama niya. There's no doubt. He's a soul eater.

Unti-unti na rin silang nakagalaw habang naghihina ang dalawang kasama ng lalaking yon. Naglalaho na rin ang Hedtha na gawa ng kalaban nila. Makakahinga na sila ng maluwag.

The new guy had no expression on his face. It's as if he's being manipulated.

"R-red, anong ginagawa mo?" tanong ni Clifford.

Hindi sumagot ang kasama. Tulala lang ito at blangko ang expression ng mukha. Dahan-dahan silang napaluhod sa lupa, hinang-hina sila. Kapag hindi natauhan si Red sa ginagawa niya, maaaring mamatay sila ni Marc.

Natigilan sila nang biglang lumiwanag sa paligid at tumigil ang malakas na ulan na gawa ni Loel kanina. Napapikit silang lahat. Kasabay ng pagliwanag na yon ay isang malakas na pagsabog. Pagmulat ng mga mata nila, there was an older man. Hindi nila alam kung kalaban ito  o hindi. 

Ikinumpas ng matanda ang kamay nito. Nakita ni Throwa na may isang sharp na linya ng hangin ang gumuhit mula sa kamay nito. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi nila maiiwasan ang tira ng matandang yon. At that instant, they knew. That older man is an enemy. At kahit gustuhin pa nilang iwasan ang tira ng matandang yon ay hindi nila mamagawa. It was too fast. And it maybe too strong.

"Ano Kzael? Sino na ang susunod nating pupuntahan?" tanong ni Dawn.

Tumingin uli si Kzael sa computer niya habang nakapark sila sa isang gasoline station.

'"Teo Aquinox. Medyo malayo ang bahay niya dito. Saka yung dadaanan natin ay traffic. Baka isa't kalahating oras ang byahe natin papunta don." sagot ni Kzael.

"Sya nga pala, may balita ka ba kina Vyolene?" tanong ni Rafaelo. "Hindi pa nila tayo nababalitaan kung natagpuan na nila ang mga Verden."

"Ah. Oo nga pala!" biglang sabi ni Kzael, "I'm so stupid! Bakit ngayon ko lang naalala?"

Takang-taka naman ang dalawa. "Anong problema Kzael?"

"Baka nagpapa-epal na naman yung kumag na yon kay Vyolene!"

Dali-dali niyang kinuha ang cellular phone niya sa bulsa. Nang buksan niya ito, he tried to dial in Vyolene's number. Hindi na ito ma-reach. Mukhang walang signal sa area nila Vyolene that time.

"Humanda talaga sa kin yung epal na yon kapag pinakialaman niya si Vyolene." Inis na sabi ni Kzael.

Napangiti si Rafaelo. "Dapat yata ay hindi ka sumama sa amin Kzael. Mahirap pakawalan ang unang pag-ibig."

"Unang pag-ibig? Excuse me, Rafaelo, hindi ko unang pag-ibig si Vyolene!" tanggi ni Kzael.

"Hindi lang kita sa yong mukha Kzael, ramdam na ramdam ko yon. Hindi ako maaaring magkamali."

Napasimagot lang si Kzael.

"Bumalik muna tayo sa bahay mo ngayon, Kzael." biglang sabi ni Dawn na nakatingin sa labas.

"Sa condo? Bakit?"

"Masyado ng malalim ang gabi. Kailangan mo ring magpahinga."

"Ha? Pero hindi ba nagmamadali tayo?"

"Huwag kang mag-alala. Maaga na lamang tayong kikilos bukas. Isa pa, may nararamdaman ako na may dapat tayong balikan sa bahay mo." sagot ni Dawn.

Nang magmulat ng mata si Throwa, Seiya was standing in front of her. Kitang-kita niya ang likod ng pinsan ni Asty. She had no idea what happened. Ang alam lang niya, may ikinumpas ang matandang yon at may isang sharp na linya sa hangin ang papunta sa pwesto nila.

"Seiya?"

Napalingon sa kanya ang binata. Nakangiti pa rin ito. "If that reached you, you would be sliced like bread, Throwa."

"How did you know?"

"I just noticed. For now, you should go back to the van. You can't fight this monster."

"Pero, you might need help. I can't let you do this alone."

Nagulat siya ng biglang may humawak sa balikat niya. It was Marina Devour.

"You can't protect all of them kung nandito ka. Isa pa, hindi ka makakatulong sa amin kung pakalat-kalat ka dito."

'Namin? Lalaban si Marina? I thought wala siyang magic?' isip niya. Hindi niya ininda ang huli nitong sinabi about her na pakalat-kalat.

Huminga ng malalim si Throwa. "We'll leave this to you then. Pupunta na kami sa next stop. You'll be able to follow us right?" tanong ni Throwa.

Napatingin sa kanya si Seiya. "Of course."

This is already copyrighted. All Rights Reserved to asty_devour and shentiments 2001 ©

Continue Reading

You'll Also Like

171K 14.6K 92
This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Myste...
3.6K 497 42
"Your past hunted you, you can't move on, you want revenge yet you fell into love with her. The person who cause you pain. Does love would be enough...
235K 3K 135
Mga QUOTES at ADVICES ni PAPA JACK. For you. For her. For him. For both of you. In short, for ALL. Read and Vote Guys ! THANKS A LOT. 10 updates/day
595K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...