Series of Shadows: The Battle...

By SaBahayNiNanay

8.3K 508 81

In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusu... More

Dedication
Backtrack: Series Of Shadows The Book of Dawn Devour
Mission One: Semestral Break
Mission Two: The Date
Mission Three: Xynan, Athan and Radcliffe
Mission Four: The Day of Birth
Mission Five: Ivan Devour
Mission Six: Aquinox
Mission Seven: Abilities
Mission Eight: Killing Spree
Mission Nine: Reverted Time
Mission Eleven: Hamayana
Mission Twelve: Seiya and Marina
Mission Thirteen: Rest
Mission Fourteen: The Plan For Mass Murder
Mission Fifteen: Braganza
Mission Sixteen: Ohiro
Mission Seventeen: Messed Up
Mission Eighteen: The Gate Keepers
Mission Nineteen: Finally Settled
Mission Twenty: Ashley
Mission Twenty Point Five: Answer
Side Story One: Iya Valkerie Fontanilla Monteverde
Side Story Two: The Plan For Marina Devour's Death
Side Story Three: Rafaelo Kashmir And Dawn Devour
Epilogue
Introduction To Book Three: Khalifa
About The Authors

Mission Ten: Verden

212 18 4
By SaBahayNiNanay

They were amazed to see him at that state. Bigla niyang naisip si Asty. Pagtingin niya sa direction ng kakambal niya, he's still at his grown up state. 'Probably hindi magbabago ang itsura niya.' isip ni Tyler.

"Anyway, we have to go. Iwanan na muna natin si Asty." sabi niya.

Throwa is worried. Kung bumalik sa pagkabata si Tyler, malamang ay ganun din ang mangyayari kay Asty. At kung hindi pa sila magmamadali, maaaring mawala rin ang memorya nito sa kanya.

"Don't worry about Asty. He can manage." sabi ni Tyler. "For now, we have to go."

Walang kumikibo sa kanila habang patuloy ang byahe nila. Katulad ng sabi ni Tyler kanina, iniwan na muna nila si Asty sa laban nya sa lalaking hindi pa nila alam kung kaninong clan nanggaling. Hinawak-hawakan ni Hyna si Tyler sa pisngi.

"Ang cute mo, Tyler!" sabi ni Hyna. "Pwede kang maging child model sa TV."

Nakangiti lang si Tyler. "I don't really want to see myself like this."

"Anyway Tyler, talagang nakalimutan mo kami kanina?" tanong ni Yhaen na nasa tabi lang ni Hyna.

"Yeah. I totally forgot. Buti na lang may ginawa si Throwa."

"How about magic, Tyler?" tanong ni Throwa.

Saglit na nag-isip si Tyler. He opened his small right hand. Biglang lumitaw ang isang bolang apoy.

"I guess I still have them." He closed his hand after. Nawala na ang apoy.

Nagkakagulo naman ang mga kaangkan ng Devour dahil na rin sa kakaibang pangyayari na nangyayari sa mga kaangkan nila. Karamihan sa mga descendant ni Dawn ay unti-unti nang nawawala. At dahil nawawala din ang mga ala-ala nang mga taong connected sa kanila, hindi yon gaanong napapansin ng iba nilang mga kamag-anak.

Mabilis na pumunta si Marina pagtawag sa kanya ni Donya Milagros sa telepono. May nangyari daw kina Asty at Tyler. Pagdating niya, nakita niya ang current na itsura na ni Donya Milagros. Bumata ang itsura nito. Nasa sala sila noon, sa bahay ni Dawn Devour.

"L-lola?" tanong niya.

"Hija," bati nito sa kanya. "Nagulat ka ba sa nangyari sa akin?"

"What's happening Lola?" tanong ni Marina.

"It seems na umeepekto na ang consequences ng pagdating ni Dawn sa panahon natin hija, kaya nagkaganito ako."

Bigla niyang naisip ang kambal. 'Kung nagkaganito si Lola, malamang ay ganon din sina Tyler at Asty. At delikado sila ngayon kung ganon!'

"You know what I wanted you to do, right Marina?" tanong ng Lola nila.

Alam niya ang sinasabi ng matandang Devour. Her Lola is a clairvoyant. Kaya nitong makita ang mga bagay kahit hindi niya pisikal na nakikita. Yun ang dahilan kung paano namomonitor ng matanda ang kambal although madalas syang matakasan ng dalawa dahil na rin sa kapangyarihang namana nila kay Dawn Devour.

"Nasan sila ngayon, Lola?" tanong niya.

"Papunta sila ng Batangas. Gumagalaw sila ngayon. That's why I asked for help."

"Help nino Lola?" tanong niya.

Out of thin air, may lumitaw na isang gwapong lalaki. Kasing tangkad ito ni Asty. He's the lead vocalist of the famous BAD.

"Hi Marina! How are you?" tanong nito agad sa kanya.

Napangiti siya. Who would've thought na makikita niya uli si Seiya. Nakalaban niya ito noon pero naging magkasundo rin sila dahil na rin sa laging pagsama niya sa Lola nila Tyler.

Ganun pa rin ang itsura nito. Hindi pa rin ito nagbabago. He still had his black eyeliner and his dark hair that almost covers his eyes. He is wearing a plain white shirt na may malaking Japanese character for Love.

"That's what I wanted to see after not being around for a few months." sabi ni Seiya.

"Pero teka, hindi ba maaapektuhan si Seiya, Lola?"

Umiling ang matanda. "Seiya is very close to us but he's from a different clan."

"Anyway Lola, where would we find Asty and Tyler?" tanong ni Seiya.

Hinawakan siya ng matanda. And then he saw the van na sinasakyan nila Tyler. As expected from the old lady, he thought.

Nagulat si Marina nang bigla syang hawakan sa bewang ni Seiya pagkalapit nito sa kanya.

"Wa-"

"Let's go, Marina."

Pinagpapawisan ng malamig ang kalaban ni Asty. Mukhang alam na nito na wala siyang laban sa kanya. Lahat ng mahika na naitira nya dito ay nawawala lang na parang bula. Kahit ang mga forbidden spell for torture at death ay walang epekto sa kalaban niya. It's as if kalaban niya si Dawn Devour.

Tumigil si Asty. Nagtaka ang kalaban niya. He tried to read his mind pero wala siyang mabasa. Blangko ito.

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Asty sa kalaban niya. "Are you afraid?"

"Bakit ako matatakot sayo?" sagot ng lalaki. "Galing ako sa Leonza. At wala sa lahi namin ang umurong sa laban!"

"Desisyon mo yan. Bahala ka." sagot ni Asty.

"Ang yabang mo talaga!"

Pagkasabi non ay mabilis siyang sumugod papalapit kay Asty. Nang makita niyang nakatuon ang tingin ni Asty sa bawat galaw niya, mabilis siyang nagteleport papunta sa likod nito. Sa likuran ni Asty sya aatake.

Hindi pa lumilingon si Asty sa kanya nang bigla siyang tumilapon sa malayo. Nabali ang braso nya sa lakas ng impact. Napatingin siya sa bangkay ng kasama niya na napatay ng kakambal ng kalaban niya. Mukhang mamalasin talaga sila sa pagkalaban sa mga Devour. For the first time in his life, naramdaman niyang mamamatay na siya.

"Bakit ako na naman?" reklamong tanong ni Xynan. Pinapasundo kasi ni Tyler si Asty. Ilang minuto na kasi ang nakalipas nang iwanan nila ito.

"Eh pano pag napatay ako ni Asty? Saka baka me kalaban pa yun ngayon. Ayoko pang mamatay." dugtong nya.

"Hindi ka ba natutuwa? Eh yan na nga lang pakinabay mo dito." Inis na sabi ni Yhaen.

"Eh bakit ako makikinig sa utos ng…" tiningnan niya ng masama si Tyler. The 10 year old version. "… ng paslit na yan?"

Biglang umapoy ang kamay ng batang yon. "Susunod ka ba o hindi?"

"Sabi ko nga, aalis na ko."

Nakanguso syang nagteleport sa lugar na pinag-iwanan nila kay Asty.

Nang makaalis si Xynan, bigla na namang tumigil ang sasakyan.

"O Carlos, anong nangyari?" tanong ni Hyna.

"Hindi ko alam. May biglang pumigil eh. Hindi naman namamatay yung makina ng sasakyan." sagot ng Leader.

"Baka may kalaban na naman." sabi ni Throwa. "Meron ka bang nakikita sa daan?"

Pagtingin nila sa di kalayuan, there were 2 silhouettes, one is a girl, and one is boy. Bumaba sa van si Throwa. Naglalakad palapit sa van ang dalawa.

The right hand of the girl was raised. Parang gagamit ito ng mahika. She prepared herself. Just in case labanan sila ng dalawang yon, poprotektahan niya lahat ng nasa van, especially si Tyler.

"Don't worry Throwa." sabi ng tinig ng lalaking palapit sa kanila. "We're here to help."

Napakunot ang noo niya. 'His voice seem's familiar.'

"W-who are you?"

Nang maanigan niya ang dalawa dahil na rin sa ilaw ng van, nagulat siya. It was Marina Devour and Seiya of BAD.

"S-Seiya, is that you?"

Tumango ang lalaki. "Where is Tyler and Asty?"

Mabilis na bumaba sina Lee at Yhaen pagkakita kay Marina. Hindi pa rin sila makapaniwala na naroroon ang babae. Excited si Yhaen especially.

Bumaba rin ng van ang iba pa. Huling bumaba sina Athan at Radcliffe na nagtataka kung sino ang mga taong kausap ni Throwa. Maganda ang babaeng kasama ng lalaking kausap ni Throwa. Gwapo at misteryoso naman ang dating ng lalaki.

"Hi Marina!" bati ni Yhaen.

Nakakunot ang noo ng babae. Hindi rin ito ngumingiti.

'Oo nga pala. Nakadisguise kami dahil sa magic ni Tyler nung una namin siyang nakilala.' isip nya.

Siniko sya ni Lee na nasa tabi niya. Mukhang naisip na rin nito ang naisip niya.

Hindi kumikibo si Throwa habang tinitingnan niya si Marina. Mukhang hindi rin ito natutuwa na makita siya. Pagkakita ni Marina kay Tyler, naroroon ang pagkagulat. Pero mabilis rin itong nabawi. Hindi siya nagsalita.

"Seiya?" tanong ni Tyler.

"Tyler!" natatawang sabi ni Seiya. Lumapit ito sa pinsan at ginulo ang buhok niya. "You are really cute when you were this young!"

"Hey, stop it." sabi ni Tyler.

"You looked annoyed! I liked that ever since!" sabi ng pinsan. Hindi ito natakot sa kanya.

"Did Lola sent you here?" tanong ni Tyler.

Tumango si Seiya. "She called me and told me you are in trouble. Together with Asty. Actually, all of Dawn's descendants are in trouble."

Takang-taka naman ang mga kasama nilang babae. Nag-iisip sila kung saan nila nakita si Seiya.

Lumapit sina Leeone, Vyolene, Zach at Xavier kay Throwa. Nagstay naman si Hyna sa tabi ni Tyler.

"Throwa, sino yang kasama ni Marina?" tanong ni Vyolene. "Ang gwapo nya ha."

Tumango naman si Leeone.

"Oo nga Throwa, kilala mo ba siya? Devour ba siya?" tanong naman ni Zach.

"We all have the same feeling na nakita na namin siya dati." sabi ni Xavier. "Would you know why?"

Huminga siya. 'Would they really believe this is Seiya of BAD?'

"He is Sei." sagot niya.

"Sei? Kapangalan niya yung vocalist ng BAD." sabi ni Vyolene. Bahagya siyang nag-isip. Napahawak pa ito sa baba niya.

"Yeah. He is Sei. The real thing."

"WHAT?!"

Tumatawa si Seiya habang kinukwento nila ang adventures nila simula nang magkaron sila ng problema dahil kay Dawn. Nakasakay na sila noon sa loob ng van at katabi ni Throwa sina Seiya at Marina. It was an awkward moment for both ladies. Dahil si Marina ay hinalikan ni Asty dati at si Throwa naman ang current girlfriend nito ngayon. Nakatingin lang sa labas si Marina.

"I guess we should really hurry then. If we are late even for a day, Tyler might become to his 10 months old self." Natatawang sabi ni Seiya.

"Seiya, it isn't funny." sabi ni Tyler.

"Anyway, how sure are you that you can find them at –" saglit na tumahimik si Seiya. Nag-iisip. "At the temple, right? The temple of the Verden clan?"

"One of us is a clairvoyant." sabi ni Throwa. "Also, we have a friend here who is a computer hacker."

"Really? So you can find them easily right? What's taking your group so long in finding them?" tanong nito.

Sumagot si Carlos. "Actually, I couldn't sense any of their clan members."

Napatingin sa kanya si Seiya na nakaupo sa likuran nila.

"I should've asked Lola about it." sabi ni Seiya. "You know Lola is a clairvoyant too, right Tyler?"

Hindi agad sumagot si Tyler. "Lola is always spying on us. And she's using all the power she could to locate us when we're out of the house."

"Why don't you ask her?" tanong ni Seiya.

"We don't have time. If I travel back to our house, I might've forgotten everything. There was an instance where I forgot even our parent's name."

"Bakit hindi pala natin inutusan si Xynan to ask your Lola, Tyler?" tanong ni Zach. "Clairvoyant din pala ang lola nyo."

"She would kill Xynan when he shows up at the house with teleportation." sagot ni Tyler. "Only the Devour's and the Kashmir's are welcomed in the house."

"Would you want me to ask her?"

"You would?"

"Yeah. I could 'travel'. You know."

Hindi pa niya nakitang gumamit ng kahit anong special ability si Seiya. That would be a first time for him.

Magteteleport na sana si Seiya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Marina. Napatingin si Seiya sa kanya. It's as if he knew what she's thinking. Ayaw niyang maiwan sa grupo nila Throwa.

"Don't worry. I'll be back."

Pagsulpot ni Xynan sa area na pinag-iwanan nila kay Asty, nakita nito na nasusunog na ang katawan ng dalawang kalaban nila Asty. Di katulad ni Tyler, normal pa rin ang height ni Asty. Nakakatakot pa rin ito katulad ng dati. 'Grabe talaga ang lalaking ito. Psychopath ata talaga to.'

Napatingin sa kanya si Asty. May ihahagis ata ito sa kanya. Buti na lang nakilala siya nito agad.

"Bakit ka nandito?" tanong nito.

"Pinapasundo ka ng kapatid mo." sagot niya.

"Bilisan mo na."

Tumayo na si Dawn mula sa pagkakaupo. Hawak-hawak niya ang libro na iniabot sa kanya ni Rogelio.

"Teka, may naalala ako." sabi ng binatang Rogelio. Tumayo ito at pumunta sa isa pang istante ng mga libro. May binuklat siyang aklat at kinuhang larawan. Pagkakuha noon ay iniabot niya yon kay Dawn.

"Maaari ko rin itong makuha?" tanong ni Dawn.

"Oo, sayo na yan."

"Kung ganon ay aalis na kami." sabi ni Dawn.

Dumiretso na sila Rafaelo at Dawn palabas ng library ni Rogelio. Hindi naman na tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa library.

Maya-maya ay napalingon si Kzael nang biglang sumigaw si Rogelio. Nakita niyang nasusunog ang katawan nito.

Sa sasakyan na pinadala niya kay Mang Rod ilang oras ang nakalipas, tahimik pa rin si Kzael at hindi makapaniwala sa ginawa ni Dawn sa binatang si Rogelio samantalang napakabuti na nito sa kanila kung tutuusin. Nagmamaneho siya pero sa ibang bagay nakatuon ang pansin niya.

Napansin yon ni Rafaelo na nasa tabi niya. Nakaupo ito sa passenger's seat. Nasa back seat naman si Dawn na nakapikit lang habang naka-cross ang kamay nito.

"Wag ka ng magtaka Kzael. Tulad ng sinabi ko sayo, kailangang gawin yon ni Dawn. Kung makabalik kami ni Dawn sa nakaraan, mawawala rin sila."

"Naaawa lang ako sa kanya. Mabuti siya sa atin."

Katahimikan. Wala sa kanila ang nagsalita.

"Sya nga pala, napansin ko, sa lahat ng pinuntahan natin, halos karamihan sa mga Aquinox ay mayaman." sabi ni Kzael.

"Mayaman talaga sila kahit dati pa. Ang ninuno ng angkan nila sa pagkakaalam ko ay galing ng Roma. Mas nauna kaming mga Devour na manatili dito sa Las Islas Filipinas ng ilang buwan." sagot ni Dawn. Hindi pa rin ito nagmumulat ng mata. "Kaya hindi rin ako  magtataka kung ang mga normal na Aquinox ay mayayaman din."

BAM! Isang malaking kalabog ang bumulabog sa taas ng van nila Carlos. Akala nila ay panibagong kalaban ang dumating para pigilan sila. Dahil na rin sa pagkabigla, naitabi at naihinto ni Carlos ang sasakyan. Baka kasi may maaksidente gawa nila.

Binuksan nila Throwa ang pinto ng van. Bumaba sila para makita kung ano ang nasa taas ng van.

"Guys, wala namang tao sa bubong ng van." sabi ni Throwa.

"Eh ano yung narinig natin? Hindi naman siguro bato lang yon." sabi ni Xavier.

Bumaba na rin sina Lee at Yhaen. Baka kasi biglang may tumambang sa kanila doon sa kalyeng yon. Madilim pa naman at wala halos dumaraan na sasakyan.

Sa di kalayuan, may bumagon mula sa side ng kalsada, akala nila ay kalaban. Nang maaninagan ni Throwa ang lalaking yon, nakilala nya yon na si Asty.

"Asty!" sigaw niya. Mabilis siyang tumakbo palapit sa kasintahan niya.

Napatingin naman sa kanya ang binata. Hawak-hawak niya sa leeg si Xynan.

"Throwa." sabi nito.

May dugong umaagos mula sa bahaging ulo ni Asty. Mabilis niyang pinunasan ito ng panyo.

"Asty, huwag ka na magalit! Andito naman na tayo kila Carlos. Sorry na!" pakiusap ni Xynan. Mukhang kinakabahan ito dahil namumutla ito sa takot.

"Bitawan mo na siya, Asty. Let's fix that." Turo ni Throwa sa sugat ni Asty.

Tiningnan ni Asty si Xynan.  "The next time you do this to me, I will kill you."

Madaling araw na ng magpasya sila Carlos na magpagasolina muna at para makapag-stretching sila. Habang nag-iisa si Vyolene na nakatayo ilang  metro mula sa van, sinamantala ni Xynan na kausapin ito.

"Vyolene, bakit?" tanong nito.

Napaharap sa kanya si Vyolene.

"Ha? Anong bakit?"

"Bakit wala ka pang boyfriend? Ikaw ang pinakamaganda sa grupo nyo."

"Talaga? Parang hindi naman. Mas maganda si Throwa dahil mas marami siyang suitors."

"Yung maton na yon?!" sabi ni Xynan. "Baka bulag lang ang nakakapansin don."

Napabaling pa si Xynan sa direction nina Asty at Throwa na busy sa paggamot sa sugat na nakuha nito mula sa maling pagbagsak nila sa van kanina. Kunsabagay, kung hindi dumating si Throwa sa oras na yon, baka naaagnas na ang katawan niya sa kalsada.

"Anong maton ang pinagsasabi mo dyan?" tanong ni Hyna na lumapit sa kanila.

"Ikaw, maton ka rin!" sabi ng lalaki.

"Oo talagang maton ako at tatamaan ka sa kin kapag hindi mo pinigilan yang bunganga mo." sabi ni Hyna.

"Grabe ha, pinag-iinitan nyo ba ko?"

"Ayaw lang namin sa makapal no." sabi ni Hyna. "Saka ano yung tanong mo kanina? Bakit walang boyfriend si Vyolene?"

Nagliwanag ang mukha ni Xynan. Hindi maintindihan ni Hyna kung bakit.

"Oo Hyna, bakit walang boyfriend si Vyolene?"

"Kasi ganito yun, Xynan. May lalaking nakatadhana kay Vyolene. At alam niya na malapit lang yung nakatadhana sa kanya kaya hindi siya nagmamadali na magkaron ng boylet. Kasi nga, nakilala na niya yung soul mate niya."

Namula si Vyolene. 'Ano ba tong pinagsasabi ni Hyna? Sinong soulmate? Yung maingay na si Kzael?!'

"Sino naman ang lalaking yon? Wag mong sabihin si Kzael yan! Naku! Naglolokohan na tayo! E di hamak naman na mas may itsura ako don!"

Napasimangot si Hyna. Hindi talaga tinatablan ang kasama nila. 'Kapal talaga ng mukha.'

Hindi bumaba mula sa sasakyan si Marina, ayaw nyang makita sina Asty at Throwa na magkasama. Kahit nang makita sya kanina ni Asty, hindi ito nagreact. He just looked at her and didn't say a word. It would be better kung kasama pa rin niya sa van si Sei.

Sinamantala naman ni Yhaen at ni Lee yon. Busy naman si Carlos sa pagcheck sa makina ng van nila.

"Hi Marina. I'm Yhaen." pakilala nito.

Napatingin ang babae sa katabi. "Do I know you?" tanong nito.

"Ah, sort of." sabi ni Yhaen. "Baka hindi mo lang ako mamukhaan dahil may gamit na magic si Tyler nang pumunta kami sa bahay nyo."

Saglit na nag-isip si Marina. Hindi niya talaga maaalala ang sinasabi ng binata na pumunta daw sila sa bahay niya.

“Sorry, I don’t remember.”

Napaisip naman si Yhaen. ’Bakit wala siyang maalala?’

"What do you want from me?" tanong ni Marina.

"Napansin kasi namin na medyo lonely ka. Kaya sinamahan ka namin dito ni Lee. Di ba pre?" baling nito sa katabi. Tumango naman ang chinitong lalaki.

Napaisip si Lee. 'Grabe talaga itong si Yhaen. Makakita lang ng magandang babae, kahit nakakatakot lapitan kagaya ni Marina, nagagawa niya. '

"Saan ka pupunta, Aishentaru?"

Napabalikwas siya sa pinanggalingan ng tinig. It was a man. Ito ang pinsan niya, si Max. Busy ang angkan nila sa paglipat-lipat dahil na rin sa gulong hinahatid sa kanila ng muling pagkabuhay ng angkan ng Aquinox.

Ilang buwan na ang nakalipas nang malaman nilang may nagbukas ng portal galing sa nakaraan, at dinala ang isang kilalang tao sa kasalukuyang panahon. Ilang buwan na rin nilang sinisikap na itago ang kanilang angkan sa mundo ng mahika, dahil na rin sa takot na balikan sila ng angkan ng Aquinox. Marami na ang nangyari matapos ang pagdala ng mga taong yon kay Dawn Devour sa kasalukuyang panahon.

"Hindi ka pwedeng umalis dito, Aishen. Baka mapahamak ka. Alam mo naman na marami ang mga Aquinox na nabuhay na." sabi ni Nhea. Isa rin ito sa mga pinsan niya. Katabi nito noon si Max. Nasa pintuan sila ng kwarto niya. Naghahanda na sana syang umalis nang biglang sumulpot ang dalawa nyang pinsan.

Nasa tagong lugar ang mga gate keeper. Sila ang inaasahan na magtatama sa pagkakamaling ginawa ng mga taong yon. Kailangan nilang mahanap ang grupo ni Dawn para maibalik sila sa dapat nilang kalagyan.

"I'm worried. Hindi ba't papunta na sa atin ang grupo nila kaninang-kanina pa. Umaga pa lang ay nasa byahe na sila, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakarating dito. Baka ginugulo sila ng ibang mga clans para hindi sila makadating dito."

Huminga ng malalim si Max. "Mas mabuting maghintay tayo dito sa templo Aishen. Dahil kung lalabas tayo dito, maaaring mapatay tayo ng mga taong galing sa Aquinox. Alam mong hindi tayo pwedeng mabawasan."

"Pero hindi ako pwedeng maghintay na lang Max. Paano kung hindi sila makadating dito? Habambuhay na lang ba tayong magtatago mula sa angkan ng Aquinox? I don't think that is better." sagot niya.

"Aishen. Hindi ka ba namin mapipigilan?" tanong ni Nhea.

Tumango si Aishen. "Huwag kayong mag-alala. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko. Hindi rin naman tayo basta-basta mapapatay ng mga taong galing sa angkan ng Aquinox. I'll be back as soon as I can."

Inubos ng angkan ng Aquinox ang angkan ng Verden noong unang panahon. Ang pinuno ng angkan ng Aquinox ay nais makuha ang orasyon sa pagtawid sa oras, dahil ng  mga panahong yon, maraming gustong baguhin ang Aquinox, lalo na sa mga angkan ng Mahika. Gusto nilang maagaw ang trono sa pinakamalakas na angkan ng mahika noong panahon yon, nais nilang maubos ang angkan ng mga Devour. Lalong nagkaron ng conflict ang dalawang angkan na yon dahil na rin sa pagkakapaslang ng isang Devour sa isang galing sa Aquinox. Nagkataon na ang napatay na myembro ng Aquinox ay ang asawa ng pinuno ng angkang yon. Ang pumatay sa babaeng yon, ay ang ama ni Dawn Devour.

Tahimik lamang ang angkan ng mga Verden at hindi sila nakikigulo sa gulo ng ibang mga angkan. Kaya nga lang, nang malaman ng mga taga-Aquinox na meron silang kapangyarihan para magbukas ng lagusan para makabyahe sa iba-ibang mga panahon, tinangka nilang kuhanin yon sa leader ng angkan ng Verden. As expected, the leader of the Verden clan refused to give it to them, fearing they will use it against any other clan of magic.

Nang makilala ng angkan ng Devour ang mga Verden, ninais din nilang makuha ang kapangyarihan nila. Subalit nang mabalitaan ito ng angkan ng Aquinox, mas minabuti nila na ubusin na lamang sila kesa mapunta sa iba ang kapangyarihang yon. If they can't use them, it's better that all of them are dead.

Isang batang lalaki ang nakatakas noon sa kamay ng mga Aquinox. Nakatakas ito dahil na rin sa sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang. Nagbago ng pangalan ang lalaking yon nang mapunta ito sa isang ampunan. Nang maglaon ay nakapag-asawa ito at nagkaron ng mga anak. Ipinasa nya ang lahat ng kaalaman ng angkan ng Verden sa kanyang mga anak. Ang mga anak nyang yon ay nagkaron din ng mga asawa at mga anak. Dumami uli ang angkan ng Verden, hanggang sa umabot sila ng sampung henerasyon.

Pero sa buong angkan ng Verden, tanging apat lamang ang pwedeng i-appoint bilang mga gate keepers. Ito ang mga biniyayaan ng malalakas na kapangyarihan, na kayang protektahan ang sikreto ng kanilang angkan. At ang mga taong may malalakas na kapagyarihan ay may inverted V sa kanilang mga katawan.

Malakas na inihampas ng pinuno ng angkan ng Aquinox ang kanyang kamay sa mesa niya nang ibalita ng mga taga-suri niya na namatay lahat ng ipinadalang tao para pigilan ang grupong naghahanap sa lagusan. Hindi rin makapaniwala ang mga leader ng angkan ng Hamayana, Leonza at Braganza sa balita. Nasa pagpupulong pa rin ang mga lider at naghihintay ng balita mula sa mga taong sumusuri sa mga nangyayari. There were clairvoyants in their group kaya namonitor nila ang mga nangyari. Yun nga lang, kapag walang contact na galing sa kanilang angkan, hindi na nila masundan pa ang grupo na naghahanap sa lagusan.

"Mukhang kailangang mas malakas na pwersa ang iharap natin sa kanila." sabi ni Mohana Abada Leonza.

"Nanghihinayang ako sa mga pinadala natin sa kanila. Mukhang malakas ang mga kasama sa grupong yon." sabi ni Leonardo Braganza.

"Haharapin ko na sila." sabi ng leader ng Hamayana, si Yadir Hamayana. Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Hindi ko hahayaang maubos ang mga tauhan ko sa mga kagaya lamang nila."

"Kakayanin mo ba ang mga taong kasing-lakas ni Dawn, Yadir?" tanong ng leader ng angkan ng Aquinox na noo'y kalmado na.

"Huwag mong maliitin ang aming angkan. Tatapusin ko sila dahil kailangan."

Yun lang at naglakad na palabas ng kwarto si Yadir. Napangiti ang leader ng angkan ng Aquinox. Kapag napatay si Yadir sa laban niya sa grupong yon, sya ang mamumuno sa angkan ng Hamayana. May kasunduan sa pagitan nilang apat, sakaling mapatay ang isa sa kanila habang tinutugis nila si Dawn, maaaring pamunuan ng mga buhay na leader ang kabilang angkan. At ang kailangan lamang ay mapatay din nila si Dawn Devour, para tuluyan nilang masakop at mapamunuan ang iba pang mga angkan.

Lingid sa kaalaman niya, napansin yon ni Leonardo Braganza. 'Hindi ko hahayaang pamunuan mo ang aming mga angkan. Sisiguruhin kong ang angkan namin ang syang magwawagi laban kay Dawn Devour.'

Iba rin ang nasa isip ng galing sa Leonza na si Mohana. Sa ngayon ay makikipagtulungan siya. Ngunit mas maganda na habang nakikipagtulungan siya, mawawala rin sa landas niya ang tatlong angkan. Nang sa gayon, maging isang kinatatakutang angkan ang Leonza. Bonus na lang kapag napamunuan niya ang tatlo pang mga angkan.

This is already copyrighted. All Rights Reserved to asty_devour and shentiments 2001 ©

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4K 51
Rara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niy...
5K 230 59
Sabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong p...
71.5K 2.7K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...