When Lesbian Meets the Gangst...

By MissSONE

37.6K 780 142

Georgina Dizon a.k.a George meets the transferee Lark Angelo Suarez a.ka. Lark. Ms. Lesbian meets Mr. Gangste... More

Ms.Lesbian Meets Mr.Gangster
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 5

2.1K 54 9
By MissSONE

“Sino ka?”

     seryosong tanong sakin ng kaharap ko.

“Sino ka rin?”

   Kumunot ang noo niya sa galit.

Wrong choice of words!

      Nakita kong tumango siya sa dalawa niya pang kasama para sumenyas at sa isang iglap lang ay nakita kong pumalibot ang mga ito sakin. Nagsimula na akong mag-panic nang hawakan nila ang braso ko, maya-maya pa'y nakita ko na lang ang sarili ko na buhat-buhat nila na para bang naghahati sa pagbuhat  ng barbel.

 

“Hooooooy! Sandali!  Ibababa niyo ko! Hoy! Ano ba! Hoy!”

      sigaw ko habang paulit-ulit na ini-sway ang mga paa kong nakalutang sa sahig para pumiglas. Kasalukuyan nila akong kinakaladkad habang sinusundan nila ‘yung lalaking nakabunggo ko kanina, pumasok kami sa loob ng building. Eto na! Nalintikan na!

 

   “Manahimik ka!”

     suway ni kuyang maputi pero may bigote.Siguro apat o limang taon ang pagitan naming dalawa.

 

  “Aaaaaaah! Bitiwan niyo nga ‘ko sabi eh! Aaaaaaaah!”

   “Takte! Kapag hindi ako nakapagpigil masasaktan ka!”

  

   “Ikaw kaya kaladkarin ko? Hindi ka sisigaw?”

    “Aba’t nasagot ka pa ha!”

 

    “Oh anong gagawin mo? Susuntukin mo ‘ko? Oh sige suntukan na lang!”

        kunwaring paghahamon ko.

     Nakita ko kung pano madiin nitong itinikom ang labi niya, indikasyon na nagtitimpi na lang ‘to. Low temper! Buti pa ‘tong isang nagbubuhat sakin ang tahimik.

    “Wag mo kong punuuin!”

    “Pwes ako punung-puno na!”

    “Tumahimik ka na!”

    “Aaaaaaaaaah! Ibaba niyo ‘ko! Aaaaaaaaaah!”

   “Isa pa papatulan na kita!”

     Mas lalo kong nilakasan ang pagsigaw ko.

   “Aaaaaaaaaaah! Waaaaaaaa-------“

   “What’s that f*cking irritating noise!”

    Napahinto ako sa pagsigaw ng marinig ko ang mas malakas na sigaw na iyon ng lalaki. Noon ko lamang napagtanto ang paglapit samin ng grupo ng mga kalalakihan. May mga nakakunot ang noo na para bang nagtataka kung bakit at ano ang ginagawa ng isang babae sa ganitong kaliblib na lugar, merong walang pakialam habang ang iba naman ay malayo pa ay tanaw ko na ang sama ng tingin sakin, inaalerto ang sarili na baka padala ako ng kalaban para mag-i-spy sa kanila.

Juice ko, ‘wag na lang ‘yung panghuli, baka mawala ako sa mundo ng ‘di oras.

  “Pinuno.”

     sabay-sabay na nagyukuan ang tatlong kasama ko sa lalaking nasa unahan ng grupo ng mga palapit na kalalakihan.

 

“Sino ba ‘yang dala-dala niyo at kung makasigaw daig pa si tarzan na taga-bundok, ang sakit sa te-----“

   Natigilan siya.

“T-teka sandali? Parang kilala ko ‘to ah?”

 

   Kinurap-kurap niya ang mga mata niya mula sa malayo at para makasiguro ay mabilis siyang humakbang palapit sakin, hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa pwesto ko at pagdaka’y nagtama ang mga mata naming dalawa. Siya ay gulat na gulat habang ako naman ay nananatili lang na seryoso. Nauutal na itinuro niya ako.

   “I-Ikaw?! Ikaw na naman!”

     Pabagsak na ibinaba ako ng mga lalaking bumuhat sakin, kung hindi ko nabalanse ang katawan ko malamang napasubsob ako sa sahig. Sa sobrang inis binatukan ko si boy bigote, ang ayoko sa lahat ginagawa akong aso.

  

“Hoy! Gusto mo na ba talagang masaktan!”

      untag niya.

  

   “Kanina mo pa ako pinagbabantaan na sasaktan hanggang ngayon naman hindi mo pa rin nagagawa. Bigotilyong duwag!”

    maangas na sagot ko. Akma na sana niya akong lalapitan para siguro suntukin ako nang marinig ko na naman ang sigaw ng shokoy.

   

  “Reij! Inutusan na ba kitang saktan mo ‘yan?”

    

  

 Natigilan si boy bigote at mabilis na yumuko sa pinuno bilang paumanhin. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang galit na galit na tingin niya sakin showing his makakaganti-rin-ako-sayo look.

  “Hoy tibo! Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo na naman ba ako ha?”

    baling sakin ni Lark slash the mestisong shokoy.

  “Sinusundan? Na naman? Aba, ang gwapo mo naman?”

 

Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga naroon, hindi siguro nila inaasahan na may sasagot ng ganun sa pinakamamahal nilang pinuno.

“Boss, gagalawin ko na ba?”

    sabat muli ni boy bigote na waring nayayabangan na sakin. Sinagot siya ni Lark ng isang nagbabantang titig kaya naman muli siyang napayuko.

  

     Lumapit pa sakin si Lark pero ngayon ay seryoso na ang mga titig niya. Tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya.

   

  

   “Hoy tibo, kinakausap kita ng ayos. Sagutin mo ako ng ayos kung ayaw mong masaktan.”

  

“Bakit? Pano mo ba gusto kitang kausapin eh kinakausap ka na nga ng ayos. Sira ka ba?”

   

   Pumikit siya ng mariin saka nagtitimping dumilat.

 “Ano ngang ginagawa mo dito?”

 “Bakit? Masama na bang pumunta dito? Binayaran mo na ba ‘tong lugar na ‘to?”

 “Hoy tibo!”

 “Oo na! Ginabi ako ng uwi, dito ako dumadaan kasi shortcut, tapos may nakita akong poodle na palaboy-palaboy kaya sinundan ko, huhulihin ko sana para ipagbenta eh biglang tumakbo. Dito ako dinala kaya nandito ako ngayon!  Ano? Kuntento ka na?”

  Nagulat ako ng bigla ay mariin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at takot na takot na tumingin sakin.

   “H-Hoy tibo! Anong itsura nung poodle?”

 

  “Ha? Bakit mo tinatanong? Ipagbebenta mo rin?”

  “Sagutin mo na lang ang tinatanong ko!”

  “Bakit ka ba naninigaw? Mukha namang gusgusin ‘yung poodle! Saka ang panget kasi parang inahitan, loko-loko siguro may-ari non---“

 “Nasan?!”

 “Ang alin?”

 “Yung poodle!”

 “Hoy ako ang naunang nakakita d’on kaya ako magbebenta don kahit panget!”

“F*ck that words! Where’s the poodle!”

“Nabibingi na ako ha! Ewan! Bigla na lang nawala eh!”

  Marahas na binitiwan ako ni Lark at nagmamadaling tumingin sa mga kasama.

“Find my poodle! Hanapin niyo si Reina!”

    galit na utos niya sa mga tauhan na agad namang nagsitakbuhan para hanapin ‘yung ano raw? Reyna? At teka? S-Sa kanya pala ‘yon?

  “So ibig sabihin sayo ang panget na poodle na ‘yon? Ah kaya pala. May pinagmanahan.”

  Dinilatan niya ako ng mata at nagbabantang tinuro ako.

  “Kapag may nangyaring masama sa poodle ko humanda ka saking tibo ka!”

  “Aba! Bakit kasalanan ko? Kung tutuusin ‘yung poodle mo nga dapat ang sisihin ko, dahil hindi na nga nagpahuli, iniligaw pa ako. Sira tuktotk! Ang panget panget na nga ang sama pa ng uga---“

  “Boss! Nakita na namin!”

  

   Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa sirang pintuan kung saan naroon ang isang tauhan ni Lark hawak-hawak ang poodle na nakita ko kanina.

   “Reina!”

   Mabilis na kumawala ang poodle mula sa lalaki at animo’y sabik na sabik na nagtatakbo ito sa palapit na amo.

   “God! I thought you’re gone. “

      malambing na saad ni Lark sa poodle habang yakap-yakap ito.

 

  Imagine isang shokoy at poodle nagyakap. Hahaha!

“Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan?”

   anang boy bigotilyo. Siya na namang panget siya, pasalamat siya at iniligtas siya ng kaputian niya.

“Bakit masama bang tumawa? Napapansin ko kanina ka pa nagpapa-pansin ha? May gusto ka siguro sakin no?"

Taena! Kadiri ng sinabi ko!

"Mandiri ka! Sinong magkakagusto sayo! Tingnan mo nga 'yang itsura mo! Kahit aso hindi ka papansinin kapag nakita 'yang itsura mo, ah kaya siguro iniligaw ka na lang ng poodle ni pinuno. Wala ka kasing poise!"

 Tiningnan ko ang itsura ko at ang suot kong P.E uniform. Nakatiklop pataas ang t-shirt ko, sabog-sabog pa ang buhok ko dahil isang beses lang akong nagsusuklay sa isang araw, 'yun ay 'pag papasok lang sa school. 

"Baka sa'yo may gusto 'yan Reij! Haha!"

    ani isang hindi ko kilalang lalaki.

"Cannot be pare, pareho kaming lalaki! Lugi ako. Tibo kasi! Hahahaha!"

Napuno ng maangas na tawanan ang mga naroon.

"Atleast hindi mukang taxi driver."

    sabat ko at kumpara kanina ay mas malakas na tawanan ang nagibabaw.

   Tumayo si Lark at ibinigay nito ang hawak na poodle sa isang kasamahan upang pahawakan sandali at pagdaka'y lumapit ito sakin. Nung una'y akala ko ay haharap lang siya sakin at muli akong kakausapin tulad kanina ngunit nabigla ako ng bigla niyang akong inakbayan, ngumisi siya sa lahat.

"Nandito ang tibong 'to dahil sakin. Sinusundan niya ako kasi may gusto siya sakin. Ako ang number one crush niya."

   pagmamalaki kuno niya sa mga kasama. Nagsiangilan ang mga naroon, wari'y nangungutya. Tumaas ang sulok ng labi ko sa pagkairita, sa tuwing sinasabi niya na may gusto ako sa katulad niya laging kumukulo ang dugo ko sa inis. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, malakas na siniko ko ang sikmura niya dahilan para makalayo siya sakin. Uubo-ubo ito habang hawak-hawak ang parte na siniko ko.

"Pinuno!"

"Boss! Ayos lang kayo! Igagapos ko na ba 'yung babae?"

 Nagsipalibutan sila kay Lark para alamin kung ok lang ito maliban doon sa dalawang lalaki,  'yung isa ay iyong lalaking nakabunggo ko kanina sa labas habang ang isa naman ay 'yung isang lalaking nagbuhat sakin, pansin kong simula kanina ay naka-upo lamang ang mga ito at tahimik lang kaming pinagmamasdan.  Ah wala akong pakialam! 

  Nagngingit na nakatingin lang ako kay Lark at imbis na maawa ay gusto ko pa nga na muling ulitin ang ginawa ko kanina.

"Hoy sumosobra ka na talaga ha! Bakit ang yabang mong tibo ka ha!" 

    saad ni boy bigote na palapit sakin. Galit na tinuro ko siya para pagbantaan.

"Napupuno na 'ko sayo boy bigote ha! Baka gusto mong sumabog din  ‘yang labi mo ng ‘di oras katulad ng ginawa ko dyan sa lampang pinuno niyo.”

“A-Ano?”

   Napalakas yata ang boses ko kaya nagsitinginan silang lahat sakin, seryoso ang mga mata nila.  Nakita ko si Lark na nanlalaki ang mga mata habang kukurap-kurap na nakatingin sa mga kasamahan wari’y pinakikiramdaman ang mga iniisip ng mga ‘to tungkol sa sinabi ko.

 “Anong sabi mo? Anong ginawa mo sa labi ng pinuno?”

    tanong ni Sean, ‘yung kasama ni Lark na nagtransfer sa school namin at ngayon nga’y kaklase ko rin.

 “Oh? Hindi niya pa ba sinasabi sa inyo?”

“H-Hoy tibo! Kapag nagsalita ka pa hindi ka na makakalabas dito ng buhay!”

   banta ni Lark. Waring natatakot na mabunyag ang sikreto niya, na siya namang nakapandagdag thrill sakin. Nag-cross arms ako at taas noong humarap sa mga lalaki.

“Sinuntok ko ang pinuno niyo kaya nagkasugat ‘yan sa labi niya, ang yabang kasi eh.”

 Kita ko kung pano nagbago ang itsura ng mga nasa paligid ko,mula sa pagiging seryoso ay biglang kuminang ang mga mata ng lahat sa hindi makapaniwa tungkol sa mga kakatwang sinabi ko. Lahat sila napatingin sa may maliit na band-aid sa labi ni Lark. May gustong tumawa ang kaso hindi nila magawa dahil natatakot silang maparusahan habang si Lark naman ay halos mamutla sa galit at pagkapahiya

“Actually binato ko muna siya ng bato sa ulo. Ayaw niyang ibigay ‘yung binili kong pang-ahit kaya sinuntok ko na rin. Napahiga pa nga ‘yan sa sahig na parang nabanggang aso eh! Ah hindi pala aso, mestisong shokoy nga pala 'yan.”

“M-Mestisong ano daw? H-Ha… Sh*t! Whahahahaha!”

“Mestisong shokoy daw pare.. Nyahahahaha!”

“Ahahahhahaha!”

“Whahahahaha! Bwahahahaha!”

“Anong tinatawa-tawa niyo dyan ha? May nakakatawa ba! Igapos niyo ‘yang tibong ‘yan! Ngayon na!”

Nagpanic ang mga organ ko sa katawan ng marinig ko ang galit na galit na utos na iyon ni Lark. Naku patay na!

 

Bago pa man makakilos ang mga tauhan niya na noo’y bumabawi pa mula sa kakatawa ay inunahan ko na sila. Pinagtutulak ko ang mga nakaharang at matulin na tumakbo ako palayo nang hindi lumilingon sa likod.  Run devil run!

“Tumatakas!”

“Sh*t! Oo nga! Habulin natin!”

"Hoy bilisan niyo baka makatakas!"

Narinig ko ang huling sinigaw ni Lark.

"Wag kayong babalik hanggat hindi niyo 'yan nahuhuli! Malilintikan sakin 'yang tibong 'yan! F*ck! Humanda ka sakin!  "

 Nakarinig ako ng malalakas na yabag ng mga nagtatakbuhang kalalakihan.

  Oh gad! Oh gad!

Sana may kakayahan na lang akong magteleport o kaya maging invisible, pero wala, kaya binilisan ko na lang ang pagtakbo na halos lumipad na ako at madapa-dapa ng bahagya.

  Kapag hindi nila ako naabutan, swerte na ako. At kapag naabutan naman ako, eto na ang katapusan ko. Allelujah.

---------------------------------------------

Miss SONE's Note:

   

    She makes everyone laughed except mestisong shokoy. Oh well, many chapters to go. Tatawa rin 'yan. Haha...

   Anyway, please like our official fan page on fb for more teaser and information regarding on our next update.  Just click the external link ------->

Don't forget to vote and comment.  Thank yah! 

  

   

         

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 80.3K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
1.7M 55.2K 123
Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends...
184K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...