Brown Eyes (one-shot)

By immovablerock

128 2 3

Ang lalaking laging pinapaupo sa harap ko. Ang lalaking pinahiraman ko ng pantasa. Ang lalaking unang nagpati... More

Brown Eyes (one-shot)

128 2 3
By immovablerock

(Author's Note: This is a work of fiction, any resemblance to any person, place, or event is purely coincidental. Click the video on the side to listen to Brown Eyes by Destiny's Child. I do not own the video. Credits to the owner)

-immovablerock

Episode 1- Flashbacks and Memories

Imbes na mag-focus ako, kanina pa ako linga ng linga sa paligid. Kanina ko pa kasi hinahanap si Mr. Brown Eyes.

Siya lang naman ko kasi ang natatanging love of my life. . .hahaha

Simula Grade 3 lagi ko na siyang kakompetensiya tuwing NSPC (National Schools Press Conference)

 Feature writing kami lage. . .

At take note. . . lagi na lang. . .as in lagi na lang. . .

Lagi na lang na pinapaupo siya sa harapan ko. . .at ako lagi namang nasa likod niya. . .

Para naman malaman niyo ang kwento, sisimulan ko ang lahat nung grade 3 kame. . .nung panahon na una kaming nagkita. . .

let the flashbacks start

*Flashback #01-NSPC 2005 (Grade 3)

Pawis na pawis ako. . .ramdam na ramdam ko din ang kaba sa aking dibdib.. . . nararamdaman ko ding pati ang kili-kili ko ay basa na.. . .

Medyo maasim na rin ang amoy ko at patuloy pa rin ang aking mga kamay sa pangi-nginig habang ang lapis na hawak ko ay halos maputol na sa sobrang diin ng pagkakahawak ko.

Ang hirap talagang mapunta sa isang lugar na halos lahat makita mo ay sosyal.

Nakaka-ignorante rin dahil ngayon lang ako malalayo sa aming probinsya, at ngayon lang din ang unang pagkakataon na makasali ako dito sa NSPC.

Habang iniikot ko ang aking mga mata, hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga kalaban ko. Ang gaganda kasi ng mga suot nila, pati mga gamit nila, ang gaganda. Tapos ang kikinis pa ng mga kutis nila, para silang naliligo sa gatas. Samantalang ako, ang suot ko lang ngayon ay ang t-shirt na napanalunan ni nanay sa raffle nung isang linggo, tapos yung pantalon ko ay ang pantalon pang pinaglumaan ng ate ko, at ang sapatos ko. . .hahaha. . .school shoes. . .ang baduy. . .

Makalipas ang ilan pang minuto, nagroll call na din ang teacher. . .

“Maliit Elementary School, Luminous Alvarez!”

“Present Ma’am”

hehehe. . .cute ng name ng scool ko. . .

Samantala yung iba,

May integrated, may specialized, montessori at may kung anu-anong kadugtong mga names ng school nila. . . .ako nga lang yata ang nanggaling sa public school eh. . .

habang patuloy ang pagro-roll call ay may isa pang pumasok sa room namin. Na-late ata. . .pinaupo siya sa harap ko, pero hindi ko masyadong napansin ang mukha niya dahil naiihi na ako at umalis ako sa aking kinauupuan

Pagkagaling ko sa C.R. ay kakatawag lang nung pangalan nung nalate na lalaki kanina. . .

Umupo na ako. . .

 Lumingon yung nasa harap ko. . .

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. . . ..

 Ang gwapo gwapo x 10^10000000, , , , , ,. . .

 Yung mata niya. . . aixt. .. .

Kulay light brown . . .

grabe crush ko kaagad. . .nakatulala lang ako sa kaniya. . .

Matagal-tagal din niya akong tinitigan bago siya tuluyang nagsalita. . .

“Pwede pahiram ng pantasa mo?” Mahinahon niyang sabi.

 “Ah. . eh. . .pagpasensyahan mo na ah. . .pangit kasi pantasa ko eh”

at talagang pangit talaga yung pantasa ko, halos nanga-ngalawang na, tapos biyak pa yung gilid, kahiya!

 “Ayos lang”, sabi niya sabay ngiti

May dimples pa siya. . .

 Saglit siyang tumalikod sa akin at tinasahan niya ang kanyang lapis.

Makalipas ang ilang segundo ay lumingon na rin siya at sinauli ang aking pantasa

 at dahil inabot niya na sa akin yung pantasa ko, nahawakan ko yung kamay niya. . .

hahahaha. . . .

At yun na yata ang pinaka matagal at pinakamemorable na moment naming dalawa. . ..

More Flashbacks

Grade 4 (2006 NSPC)

Sa harap ko pa din siya nakaupo

At take note, hindi ko pa din siya kilala. .

si coach naman kasi.

may last minute tip pang nalalaman tapos pagkatapos akong kausapin e kababanggit lang ng pangalan ni Mr. Brown Eyes

hahaha. . .Mr. Brown Eyes muna ang pinangalan ko sa kanya.

 Gumuwapo pala sya

Grade 5(2007 NSPC)

 Sa harap ko pa din siya nakaupo

 Iniba nila ang istilo ng pag-check ng attendance ngayon, imbes na roll call ay kasi pinasulat na lang kami sa attendance sheet. By row naman ang attendance kaya hindi ko pa rin nakita ang kanyang pangalan.

Gumuwapo siya ulit at nagbago na siya ng hairstyle

 Grade 6(2008 NSPC)

 Sa harap ko pa din siya nakaupo

 Napakasya ko dahil by column na ang attendance sheet. Agad namang napawi ang aking tuwa nang malaman kong magsisimula sa likod ang attendance. Natural, mauuna akong magsulat kesa sa kanya.

 Gumuwapo ulit, nagimprove pa ang hairstyle, ambango niya, at tumangkad onti. . .

 First Year(2009 NSPC)

Sa harap ko pa din siya nakaupo

Roll call ulit. . .Yehey. ..

Kaso. . . naiwan ko yung ballpen ko kay coach, kaya hayun, nagpaalam akong lumabas para kunin ang aking ballpen. . .kaya naman hindi ko na naman narinig ang kanyang pangalan

Gumuwapo siya ulet. . .

Second Year(2010 NSPC)

Sa harap ko pa din siya

 At ang nakakainis, hindi na nag roll call yung teacher. Nakalimutan niya ata. . .

Kaya as usual, hindi ko pa rin siya kilala

 Siyanga pala, may braces na siya at binatang-binata na. . .from head to toe ang gwapo talaga. . .

 Third Year(2011 NSPC)

Sa harap ko pa din siya

 Roll call ulit. .

 Wag na kayong magtataka kung hindi ko na naman siya nakilala. . .

panu ba naman kasi inexcuse ako ng coach ko. . .tapos sasabihan lang ako ng,

“Galingan mo ha”

Haaay. . . Akala mo naman kung napakaimportante ng sasabihin. Hayan tuloy, hindi ko na naman siya nakilala

Fourth Year(2012 NSPC)-----Kasalukuyan pa lang

Hinihintay ko pa lang siya. . . .

. . .

. . .

. . .

“Good morning ma’am sorry I’m late. .”

Napalingon ako. . .

 Shemay hindi siya. .

 “Good morning ma’am sorry I’m late. .”

Nilingon ko ulit. . . hindi ulit siya. .

 A moment of silence. . .

 “Good morning ma’am sorry I’m late. .”

Pagkarinig ko pa lang ng boses, naramdaman ko na ang kanyang presensya. Hindi ko na nilingon dahil 100% sure na akong siya yun

 At gaya ng dati . .he sat in front of me. . .

*Ambango niya

*Cute ng braces

*cool ng hair

*astig ng adam’s apple

*flawless

*gwapong-gwapo talaga

At napatalon ang aking puso ng malaman kong roll call ulit.

Sa wakas! Makikilala ko na rin siya. . .

ni-ready ko na ang aking mga ear drums. . .

malapit na siya. . .malapit na. . .

“George Cohan, Averroes High”

“Genevieve Salazar, Philippine Science High”

(Nokia Tune)

 Tinining-ning-tinining-ning-tinining-ning-ning

 nang biglang may tumawag sa akin

napatigil ang lahat sa ingay ng aking cellphone, sinenyasan ko ang teacher na may tumatawag sa akin, kaya naman hinayaan niya akong lumabas

 Bwisit!!! Sino ba naman kasi itong tumatawag. . .kung kailan malapit na siyang tawagin. . . haaay . . .

Lumabas ako. . .si Lumix lang pala, nakababata kong kapatid

“Ate nakita mo yung gel ko?"

“Hindi. . .andito ako sa contest. . .anong alam ko sa gel mo. . .”

“Okay. . . Bye. .” sagot niya

Yun lang??????

Yun lang ang sasabihin ni Lumix

Todo kamalasan naman to. . .

 Hindi ko na siya makikilala. . .

Simula grade three, wala man lang akong pagkakataong makilala siya. . .

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. . .

 Halla. . .ang OA ko! ! !

 Pero pitong taon. . . pitong taon. . .pitong taon

Tapos hindi ko pa din siya makikilala. . .

Tumagatak na talaga ang luha ko at humahagulgol na yata akong pumasok sa room . . . pinagtitinginan na ako pero iyak lang ako ng iyak. . .

 Nilapitan ako nung teacher at tinanung niya kung ayos lang daw ba ako. . .

Tumango lang naman ako

 “Miss Alvarez. . .”, napahinto ako. . .

Si Mr. Brown Eyes! ! !

Inaabot niya yung panyo niya sa akin. . .

 Napalunok na lang ako sa sobrang gulat, habang unti-unti kong kinuha yung panyo niya, at siyempre pinunasan ko ang luha ko.

 Napangiti na lang ako sa kanya at tuluyan na siyang tumalikod sa akin.

Napakasaya ko!

Kilala niya pala ako

Tapos pinahiram niya pa ako ng panyo!

Erase lahat ng bad vibes. . .

I'm happy once again

“You can keep my hanky”, pahabol pa niya. . .

Keep his hanky!

Grabe lang. . .may remembrance pa ako!

Hanggang sa matapos ang contest, abot-langit ang ngiti ko. . .

“Champion for Feature Writing English category. . . Miss Luminous Alvarez from Matangkad National High School”

 Hindi naman sa pagmamayabang, pero wala ng comment ang mga tao kasi since Grade 3 pa lang ay ako na lagi ang champion.

 Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayong araw na ito. . 

Sumakay na ako sa bus, at abot-langit pa rin ang aking ngiti. . .

Nang bigla kong na-realize. . .

 hindi ko pa rin pala siya kilala. . .

Sampalin niyo na nga ako. . .

 wala na. . .last chance na to. . .

ga-graduate na ako ng high school pero hindi ko pa rin siya nakilala. . .

Forever na lang siyang Mr. Brown Eyes. . .

Foreever na lang na yun ang tawag ko sa kaniya. . .huhu. . .

(Author's Note: Hanggang diyan na lang po muna ang story. At kapag sinipag ako, ay baka saka ko lang siya madugtungan. Thanks sa pagbabasa!)

-immovablerock

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...