[Complete] My Girl in Blue

Galing kay FadingAutumn

18.8K 491 124

People often say that BLUE simply means calm and peaceful.. But how come we're uncomfortable seeing a blue li... Higit pa

Prologue
Chapter 1.1 - Drenched
Chapter 1.2
Chapter 2 - Siya
Chapter 3 - There's no problem
Chapter 4.1 - Crazy Day
Chapter 4.2
Chapter 5.1 - All about US
Chapter 5.2
Chapter 6 - A nice talk to HIM
Chapter 7 - Wrong send
Chapter 8 - Local & Imported
Chapter 9.1 - Foundation week
Chapter 9.3 - That smile
Chapter 9.4 - Forget and forget
Chapter 10 - Why so SLOW?
Chapter 11 - *sighs*
Chapter 12 - Nandiyan lang sila
Chapter 13 - I wish..
Chapter 14 - It's a NO
Chapter 15 - ASDFGHJKL?
<EXTRA>Chapter 16.1 - Her.. what?
Chapter 16.2 - First?
Chapter 17 - "Friends"
Chapter 18 - Shunge
Chapter 19 - Leech Movie Maker
Chapter 20 - Segway chapter?
Chapter 21 - What's that for?
Chapter 22 - Stating the obvious
Chapter 23 - Bestfriend 'slash' Savior
Chapter 24 - Thanks to 'Spongebob'
Chapter 25 - Something about her
Chapter 26 - Issues
Chapter 27 - Stolen?
Chapter 28 - Dare & Consequences
Chapter 29 - 'Repackaged Album'
Chapter 30 - Boys will be boys
Chapter 31 - 2nd monthsary
Chapter 32 - Loving him more..
Chapter 33 - Sino?
Chapter 34 - She's back
Chapter 35 - Confirmed
Chapter 36 - Painful revelations
Chapter 37 - Hindi imposible
Chapter 38 - When everything's starting to get fine
Chapter 39 - Look who's back
Chapter 40 - Weird day
Chapter 41 - Almost there..
Chapter 42.1 - "Ichi"
Chapter 42.2 - because I love her..
Chapter 43 - Junichi's side
Chapter 44 - Confused
Chapter 45 - Decisions
Epilogue

Chapter 9.2 - Her song

386 9 3
Galing kay FadingAutumn

Chapter 9.2 - Her song

Andrew's POV

"Kamusta?" pagkasabi ko non ay agad rin naman siyang tumingin sa dako ko.

"Nagulat ba kita? Sorry." Agad kong sinabi na may peace sign pa. Hindi ko alam kung nairita ba siya nong narinig niya pa lang ang boses ko o sadyang ganyan na talaga siya kalamig makitungo sa lahat.

"Slight." Ang tipid niya talagang magsalita.

"Kamusta?" nakangiti ko pa ring tanong sa kanya kahit wala akong nakukuhang expression sa mukha niya.

"I'm fine."

Nagtanong ako uli sa kanya kahit na sa tingin ko ay nawiwirduhin na siya, "Ready ka na mamaya?"

"What do you think? Dumating ka, eh." Diretso niyang sagot na nagpabigla sa akin, anong ibig niyang sabihin? "Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang hayaan mo na ko magpractice magisa?"

Kailan ba magiging maayos ang pag uusap naming dalawa?

"Tsaka pwede bang wag ka masyado lalapit sakin? Baka magselos na naman si Yen." Dagdag niya pa. Wag masyadong lalapit? Hindi ko alam kung natural na bang ganyan ka kasakit magsalita. Pero sana dumating ang araw na hindi niya na ako pagsalitaan ng mga ganyang bagay.

Dahil simula't sapul, hindi ko iyon magagawa. Ang hindi lumapit sa kanya.

"She won't." Halata sa itsura niyang hindi siya naniniwala, o baka nga hindi niya iyon pinakinggan, tumayo na ako, "I'll go ahead. Goodluck!"

Sana ay maging maayos na ang pag uusap namin sa susunod. Hindi na siya sumagot kaya umalis na ako at tumulak na papuntang Music Room.

Ada's POV

Time check: 2:45

Wala pa rin akong naiisip na kanta at dahil don ay bumabangon na ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman ako ganito pero may parte sa akin na nawawalan na ng pag asang makapag isip ng tamang kanta.

Tumayo na ako at pumunta sa University Theatre. Kaya pala minove 'to ngayon kasi kung bukas pa ay alanganin na. Nauna daw kasi yung dance troupe sa reservation para bukas.

Nagstart na yung program. Si Ella ang host at isang lalaki na hindi ko kilala. Walang suot na salamin si Ella, light lang din yung make up niya. Mas okay kung ganito palagi ayos niya. Maganda siya. Lokaret nga lang kumilos.

"Thank you finalist number 3!" Masiglang sabi ni Ella sa audiences tapos ang performance ng isang finalist sa singing contest.

"Partner, do you know that we have a very special guest for this afternoon?" masiglang sabi rin ng lalaking host.

"Of course partner! And I think they're ready."

Nagtilian ang audiences.

"So we really have two special guests today, huh? Sounds exciting!"

"Yes! And i'm sure we're gonna love their special numbers!"

"ADAAAAAA!!!"

"ADA! ADA! ADA!"

Halos lumabas ang dibdib ko sa tili ng mga nasa audiences. Nakaramdam ako ng kunsensya. What am I gonna do now?

"Ladies and gentlemen, let us all welcome! Ada!" Tawag sakin ni Ella. Binalewala ko ang kabang nararamdaman. Pagtuntong ko sa stage.. malakas na hiyawan ang bumungad sakin.

Bahala na. 'yon na lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako sa gitna at sinabit ang strap ng gitara ko sa balikat ko. Magsisimula na akong magstrum nang biglang nahagip ng mata ko si Jean at Yen.

"Hindi lang yung basta alam mo ha? Yung tipong magpapalabas ng nararamdaman mo..."

Umalingawngaw sa tenga ko yung sinabi ni Yen kanina. Kung susundin ko yung payo ni Yen, okay lang naman, hindi ba?

Yen's POV

Last night I heard my own heart beating 

Sounded like footsteps on my stairs 

Six months gone and I'm still reaching 

Even though I know you're not there 

I was playing back a thousand memories, baby 

Thinkin' 'bout everythin' we've been through 

Maybe I've been goin' back too much lately 

When time stood still and I had you.

"Jillieyeeen.. ba-bakit ayan yung kinakanta niya? Ikaw ba—"

"Hindi ako. Siya.. siya ang pumili niyan." Hindi ko na pinatapos si Jean sa sinasabi niya.

Ada.. akala ko ba wala na? Ano yan? Ano na naman yan? Napahawak ako sa ulo ko.

Come back, 

Come back, 

Come back to me like.. 

You would, 

You would, 

If this was a movie, 

Stand in the rain outside 'til I came out.

Sa lahat ng pwedeng kantahin.. bakit yung kantang magpapaalala pa sa kanya? Bakit yung kanta mo pa sa kanya ang napili mo?

Come back, 

Come back, 

Come back to me like.. 

You could, 

You could, 

If you just said you're sorry, 

I know that we could work it out somehow, 

But If this was a movie, 

You'd be here by now.

Huwag ka nang umasa please? Sinasaktan mo lang sarili mo eh. Kahit kanta lang 'yan. Alam kong para pa rin 'yan sa lalaking minahal mo non.

I know people change and these things happen 

But I remember how it was back then 

Locked up in your arms and our friends were laughing 

'Cause nothing like this ever happened to them 

Now, I'm pacing down the hall, chasing down your street 

Flashback to the night when you said to me, "Nothing's gonna change, not for me and you" 

Not before I knew how much I had to lose.

Kailan mo ba makakalimutan lahat ng yan? Lahat ng tungkol sa inyo? Patuloy siya sa pagkanta habang tahimik ang buong Theatre. Hindi ka ba napapagod? Sa totoo lang ay pagod na kaming nakikita kang ganyan. Alam mo 'yon.

If you're out there, 

if you're somewhere,  

if you're moving on 

I've be waiting for you ever since you've been gone 

I just want it back the way it was before 

And I just wanna see you back at my front door.

Anak ng ninja turtle. Alam kong kahit kanta lang 'yan.. damang dama mo kada lyrics. Gusto mo pa makita yung gagong 'yon?

You'd be here by now 

It's not the kind of ending you wanna see now 

Baby, what about the ending? 

Oh, I thought you'd be here by now

That you'd be here by now.

What about the ending? Matagal nang tapos ang ending niyo.. matagal na Ada.

"Thank you.. Ada. That was.. great." Si Ella na mangiyak ngiyak pagtuntong sa stage.

"ADA! ADA! ADA!"

Sigaw ng mga taong nanunuod. Mga 2 minutes din siguro bago natauhan ang lahat na tapos na at wala na si Ada sa stage.

Tumayo na kami kaagad ni Jean at sumunod kay Ada. Hindi ko alam kung normal ba ang maging ganito kaapektado. Sinundan namin siya sa labas. Siguradong sa park yun pumunta. At hindi nga ako nagkamali, nandun siya.

"Adaaa! Ang galing mo! Nadala mo kaming lahat." Sigaw ni Jean kahit hindi pa kami nakakalapit.

Tumakbo kami palapit sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Mapula ang ilong niya at pati ang mga mata niya namumula rin, para bang pinipigilan niyang may tumulo rito. Tiningnan niya kami at pilit na ngumiti.

"Wala. Hindi yata nila nagustuhan yung kanta ko." Malamig na sabi niya.

"Nagkakamali ka Addie! Pagkaalis mo dun naghiyawan ang lahat! Naantig lang talaga kami!" Ngumiti lang ulit si Ada. Isang pilit na ngiti tulad ng kanina.

"Ada..." iyon lang ang nasabi ko. Nasabi ko na sa kanya lahat ng pwede kong sabihin noon. Paulit ulit.

"Yen.. ano bang.. pwde ko pang gawin?" Nanginginig ang boses niya. May tumakas na isang luha pero hindi niya iyon hinayaang tumulo.

"Nagawa mo na ang lahat." Ngumiti ako sa kanya, "Kung kayo talaga ang para sa isa't isa.. edi kayo. Kung hindi, learn to live with it. I know.. ilang libong beses ko na 'to nasabi sayo.. pero hangga't naaalala mo yung hipon na yun, di ako magsasawa—"

"Jillieyen, hapon hindi hipon." Bulong ni Jean sakin.

Tinitigan ko lang si Jean. Hindi niya na naman ako nakuha, kaya ang gulong kausap nitong babae na 'to, eh.

Tumingin ako ulit kay Ada, "Learn to accept it, Ada. Lagi ka na lang kasing failed sa pag let go. Try to study 'acceptance', 'letting go' is always next to it."

Tumango siya at ngumiti sa amin. Tumayo siya sa inuupuan niya at niyakap kami pareho ni Jean "Thanks. Thanks for not leaving me alone. I'm so blessed to have bestfriends like you two. From now on.. I'll be willing to forget everything."

"Promise?" tanong ko.

"I can't promise you anything. It might just be broken." Ganyan rin ang sinabi niya sa akin non. Pero ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ito labas sa ilong. Dati rati, pag sinasabihan namin siya.. parang wala lang. Titingnan niya lang kami. Ganun siya katigas.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kasabay ang pagtunog ng ring tone namin ni Moo. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at agad na sinagot.

"Moo? Nasaan kayo? Nakalimutan mo yata yung plano." Dirediretsong sabi ni Moo.

"Plano?" sandali akong napaisip at saka napasapo sa noo ko, "Oh my gosh! Sorry Moo! Eto na eto na!" Agad kong binaba yung call.

Nakatingin lang sakin si Ada at si Jean nang bigla ko silang hilahin pabalik ng University Theatre.

Pinilit ko silang tumakbo para kahit papaano ay hindi pa rin masira ang plano.

"Jillyen! Baka madapa tayo!" sigaw ni Jean.

Si Ada naman ay umaangal na rin dahil nakabistida daw siya at ayaw niya nang bumalik don.

"Kailangan nating bumalik dahil.. dahil.. dahil naiwan ko yung bag ko!" pagsisinungaling ko na lang.

Ilang segundo silang hindi umimik nang magsalita si Jean, "Eh Jillieyen.. wala naman tayong dala nung pumunta tayo dun eeh. Diba nga iniwan natin sa org room—"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya nang makita ang kapal ng tao sa labas ng Theatre.

Anong nangyari at bigla ang pagdami ng tao?

"Miss! Bakit ayaw niyong pumasok?" tanong ko sa babaeng nasa harap namin.

"Puno na sa loob eh." Sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Puno na yan kanina pa.. pero may spaces pa naman diba?" tanong ko ulit.

"Wala na. Kaya nga hindi na kami makapasok eh." Umirap pa siya sa akin. Pero agad rin namang bumalik ang tingin nang may binulong sa kanya ang katabi niya. Seriously? Ako pa talaga ang inirapan niya? Inirapan ko rin siya at narinig ko ang paghingi niya ng sorry.

"I think we need to go now." Bulong ni Ada sa akin.

"Sa tingin ko kailangan na natin umalis." Dagdag pa ni Jean.

"Tinagalog mo lang eh. Gaya gaya ka talaga." Napalingon kami sa boses na 'yon, si James kasama sina Pao at Dom.

"IKAW?! TSE! Teka.. saan kayo lumabas?" Jean na bigla rin naman binaling ang tingin kina Pao at Dom.

"Sa backstage. Tara na." Dom sabay hila sa kamay ni Jean.

Mabuti na lang talaga at dumating yung tatlo at hinila kami papuntang backstage. Kaya lang si Ada.. back to normal, poker face na ulit. Tama nga yung babaeng nasa pinto kanina.. puno na. As in puno na dito sa loob. Akala ko nga hindi na kami makakaupo, pero dahil kina Pao.. nandito kami ngayon sa pinakaharap.

Maya maya pa.. lumabas na si Ella kasama yung partner niya.

"Hello again everyone!" Sabay nilang bati sa audiences.

"Pao.. si Moo?" bulong ko kay Pao na katabi ko lang.

"May inaasikaso ang dyan sa tabi tabi."

Hindi ko na siya nasagot.. bigla na lang kasi lumakas yung hiyawan ng mga tao. Mas malakas pa sa hiyawan ng kay Ada kanina.

"Let us all welcome.. our special secret guest a.k.a JD!"

Pagkasabi ni Ella nun.. biglang namatay lahat ng ilaw. Mas lalo tuloy umingay.

Teka, hindi kaya...

"Pao.. ayan na ba—" sumenyas si Pao ng sshhh bago tumingin kay Ada na nakatingin na ngayon sa stage.

"Yup." Sagot niya sa akin.

Nakatuon ang pansin namin sa stage nang biglang bumukas yung spotlight.

'Secret guest' ika nga ni Ella. Mysterious? Yeah. In short, hindi kita ang mukha ng nakatayo ngayon sa harap namin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

671K 14.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...