After All

By clockwork_chaser

84.2K 3K 736

I am trying to be better. I am working to be better. More

BEHINDtheCLOCKWORK
Pain of Forgetting the Feeling of Love
Life is Your Every Decision Between Birth and Death
This Life is not Mine to Live
Not All Heroes Wear Capes
Feel Until You Can Feel No More
Love Between Passion and Calmness
It's Fine to Make Love With the Man You Love
You Don't Have To Love Just Because You Are Loved
Not a Matthew Neil But a Troy Lancer, History Repeating Itself
To Play Safe Because I am Not a Businessman
The One Who Plays God and The Fallen Angel
Pillow and Sheet
Closure isn't What I Need
Between the Two
Hannah
End of it All
To Do
Chicken Noodle Soup
Leon
Starry Night
Old Spanish Style
First 'I Do'
Well Played
Same Situation Different Ending
Parental Love
Eighteen Years Promise

There's This Doctor

2.2K 72 9
By clockwork_chaser

Chapter 6

MARRON

"How's life?" Dr. Frig asked after settling himself beside me. 

It's a Sunday morning and I joined a feeding program of HHF. Volunteer din dito si Dr. Frigate Santillana. Ipinagpalit n'ya ang magandang trabaho at sariling clinic n'ya para mag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan sa mga liblib na lugar. 

Helping Hands Foundation or commonly known as HHF is a non-government organization founded by my grandmother, Natalia Vergara and her best friend Amanda Villasis. It is a relief-providing group collaborating with other institutions and organizations to stretch its involvement in humanitarian endeavors by launching diverse programs designed to meet the specific needs of impoverished Filipinos. 

Tinanggap ko ang iniabot na tubig ni dok sa akin. "Salamat." Nakangiting sabi ko at ininuman na ang bote ng tubig.

"Kumusta 'yong kasal ng pinsan mo?" 

Iniangat ko ang mga paa ko sa kawayang upuan na inuupuan ko at saka niyakap ang mga binti ko. "Ayos naman. Bongga at mukhang masaya naman 'yong mga bagong kasal. Buong angkan namin andon, pati mga family friends." 

"Sabi sa'yo e. Dapat ka talagang pumunta." Natatawang sabi n'ya at uminom na din sa sarili n'yang bote. 

Panahon pa ng OJT ko nang makilala ko si dok. Hindi naman kami close dati at sa totoo lang ay badtrip ako sa kanya dahil napaka suplado n'ya. Pero nang makilala at makasama ko s'ya dito sa HHF, naging magkaibigan na din kami. Nakilala ko ang ibang side ni Dr. Frigate Santillana. The carefree and bubbly side. Malayo sa kilala kong doktor na problemado at palaging pagod. 

At sa mga panahon na gulung-gulo na ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko, s'ya ang natagpuan ko na makikinig at magpapayo sa akin. Sabi n'ya ay may minor daw s'ya sa psychology kaya naiintindihan n'ya daw ang kaguluhan ng utak ko. Alam ko na joke lang 'yon, pero gumaan talaga ang pakiramdam ko nang ma-share ko sa kanya ang saloobin ko. Hindi naman n'ya kilala mostly ang mga nasa kuwento ko kaya 'di ako masyadong naiilang. 

"Nagkita kami d'on." Mahinang usal ko. "Hindi ko ine-expect na pupunta s'ya, pero nand'on s'ya sa reception ng kasal."

"Nagpansinan kayo?" Interesadong tanong n'ya. 

Nagkibit-balikat ako. "Nagkasalubong kami. Binati naman n'ya ko, kaso natameme ako!" Nahihiyang sabi ko at inilubog ang mukha ko sa mga palad. "Hindi ako nakagalaw n'ong nag-register na sa utak ko na si Trey nga 'yong kumausap sa akin! Tapos ang awkward talaga. Parang tumigil 'yong mundo kasi lahat nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako nilapitan ni Calix para hilahin para umupo na, 'di pa ko matatauhan at 'di ko pa maiisip na nilagpasan na n'ya ko."

Masamang tinignan ko si Frigate nang tumawa s'ya. 

"Affected ka naman masyado." Pang-aasar ni Dok. 'Yong pananalita ng ibang volunteer ay na-adapt na din n'ya. Minsan nga nakakatawa kapag nagbibisaya s'ya. Masyadong trying hard. 

Umirap ako. "Syempre! Nagulat ako."

"Ano ba'ng ine-expect mo, na nagdudusa s'ya sa break up n'yo?" Nakangising tanong n'ya. "Ayaw mo ba n'on? Na sinubukan n'ya na mag-move on? 'Di 'yon naman ang inaalala mo, na baka masyado mo s'yang nasaktan? Now it seems that he's doing just fine. You no longer has to be guilty."

Napatango ako. "Hindi ko lang maipaliwanag 'yong nararamdaman ko."

Kumunot ang noo ni Frigate. "When you broke up, are you expecting him to chase you?"

I smiled bitterly and shook my head. "No. He's too busy to do that."

Ilang sandali na pinakatitigan ako ni Dr. Frig. "Marron, I think you should move on with your life. Hindi 'yong sa bawat galaw mo, iniisip mo s'ya. You broke up with him. You should own that decision. You should live with that decision. You shouldn't be thinking about the result on him. Given that you're both hurting, h'wag mo na lang sayangin 'yong sakit na iniinda n'yong dalawa. Make the most out of it. Just move on."

"Easier said than done."

He raised a brow. "Well, you're the one who decided a broke up. Panindigan mo na lang."

I know that I am indecisive. Magulo ang utak ko. My emotions ruled me. 

"Gusto mo ba na balikan s'ya?" 

I bit my lip. Malalim na nag-isip ako. Sa araw-araw naman, iniisip ko 'yon. 

I found myself shaking my head. "No. We're over. I just want what's best for the both of us. Pinapahirapan na lang naman din namin ang isa't isa. It's better this way."

"You decided for the two of you. The least you could do is to own that up. Live according to that, and just move forward." Dr. Frig tapped my shoulder. "At least show him that you're happy with your decision. Base on your description of him, Trey is the kind of man who could be happy knowing that others were happy."

"He's that kind of man." Napangiti na lang ako habang pinipigil ang sarili ko na umiyak. 

Kapag tungkol talaga kay Trey, may kurot sa puso. 

Dr. Frig sighed. "Such a noble man."

And just what Dr. Frigate said, I tried moving on. I did my best not to consider him in my every move. Iniwasan ko na na isipin s'ya. Binawalan ko na ang sarili ko na mag-alala kung kumain na ba s'ya, o kung nakakatulog pa ba s'ya. 

And little by little, I know that I am healing. I am back to the usual Marron. I can smile genuinely. Nakakasabay na ulit ako sa pang-aasar ni Calix. Nakakasakay na ko sa ka-ulol-an ni Elai. Naiirapan ko na ulit ang mga kaasiman sa buhay ni Nixon. Ako na ulit si Marron na happy lang.

"Ipupusta ko talaga ang fuck you finger ko, may gusto sa'yo 'yang doktor na 'yan!" Calix insisted. Again. 

Kausap ko si Calix sa FaceTime at iginigiit na naman n'ya ang sapantaha n'ya. 

"Ang tigas ng bungo mo." Natatawang sagot ko. 

"Kinilig ka naman?" Halos irapan na ako ni Calix. "Ano kayang nakikita nila sa'yo? Wala ka namang substance. Mediocre ka lang e. Isipin mo a, ex mo 'yong Kuya ko. Piloto na negosyante pa. Tapos tigas ng apog mo, ikaw pa nakipag-break!"

Tinawanan ko na lang ang pang-bash ni Calix sa akin. Ganyan lang naman 'yan kasi alam n'ya na okay na ko. Move on na. Tanggap ko na na tapos na kami ni Trey. Narating ko na 'yong point na sinasabi ni Adam, na tatawanan ko na lang ang lahat ng alaala tungkol sa kanya.

"Tapos ngayon naman, doktor ang nauto mo!" Calix continued.

"Pinagsasasabi mo?" Natatawa pa din ako. 

Assuming 'tong best friend ko. Dahil lang nandito na din nag-ta-trabaho si Frig, may gusto na sa akin? 'Di ba puwedeng naghahanap s'ya ng trabaho nang biglang mangailangan 'tong site namin ng doktor?

"Nueve, galing sa kilalang hospital 'yang si doc. Sa tingin mo bakit s'ya magpapakaburo d'yan sa construction site kung hindi dahil sa'yo?" Calix asked with a smirk. 

I can feel my cheek heating up kaya itinutok ko na muna sa iba ang camera. 

"Gandang-ganda ka talaga sa akin, 'no?" Naisipan ko na lang na itanong kay Calix. 

"Ang kapal ng mukha mo!" Violent reaction agad ni Calix. "'Di ko alam kung ano'ng gayuma 'yang ginagamit mo e."

Nagtawanan na lang kami at kung saan-saang kalokohan na nauwi ang usapan namin. Nang matapos ang tawag ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. Miss ko na si Cal. Miss ko na ang Manila. 

"After nitong project babalik na ko sa Manila." Kuwento ko kay Frig habang nagpapababa kami ng kinain. 

Nasanay na ako na sabay kaming nag-a-out sa trabaho. Kung may overtime ako ay iniintay ako ni Frig dahil palagi kaming sabay kung maghapunan. 

Umalis na kasi ako sa apartment na kinuha ni Trey para sa akin noon. Lumipat na lang ako sa staff house na provided ng kumpanya. Maging si Frig ay sa staff house na din nanatili nang magtrabaho dito sa AVPLI. 

"Ako din." Bahagyang tumawa pa s'ya. 

Kunot ang noo na binalingan ko s'ya. "Patapos na ang structural dito. 'Di na masyadong kailangan ng Mechanical kaya okay na kahit maiwan si Paolo." Tuloy ko sa isa pang ME sa team namin. "Puwede na kumuha na lang ng baguhang ME. Pero ikaw kailangan ka pa dito."

Tumaas ang kilay n'ya sa akin. "Ano naman ang gagawin ko dito kung wala ka?"

My jaw dropped at his serious declaration. 

Frig sighed then frowned at me. "I am here because you're here. 'Di mo ba naisip 'yon?" Tanong n'ya na para bang sinasabi na ang bobo ko. 

"H-Huh?" Buffering pa ang utak ko. 

I jumped when Frig pulled my hand. He made me face him. 

"I like you, Marron. I started liking you when you cry how broken you are. I like how compassionate you are. I fell for how much you're willing to love someone. Ang cute cute mo habang namumula 'yong ilong mo sa kakaiyak. Pero promise na hindi kita papaiyakin.

'Di ko alam kung kailan nagsimula, pero dumating na lang 'yong araw na inip na inip ako sa bagal ng weekdays. Gusto ko na araw-araw Linggo, kasi makikita kita. I am always looking forward to meet you and to spend a day with you.

I fell in love with you, Marron. Slowly and badly. I can't think of anything but you. All I want is to be with you. Ayoko na nawawala ka sa paningin ko. Kaya n'ong nalaman ko na may bakanteng posisyon para sa akin sa trabaho mo, sinunggaban ko na agad kahit na alam ko na boring."

"Huh?!"

Nagugulantang talaga ako. So... tama si Calix!

"I love you, Marron." Frustrated na sabi ni Frigate. "Puwede ba na ligawan na kita?"

Hindi ko nagawang sumagot kay Frigate. Nag-hang ang utak ko. 

Damn! That's Dr. Frigate Santillana. Halos lahat ng babae sa site at sa HHF ay crush s'ya. Tapos sasabihin n'ya na in love s'ya sa akin? 


"Nanay." Parang bata na tawag ko kay Nanay. 

Nang lingunin ako ni Nanay ay bakas sa mukha n'ya ang gulat. Agad na tumakbo ako sa kanya at yumakap.

"Bakit ka umuwi? Ang trabaho mo?" Nag-aalalang tanong ni Nanay. "Mag-isa ka lang nag-byahe? Kumusta ang byahe, anak?"

"Ako lang po, 'nay. Okay naman po. Hindi naman ako napagod." Sagot ko sa mga tanong n'ya at saka mas hinigpitan pa ang yakap.

Napangiti ako nang haplusin ni Nanay ang buhok ko. May magic talaga ang haplos ng ina. Nakakakalma.

"May problema ka ba, Marron?" Nag-aalalang tanong ni Nanay. 

Umiling ako. "Wala naman po. Miss ko lang po kayo. Nag-leave po ako ng tatlong araw."

Nagtawag si Nanay ng malapit na kasambahay. Nag-utos s'ya ng meryenda at iginiya na ako sa likod-bahay. 

Grabe! Miss na miss ko 'tong hacienda. Tapos ko kumain ay papasyalan ko agad ang pastulan. At bukas ay magtatrabaho ako dito!

Panay ang tanong sa akin ni Nanay kung kumusta ang trabaho ko. Sinasagot ko naman ang lahat. Iyong iba, nakuwento ko naman na dahil madalas silang tumatawag ni Tatay sa akin sa Skype, inuulit ko na lang. 

"So, bakit ka nga nandito?" Nakangiting tanong ni Nanay. 

I can feel that I am blushing. Agad na nagyuko ako ng ulo. 

"'Nay." I cleared my throat. "There's this doctor..." 

Paano ko ba sisimulan?

Nanay giggled. "Dr. Frigate?"

Dahan-dahan na tumango ako. 

"What about him?" 

I bit my lip. I took deep breath then I braved myself to look at my mother straight in the eyes. "He told me he's in love with me. I don't know what to do, 'Nay!" Miserableng sabi ko. 

"You like him?" 

"I like him as a person. He's kind, and helpful, compassionate, dedicated, he can be humorous and playful, he's charming..." I sighed. "There's a lot of things to like about him and not a single thing to put against him. He's too ideal."

Nanay gently smiled at me. "Kung gan'on, bakit ka naguguluhan?"

Nagbaba ako ng tingin. "Mahigit four months pa lang, 'Nay. 'Di ko po alam kung kaya ko na."

Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. "Mahal mo pa ba si Trey?"

I sighed. "Mahal bilang si Trey na kasama kong lumaki. Pero 'yong ibang klaseng pagmamahal, 'di ko na alam, 'Nay."

"Takot ka nang sumugal at maghintay sa kanya? Pagod ka na sa kanya?" Naninimbang na tanong ni Nanay. 

Hindi ko alam kung gan'on ba pero tumango na lang ako. 

My feelings for Trey is vague. Ang alam ko lang ay okay na ako na malayo kami. Okay sakin na 'di kami sa isa't isa. It feels liberating this way. 

"Mahal mo ba si Dr. Frigate?" 

"He's my friend." It slipped my mouth. I sighed. "I like him, but I know if I can love again the way I loved Trey."

"Don't make your love for Trey as a standard." Nanay gently said then squeezed my hand. "Love differs with every person. 'Di ko alam kung paano dahil si Tatay mo lang naman ang minahal ko. Pero h'wag mong gawing sukatan ang naging pagmamahal mo kay Trey."

Nagawa kong tumango kay Nanay. Kung magmamahal ulit ako nang gan'on, baka ikamatay ko na. 

"If you like Dr. Frigate, let yourself fall. Falling in love comes naturally. Hindi 'yon pinag-iisipan. In fact that you're thinking about it, means that it has hope. Kasi kung ayaw mo, madali namang umayaw. Nakaya mo nga na tumalikod sa sobrang pagmamahal mo, 'di ba?"

Kapag sa iba, sumbat ang dating. Pero kapag si Nanay, okay lang naman. 

After my talk with my mother, I went to my room. 

This room was filled with my memories of Trey. Ang pusok ko pa dati! 

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame. 

I like Frigate. Gusto ko ang sarili ko kapag kasama ko s'ya. He's making everything lighter. Masaya ako kapag kasama ko s'ya. 

Ano nga ba ang pumipigil sa'yo, Marron?

I closed my eyes. "Si Trey." Mahinang usal ko. 

Trey and I can't be together. Tinapos ko na. Dinisisyonan ko na. Tama sila. Dapat ay panindigan ko ang desisyon na 'yon. 

And Trey would want me to be happy. 

"Should I let Frigate in?" I asked myself. 

I am losing my mind!



____________________

8 July 2019 - 01:08


Continue Reading

You'll Also Like

11.9K 260 20
It is NOT always fair in the game of love. It's a loosing battle-- but does that mean you'll give it up?
89.1K 6.3K 21
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Untitled By _casper_

General Fiction

558K 11.4K 40
Si Bernadette yung tipong hindi agad na iinlove. Kasi nasanay siya na mga lalaki ang kasama niya. Lahat ng bagay kontrolado niya pag may lalaking gu...