3.
Papunta ako ngayon sa Airport. Alone ofcourse. Mom is in Paris. We have a company there, and wala kong balak na manahin yun pagka-graduate ko. Dad is gone already. And oh- I have a brother. Kasama nya si Mama sa Paris ngayon. As you may know.
Ngayon na kasi ang uwi ni Sapphire, at nagpapasundo sya. Magkatabi lang ang condo unit namin. Pinagiisipan ko pa kung pwede bang sa isang unit nalang kami, Hindi ko alam kung anong mas okay eh.
Pagbaba ko sa sasakyan nakita ko agad si Sapphire.
"Sapphire!" Lumingon sya at napangiti. Oh no. Sisigaw nanaman to.
"SCARLET!" She screams as she run and hug me. "I miss you so much Cara!"
"I miss you too, Saff" .. "Aw, di ako makahinga Sapphire!"
Napasimangot sya. "Eto naman, namiss ka lang eh" She pouts.
I laughed, slight. "Sige na ilagay mo na ang bagahe mo sa compartment."
Nilagay naman nya ito at sumunod na sakin. "Nakakapagod! Jetlag! Hoo!" Saad nya habang naglalagay ng seatbelt.
I started the engine. "Magpahinga ka nalang paguwi mo" Sabi ko.
"Matutulog talaga ko ng napakahaba! Besides, we have no school tomorrow right?" She asked then I smiled.
Nagmamaneho na ko ng magsalita sya ulit. "Scarlet, kamusta ang Enderun?"
"Maayos naman" Maayos naman talaga diba? Maganda ang paaralang yon.
"I mean, may mga kaibigan ka na ba?"
"Well, I met Xeena. Alessandra Xeena Vladimir. She's nice tho." I said.
"Still no boy-friends?" Napalingon ako ng saglit sakanya ng sinabi nya yun. Pinipilit nya kong magtiwala ulit sa mga lalaki. Paano ba gawin yun?
"I met Gavin, Julian and Autumn. Three boys. But I don't know, kung magkakaibigan na kami"
Tila' nabuhayan naman sya dun. "Talaga Cara?"
"Oo Saff, Nagkausap lang kami noon sa cafeteria. Then, sa room sa likod ko lang sila nakaupo. Then I gone out to the mall one time, and kasama din sila"
"You gone out one time with them?" Takang tanong nya. Alam nya kasing matapos ng insidente na nangyare noon, hindi na ko sumama o mumalis manlang na may kasamang lalake.
"Well I think, co-incidence? Kasi, nagkita lang kami sa mall. Bumili lang ako ng libro nun ni Andrei Willer"
"Oh, eh sino bet mo?" Tanong nya. Nagulat ako sa tanong nya.
"BET KO? Seriously? Seriously Sapphire?" Halata sa tono ng boses ko ang pagkagulat at...ano nga ba?
"What? Wala naman sigurong masama diba? Tatlong buwan na"
I clenched my jaw. Anong ibig sabihin nya? "Wow, Sapphire. Tatlong buwan na? Tatlong buwan na Sapphire. Tatlong buwan na nga." Sarkastiko kong sabi.
"Move on na Cara."
Napahigpit ako ng hawak sa manubela. Nakakainsulto. "Move on? Ano sa tingin mo? Do you know how hard handling this shit for me? I'll bring this for my whole damn life Saff!" I almost shouted. "Ganun ba kadaling kalimutan yun ha?"
"Wag mong idepende yung kinabukasan mo sa nakaraan mo. Yun lang nama-"
"Damn it. Saff, I thought you are my bestfriend."
" I am Cara!"
"Then why are you telling me that I am over-reacting?!"
"I am not telling you that!"
"But that is what you meant!"
Naihinto ko na ang kotse ko sa parking lot ng magsalita sya. "Alam mong hindi yun ang ibig kong sabihin Scarlet, Live a new life. Walang mangyayari sayo kung ganyan ka"
"Wag mo ko piliting magmahal Sapphire." Madiin na sabi ko.
"Hindi kita pinipilit na magmahal, ang sakin lang. Magtiwala ka ulit"
"Magtiwala ulit? Tapos ano? I will be fooled again. Mahirap Sapphire, mahirap."
"Hindi lahat-"
"Tama na Sapphire, baka lumala lang to. Sana maintindihan mo ko."
"Okay then! Open the compartment. Ipapakuha ko nalang sa guards yung gamit ko. Thanks for the ride anyway."
I gave out a heavy sigh. Kakauwi lang nya away agad. Paglabas nya binuksan ko na ang compartment at kinuha na ng guard ang mga gamit nya. Hindi muna ko uuwi. Magkatabi lang ang unit namin at ang akward nun diba? Pinihit ko ang manubela, pupunta ko sa pinupuntahan namin ni Lolo noon.
Nakarating ako agad sa isang burol. Well, parang burol? Walang pinagbago. Ganun parin. Maaliwalas ang hangin. Lagi akong pumupunta dito kapag may problema ako. Pinagiipunan ko nga ang lupang ito dahil gusto ko itong bilhin, although pwede naman akong humingi nalang kay Mama ng pera, pero mas gugustuhin ko pa ring pag ipunan.
Naupo ako sa sahig. Hinayaan ang mga buhok kong liparin ng malamig na hangin at niyakap ang mga binti ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko hanggang ngayon.
I want to forget all these bullshits that happened to me, pero kahit anong pilit ko, bigla nalang dadating sa point na maaalala ko sya, maaalala ko lahat ng nangyari saakin noon. Pano ko ba makakalimutan?
"Miss?" Nagulat ako ng may nagsalita. Pinunasan ko ang mga iyak na namumutawi sa mga mata ko.
Paglingon ko, tila ba parehas kaming nagulat. "Ikaw pala/Bakit nandito ka?"
Tumawa sya ng mahina at umupo sa tabi ko. "Wag mo isiping sinusundan kita ha, di naman ako ganun kafeeling close. Matagal ko nang alam ang lugar na to' ngayon na lang ako ulit nagpunta. Malapit lang ang bahay namin dito dati, at dito ako palaging naglalaro. Ikaw ba't nandito ka? Ba't alam mo tong lugar na to?"
"Since when I was a child, my grand father is bringing me here." I said sabay punas ng luha sa pisngi ko. Nakakahiya naman nakita nya kong umiiyak.
"You okay?" Napalingon ako sakanya nung sinabi nya yun. Ngayon nalang ulit may nagtanong sakin nyan. Am I okay?
Namumuo nanaman ang mga luha sa mga mata ko. Napatawa ako ng bahagya at tumingin sa langit. Damn, magdra-drama nanaman ba ko?
Narrator's POV
Habang nagsasalita si Cara eh pinipigilan nyang tumulo ang luha nya. Nakatingin lang sya sa langit, sa mga bituin. Sa buwan. "Have you ever wanted to cry...but no tears came out so you just stare blankly into the space while...feeling you heart..is breaking into pieces?" Nasabi nya iyon ng pautal-utal. Halatang nagpipigil ng iyak. Samantalang si Gavin ay sobrang nagtataka na kung bakit ganoon ang inaakto ni Scarlet.
Tumingin si Scarlet kay Gavin at nakita nya nakatitig si Gavin sakanya. Umiwas ito ng tingin at nagsalita. "Alam mo, crying is the best way to lessen the pain."
"I know" bulong ni Scarlet. At niyakap uli ang mga binti nya.
"You know what Cara? We are lucky that tears are colorless." Sa sinabing iyon ni Gavin ay napatingin si Scarlet sakanya. "Because if tears had a different colors for different feelings, then pillows will reveal many secret of us. So, iyak lang. " dagdag ni Gavin sabay lingon kay Scarlet.
Doon na nagsimulang manlambot si Scarlet. Agad na bumuhos ang mga luha nya. Ang lahat ng sakit, ng sama ng loob, lahat lahat ng nararamdaman nya. Lahat ng paghihirap, lahat ng nararamdaman na tinago nya sa loob ng ilang buwan... sa loob ng ilang taon...sa wakas nakahanap na uli sya ng isang taong mapaglalabasan nya ng sama ng loob. Yung hindi sya huhusgahan.
Magaan ang loob nya kay Gavin, even though she is doubting dahil baka may mangyari nanaman ulit. Niyakap sya ni Gavin. At hinaplos ang likod nya. Supposedly, she will push Gavin away. Walang lalaki ang dumikit, yumakap, o nag tangkang yumakap manlang sakanya simula nong nangyare ang mga bagay na iyon noon. Pero hindi nya alam sa sarili nya kung bakit hindi nya magawang itulak si Gavin. Nanghihina ba sya? Wala na ba syang lakas para itulak pa ito? Oh talagang, gusto nya ang presenya ni Gavin?
SCARLET'S POV
Umiyak ako ng umiyak ng hindi nagtatanong si Gavin ng dahilan. I like his presence, maybe.
"Sigurado ka bang kaya mong umuwi?" Tanong nito sakin. Pang ilang ulit na actually.
"Oo nga. May dala naman akong sasakyan." Sabi ko lumingon ako sakanya at ngumiti. Tila ba nasiyahan ito ng ngumiti ako. Napairap naman ako sakanya. Bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng magsalita sya.
"Magkaibigan na ba tayo Car- I mean Scarlet?" I do not expect that question. Well, expect the unexpected.
"Oo naman" I answered him with a smile. Gosh ba't ang bait ko ata sakanya? Siguro ayaw ko lang maging rude? Oo tama. yun nga siguro.
"Salamat." Sagot nya at akmang bubuksan na din ang pinto ng magsalita ako.
"Gavin" tumingin sya sakin. "Salamat. I feel okay now." Ngumiti sya at sabay kaming pumasok sa sarili naming mga sasakyan.
Nakauwi ako agad. Napatingin ako sa relo ko. 11pm. Ginabi ako ah. Pagpasok ko sa unit I was shocked when I saw Sapphire, when she saw me she ran away and now she's hugging me sooooo tight! Can't breathe!
Bumitaw sya sa yakap at hinampas ako sa braso. Napa-Aray naman ako. Masakit talaga! Ang bigat kaya ng kamay nito!
"San ka ba galing ha?! Alam mo namang hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kanina! Pinagalala mo ko!" My gosh. Ang OA nya. Sya ang OA! Umiiyak sya!
"Halika ka nga rito" Niyakap ko sya. "I love you Sapphire, thank you for always being my bestfriend, Naglabas lang ako ng sama ng loob. Dun ako pumunta sa lugar namin ni Lolo. Wag ka na umiyak, ikaw ang OA eh."
I smiled then another tear drop in my eyes. Lord, thank you.