Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 12: His Family 1
Chapter 13: His Family 2
Chapter 14: Failed
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 23: Message
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 27: Backup
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 29: Yes
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 1: Work

3.6K 77 23
By selimwarrior

Anya.

  "SABAY ka na sa akin."

  Napatingin ako kay Zohar na kakababa lang at dala nito ang suit case niya. Papasok na siya sa trabaho at katulad ng dati ay siya ang naghahatid sa akin papunta sa university na pinapasukan ko.

   "Sige. Kumain ka muna." Maikling sagot ko at ibinaling kay Claire ang tingin ko.

  "Ate, kailan ako papasok ulit ng school?" Tanong nito sa akin.

  Umupo si Zohar sa tabi ni Claire. "Maybe next month. Kaya i-enjoy mo na ang bakasiyon mo." Siya ang sumagot sa tanong ni Claire na ikinahagikhik nito.

  "Excited na akong pumasok, Kuya!" Sagot niya. Napangiti ako habang nakamasid sa kanilang dalawa.

   Parang kailan lang nang wala kaming matuluyan. Sino ba naman ang mag-aakala na may kukupkop sa amin na isang mayamang negosyante? Hulog ng langit talaga si Zohar sa buhay namin. Hindi ko alam na sa kabila ng kasamaang lumalaganap sa mundo ay may mga tao pa rin na handang gumawa ng mabuti ng walang hinihintay na kapalit.

  "Kamusta pala sa school mo?" Kaswal na tanong nito. Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. Para itong magulang kung magsalita kahit na pitong taon ang agwat naming dalawa. Kung ituring niya naman ako ay katulad ng kapatid niyang babae na apat na taon ang tanda sa akin.

   Noong una ay ayos lang naman ang trato niya sa akin. Sobrang saya ko pa nga dahil may 'kuya' na ako pero sadyang mapaglaro ang tadhana at mas lumalim pa sa turingang magkapatid ang nararamdaman ko sa kaniya.

  "Ayos lang naman. Uhm, pwedeng dalhin ko iyong kaibigan ko dito minsan? Kung ayos lang. Kung hindi naman, ako na lang pupunta sa bahay nila. May project kasi kaming tatapusin."

   Napatango-tango ito habang ngumunguya ng pagkain. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa kaniya. Nakikita ko kung paano gumalawa ang mga ugat nito sa kamay. Mas lalong gumanda ang katawan ni Zohar nitong mga nakaraang buwan marahil napapadalas ang pag-gygym nito kasaa si Sam at Vius. Minsan ay ininvite nila ako pero masyado akong nahihiya sa kanilang tatlo.

   "Pwede naman. Para na din makilala ko siya. Masaya ako na may kaibigan ka na agad."

  "Uhm, male-late din pala ako ng uwi."

  Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

  "Why?"

"Kasi may lakad kami ng kaibigan ko ngayon." Bahagyang naningkit ang mata nito sa sinabi ko. Bumuntong-hininga na lamang ako. Ayokong sabihin sa kaniya na mag a-apply ako ngayon sa lugar kung saan nagtra-trabaho si MJ, ang kaibigan ko.

  "Saan? Ihahatid ko kayo."

  "Hindi na," nakailing na sagot ko. "Nakakalimutan mo na naman na 20 years old na ako at hindi 12 years old para diyan." Biro ko pero hindi ito ngumiti.

  "What? Huwag mong idahilan iyan. Anong oras kayo uuwi?"

  "Tama si Kuya Zohar, Ate. Baka mapahamak ka pa sa labas." Singit ni Claire.

  Umiling ako sa kanila. "Huwag kayong mag-alala, kasama ko si MJ. Normal lang naman siguro sa isang college student na lumabas."

  Sumusukong bumuntong-hininga si Zohar. "Fine. Pero sabihin mo sa akin kung anong oras ka uuwi dahil ipapahanap kita kung hindi ka dumating dito sa tinakda mong oras."

"9:00, I guess."

Tumango ito. Lihim akong napangiti. Hindi naman na niya kailangang malaman kung saan ako magtra-trabaho dahil paniguradong pipigilan niya lang din ako. Utang na loob ko na ang libreng pagpapatuloy niya sa amin dito at hindi naman makapal ang mukha ko para sa kaniya na lamang umasa habang buhay.

"Good bye." Paalam ko bago isinara ang pinto ng sasakyan. Tipid itong ngumiti at pinaharurot ang sasakyan.

  Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko at naglakad na papunta sa first subject ko ngayong araw. Naabutan ko si MJ na may hawak na cellphone at ngiting-ngiti ito habang nagtitipa ng kung ano roon. Napangiti ako at lumapit sa kaniya.

  Tama nga ang hinala ko. Ka-chat niya ang nobyo niya kaya ganun na lang ang laki ng ngiti nito habang nakatingin sa telepono niya.

  "Uy andiyan ka na pala, Anya." Sambit niya nang mapansin ako.

  Tinawanan ko siya. "Masyado ka kasing busy sa pakikipag-chat mo sa boyfriend mo kaya hindi mo ako napansin."

  "Eh?" Nakanguso niyang sagot.

"Ikaw, kamusta kayo ng crush mo?"

  Agad na uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Bukod kay Sam na ex ni Zohar ay si MJ lang ang napag-sasabihan ko tungkol sa pagkakaroon ko ng interes kay Zohar. Kapag ganito na ang usapan ay naiilang ako.

  "W-wala naman."

  "Sus. Bagal mo naman, friend. Nakita ko nga siya, tama ka gwapo at mayaman nga. Swak na swak, friend."

"Sira. Gwapo si Zohar pero hindi ako nagka-interes sa yaman niya."

  "Talaga ba?" Aniya at humagikhik. Napailing ako sa kaniya. "Kasi jackpot talaga siya. Isipin mo, mahirap lang tayo tapos magkaka-jowa ka ng katulad niya? Bes, god bless."

  Natawa ako sa kalokohan niya. "Tama na nga iyan. Basta mamaya samahan mo ako kung saan ka nagtra-trabaho. Mag-aaply na ako."

Namilog ang mata nito. "Sigurado ka? Kaya mo?"

  "Kahit ano kakayanin ko. Ayaw kong maging pabigat kay Zohar."

  "Sa bar iyon, Anya. Delikado doon."

"Eh ano naman? Kasama naman kita."

  "Haynaku, bahala ka. Nagpaalam ka ba sa Kuya mo?"

  Ngumuso ako. Kuya Zohar? Parang kuya kasi kung umasta kaya madalas biruin ni MJ na Kuya ko si Zohar.

  "Hindi. Magagalit iyon kapag nalaman niya."

  Napailing na lamang siya sa akin. Maya-maya ay dumating na ang professor na magtuturo sa amin kaya agad siyang lumipat ng upuan.

  Mabagal na lumipas ang oras at sa wakas ay uwian na. Iniligpit ko ang binder ko at inilagay sa bag ko. Hapon na at kahit sumakit ang ulo ko sa daming assignments na binigay ng teachers namin ay kailangan kong pumunta at mag-apply ng trabaho ngayon.

  Napaisip tuloy ako kung kaya ko ba na pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho? Well madami namang working students sa panahon ngayon. Sa tingin ko ay kakayanin ko naman.

  Sumakay kami sa isang tricycle. Tahimik ako sa biyahe at hawak ang folder na naglalaman ng resume ko. Kinakabahan ako.

  "Ayos ka lang? Sabihin mo kung ayaw mo na. Sa totoo lang kasi, mahirap din pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho."

  Napatango ako. Nasubukan ko naman na. Totoong mahirap kaya naman huminto ako sa pag-aaral. Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral ko sa kaliwa't kanan na trabaho ko dati. Hindi kami mabubuhay ni Claire kung uunahin ko ang sarili ko. Kailangan siya muna bago ako.

  Wala sa sariling napangiti ako. Kamusta na kaya siya ngayon? Kanina lang ay excited na itong pumasok. Magpipitong-taong gulang na siya pero grade 1 pa lang siya sa pasukan.

  Si Claire lang ang kaaliwan ko sa buhay. Siya lang ang pinaglalaanan ko ng lahat ng sakrispisyo ko.

   "Kakayanin ko, MJ."

   Pumasok kami sa isang pribadong parte ng bar na pinapasukan ni MJ. Malawak ang kabuoan ng lugar at may mga nakahilera na iba't ibang klase ng alak kanina sa mga nadaanan namin.

  Kaunti pa lang ang customer dahil hapon pa lang naman. Siniko ako ni MJ nang mapansin niya ang pagkatahimik ko.

  "Natulala ka? Hindi ka sanay noh. Ganito talaga dito, masanay ka na."

  Napatango ako. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa isang Bar. Totoo nga ang sinabi kanina ni MJ na mukhang delikado nga na nagtrabaho dito.

Napalunok ako at inignora na lamang ang hindi magandang pakiramdan ko sa lugar na ito. Kailangan kong mag-isip ng positibo dahil walang magagawang mabuti ang negatibong pag-iisip sa akin.

  "Come in." Ani ng isang baritonong boses.

  "Sir Chase, good afternoon po." Bati ni MJ. Ngumiti naman ang lalake na mukhang pamilyar sa akin. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita pero pamilyar siya.

  "What can I help you ladies?"

  Napahagikhik naman si MJ kaya napangiwi ako. Naiilang ako sa paraan pa lang ng paghagikhik niya. Mukhang hindi katiwa-tiwala ang boss namin. Gwapo ito pero naamoy ko na babaero ito.

"Si Anya nga po pala, kaibigan ko. Gusto niya din maging waitress. Night shift po sana kasi parehas po kaming studyante. Hindi kami pwede sa umaga, Sir Chase."

"Anya?"

"Anya Natividad po." Pagbanggit ko sa buong pangalan ko.

  May dumaan na pagkamangha sa mata nito matapos kong banggitin ang pangalan ko.

  "Tanggap ka na."

  Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nabibigay ang resume ko tapos tanggap na agad?! Totoo ba ito?

  Kahit si MJ hindi nakapagsalita sa sinabi ng boss nito sa pagkabigla.

  "P-Po? Ito pa lang ang resume ko." Utal na sabi ko at inabot sa kaniya ang folder na hawak ko. Naiiling itong napangiti sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan.

  "Ano pong meron at tinanggap niyo ako agad-agad?"

  "Oo nga, Sir! Unfair naman sa akin na sumayaw pa at kumanta bago matanggap!" Pagmamaktol ni MJ sa tabi ko. Alam kong biro lang niya iyong sumayaw at kumanta pero totoo na unfair nga.

"Well, nagkataon lang na alam kong nangangailangan ka so tanggap ka na."

Naguguluhan pa rin ako kung bakit niya ako tinanggap agad kaya naman napailing ako.

  "Manghuhula ka po ba?"

"No. Basta pwede ka nang magsimula bukas."

  Napatango na lamang ako. Kahit naguguluhan ako ay tatanggapin ko na lang ang trabaho na ito.

  "Salamat, Sir Chase."
 
 

 

 

  

Continue Reading

You'll Also Like

55.5K 17.3K 84
[SMUG Series #4] (Former Title: Getaway) Sandro, a public servant who isn't interested in romance and is absolutely fine with the fact that he'll pro...
15.7K 716 50
Maria Asuncion Limpoco is best friends with Cain Rodriguez. Both silent and smart, they decided to pursue Medical School together, though, becoming a...
False Chase By DK

General Fiction

596K 5.9K 64
(Cortez Series #1) Five years ago, Ellise had only loved and chased one man: Sage Dustin Ferrero. The chase became successful and she'd managed to wi...
4.9K 1.2K 32
BLIND FOR YOU LOVE - COMPLETED Masasabing hindi ordinaryo ang mga naging karanasan ni Chiert sa buhay ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin siya nag...