Sacrifice of a Woman [Complet...

By asle_jhinx003

145K 1.6K 75

#1 "minsan naisip ko ng sumuko, pero pagnakikita ko ang anak ko at nararamdaman ko ang sanggol sa sinapupunan... More

Panimula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12 (SPG)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (SPG)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 30

2.3K 42 5
By asle_jhinx003

**************

Nakita kong papalapit si Terrence sa dereksyon ko, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Mapatingin ito sa akin at akmang tatawagin nya ako pero bigla akong lumiko sa isang pasilyong nagkokonekta sa Old Building.

Dali dali akong naglakad paakyat sa Building para maiwasan si Terrence. Muna kasi noon sinabi nya na may nagugustuhan na itong ibang babae ay talagang nalungkot ako.

Aaminin ko sa sarili ko na hindi lang basta Crush ang nararamdaman ko para sa kanya. Nadevelop na sa mas malalim na pag tingin ang feelings ko sa kanya kaya habang maaga pa at kaya ko pang mapigilan ay iiwas na ako.

Alam ko sa bandang huli ay masasaktan lang ako. Mahirap umasa, at mas mahirap maging friendzone.

Hindi ako ipokrita para makipag plastican sa kanya na OK lang ako kahit ang totoo ay hindi.

"Nakakainis naman lalo akong mapalayo sa Main Gate." Kailangan ko pa naman makauwi na ng maaga dahil nagpapatulong si Nanay sa pag Gawa ng Embotido at Relyenong Bangus para sa Anniversary ng Tita Elvie ko at Tito Erning.

Habang paliko sa isa pang pasilyo para makababa sa Main Ground ay Biglang may humatak sa akin papasok sa isang bakanteng Room.

Isinandal ako sa pader ng taong humatak sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa mga labi.
Sa Takot ko ay nagpumiglas akomasyadong malakas ang taong ito kaya si ko magawang makakawala sa kanya. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa dahil ang labi ng Estranghero ay nakaselyo sa mga labi ko.

Onti inti akong nanglambot dahil sa pagod kakapiglas kaya tumigil na din ako. Isa isang naguunahan ang mga luha ko sa Mata.

Nangmaramdaman siguro ng Estranghero ang mga luha ko ay tumigil ito, at unti unti kong nakita kung sino ang walang modo na humalik sa akin.

Kanina ay may isang taong pumasok sa isip ko, dahil kapareho sila ng amoy. Pero nawala iyon sa isip ko dahil alam kong hindi nya gagawin yon sa akin dahil may ibang babae na itong mahal.

Pero, nangmakita ko angkabuan nito ay bigla akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Bakit.?

"Christine, Sorry." sabi na lang nito at iniwan ako sa kwartong iyon na tulala.

Bakit nya ginawa yon.

Terrence.


Naguguluhan man ay pinilit kong isa walang bahala na lang ang lahat.

Hundi ko alam kung bakit ginawa ni Terrence sa akin yon. Talagang natakot ako. Akala ko ay may mangyayari ng masama sa akin.

Tulala akong nakauwi sa bahay. Sa dami kong naiisip ay hindi ko na pinansin ang mga taong nasa loob nang bahay namen. Derederetso akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa kama.



"Bro, kanina ka pa nagiinom dyan. May problema ba.?" Nandito kami ngayon sa Bar ni Tito Axel. Sarado pa ito dahil maaga pa, pero dahil kilala naman kami ng mga tauhan dito ay pinapasok kami. Alam ng mga tao ng pamangkin kami ni Tito Axel.

"May nagawa akong kasalanan kay Christine." sabi ko na lang sabay inom ulit ng alak.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon sa kanya.

Ramdam ko na iniiwasan nya ako. Kaya kanina ng makita ko sya sa may corridor ay balak ko sya tanungin kong iniiwasan nya ako or sadyang busy lang talaga tulad ng lagi nyang sinasabi tuwing magaabot kami sa Media Room.

Kaya noon nakita ko syang lumikot sa Pasilyo papunta sa Old Building ay nagpaalam ako sa mga kasama ko at umikot ako sa kabila para nasa salubungin ko sya.

Alam ko na sa may Main Gate ang punta nya dahil kanina bago nya ako makita ay alam kong mauwi na sya. Kaya ang ginawa ko ng makarating ako sa duling pasilyo kung saan sya liliko para makarating ng Main Gate ay inabangan ko sya sa isang bakantent kwarto don.Wala sa plano ko ang takutin sya at halikan.

Nagsisisi ako. Alam king natakot sya sa akin at lalo nya akong iiwasan.
Pero ang pag halik sa kanya ay hindi ko pagsisisihan, dahil iyon na ata ang pinakamasarap na halik na natikman ko. O.A na kung O.A aaminin ko na pilyo din ako sa mga babae, pero hindi naman ako tulad ng pinsan kong si Ditan na grabe kung magpalit ng babae. Noon Engage kami ni Kezia ay may mga pagkakataon na nakakaroon ako ng mga babaeng natitipuan pero hindi naman naman yung tilong seseryosohin. Bukod sa bata pa ako ay di pa ako seryoso sa mga relasyon.

Pero nag iba lahat ng yon ng makilala ko si Christine.

Hindi ako nagsisi na sumali sa School News Paper dahil kung hind ako sumali ay baka hindi ko nakilala si Christine.

Napansin ko na sya noon unang meeting ng club sya lang kasi ang nabubukod tanging tahimik at di nakikipag usap sa ibang tao.

At sya din yung nagiisang medyo baduy manamit. Di ko nan sinabing makaluma syang magdamit pero kasi nasanay ako na ang lagi ko nakikita eh yung mga babaeng hapit kung mag damit laging naka fitted na skirt or jeans. Pero si Christine iba kasi sya sa lahat.

At ang swerte ko ng sya ang makapartner ko sa Club.

Sa una ay di sya masyadong pala usap sa akin noon. Pero ng ma stranded kami dahil sa pag cover namen ng openning ng UAAP ay doon na nagsimula na makilala ko sya.

Mabait ito at magaling mag luto. Lagi itong may baon lunch at masipag din itong mag-aral.

Dahil pareho kami ng course ay madalas kaming magkita sa Building. Doon na magsimula yung pagbabago ng lahat di ko na sya nakikita bilang isang kaibigan na lang.

Dahil muna noon ay nakikita ko na sya bilang sya, ay bilang isang babae.

Babae na mahahalagan at mamahalin, at higit sa lahay ay irerespeto.

Pero dahil sa ginawa ko sa kanya alam ko lalong lalayo ang loob bya sa akin.

"ha..? Kay CeeJay.?" takang tanong ni Ditan.

"Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yon.. Basta ko na lang syang hinila at hinalikan" inis kong sinabunutan ang buhok ko. Frustration. "Ditan anong gagawin ko.? Lalo lang nya akong iiwasan"

"Patay kang bata ka. Ano naman kasing pumasok sa kokote mo at ginawa mo yon. Di naman sya tulad ni Kezia na wiiling magpa-Rape sayo."

"Di ko nga alam. Basta noon nakita ko sya padaan sa may bakanteng Kwarto ay yon agad ang ginawa ko..Shît Bro. Ang sarap ng labi nya" sa huling sinabi ko ay napailing na lang ako. Tinungga ko na ang alak sa mismong bote nito, at ng maubos ay kumuha ulit ako sa bar counter ng bar at binuksan ko iyon at deretso ulit sa bote na ininom.

"Problemado ka na nga, naisip mo pa yan. Manyak ka talaga Terrence"

"anong magagawa ko eh masarap naman talagang ang Labi nya.nakakaadik."

"Ay, ewan ko sayo Bro. Pero payo ko lang. Kausapin mo sya nang masinsinan at humingi ka ng tawad"

"Nahihiya ako. Kanina noon makita ko syang umiiyak ay bigla akong natakot. Kaya umalis ako at iniwan ko sya.Naduwag ako. Natorpe. Nawala lahat ng practice kong lines."

Narinig kong tumawa si Ditan at Bigla akong hinampas ng malakas.

"Ikaw, Terrence..? NaTorpe.? Hahahaaha. Grabe sana pala na videohan ko to. Tiyak malaki ang kikitain ko pagnakipag pustahan ako kayna Johnny at Kyer."

"Anong magagawa ko, pag kau Christine na eh naduduwag ako." Pinagpatuloy ko ang pag inom. Di pa ako lasing kahit nakakadalawang boto na kami ng Brandy. Matino pa ako. Mattas ang Alcohol tolerance ko.

"Hay, problema mo na yan kung paano mo kakaisapin si CeeJay at mag tapat ka na. Pag kaylangan mo ng tulong maasahan mo naman kami dyan."

Sabi nitocat lumapit sa akin at inahaw ang boto ng alak.

"Tama na Terrence umuwi na tayo. Pereho tayong malilintikan sa mga magulang matin kung uuwi tayo pareho mg lasing."

Nagpatangay na lang din ako sa pag hila nya sa akin paglabas ng Bar ni Tito Axel.

Bahala na bukas. Kaylangan ko ng magisip kung paano ko kakausapin si Christine.




Kakapasok ko pa lang sa Main Gate ng mapansin konh halos lahat ata ng Estudyante ay nakatingin sa akin. Nawiwirduhan ako sa mga tingin nila.

Nangmapadaan ako sa isang building na may salamin na pinto ay sinipat ko ang sarili ko kung may mali ba sa itsura ko.

"Wala naman mali sa akin, maayos naman ang buhok ko. Ok naman ang damit ko."

Kahit napaka weird ng sitwasyon ay pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa una kong klase.

Dadaan ako sa may school grounds dahil don ang pinakamadaling daan para makapunta agad sa classroom ko.

Pero mali ata ako ng desisyon na dumaan don dahil lahat ng tao na nasasalubong ko ay may iniaabot sa akin bulaklak.

Ano bang nangyayari.? Tanong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang Bulalak na ibinigay sa akin, may maliit na sulat doon.

I knew you from first sight, As if we Have calling for each other.
The DNA in my vein tells me
You're the one I've been searching for.
- T.

T.? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kinabahan aking inilibot ang paningin ko sa paligid para hanapin ang isang tao.

Ayaw ng utak kung umasa, pero iba ang sinasabi ni Puso ko.

At sa di kalayuan mula sa lugar kung saan ako nakatayo ay nakita ko nga sya.

Papalapit sa akin. Dapat galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin kahapon.
Dapat tumakbo na ako at hindi pag pakita.
Dapat umiwas ako. Pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Nanhinginig ang mga kamay ko na may hawak ng bulalak.

Nang makalapit ng ito mg tuluyan sa akin ay nakatitg lang ako sa kanya.

"Christine." Narinig king tawag sa akin ni Terrence

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa nagawa ko sayo kahapon. Sorry, pinagsisihan kong natakot kita, pero yung paghalik ko sayo." huminga muna ito bago nag salita ulit. "Shît. Nakalimutan ko yung sasabihin ko." narinig kong nagtawanan yung mga tao sa paligid namen.

Inilibotvko ulit ng tingin ko. Napapalibutan pala kami ng mga estudyante ng School.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Terrence na sobrang pula na ng muka. "ah, Terrence kung may sasabihin ka pwedeng...anoo.... Kasoli ano late na ako sa 1st class ko.. Mamaya na tayo mag usap." sabi ko na lang. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa dereksyon kung saan ang class room ko ng bigla akong hawakan ni Terrencecat iharap sa kanya.. Walang sabi sabing hinalikan nya ako sa labi. Sa gulat ko ay hindi na naman ako nakapag-react.

Sandali lang nag lapat ang labi namen. "Mahal kita Christine. Matagal na kita gustong ligawan pero na totorpe ako, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magtapat sayo.. Sana mapatawad mo ako sa nagawa kong pag halik sayo kahapon., Pero hindi ko yung pinagsisihan.. Humihingi lang ako ng sorry dahil alam kong natakot kita." pagkasabi noon ay sya na mag himila sa akin paalis sa kumpuhan ng mga estudyante.

Nang nasa tapat na kami ng classroom ay hinarap nya muli ako. "Grabe nakakahiya talaga yon. Pero itong tatandaan mo. Mahal kita at gagawin kong lahat para maging akin ka." pag kasabi nya non ay iniwan na nya at tumakbo na ito papunta sa kabilang room para sa Klase naman nito.

Kung hindi pa ako naabutan ng Prof. namen na nakatayo sa labas ay baka maghapon na akong tulala sa labas ng Room namen.

Isa lang ang nasa isip ko ng mga panahon na yon.

Mahal nya ako.

Mahal din ako ng taong mahal ko.

---------------

Happy Reading..

Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 591 37
She wants to forget the past and live the life she wants.. But still it hunts her,the mere fact that he left her memories she can't resist. Thinking...
329K 4.7K 41
(Formerly entitled:Her ex-husband) "Sana sinabi mo. Sana hinanap mo ko.Sana pinuntahan mo ko. Maraming paraan Lira." -Jared "Para ano? Para ipagtabuy...
296K 6.1K 71
Love conquers all, they say. In my case, I guess love is not enough. Protecting life is more important than love. Kaya nga habang hindi pa ako tuluya...
294K 10.1K 39
Hayaan nating makilala si Weinna, ang kambal ni Meinna na mahal ni Thor. Si Lord Thor Mendez na Fraternity Master, mayaman, gwapo, matalino at kinata...