HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COM...

Por akosijabee

56.9K 1.1K 81

"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily toget... Más

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10

Chapter 9

3.8K 103 2
Por akosijabee

Nang marinig ni Lance ang sinabi ni Charles ay hindi niya napigilang maluha, naiisip niyang hindi na niya makikita pa ang taong pinakamamahal. Nasa ganoong ayos si Lance nang pumasok ang kapatid niyang si Melissa at napansin agad nito ang itsura ng kakambal.

“May problema ba?”, tanong ni Melissa.

“Wala naman. Si Charles kasi gusto na niyang ibenta yung unit namin.”, matamlay na tugon ni Lance.

“Bakit daw?”

“I didn’t ask.. I never bothered to ask him, pumayag na lang ako.”, si Lance na nagbigay ng pilit na ngiti.

“How are you feeling?”

“Ewan ko Mels…. Ewan ko… everything just seems to be falling apart… I am falling apart.”

“Tell me Lance, do you honestly believe that you have brain cancer?”, matigas na tanong ni Melissa.

“Hindi ko alam. Gusto kong kumbinsihin yung sarili ko na wala, na ok ako pero habang pinipilit ko, nararamdaman ko yung mga sintomas, nanghihina ako at ayokong masaktan si Charles kung mamamatay ako kaya kailangan ko siyang iwan…”, naluluhang sambit ni Lance.

“Kung gusto mo siyang iwan e bakit hindi mo siya iniwan agad?”

“Kasi…”, si Lance na tila hindi maituloy ang sasabihin.

“Kasi mahal mo siya at importante siya sa’yo? Kasi hindi mo kayang mawala siya? Wag mong ipagdamot sa sarili mo ang karapatang maging masaya…”, sambit ni Melissa habang hawak ang kamay ng kapatid.

“Pero paano kung meron nga?”

“We saw your physical examination and found out no reason for you to be worried with your health… it would be better if you’ll start attending your psychotherapy sessions.”, sagot ni Melissa.

“You think so?” tanong ni Lance na tinugon ni Melissa ng pagtango.

                Sa kabilang banda ay naiayos na ni Charles ang pagbebenta sa condo unit at dahil sa maraming kakilala ang binata ay naging madali ang pagbebenta sa nasabing property, isang buwan lang ang lumipas at nakuha niya na ang buong payment para sa condo unit nila at tinawagan niya si Lance para magkita sila sa isang coffeeshop kung saan niya balak ibigay ang kalahati ng halagang napagbentahan ng bahay nilang dalawa.

Alas siete ng gabi ang oras na napagkasunduan nila at alas-sais y media pa lang ay andun na si Lance, isang buwan niyang hinintay ang pagkakataong makita ulit ang taong mahal at kahit na alam niyang nahihirapan pa rin itong tanggapin ang kanyang sitwasyon ay gusto niya pa ring magbaka-sakali na babalik ito sa kanya at mabubuhay pa rin silang masaya. Malayu-layo na rin ang nararating ng pagpapantasya ni Lance nang isang boses ang nagpabalik sa kanya sa tunay na mundo.

“Did I make you wait?”, sambit ni Charles. “Huy!”, tapik pa nito.

“Ha? Ano yon?”, si Lance na nagulat sa pagtapik ni Charles.

“Wala. Sabi ko gusto mo ba ng doughnut…”, si Charles na nakatayo at nakatingin sa Java chip frappe ni Lance na madalas nilang inoorder nung magkasama pa. “Yang java chip mo, gusto mo pa?”

“Sige, ibili mo ko ng java chip, venti. Saka choco-coated doughnut.”, nakangiting usal ni Lance.

Umalis naman si Charles at tumuloy sa counter para bumili ng makakakain, matapos bumili ay hinintay niya ng tawagin ang pangalan niya bago bumalik sa upuan.

“Kamusta ka na?”, tanong ni Charles pagkabalik sa upuan.

“Ok lang. Ikaw?”, matamlay na sagot ni Lance.

“Ayos lang din. Nga pala, yung pera, how do you want to get it? Dala ko yung chequebook ko ngayon pero pwede ko ring i-deposit na lang sa account mo.”, si Charles na kinuha ang chequebook.

“Pwede bang ikaw na muna ang magtabi?”, si Lance.

“Ha? Bakit?”

“Para may dahilan pa akong makita ka ulit.”

“Sino ba maysabing hindi na tayo magkikita ulit?”,tanong ni Charles na hinawakan ang kamay ni Lance.

“Diba lalayo ka na dahil ayaw mo na saken?”

“Oo, lalayo ako para malaman ko kung lalakad ka palapit sa akin. Hindi ako lumalayo dahil sa may sakit ka o sa dahil pagod na ako o ayaw ko na sa’yo…”, si Charles.

“E bakit…”

“Dahil nasasaktan ako… nasasaktan ako na nagkakaganyan ka dahil sa pagmamahal mo sa isang tao na wala na, na matagal ng wala sa buhay mo. Nakakalungkot kasi lahat ginagawa ko para maramdaman mong hindi kita iiwan pero parang hindi sapat… hindi ko tuloy alam kung mahal mo nga ba talaga ako o natatakot ka lang mag-isa…”

“Mahal kita…”

“Siya? Mahal mo ba siya kahit na hindi mo na nakikita?”

Tumango na lang si Lance at biglang tumulo yung luha, sinapo rin nito ang ulo na tila sumasakit na naman.

“Pag ako na lang yung laman niyan…(turo sa dibdib ni Lance) at pag hindi niya na naaapektuhan to (turo sa ulo ni Lance) saka na lang tayo maging tayo…”, naluluhang sambit ni Charles.

“Wag.. .ayoko… tulungan mo akong maging ayos… tulungan mo muna ako.”, pakiusap ni Lance.

“Pero…”

“Please?”

“Gusto ko pero hindi ako pwedeng nandyan sa tabi mo lagi…”

“Hindi ko yata kasi kaya..”

“Kaya mo yan.. tatawagan kita lagi at kapag ayos ka na, kitain mo ako. I’ll update Melissa with the address and she’ll be the one to bring you to me pag ok ka na.”

“Hindi ko alam kung kelan ako magiging ok…”

“Maghihintay ako hangga’t kaya ko…”

“Ok… Hatid mo naman ako…”

“Ok. Tara na… yung pera mo, ilalagay ko na lang sa account mo.”

“Sige…”

******************************************************************************

Matapos ang gabing iyon ay naging panay ang pagtawag ni Charles kay Lance, halos dalawang beses kada araw at pinag-uusapan lang nila ang kung anong bagay ang pumasok sa isipan, kung minsan ay pinag-iisipan ang nakaraan, kung paano sila napunta sa ganoong sitwasyon at kung ano ang mga balak nila sa kani-kanilang buhay o kung magkikita pa ba sila ulit. Maayos ang naging lagay ni Lance ng mga panahon na iyon, iniisip ng lahat na maaaring mapabilis ang paggaling ni Lance kung magpapatuloy ang progreso ng pagbuti ni Lance.

Kasabay ng mga pag-uusap ng dalawa ay ang mga sessions ni Lance na nagpabuti sa lagay nito ngunit makalipas ang ilang buwan ng therapy ay nagkaroon ng isang malalang depressive episode si Lance at nagkulong ito sa kwarto sa loob ng dalawang araw, ang dahilan: ang hindi pagtawag ni Charles sa oras na napag-usapan nila. Matapos ang pangyayaring iyon ay nagpasya ang pamilya ni Lance na putulin na muna ang ugnayan ng dalawa.

“Nakita mo naman ang nangyari diba? I suggest that you keep a distance from him.”, sambit ng ina ni Lance.

“I understand, Tita. Melissa, yung napag-usapan natin a..”, naluluhang sambit ni Charles habang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto sa ospital ni Lance at pisil ang kamay ng dalaga.

“Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?”, tanong ni Melissa.

“Wag na. Magkakaiyakan pa kami niyan e…”, sambit ni Charles na umiiling at walang patid ang pagtulo ng luha.

“Wag ka ng umiyak…”, si Melissa na naluluha na ring  niyakap si Charles

“Gusto ko kasi sana e kasama ako sa mga unang taong makakakita ng improvement sa kanya, na magiging ok siya pero bakit ganun? Hindi yata siya talaga magiging maayos habang andito ako… ano bang mali sa presensya ko?”

“Walang mali… nagkataon lang na siguro hindi pa lang pwede… things will be fine.”

“Sana…”

“Trust God…”

“I will… ikaw na bahala sa kanya?”

“Oo naman… I’ll keep you posted.”, si Melissa na sinundan ng pagtalikod ni Charles at paglakad palayo.

Lumipas ang ilang buwan na nagpabalik-balik sa ospital si Lance para sa pagpapagamot at para na rin mamonitor ang lagay niya, may mga buwan na sinusumpong siya ng depression at kung minsan naman ay bumabalik sa kanya ang mga sandali bago mamatay ang dating nobya, iiyak siya nang halos magdamag at hindi kakain sa loob ng ilang araw, kung minsan naman ay matino siya at maayos, kung minsan ay susumpingin ng pag-iisip na meron siyang malalang sakit at kahit pa nga mayroong iniinom na gamot ay hindi pa rin nito maiwasan ang malungkot nang sobra dahil sa kabila ng pinagdaraanan ay wala ni anino ni Charles ang lumilitaw para kamustahin o silipin man lang para malaman ang kanyang kalagayan.

Tatlong taon ang nakalipas mula ng umalis si Charles ay nagpatuloy na ang pagiging maayos ng kalagayan ni Lance at dahilan ito upang itigil na ang pag-inom niya ng mga gamot at naging mas madalang na ang mga pagbisitang ginawa niya sa psychotherapist niya. Unti-unti siyang nagpabalik ng dating sigla, unti-unti niya na ring natanggap ang nangyari kay Kyla at tanging alaala na lang ang turing niya sa pangyayari rito, maging si Charles ay nagsilbing alaala at ppangarap na lamang para sa kanya. Bumalik siya sa pagtatrabaho at nakakuha muli ng magandang pwesto sa isang kumpanya bilang Marketing Officer. Unti-unti niyang binuo ang tagpi-tagpi ng buhay niya na nawala at nagkalat dahil sa sakit na tumama sa kanya…

Lahat ng ito ay ginawa niya para sa sarili at sa isang pangarap na isang araw ay magtatagpo ang landas nila ni Charles… ang tanging taong may hawak ng puso niya ngayon…

“It’s been 7 years since I saw him… kamusta na kaya siya?”, tanong ni Charles kay Melissa habang kumakain sila ng almusal.

“Malay ko. I haven’t got a news about him for around 4 years now.”, sagot ni Melissa.

“Ok naman na ako diba?”

“Sure ka?”

“OO naman. So can we go to him?”

“Ok lang. Kelan mo ba gusto?”

“Ngayon na sana, e… please Mels?”, nagpapacute na pakiusap ni Lance.

“Lance, just a word of hint.”

“Ano yun?”

“Alam ko yung address pero hindi ko alam kung anong madaratnan natin doon, baka kasi may untoward event na naman tapos bumalik na naman yung depression mo…”

“Hindi na. Ok na ako. Saka gusto ko lang naman siyang makita e.”, nakangiting usal ni Lance sa kapatid.

                Matapos ang agahan ay naggayak na ang dalawa para sa pagpunta kina Charles, excited si Lance sa lakad nilang ito, gusto niyang ipakita kay Charles na malaki na ang ipinagbago niya, na maayos na siya, na magaling na… pero yun naman ang ipinangangamba ni Melissa, sa haba ng pitong taon na hindi pagkikita ng mga ito, hindi siya nakasisiguro kung may lugar pa ba ang kapatid niya sa buhay ng dati nitong nobyo.

Sumakay na ang dalawa sa sasakyan at dahil si Melissa ang may alam ng destinasyon ay siya ang nagmaneho patungo sa bahay ni Charles. Makalipas ang dalawang oras ng biyahe patimog ay narating na nila ang isang bahay na may pulang gate, mula sa di-kataasan na gate ay mapapansin kung ano ang nasa loob ng bahay, isang nakaparadang Honda Civic na pula ang nasa gilid ng bahay na sa tantya ay may dalawang palapag, hindi ganuon karangya ang lugar pero pansin ang kalinisan at pati na rin ang kagandahan ng landscape sa kabilang gilid ng bahay.

“Tao po!!!”, sigaw ni Lance dahil walang tumutugon sa paulit-ulit na pagdoorbell

“Sino po iyan?”, nagmamadaling pagpunta sa gate ng isang maitim na babae, di katangkaran at malamang ay nasa early 20’s.

“Si Charles, andyan ba siya?”, tanong ni Melissa.

“Ay, Ma’am! Kayo po pala. Tuloy muna kayo at tatawagin ko lang po si sir.”, tugon ng katiwala.

Tumuloy ang dalawa at habang naglalakad si Lance at inililibot ang mata ay nabangga siya ng isang bata…

“Sorry po…”, sambit ng batang nasa limang taong gulang na.

“Ok lang. Mag-ingat ka sa pagtakbo at baka madapa ka.”, nakangiting usal ni Lance sa bata na noon niya lang napansin na malaki ang pagkakahawig sa dating kasintahan.

“Kaibigan po ba kayo ni Papa?”, nakangiting usal ng bata.

“Oo. Kaibigan sila ni Papa mo, tawagin mo nga siya at sabihing andito si Ma’am Melissa para makapaghanda ako ng meryenda.”

“ok po, yaya!”, masayang tugon ng bata na tumakbo papasok ng bahay.

“Ma’am, sa garden na lang po kayo maghintay kay Sir Charles, tinawag na po siya ni Carl. Gawan ko lang po kayo ng meryenda.”, sambit ng katulong kay Melissa na tumango lang at pumunta sa bahaging itinuro ng kasambahay.

Si Lance naman ay napako sa kinatatayuan… “Carl… Charles… Papa? Anak niya yung bata?”, napaisip si Lance tapos ay ngumiti siya… “pitong taon na rin naman ang lumipas, tama lang siguro rin na bumuo siya ng pamilya niya..” marami pang bagay ang tumatakbo sa isipan ni Lance pero biglang bumalik ang diwa niya ng marinig ang pamilyar na tinig...

"Sino bang kaibigan ang dumating?"

"Hindi ko matandaan yung pangalan e pero mukhang mabait e. baka ninong ko Papa..."

Nang lumabas ang kausap ng bata ay lalong bumilis ang kabog ng dibdib ni Lance, si Charles ay nasa harap niyang muli pero may hawak itong bata, batang hindi maikakaila ang hawig rito...

"Ikaw pala...", sambit ni Charles na halata sa mukha ang pagkabigla ng makita si Lance

"Kamusta?", tugon ni Lance na nagbigay ng isang pilit na ngiti at muli nabalot sila ng katahimikan na tanging ihip ng hangin ang maririnig sa paligid.

Seguir leyendo

También te gustarán

51.1K 2K 57
Sabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano ku...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
4.6K 221 47
There are always three sides of the story --- mine, yours and the truth. This book covers Mac's perspective and what's really running through his hea...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...