HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COM...

By akosijabee

56.9K 1.1K 81

"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily toget... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 5

4K 100 1
By akosijabee

“Ding…dong…Ding… dong”, sunod-sunod na tunog ng doorbell.

“Aga ng ligaw a!”, pagbati ni Melissa nang buksan niya ang gate nang makita si Charles na kanina pa pinipindot ang doorbell sa gate

“Ligaw talaga? Asawa ko na nga liligawan pa…”, nangingiting tugon ni Charles.

“Asawa nga, hindi naman maalala…”, pang-aasar ng dalaga.

“nakakainis ka! Nakalimutan ko na nga pinaalala mo pa!”, nakasimangot na tugon ng binata.

“Sorry naman. Andun sa lanai si Lance, umiinom nung paborito niyang chocolate drink”

“Buti pa yung paborito niyang chocolate drink e di niya nakalimutan.”

“Asus!!! Ang inumin daw kasi e hindi marunong mag-inarte! Puntahan mo na yung jowa mo para naman tumigil ka na sa pag-eemote!”, nakatawang sabi ni Melissa na tinulak si Charles papasok na tinugon lang ng ngiti ng binata.

                Habang naglalakad si Charles papunta sa lanai ay nakita niya ang nanay nito na nag-aayos ng halaman sa garden kaya nagpasya siyang batiin muna ito.

“Good morning tita!”, bati ni Charles sa ginang na kasalukuyang naggugupit ng mga sirang dahon ng mga halaman.

“ikaw pala Charles! Nasa lanai si Lance, puntahan mo na lang siya ron.”, nakangiting usal ng matandang babae.

“Gusto ko lang pong bumati, need any help with your gardening tita?”, nakangiting tanong ni Charles.

“Hindi na. Puntahan mo na si Lance para naman may kasama yun at alam ko namang sa tatlong araw na di ninyo pagkikita e namimiss mo na siya.”, nakangiting tugon ng ina ni Lance.

“Ok tita. Salamat.” Si Charles na naglakad na papunta sa lanai ng bahay na nasa likurang bahagi ng bahay kung saan niya naabutan si Lance na hawak ang paintbrush at seryosong nagpipinta.

“Huy! Ano yan?!?!”, panggugulat ni Charles kay Lance na taimtim na nagpipinta.

“Ikaw pala… bakit ka napadaan?”, si Lance na hindi man lang natinag kahit ginulat siya ng kaibigan.

“Anong napadaan? Pinuntahan talaga kita kasi may lakad tayo.”, si Charles.

“Lakad? May usapan ba tayo?”, si Lance na huminto sandali sa pagpipinta at humarap sa kausap.

“Wala naman pero mukhang wala ka namang ginagawa kaya ok lang naman sigurong lumabas tayo, di ba?”

“Hmm… e kasi..”

“Walang kasi-kasi… minsan lang naman ako humingi ng pabor tapos tatanggihan mo pa?”, patampong usal ni Charles.

“Muntanga to! Kalalake mong tao tapos umaasta ka ng ganyan? Pero sige na, oo na, lalakad na kung lalakad pero pagtapos ko na lang magpaint, ok?”, si Lance.

“Sige!”, masayang tugon ni Charles.

Habang naghihintay kay Lance ay napagpasyahan niyang tingnan ang pinipinta nito at nakita niyang isa itong abstract na dahilan para magtanong siya ukol sa pinipinta nito.

“Ano yan?”

“Wala naman. Nagpapatugtog kasi ako kagabi tapos naisipan kong gumawa ng painting base dun sa kantang pinakinggan ko.”, sagot ni Lance.

“Anong kanta?”

“Broken Strings”

“Ano naman ang nakain mo at naisipan mong magpaint na inspired nung kanta?”

“Wala naman. Maganda lang yung kanta, alam mo bay un? Kantahin mo naman o, tutal wala ka namang ginagawa dyan at nakatunganga ka lang”

“Photographer ako at hindi singer saka baka bumaha pag kumanta ako.”, biro ni Charles.

Oh the truth hurts and lie’s worse I can’t like it anymore and I love you a little less than beforebut we’re running through the fire when there’s nothing left to say it’s like chasing the very last train when we both know it’s too late”, pagkanta ni Lance na tila di pinansin ang huling sinabi ni Charles tapos ay biglang nagtanong sa kaibigan… “What will you do if the person you love drove you away?”

“I’ll stay…”, matigas na tugon ni Charles.

“Kahit na hindi ka na niya mahal? Kahit na ayaw na niya?”

“Yun ang hindi ko alam… matigas kasi ang ulo ko pagdating dyan sa love na yan e, siguro hangga’t di convincing yung dahilan e hindi ako aalis pero kung sasaya siya sa paglayo ko e malamang na pakawalan ko na rin siya.”, si Charles na seryosong sinagot ang tanong pero nagbalik ng isang tanong.. “Ikaw, kakayanin mo bang layuan yung taong mahal mo?”

“Oo naman basta ba dun siya magiging masaya e. Minsan kasi kailangan mong isakripisyo kahit yung sarili mong kaligayahan para sa taong mahal mo.”

“Pero kung mahal ka niya, di ka niya hahayaan…”

“Ang kaso nga kasi e hindi ka na niya mahal…”, may buntong hiningang sambit ni Lance na tinuloy ang pagpipinta.

“Malay mo, mahal niya pa ako pero hindi niya lang maalala…”, makahulugang sambit ni Charles.

May biglang tensyon na bumalot sa pagitan ng dalawa, isang uri ng tensyon na hindi nila kayang sirain, buti na lang at dumating si Melissa upang ayain silang kumain na ng tanghalian.

“Lunch is ready, kain na tayo.”

“Maya na ako, tatapusin ko na itong painting ko. Malapit na rin naman akong matapos e.”, si Lance.

“Sabayan ko na lang si Lance kumain.”, si Charles.

“Tigilan ninyo ako, kumain na tayo at alam kong aalis kayo after. Tara na at pag hindi kayo kumain e itong tsinelas ko e makikita ninyong lumipad papunta sa inyo.”, mataray na usal ni Melissa kaya walang nagawa ang dalawa kundi tumayo at tumungo sa silid-kainan.

                Habang kumakain ay hindi pa rin nagkikibuan ang dalawa na para bang naalangan sa bawat isa na naging kapansin-pansin sa ina ni Lance.

“May problema ba kayong dalawa?”, tanong nito.

“Oo nga Mama, kanina pa yang dalawa yan na parang nag-aartehan!”, buyo ni Melissa.

“Melai…”, pagsaway ni Lance sa kapatid.

“Ate mo ko Lance.. ate mo!”, si Melissa.

“Mukha mo! Kambal kaya tayo!”

“K-k-kambal?”, nauutal na tanong ni Charles.

“Oo. Hindi mo alam? Akala ko ba matagal na tayong magkakilala?”

“Matagal na nga pero kelan ka ba naging palakwento? Saka bakit ba ang sungit mo kanina pa?”, inis na tugon ni Charles sa tanong ni Lance.

“Enough boys! Kung makapag-away kayo para kayong teenagers, just to remind you, 25 na kayong dalawa at hindi na kayo bata.”, pagsita ng ginang.

“Sorry po tita.”, si Charles na itinuloy ang pagkain.

Naging tahimik ang sumunod na mga eksena sa hapag-kainan at walang kahit isa man ang nagbuka ng bibig para magbitaw ng kahit na isang salita, matapos ang pagkain ay nagpaalam na si Charles.

“Alis na po ako. Salamat po sa masarap na lunch.”, paalam niya sa ina ni Lance tapos ay nginitian si Melissa na paraan niya ng pamamaalam.

“Hindi pa nga bumababa yung kinain mo aalis ka na? Kapal ng mukha nito.”, si Lance na may tonong pang-aasar na hindi naman na pinansin ni Charles lalo pa’t baka kung ano pa ang masabi niya kung kukumprontahin niya ito kaya tumuloy na siya sa paglalakad palabas ng bahay pero hindi niya pa sinasapit ang gate ay may naramdaman siyang tumama sa ulo niya kasabay ng isang sigaw.

“Kumag! Saan ka pupunta? Akala ko ba aalis tayo?”, sigaw ni Lance.

“E gago ka pala e! Kanina pa mainit yang ulo mo tapos ayaw mong mamansin tapos sasabihin mo akala mo aalis tayo?!?!”, galit na tugon ni Charles.

“Wag ka nang magtampo.”, nakangiting usal ni Lance na nagpawala sa inis ni Charles. “San ba tayo pupunta?”, akbay niya kay Charles.

“Secret!”, nakangising tugon ni Charles. “Ano, Tara na?”

“May choice pa ba ako?” tugon ni Lance sabay hampas ng backpack niya kay Charles.

“Andami mo naman yatang dala! Hindi tayo mag-oovernight.”

“yun ang plano mo pero hindi ba pwedeng bukod sa plano mo e meron din akong ibang plano?”, natatawang sambit ni Lance na binuksan na ang gate samantalang si Charles ay natulala sa kinilos ni Lance.

“Huy! Buksan mo na kaya itong kotse mo!”, sigaw ni Lance na nasa tapat ng sasakyan niya.

Lumakad na palapit si Charles at binuksan ang pinto ng backseat.

“Lagay mo yung gamit mo sa dyan tapos sakay ka sa harap.”

“Alam ko! Bata ba ako na hindi alam yung dapat gawin?”, mahinang tugon ni Lance na tinukod ang kamay sa pinto ng sasakyan na tila nahihilo.

“Ayos ka lang?”, tanong ni Charles.

“Acting lang!!!”, tawa ni Lance sabay hawi ng buhok ala-John Lloyd.

“Arte! Sumakay ka nga at gagabihin tayo nito sa biyahe e.”

“Andyan na! Napakaatat!” si Lance na tumakbo papunta sa pinto ng sasakyan sa harapang upuan na katabi ng driver’s seat.

Sandaling nanahimik ang dalawa nang magsimula silang bumiyahe dahilan para makaidlip si Lance sa kanyang upuan, sakto namang trapik kaya nagpasya muna si Charles na titigan si Lance, naalala niya tuloy yung mga araw na nagmamahalan sila at masayang magkasama…

“BEEP!!! BEEP!!!BEEP!!!”, patuloy na busina ng mga sasakyan.

“Kumag… tigil na sa pagtingin sa akin at asikasuhin mo yang manibela. Baka ibang kambyo ang magalaw mo niyan.”, nakapikit na usal ni Lance na ikinapahiya ni Charles kaya tumuloy na siya sa pagmamaneho, ganap na alas-singko y media ng hapon ay nakarating rin sila sa pupuntahan.

“Tagaytay… ano’ng ginagawa natin dito?”, si Lance.

“Wala naman. Itutulak lang kita sa bangin sakaling magreklamo at magsungit ka pa.”, natatawang sambit ni Charles.

“Bakit ba ang hilig mong pumunta sa kung saan saan para makita lamang yung paglubog ng araw?”, tanong ni Lance.

“Naalala mo na yun?”, nagtatakang tanong ni Charles.

“Hindi. Naikwento mo lang sa akin noon na nakarating kayo nun sa Mt. Apo para lang salubungin yung paglubog ng araw.”, si Lance na kalmadong sumagot.

“Ganun ba? Wala naman talagang dahilan… photographer kasi ako at lagi akong naghahanap ng mga bagay na masarap kuhanan ng litrato, yung mga larawan na masarap tingnan. Saka romantic kasi yung ganito…”, nakangiting usal ni Lance habang nakatingin sa langit na tila nagbabadya ng pagbaba ng araw.

“Ayoko ng ganitong scenery talaga…”, si Lance na tumayo at tumalikod.

“Dati, ikaw yung mahilig sa ganito… pati ba yung mga gusto mo noon e nakalimutan mo na?”, si Charles na nanatiling nakatingala at nakatingin sa langit.

“Hindi ko lang kasi alam kung paglubog ng araw na yan e makikita ko pang sisikat…”

Tumayo si Charles at inakbayan si Lance na nakatayo at nakaakmang lalakad pabalik sa sasakyan.

“Ano ba yang pinagsasasabi mo? Sisikat yan at makikita mo…”

“Naisip ko lang… naaksidente ako tapos nakalimutan kita, ikaw na sobrang malapit kong kaibigan ayon sa mga taong nasa paligid ko. Ano na yung susunod kong makakalimutan o kaya makaligtas pa kaya ako kung may isa na namang aksidente?”, si Lance.

“Those are mere chances….”, si Charles na napatigil ng mapansing may malalaking patak ng ulan na bumabagsak.

“Ulan? Nice!!! Taya!”, si Lance na hinampas si Charles na tila nagyaya ng habulan.

“Lintek! Maghahabulan talaga tayo?”

“Bakit? Hindi mo kayang habulin ako no? Lampa ka!”, tawang pang-aasar ni Lance sabay takbo na sinundan rin naman agad ni Charles.

Ilang kilometro rin silang naghabulan at dahil sa malakas na pag-ulan ay basing-basa ang dalawa at may putik ang mga damit, sobrang saya ang nadarama ng dalawa, pakiramdam nila ay sobrang laya nila at bumalik sa yugto ng buhay nila na wala silang pakialam sa mundo, yugto ng buhay na kung tawagin ng marami ay ang kamusmusan…

“Time First!!!”, hingal na sambit ni Lance sabay upo sa damuhan.

“Sino ngayon ang lampa? Ha?!?”, si Charles na ni-wrestling si Lance na gumanti rin hanggang sa gumulong sila sa lupa tapos ay magtawanan ulit ng mapansing puno na sila ng putik.

“Adik ka rin e no? Dumayo tayo rito para lang magputik at maghabulan? Ahaha!” tawa ni Lance sabay tingin kay Charles.

Gumanti ng ngiti si Charles na tila nagbigay ng senyales sa kung anong mahika na nag-utos sa kanilang magtitigan at mangarap na sana ay hindi na matapos ang oras na iyon… unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha at sa pagkakataong malapit na maglapat ang kanilang mga labi ay biglang nawalan ng malay si Lance.

“Lance… Lance…”, tawag ni Charles sa kaibigan habang inaalog ito para magising. “Walang biruan namang ganyan!”, usal niya ulit habang patuloy ang kabog ng dibdib. Nang kinapa niya ang pulso nito ay mas mahina ito kesa sa karaniwan…

Continue Reading

You'll Also Like

226K 6.8K 50
Sa hindi inaasahang pangyayari biglang magbabago ang buhay ni Aouie dahil sa malalaman niyang balita.Ang pamilyang kanyang kinalakhan ay hindi niya p...
174K 9.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.4K 209 27
How well do I know you? All rights reserved, 2021
2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...