HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COM...

By akosijabee

56.9K 1.1K 81

"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily toget... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 4

4.5K 104 2
By akosijabee

Sumunod naman sa labas ang ina ni Lance at nag-usap ang dalawa.

“tita, what happened to him?”, tanong ni Charles

“That’s what we have to ask the doctor.”, sambit ng ginang sabay lakad papunta sa klinika ng attending physician ni Lance.

Nang makita ang doktor ay sinabi nila ang nangyari kanina at tinanong kung ano ang posibleng nangyari.

“If he fails to remember things, people and events at a significant level but not to the point of having forgotten everything, hmm… it is too early to say but he may be suffering from lacunar amnesia wherein there are lacuna or gaps in a person’s memory usually these are events which may be too traumatic but for Lance’s case, it may be due to an imbalance in the neurotransmitter caused by the brain injury he incurred in the accident.”, sagot ng doktor.

“Ok, doc. I’m a photographer, not a doctor and I do not understand jargons so can you just tell me in layman’s term what is happening and will this be his permanent condition?”, si Charles na banaag sa mukha ang pag-aalala.

“Well to make things less technical, it’s possible that he may forgotten you, other people and other events in his life. It is also possible that his personality and moods be changed due to the same reason. Whether this’d be temporary or permanent, we don’t know but I will prescribe medicine which will help in making him get back to his old self.”

“Yun lang po ba yung pwedeng remedyo?”,naluluhang tanong ni Charles.

“Sad to say, yes, iho. It’s the only thing that we can do aside from praying and giving him a stress-free environment.”, tugon ng doktor.

“Thank you doc.”, mahinang tugon ni Charles at lumabas na nakayuko at nanlulumo sa klinika ng doktor.

Ang ina naman ni Lance ay hindi makapagsalita sa nalamang impormasyon, naaawa siya sa kalagayan ni Charles pero mas nag-aalala siya sa maaaring mas malalang naging komplikasyon ng naging aksidente ng anak.

“You told him that you’re his bestfriend, right?”, tanong ng ginang na tinugon lang ng tango ni Charles.

“Is it okay if I’d ask you to keep it that way for the time being. Ayoko kasing biglain si Lance sa mga bagay-bagay, baka kasi makasama sa kanya kung sasabihin natin yung totoong relasyon ninyo lalo pa’t iniisip niyang lalake siya, I mean straight. Well, yun ay kung ok lang naman.”, pakiusap ng in ni Lance.

“Of course, it’s fine. After all, options are not provided dahil kahit sabihin ko e hindi ako sigurado kung maniniwala siya kaya hayaan na nga lang muna siguro nating maniwala siya na magkaibigan kami, bestfriends until such time that he remembers me and everything we have.”, naluluhang sambit ni Charles.

“I’m sorry but I hope you understand that we all want him to get better the soonest time possible.”, sambit ng ginang habang hawak ang kamay ni Charles.

“Don’t worry tita. I understand.”, si Charles na hindi na kinaya ang lungkot na nararamdaman at yumakap sa ina ng taong minamahal, humagugol sa mga balikat nito na agad namang inalo ng ginang.

“His memory will be back and everything will be fine again for the two of you”, usal ng ginang.

Hindi na sumagot pa si Charles bagkus ay binuhos niya sa kanyang pagluha ang lungkot at takot na dala ng pangyayari. Hindi siya sigurado kung kakayanin niya ang mga susunod na araw na kukunin niya ang isang bagong lugar sa buhay ng taong minamahal at iiwan ang puwestong ninakaw sa kanya ng pagkakataon at kapalaran…

*******************************************************************************

“Nasa loob yung pasyente, bakit sa labas ka nagbabantay?”, si Melissa.

“Medyo mabigat lang kasi sa dibdib saka hindi ko pa alam kung paano aarte sa harap niya e. Ngayon pa lang kasi namimiss ko na yung dating siya, yung mga dati naming ginagawa, baka hindi ako makapigil at yakapin ko siya pag nakita ko na siya.”, si Charles.

“Bakit nga ba kasi nagpakilala kang bestfriend niya?”

“Ewan. Instinct siguro o pwedeng natatakot akong hindi niya tanggapin kung sasabihin kong “kami””

“Pero kaya mo bang pangatawanan yan? At kung kayanin mo man e hanggang kelan?”, tanong ni Melissa na umupo na sa silya sa tabi ni Charles.

“Ewan ko. Bahala na si Batman”

“Mahal na mahal ka niya… yun ang lagi mong tatandaan.”, naluluhang sambit ni Melissa.

“Alam ko naman yun kaya nga ganun na lang ang pagdarasal ko na sana… sana lang e maalala niya na mahal niya ako, kahit yun lang at makasama ko siya palagi.”, nakangiting sambit ng binata pero hindi mapigilan ang pagpatak ng luha.

“Tama na ang pagdadrama. He will never forget that love and especially the person who holds his heart.”, si Melissa na tinatapik ang likod ni Charles.

“He just did…”

“Just wait and things will be fine.”

“I hope so.”

“Tumigil ka na d’yan. Uuwi muna kami ni Mama at ikaw muna ang magbantay sa syota mo este bestfriend pala.”, biro ni Melissa na nakapagpangiti kay Charles.

“Salamat sa pagdamay. I know that you never liked me for him back then.”

“No one wanted you for each other but we’ve seen how much love you have for one another so we’re left with no choice but to accept the fact that you’re together and are very much in love. O siya! Pasok na sa loob at aalis na kami.”, nakangiting sambit ni Melissa.

“Thanks Mel.”

“Wala yun. Pasok na!”, si Melissa na binuksan na ang pinto ng kwarto ni Lance at sinesenyasan si Charles na pumasok.

Sumunod naman si Charles at pumasok na sa silid at naabutan niya nga ang mag-ina na nagpapaalamanan na at tila basa ang mga mata.

“Sorry. Did I disturb you?”, tanong ni Charles.

“Hindi. Mama’s about to go home and take some rest. Ikaw din, baka you need to go home and go get yourself some sleep… hmmm.. what’s your name again?”, si Lance.

“Charles. I bet you can’t really recognize me so I think I have to introduce myself to you again… I am Charles de Vera, your best bud since birth, well not really since birth cause we practically didn’t grow up together but we were friends since we’re in nursery and after that we get so close and even after we migrated to Canada, we still managed to keep the connection until we became so close PERSONALLY since around last three years ago.”, sagot ni Charles na nagpalaki sa mata ng ina ni Lance dahil sa gulat.

“Oh.. I see. Pasensya ka na kung hindi kita maalala, tol.”, nakangiting sambit ni Lance.

“Ok lang yun. There’s nothing much to forget and we can have a lot more time to bond, right tita?” si Charles na tila hinihingi ang permiso ng ina ni Lance para sa pagpapanggap niya.

“Of course. Anyway, we have to go, Charles please look after Lance while we’re away, is it ok?”, usal ng ginang.

“Syempre naman po, para naman kayong iba kung magsalita.”, pabirong tugon ni Charles na sinagot na lang ng isang ngiti ng matandang babae at lumabas na ito ng kwarto.

Nang lumabas sa kwarto ang ina ni Lance ay umupo si Charles sa bedside ng kaibigan at nanatiling walang kibo.

“Ikaw yung silent type sa ating dalawa?”, tanong ni Lance.

“Ano? Anong silent type?”, si Charles.

“Sa magkaibigan daw kasi e may mas madaldal at merong mas tahimik, e dahil parang wala kang imik e I assume na ikaw yung silent type between us two.”

“On the contrary, you are the silent type.”

“E bakit para kang pipi dyan?”, tanong ni Lance.

“Nag-iisip kasi ako ng magandang topic para pag-usapan natin kaya tahimik ako.”, si Charles.

“Ano ba’ng madalas nating pag-usapan nun?”

Biglang napatahimik si Charles sa tanong na iyon, bukod sa relasyon nila at sa mga lambingan at bolahan, ano nga ba ang madalas nilang pag-usapang dalawa? Bigla tuloy niyang naisip na sa loob ng dalawang taon ng pagiging magkarelasyon, wala silang pinag-usapan tungkol sa ibang bagay bukod sa kanilang dalawa, hindi nga nila matukoy kung meron silang mga similar likes and dislikes at mas lalong hindi nila pansin ang mga pagkakaiba dahil masyado silang concentrated sa pakiramdam na masaya sila at kuntento sa tabi ng isa’t isa. Nasa ganoong pag-iisip si Charles na bigla siyang napangiti at naisip kung gaano sila kasaya noon…

“Para ka namang sira niyan e!”, si Lance.

“Ha? Bakit? Ano nga ulit yun?”, si Charles na pansin ang pagkabigla dahil nagising siya sa kanyang pagbabalik-tanaw.

“Takte! Nagpapantasya nga si kumag! Ahaha!”, si Lance.

“Sira! Ano ba kasi ulit yun?”

“Nagtatanong kasi ako kung ano yung madalas nating pag-usapan noon tapos bigla kang mananahimik at ngingisi-ngisi d’yan. Nakadroga ka ba tol?”

“Hahaha! Hindi no! May naalala lang akong nakakatuwa, anyway, wala naman talaga tayong pinag-uusapang specific na topic, basta kung ano lang yung andyan e makakagawa na tayo ng conversation tungkol dun.”, nakangiting tugon ni Charles.

“Ganun? E ano naman yung naalala mong nakakatuwa?”

“Wala yun.”

“Sige na!!! Parang di bestfriend o!”, pangungulit ni Lance na iba ang naging dating kay Charles nang marinig ang salitang ‘bestfriend’ na nagpaalala sa kanila sa kung ano sila ngayon.

“Wala naman yun. Naalala ko lang tuwing nagjojogging tayo every weekend mornings.”

“Tayong dalawa lang?”

“Oo. May iba ka bang iniisip na pwede nating kasama?”

“Syota natin… wala ba tayo non?”

“Hindi ko alam kung meron ka pero ako e single.”, labas sa ilong na sambit ni Charles.

Medyo tumahimik ang paligid matapos ang sagot na yun ni Charles na tila may tensyong nabuo at kailangang buwagin para muling dumaloy ang usapan. Si Lance na ang nagbasag ng pader na nakaharang at isang tanong na maging ang composure ni Charles ay natibag....

“Mula nung nagising ako e hindi na maalis sa isip ko itong bracelet na nakasuot sa akin. It has the word ‘CHANCE’ engraved on it. It makes me feel happy. I’m wondering if you know anything about this bracelet.”, nakangiting usal ni Lance.

“That… bracelet?”, si Charles na pinupuno ng buntong hininga ang bawat espasyo ng mga salitang binibitawan.

“Oo. Bakit parang hindi ka ok?”, pagtataka ni Lance.

“I’m fine. Perfectly fine, about that bracelet, it was a gift to you by someone who loves you so much. Someone who believed that you’ll end up together and someone who hoped and prayed that in the end, it’ll be you and… that person.”, si Charles na nangingilid ang luha sa mata.

“You seem to know a lot. Do you know that person?”, tanong ni Lance.

“Hindi. Pero yun yung kwento mo sa akin.”

“E bakit ‘chance’ yung naka-engrave?”

“Cause you’re binded by chance, by chance you met each other and decided to live happily together…. Cause not at any chance that that person is going to let you go…”, naluluhang sambit ni Charles.

“Charles….?”, nanginginig na boses ni Lance at nangingilid ang mga luha sa mga mata.

“bakit? May naaalala ka na? Ok ka lang ba?”, nag-aalalang tanong ni Charles.

“Pwede bang pakitawag yung doktor? Medyo sumasakit kasi yung ulo ko e, ok lang ba?”, si Lance na parang may masamang nararamdaman at pansin ang takot at pagkalito.

“Hindi ito pwedeng mangyari… sana hindi…”, bulong ni Lance sa sarili nang makalabas si Charles sa kwarto upang tawagin ang doktor.

Mabilis na pumunta sa kwarto ang doktor at nanatiling nasa labas si Charles sa pakiusap na rin ni Lance. Umabot rin ng halos kalahating oras sa loob ang doktor at nang lumabas ito ay isang matipid na “he’s ok” ang sinagot nito nang tinanong niya kung kamusta ang lagay ni Lance, kabaligtaran sa ipinapakita nito na tila balisa, malungkot at laging may malalim na iniisip pero iwinaksi ni Charles ito sa isipan niya nang makalipas lamang ang ilang araw ay bumalik ang dati nitong sigla… sigla at lakas na dahilan para payagan na siyang makalabas ng ospital.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
105K 1.5K 27
Iba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang k...
228K 5K 25
Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararam...