HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COM...

By akosijabee

56.9K 1.1K 81

"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily toget... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3

4.2K 105 0
By akosijabee

Matapos dalhin sa emergency room si Lance ay agad na tinawagan ni Charles ang pamilya nito para ipaalam ang nangyari. Hindi na naging mahaba ang usapan sa telepono at ilang sandali lamang ay nakarating na ang ina at ang nakatatandang kapatid na babae ni Lance.

“Tita…”, mahinang usal ni Charles na tila isang batang nagsusumbong ang tinig pero may damang takot.

“Ano ba’ng nangyari iho? Nasaan na si Lance? Ano na’ng nangyari sa kanya?”, nag-aalalang tinig ng ina ni Lance.

“Kasi po nagmotor siya papuntang convenience store pero hindi pa siya nakakalayo e nabangga siya nung isang rumaragasang van.”, nanginginig ang boses na nagsalita si Charles.

“Bakit naman siya pupuntang convenience store sa ganitong oras?”, pasigaw na tanong ni Melissa, kapatid ni Lance.

“He wanted to buy some ice cream. Sabi ko sa kanya wag na, o kaya sasamahan ko siya pero ayaw niya at alam niyo namang sa aming dalawa e siya lagi ang nasusunod e. Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari e ako na lang sana yung bumili ng ice cream…”, naluluhang sambit ng binata.

“Yan kasi ang sinasabi ko sa inyo. Dapat e nag-istock kayo ng maraming pagkain sa ref para hindi na kayo lumalabas at saka dapat natutulog kayo ng maaga hindi yung madaling araw na eh gising pa kayo.”, tuloy-tuloy na sabi ng ginang na huminto lamang ng makitang nanginginig ang mga kamay ni Charles at hindi na maimpit ang pagpatak ng luha sa mga mata kaya hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. “Bakit ka umiiyak? Ginagamot na si Lance ‘di ba? Kalalaki mong tao e umiiyak ka dyan, ako nga hindi umiiyak e. umayos ka.”, sambit nito sa binata.

“Tita, he’ll be fine right? Gagaling siya diba? Hindi ko kasi alam ang gagawin kapag nawala siya e.”, sambit ni Charles na pinipigil ang pagdaloy ng emosyon sa kanyang katawan.

“Lance will be fine. He’ll be perfectly fine.”, si Melissa na hinawakan sa balikat ang “bayaw”.

Niyakap naman ng ina ni Lance si Charles para kahit papaano ay gumaan ang loob nila pareh; hindi naman kasi biro ang nangyaring aksidente sa anak niya ngunit dahil saw ala namn silang magagawa kundi ang maghintay sa sasabihin ng mga doctor ay mas minabuti na lang nila na maging malakas ang loob at magdamayan.Ilang sandali ring nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo at tanging mga buntong hininga na may lungkot at takot ang maririnig sa koridor kung saan hinihintay nila ang kung sinumang doctor na may dala ng balita sa kalagayan ni Lance.

“Sino po yung kamag-anak ni Lancelot del Mundo?”, tanong ng isang doctor na may hawak na clipboard.

Agad na tumugon sa tawag ang tatlo pero ang ina nito ang nagsalita. “Yes doc? Ako ho ang ina ng pasyente. Ano pong lagay ng anak ko?”

“He’s out of danger now. Fortunately, wala namang major physical injuries na natamo ang pasyente bukod sa ilang gasgas at pasa however, he had this head trauma kaya kinailangan naming i-undergo siya ng MRI to see the extent of the injury but we are very positive that he’s in a relatively stable condition as seen in his vital signs. Currently he’s in room 304.”, sagot ng doctor.

“Thank you doc.”, sagot ng ina ni Lance na lumingon kay Charles na nasa likod lang niya na alam niyang masaya sa balitang natanggap.

“Puntahan na natin siya?”, paanyaya ni Melissa sa dalawa.

                Agad nilang tinungo ang kwartong sinabi ng doktor at nakita nga nila roon ang tulog na si Lance na may benda sa ulo at kita ang ilang pasa sa katawan. Nilapitan naman agad ito ni Charles na napalitan ng ngiti ang kaninang mukha na tila pinagsakluban ng langit at lupa.

“I told you. He’s gonna be safe. Kapatid ko yan kaya malakas yan.”, si Melissa.

“Charles anak, I think you should go home and change your clothes and try to get some nap as well. Baka ikaw naman ang maospital pag ganyan ka.”, suhestiyon ng ginang kay Charles na banaag sa mata ang pagod at antok.

“Mamaya na lang po siguro baka po kasi magising si Lance at hanapin ako e.”, pagtutol ng binata.

“Mas mabuti kung pag nagising siya e mukha kang presko para naman hindi niya maisip na sobra ang pag-aalala mo. You know how much he dislikes to make other people worry about him.”

“Sige na nga po…”, nakangiting usal ni Charles na halatang napipilitan.

“And don’t drive your car in that condition. Take a cab.”, pahabol na paalala ng ina ni Lance.

“Don’t worry tita, I haven’t brought my car. Thanks po sa paalala”, nakangiting tugon ni Charles na humalik sa pisngi ng ginang bago tuluyang lumabas ng kwarto at umalis.

Medyo magaan na ang loob niya na wala na sa kapahamakan ang minamahal, daman a ng katawan niya ang pagod kaya nagmadali siyang lumabas ng ospital at pumara ng taxi at nagpahatid sa condo building nila.

Pagkarating ng unit ay naghubad siya ng damit at tumuloy sa banyo para magshower, nang matapos sa paliligo ay nagpunas na lang siya ng katawan at dumiretso na sa kama upang mahiga pero sa pagbagsak ng katawan niya sa kama ay may naramdaman siyang isang matigas na bagay na nung kanyang tingnan ay isang scrapbook na naglalaman ng kanilang mga larawan, mga resibo sa restaurants na kinainan nila pati mga tissues na ginamit nila. Mga balutan ng mga paborito nilang pagkain at pati na rin ang kontratang pinirmahan nila nung una silang nagkita na nilagyan pa ng label na “This contract started it all” sa bandang taas. Nasa huling pahina ng scrapbook nakalagay ang title deed ng condominium unit nila na may caption na “the bearer of all our memories”.

Napangiti bigla si Charles sa nakita, alam niyang sweet at creative si Lance pero alam niya ring abala ito sa trabaho kaya sobrang laking effort para rito ang tapusin ang isang scrap book nag anon kapulido ang pagkakagawa. Ipinasya niyang ilagay ang scrapbook sa vault na nakalagay sa ilalim ng mesa sa gilid ng kama para na rin hindi mawala at dahil andun rin ang titulo at higit pa, andun ang lahat ng kanilang alaala.

Matapos ang pagsilid ng scrapbook sa vault ay itinuloy na ni Charles ang naantalang pagtulog hanggang sa gisingin siya ng isang tawag sa kanyang telepono mula kay Melissa.

“Hello?”, sagot niya.

“Charles, gising na si Lance. Punta ka na rito. Bilisan mo a.”, sabi ni Melissa na banaag ang kasiyahan sa tinig.

“Ok. Sige. Punta na ako agad. Bye.”

*END CALL*

                Mabilis na naggayak si Charles para puntahan ang nagkamalay nang kasintahan. Minaniobra niya ang kotse at pinaharurot ito para lamang makarating agad sa ospital kung nasaan ang taong may hawak ng puso.

Habang nagmamaneho ay binuksan niya ang radyo at bumungad sa kanya ang isang tanong ang ibinato ng DJ sa mga tagapakinig nito… “Can the heart remember what the mind has forgotten?” na biglang nakapagpaisip sa kanya, “posible nga kayang maalala ng puso ang isang taong mahal niya kahit na mawala ang lahat ng kanyang alaala?”, pag-iisip ni Charles. Mabilis naman ang naging sagot ng isang listener na tumawag sa istasyon ng radyo…

“No, the heart can never remember those things that the mind has forgotten. Siguro may sense of familiarity o pwedeng may certain feeling of ease pero yung mga importanteng events at masasayang moments together, wala na yun and pag nawala yun, edi parang nabura na rin yung relasyong meron kayo.”

“oo nga naman… ang lungkot siguro nun kasi back to zero na naman kayo.”, usal ni Charles sa sarili at patuloy niyang pinag-isipan ito hanggang sa makarating sa ospital.

Medyo kabado niyang tinahak ang daan patungo sa kwarto ni Lance, baka kasi hindi pa ito ganon ka-ok pero mas lamang ang pananabik na makita itong gising ulit at sasalubungin siya ng ngiti tapos ay yayakapin at kung wala ng tao’y bibigyan ng isang matamis na halik. Nang malapit na sa kwarto ay naririnig niya ang ilang tawanan galing sa loob, malamang na gising pa rin si Lance at masayang nakikipagkwentuhan sa ina’t kapatid kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakangiting pumasok sabay bati… “Musta na?”

Napalingon ang lahat sa kanya, si Melissa ay sinensyasan siyang tumuloy samantalang ang nanay ni Lance ay itinuro ang kabilang bedside na parang sinasabing doon siya umupo, si Lance naman ay nakangiti lang at nakatitig kay Charles, matagal ang pagtitig tapos ay titingin sa ina na parang nagtatanong ang mga mata.

“Uy! Ganyan na lang ba ang bati?”, masayang sambit ni Charles kay Lance.

“Ha? Bakit? Sino ka ba?”, sambit ni Lance na parang naguguluhan tapos ay tumingin sa ina. “ma,kilala niyo ba siya?”

“Luma na yang ganyang style. Napanuod ko na sa pelikula yan e”, si Charles.

“Seryoso ako. Hindi kita kilala, sino ka ba?”, matigas na tugon ni Lance.

“Hindi mo siya maalala? He’s Charles your…”napigil na tugon ni Melissa.

“He’s my what?”, tanong ni Lance.

“your best friend. We’re the best buddies. Don’t your remember?”, si Charles na parang kinakapos ng hininga at namumuo ang luha sa mga mata.

“Ganun ba? Ang weird kasi hindi kita talaga matandaan?”, inosenteng usal ni Lance.

“I think you should just get some rest at baka parte lang yan ng epekto ng anaesthesia.”, sabat ng ina ni Lance na sinenyasan rin si Charles na mag-usap sila sa labas na nakuha naman ni Charles kaya nagpaalam ito sa kaibigan. “Sige tsong, sa labas lang ako para makapahinga ka.”

Lumabas si Charles na mabigat ang dibdib at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kasintahan tapos ay naalala niya ang sinabi ng caller sa radyo kanina…

“No, the heart can never remember those things that the mind has forgotten. Siguro may sense of familiarity o pwedeng may certain feeling of ease pero yung mga importanteng events at masasayang moments together, wala na yun and pag nawala yun, edi parang nabura na rin yung relasyong meron kayo.”

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 342 16
TAGLISH | FANTASY | SHORT Jethan's really excited about his wife having their first baby. But the peaceful plot crumbles when Jethan, on his way back...
24.1K 503 22
No. 41 Perfect out of 1.48K stories No. 173 Love Wins out of 1.18 K stories No. 796 BoyXBoy out of 6.41K stories No. 159 Happiness out of 5.23K sto...
63.8K 1.6K 23
Amidst all chaos, I am happy I found you. all rights reserved, 2019
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...