The Things I Hate About You

Par ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 30

3.4K 98 11
Par ceresvenus




TOSCA

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa nangyari. Parang hindi naman nakabawas sa sama ng loob ko na patay na pala 'yung Cheska. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sakit na iyon. Ngunit sa tuwing nakikita ko si Scor ay lumalambot ang puso ko. Parang gusto kong pakinggan nalang siya at kalimutan ang lahat. Pero kapag naaalala ko kung paano kami nag-simula ay unti-unting sumisiklab ang galit sa puso ko.

Naalala ko lahat, kung paano niya ako tinrato. Hindi naging mahalaga sa akin iyon dahil worth it naman ang lahat para sa akin. Siyempre, naging kami din in the end eh. Pero pag naiisip ko na kaya pala siya ganon sakin kasi may kamukha pala akong hindi ko alam, doon na ako nasasaktan. Na kaya pala nag-uumapaw galit niya sakin dahil kamukha ko iyong ex niya. Kapareho ng mukha pero mag-kaiba ng ugali. Siguro ginusto niya na sana ay maging magkaugali na din kami para perfect na ang lahat. Pwede na siyang mag pretend na ako lang ulit si Cheska.

Gusto ko na talagang umalis ngayon at mapag-isa pero hindi ako pinapaalis ni Scor. Ilang oras na akong iyak ng iyak at pati ako ay napapagod na sa sarili ko.

"Just listen to me, Tos. Please."

"I just need time to think. 'Yun lang."

"And I'll give you time to think! Pero pakinggan mo naman muna ako oh." He said, desperation mirrored on his face.

"Totoo ba? Buntis siya 'nung nag hiwalay kayo?"

"Oo." Maiksing sagot niya.

Yung pag-oo niya na 'yon, tumarak talaga sa dibdib ko. Dalawang letra lang 'yon pero ang lakas ng impact sa akin. Tama nga ako. Bakit pa ba ako nandito?

"Why did you break up then?"

Alright, Tosca. This is what we're gonna do. Makikisama ako at makikinig sa sasabihin ni Scor and we're gonna fix this like adults.

"Tosca come on, it was in the past. Kailangan pa ba talaga nating pagusapan ito?"

Nag-buga ako ng malakas na hangin habang hindi makapaniwalang tumitingin sa kisame. Tingnan mo ang gagong 'to. Parang siya pa ang galit na nag-tatanong ako. Bakit? Is it so wrong to know the truth?

"B-bakit parang may tinatago ka?" Humihikbi kong sabi.

"Why don't you calm down first and then I'll explain? Please." Mahinahon niyang sabi.

Hindi ako sumagot. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa pumipintig na ang ulo ko at nananakit na ang mga mata ko. Umiyak ako hanggang sa pakiramdam ko ay tuyong tuyo na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang itinagal niyon. Basta ang pakiramdam ko lang ay punung puno ng ulap ng mga tanong ang isip ko. Kusa din namang tumigil sa pag-tulo ang mga luha ko. Pero ako naman itong pagod at gusto nang matulog.

"Tosca... Are you okay?" Marahang tanong niya nang mapansin ang pag tahimik ko.

"Mukha ba itong okay sa'yo?" Tinuro ko ang mukha kong sa pakiwari ko ay pulang pula na.

"I'm sorry." Lumapit siya sa akin at tumabi sa couch.

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero hindi ko ata kayang dumikit sa kanya kaya maagap kong inalis iyon. Napatingin siya sa ginawa kong iyon at pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Pakinggan mo naman muna ako. Misunderstanding lang 'to, Tos." Mahinang sabi niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong sumagot ng pabalang. Bakit ba palagi niyang minamaliit ito? Hindi ito misunderstanding lang! Pinagmukha niya akong tanga eh tapos ako naman ito, tuwang tuwa kasi finally pinatos niya ako.

"I swear. She was a part of my life way before I met you."

May kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon. Ang tagal na niya palang kilala iyon, patay na nga iyong tao pero hanggang ngayon minumulto siya niyon.

"Tell me everything right now, or I swear I'll leave and we're done!" Pagbabanta ko.

Alam kong torture 'to sa sarili ko but somehow I really want to know. A realization hit me right there and then. Mangmang ako sa nakaraan ni Scor. Wala akong alam sa pinagmulan niya, sa childhood niya o sa mga past girlfriends niya. Which is why this took me on a surprise.

"Wag! Bakit mo ako iiwan? I'm telling the truth! Tingnan mo kasi ako!"

Mula sa pagkakaupo sa tabi ko ay lumuhod siya sa harap ko para mag pantay ang mga mukha namin. Nakita ko naman sa mukha niyang sincere siya pero bakit hirap na hirap pa din akong pakinggan siya? Sobrang sakit sa puso ko na punung puno na ng negatibong emosyon.

"Alam ko naman kasing ganito ang magiging rekasyon mo eh... Plano ko naman talagang sabihin, Tos. Inunahan lang ako ng gagong 'yon eh." Napahawak siya sa batok niya habang nakayuko.

Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. Mabuti nga 'yon eh. Na sinabi sa akin ni Jojo. Alam ko naman kasing wala siyang balak sabihin sa akin. He just wants to keep me in the dark forever. Pero sabi nga nila diba, walang sikretong hindi nabubunyag. Malalaman at malalaman ko din naman.

"Bakit hindi mo kayang maging honest sa akin? Alam ko, wala ka talagang balak sabihin. Sinimulan mo na ngang mag-sinungaling eh, siyempre itutuloy mo na." Masama ang loob na sabi ko.

Wala na akong pakialam kung mag-mukha akong immature. Uunahin ko naman 'yung nararamdaman ko kasi 'yon 'yung mali ko eh. Palagi ko siyang inuuna. Kaya eto, wala nang natira para sa akin. Wala tuloy akong mapanghawakan.

Sinapo niya ang batok bago sumubsob sa hita ko. Pinabayaan ko nalang siya. Hindi naman mababawi non yung pinaghalo halong sakit na nararamdaman ko ngayon. First time kong nag-open up sa isang tao. Nag-bigay ako ng all out. Tapos palpak pala.

"I'm sorry. Please naman. Maniwala ka. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman pinlanong gustuhin at mahalin ka eh. Wala naman akong pake kung kamukha mo 'yong ex ko. Matagal na 'yun." Paliwanag niya.

Unti unting natitibag ang pader na binuo ko pero ayoko. Ayokong maniwala. Napaka imposibleng coincidence lang lahat ng ito. Ah, oo nga pala. Kasalanan ko ito.

"I want to go home. Let me leave." Walang emosyong sabi ko nang matapos akong umiyak.

"Are you breaking up with me?" Binitiwan niya ako at bumagsak ang braso niya sa magkabilang gilid niya.

Gusto ko siyang sagutin ng oo pero ayokong magpadalos dalos. My mom always tells me that I should never make a decision when I am mad or upset. Palagi daw kasi tayong nakaka gawa ng maling desisyon sa tuwing galit tayo.

"I need to think. Please. I can't talk to you right now." Maliit ang boses na sabi ko.

Napagod na akong umiyak at napagod na din akong umintindi. Kakausapin ko nalang siya kapag maayos na ako at stable na ang pag-iisip ko. Tumayo ako at inayos ang sarili ko, humarap pa ako sa salamin para punasan ang pisngi ko. Namamaga na ang mga mata ko at labi ko. Sisinghot singhot akong dumiretso sa pinto.

Hindi ko alam kung ipag papasalamat kong hindi niya ako sinundan o ikasasama pa lalo ng loob ko iyon. Mabilis akong naglakad papasok ng elevator at kumaripas ng alis sa building na iyon. Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay hindi pa di matigil ang paghikbi ko. Parang iiyak nanaman tuloy ako ngayong mag isa nalang ako.

Nang makauwi ako ay halos nakatulala nalang ako. Hanggang sa lumubog na ang araw ay nakaupo pa din ako sa sala at pilit na iniisip kung ano ang nangyari.Noong unang beses ko siyang nakita sa bar na iyon, wala akong idea na ganito pala kalalim ang relasyong papasukin ko. Ganito pala kasakit ang heartbreak na kakaharapin ko. Wala akong ka ide-idea.

Shit. Naiyak nalang ako ulit nang ma realize ko. Hindi ko na pala kilala ang sarili ko. Ang laki ng ipinagbago ko nung nakilala ko siya. Lahat ginawa ko para magustuhan niya ako. Magluto, gumising ng maaga, manamit ng style na gusto niya, ultimo pabango. Palaging iyong gusto niya ang iniisip ko. Nakalimutan ko na kung ano naman 'yung gusto ko. 'Yung Tosca na nandito bago niya nakilala si Scor. Hindi ko na siya makita ngayon.

It just makes me wonder what other things he is keeping from me. Ito ang napapala ko, feelingera kasi ako. Ilang buwan palang naman kaming magka relasyon pero pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. Hindi pa din pala.

Hindi ako natuloy sa isang mall show kinabukasan. Magang maga kasi ang mga mata ko at nangangapal pa din ang mukha ko. Maaga akong nagising pero hindi ko naman magawang bumangon sa kama. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil saglit kong nakalimutan na may hindi nga pala kami pagkakaunawaan ni Scor. Sinilip ko ang cellphone ko at nakita ko ang isang katutak na text at tawag doon. Binasa ko ang ilan sa mga text at pare pareho lang naman ang nakasulat. Puro sorry.

Malapit na ngang mag lunch time nang mapag pasyahan kong bumangon. Noong nasa kusina na ako ay tsaka ko lang naramdaman ang matinding gutom. Kagabi pa nga pala ako hindi kumakain. Nadismaya ako sa laman ng ref ko. Wala akong makakain dito.

Tumunog ang doorbell ko at agad akong nagtaka kung sino ang dumating. Baka si Rita nanaman at plano akong kulitin para pumunta sa Green Cave guesting mamaya. Dali dali akong nag-tungo sa pinto ngunit si Scor ang bumungad sa akin doon. Maliit lang ang pag kakabukas ng pinto at ayoko siyang papasukin.

"Hey..." Marahang bati niya.

Mistulang matamlay siya pero sa totoo lang ay wala naman akong pakialam. Wala pa yang nararamdaman niya sa nararamdaman ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatingin sa sahig sa likod niya. Ayoko siyang tingnan.

"I-I brought you food." Inangat niya ang plastic na dala niya at naamoy ko kaagad ang mga pagkain galing sa paborito kong chinese restaurant.

Bumalik ako sa loob at sumalampak ss couch. I left the door open for him. Biglang parang naging mahamog sa buong unit ko. Para akong na su-suffocate sa presence ni Scor. I guess I wasn't ready to talk, just yet. Pumasok siya sa loob ngunit nanatiling nakatayo sa harap ng pinto. Tumulala lang ako at nilaro ang labi ko. Bakit ba kailangang maging sobrang hirap nito?

I guess it's because I haven't had a serious relationship like this. I wasn't ready for this kind of pain and now I cannot handle it.

"Come on, you gotta eat." Aniya.

Nilapag niya sa coffe table ang plastic at isa isang nilabas doon ang isang katerbang pagkain. Ayoko sanang tumanggap ng kahit ano mula sa kanya pero ang bilis namang kumalam ng sikmura ko nung maamoy ko ang mga pagkaing dala niya.

Kahit na ayaw ko ng presensya niya ay umupo ako sa lapag at kumain. Hindi ko siya pinapansin kahit na magkatapat naman kami ngayon. Panay nga ang sulyap niya sa akin. Mamatay siya diyan. Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa kwarto at ni lock iyon. Masyadong masikip ang sala ko para sa aming dalawa.

Hindi ko namalayang mag dadalawang oras na akong nakatulala habang naka hilata sa kama ko. Paulit ulit lang ang mga naiisip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ba kahit anong gawin ko ay mukha pa din ni Cheska ang lumilitaw sa isip ko. Di ko maiwasang isipin kung gaano sila kasaya. Kung paano siya minahal ni Scor. Kung paano naging sila kahit na hindi niya kinailangang pagdaanan ang mga ginawa ko magustuhan lang ako ni Scor.

Galit na galit pa din ako sa kanya pero hindi ko mapigilanh alamin kung nasa labas pa ba siya. Hindi niya ako inistorbo o tinawag man lang habang nasa kwarto ako. Ano kayang ginagawa niya? Sisilip lang naman ako. Hindi ako lalabas.

Binuksan ko ang pinto pero kaunti lang. Iyong makikita ko lang ng kaunti ang sala. Wala na 'yung pinagkainan ko doon at napaka tahimik. Walang bakas ng Scor. Ilang sandali pa akong sumilip hanggang sa nag pasya akong lumabas na. Tama nga ako. Wala na siya dito. Nilibot ko pa talaga ang buong unit. Oh my gosh, I'm pathetic.

Sino ba naman ako para pag aksayahan niya ng oras? Umalis siya kasi hindi naman talaga ako ganon ka importante sa kanya. Ito ang napapala ko dahil sa pag susumiksik ko sa buhay niya kahit na ayaw niya naman talaga sa akin.

My home phone suddenly rang. I didn't know why I ran faster than a bullet to answer it. Baka kasi unconscious akong umaasa akong si Scor ang tumawag. Na disappoint lang ako nang marinig na iyong guard pala sa parking lot ang tumawag.

"Ma'am, may visitor kayo sa parking. Si Mr. Rob Valenzuela."

Napa buntong hininga ako kasabay ng pag sapo ko sa noo ko. I just- I don't have the energy for this. Masyado na akong madaming problema at pagkatapos ay dadagdag pa ang hindi matahimik kong ex!

"S-sige." Ang sabi ko.

Kinuha ko ang key card at dali daling bumaba sa parking. Hindi siya makakaakyat kung wala siyang key card at ayoko siyang papasukin sa bahay ko. I will settle this with him once and for all. Bumukas ang elevator at humakbang ako palabas. Narinig ko ang pag sara ng pinto ng isang sasakyan sa basement. Bumaba doon si Rob.

Mukha namang maayos na ang pangangatawan nito at hindi katulad nung huli kaming nagkita. He looked sober.

"Rob, what is this?" Tanong ko. Hindi maitago ang inis.

"I-I just came here to apologize, Tos. I know you're scared of me." Aniya.

He looked like a helpless puppy. Naawa ako sa kanya. Kahit papano naman ay may pinag samahan kami at ilang buwan din ang itinagal ng relasyon namin. He needs to move on from me.

"Look, you have to move on. Please, Rob." Ani ko.

Masyado na akong maraming problema kaya kung dadagdag pa siya ay mas mabuti pang ipahuli ko nalang siya sa mga security guard.

"I'm getting better, Tos. I just finished my 3-month rehab." Umamba siyang hahawakan ang braso ko pero mas mabilis pa sa alas kwatrong umatras ako.

"Good for you. But Rob, hindi mo pwedeng gawin ito. Hindi ka na pwedng basta nalang pumunta dito."

Bumagsak sa ere ang kamay niya at tila nalumbay sa aking sinabi. Wala na akong pakialam. I don't care if I hurt his feelings. This is wrong. He shouldn't be here, sober or not.

"Tosca, wala na ba talaga?" Aniya.

Namuo ang luha sa mga mata niya. I am not so good at breakups. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Rob, my boyfriend na ako. Ang tagal na nating tapos. You have to move on too." Paliwanag ko.

Tuluyan na siyang umiyak at nag-iwas ng tingin. Wala naman akong ibang maramdaman kundi awa. Iyong saming dalawa ay matagal na talagang tapos. Kahit na gaano pa kadami ang iiyak niya ay wala na talaga akong mabibigay sa kanya.

"I'm sorry. S-sige. Lalayuan na kita. I'm sorry for everything. Mapapatawad mo pa ba ako?" Parang batang tanong niya.

Humakbang ako palapit. Tinapik ang kanyang balikat at nginitian siya. I can still be his friend. I just can't give him the love that he wants.

"I forgive you, Rob. Just promise me, you'll continue to get better." I sincerely said.

Yumuko siya at tumango habang humihikbi. Pag tingin niya sa akin ay pinilit niyang patatagin ang ekspresyon niya.

"Can I hug you?" Aniya.

Nagdadalawang isip man ay pumayag ako. It's just a harmless hug, right? Ako na mismo ang lumapit at yumakap sa kanya.

Pagkatapos ay nasestatwa ako sa susunod na ginawa niya. Nang humiwalay siya ng yakap ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng mariin sa labi. It was long but it was just a light kiss, no tongue. Sa sobrang gulat ko ay ni hindi ko nagawang pumalag o itulak man lang siya. Matapos ang ilang segundo ay binitawan niya din ako.

"W-what was that for?" Gulat na tanong ko.

"I-I'm sorry! Hindi ko napigilan! Mahal na mahal lang kasi talaga kita. I'm sorry. Huli na iyon."

Gusto kong magalit at sampalin siya pero hindi ako nakagalaw. Nabastos ako sa ginawa niya pero naramdaman kong sincere siya sa sinasabi niyang mahal niya ako. He was broken-hearted just like me. I know I crushed him.

Lumingon ako sa aking kanan nang may marinig akong tikhim. It was him. The man that I gave my everything to. Madilim ang mukha at parang papatay sa galit. Halos mag apoy ang mga mata sa talim ng titig sa akin.

"You just... never change." Umiiling na sabi niya bago tumalikod at mabilis na bumalik sa kanyang sasakyan.

A/n: I'm so sorry for the long wait. I got busy. I hope you like this one! Happy 4k reads :) Please hit vote and leave a comment below. Thank you guys. Xoxo

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...