His Wedding Planner (MNEBACP'...

Galing kay AWalkingPoetry

17.9K 486 63

And now that Olivia Valentine Alonzo is back. There's this one mission she needs to accomplish- To become a p... Higit pa

💍Prologue💍
The Planner
They Meet Again
First Wedding Plan
Forgotten Letter
Canceled Plan
Welcome Back, Old Friend
The King is Back
King and Queen
Speechless
Salty Kisses
Secret Invitation
The Sender
What Took You So Long?
Patay
It's Still Me, right?
I Can't
Reality Slap
All I Ask
No Turning Back
Harder
The Trip
Peace Amidst Chaos
Hold On
I'm Sorry
Always
Choice
Own Me
Save Me
Torn
Appreciation Chapter
Caught
Up To The End
Not Yet
Hardest Battle
Game Over
From Afar
Lost Home
Unexpected Visitor
Happier
Not An Update
Familiarity of Feelings (Part 1)
Familiarity of Feelings (Part 2)
In Your Arms
To Where It Truly Belongs
Summary Of Memories
NOT AN UPDATE
Not A Goodbye
Best Part
If It's Meant To Be
Slow

Home

186 6 7
Galing kay AWalkingPoetry

Forty: Home

"Ang aga-aga, ganyan ang mukha mo? What's wrong?", bungad sa akin ni Kuya Gen pagkababa ko ng kusina. He is busy preparing our breakfast. Tamad akong umupo sa high chair saka nangalumbaba sa counter. Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang grand alumni na iyon. Hindi ko pa rin maalis alis sa isip ko ang mga nangyari. It just felt weird to see Ken again... after a long time. I can still remember the way he looked at me that night. How he followed me outside the hall without me knowing why.

"Are you having insomnia again?", pangungulit niya sa akin kahit alam niya namang malimit akong magsalita kapag bagong gising lang. Tamad lang ako tumango.

Sina Kuya Adrian at Kuya Gen lang ang kasabay kong magbreakfast. "Where's dad and Kuya Duke?", I asked when I noticed their absence.

Saglit na nagkatitigan ang dalawa bago sinagot ni Kuya Duke ang tanong ko. "Uh, general check up", aniya at bahagyang tumikhim.

"This early?", tanong ko ulit. Ang aga naman. Pwede namang after lunch like Dad's usual schedule. "Anyway, I was just curious. They don't usually leave this early during dad's check up", I added just to let go of the topic. I'm just too preoccupied these past few days na ayoko munang pag isipan ng maigi ang mga bagay-bagay. Pagkatapos naming mag almusal ay agad akong bumalik sa aking kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama saka malakas na bumuntong hininga.

I want to go somewhere but Keith's probably busy right now to go with me. Tinext niya ako kagabi na may limang magkakaibang orders siya na kailangang i-deliver ngayong araw. Hindi ko rin naman maaya si Marcus dahil malamang ay may klase 'yon. Suddenly I remembered Cross. May ginagawa kaya siya? Well, I wouldn't know if I won't check on him. Bahagya akong bumangon para abutin ang phone ko sa bedside table. Agad kong ni-message si Cross.

Hi, good morning! Busy ka today?

I immediately hit 'sent' button. Kalahating minuto pa lang ay nag-reply agad siya.

"Bilis, ah", I mumbled then opened his text message.

Hi, good morning! I'm all free today, Tin. Any problem?

Magre-reply na sana ako pero bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Cross is calling me. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Hi!", he quickly beamed from the other line as soon as I answered the call.

"Hi, good morning!"

"Hi, Tin. What's up? Any problem?", aniya.

I was hesitant to tell him at first but then finally gave in. This day would surely be boring for me kapag hindi ako nakalabas ng bahay. Hindi ko na rin naman kasi kailangang asikasuhin ang shop ko sa Barcelona. Celine and Phoenix will surely handle everything. So, I need to do something today that would keep me quite occupied-like, strolling...

"Uhm, I'm bored?", alanganin kong tugon sabay buntong hininga. Baka naman isipin ni Cross na dahil lang bored ako ay mang iistorbo na ako ng ibang tao. "But if you have plans nam-"

"I'll be there in 30 minutes, Tin. Labas tayo", he said cutting me off.

Wala sa sariling napangiti ako. "Okay! I'll just prepare real quick."

Mabilis na natapos ang tawag. Agad akong naligo at nagbihis. Isang itim na spaghetti straps lang ang suot ko saka faded fitted jeans. Nag sneakers lang din ako imbis na isuot ko iyong dala kong itim na wedge na bigay pa sa akin ni Celine nung huling birthday ko.

I was drying my hair off when Kuya Adri just suddenly entered my room. "Cross is downstairs. May lakad kayo?"

Nakangiti akong tumango. "Okay lang, Kuya? Wala rin naman kasi akong gagawin dito buong araw."

Nilapitan ako ni Kuya Adrian saka niya ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo. "That's fine. Basta ingat kayong dalawa, ah? Text me if you need anything..."

Malapad akong ngumiti saka ko siya niyakap. "Noted, Boss."

I immediately went down running after I finished everything. Naabutan ko si Cross na tahimik lang na nakaupo sa sala. Mabilis niya akong sinalubong ng yakap ng makita niya ang pagbaba ko.

"Hi!", I greeted, giggling.

"Good morning, princess!"

"Advance thank you, Cross...", natatawa kong sabi sa kanya nang kumalas na siya ng yakap. "Wala kasi akong gagawin buong araw. I hope you don't mind."

Mabilis naman siyang umiling, "I don't mind at all, Valentine."

"Anyways, tara?"

Tumango naman agad siya.

Mabilis akong nagpaalam sa dalawa kong Kuya na nasa kusina at mukhang may seryosong pinag uusapan.

"Ingat kayong dalawa, ah", ani Kuya Gen. "Cross, ikaw na bahala kay Tin...", baling ni Kuya kay Cross.

Cross made a hand salute gesture saka din siya nagpaalam kina Kuya.




"So? Saan tayo pupunta?", tanong ko sa kanya habang nasa loob na kami ng kotse niya at palabas na ng Subdivision namin.

"Want to grab something to eat first?"

"Hala, nagbreakfast na'ko sa bahay, e...", saad ko.

"Okay, then...", saglit siyang natahimik na para bang nag iisip. "I know a best place I think you might like", he said after a couple of minutes. Nakangiti niya akong binalingan.

"Okay. Then let's go there, I replied.

"As you wish, Miss Alonzo..."

"Coffee shop?", natatawa kong baling sa kanya matapos namin mag-park sa tapat ng isang Spanish inspired na coffee shop.

"They make the best coffee in town", nakangiting tugon ni Cross sa akin bago siya naunang lumabas ng kotse. I followed outside saka ko ulit pinasadahan ng tingin ang establishment. May iilang mga halaman ang naka-display sa labas ng shop atsaka makalumang bike na nass gilid at halatang ginawa na ring display.

Pumasok kami ni Cross at agad kaming sinalubong ng isa sa mga crew ata nila. "Hi, Sir! Buti at napadalaw ulit kayo...", maligaya nitong bati kay Cross tapos ay binalingan ako. "Eto na po ba yung kinukuwento niyo samin na College crush niyo?"

Nagulat naman ako sa naging tanong ng babae kay Cross. Sure, it's obvious that Cross often visits the shop. I was just more surprise by the fact that he has a college crush! I didn't even know!

"Uh...", pagak na tumawa si Cross, hindi alam ang isasagot.

"Hi, Maam! I'm Jelly", the girl smilingly extended her arms to give me a handshake.

"Hello! I'm Valentine...", nakangiti kong pagpapakilala saka ako nakipagkamay sa kanya.

"Oh...", ani Jelly na para bang may napag-alaman. "So kayo pala 'yon", nakangisi niyang binalingan si Cross na nagkakamot na ng batok.

Is it just me? Or talagang meron lang ako napapansin sa tinginan nilang dalawa?

"Uh, Jelly, the usual please. For two. Salamat...", nagmamadaling sabi ni Cross tapos ay mabilis niya akong hinila paakyat ng hagdan. I heard Jelly's laugh before we even got to the second floor. "Sorry about her. She's really like that. Makulit", ani Cross nang makarating na kami sa taas.

Kakabukas pa lang siguro ng shop kaya wala pang customer dito bukod sa amin. Napasinghap ako nang makita kong may bookshelf sa corner ng kwarto. Para akong bata na mabilis na tumakbo papunta rito. "Oh my god...", pinasadahan ko ng tingin ang bawat rack ng shelf.

Merong isang libro sa rack na kumuha ng attention ko kaya ko ito kinuha sa shelf. Fieldnotes on Ordinary Love by Keith S. Wilson.

"Seems like someone already likes the place, huh?", ani Cross mula sa aking likod. Rinig ko ang mga yabag niyang papunta sa akin.

"Hmm, thank you, Cross...", hinarap ko siya saka nginitian.

Giniya niya ako sa pinakamalapit na lamesa mula sa bookshelf. Ilang minuto lang ay may naghatid na ng inorder namin ni Cross. "Salamat, Kate", baling ni Cross sa naghatid ng order namin. The Kate just smilingly nodded then immediately walked away. Sa akin ulit itinuon ni Cross ang kanyang atensyon. "This is one of my favorite", he said then took a sip on his coffee. I did the same thing. "Uy, infairness. Masarap nga", puri ko sa kapeng inorder niya para sa aming dalawa.

Halos dalawang oras din kaming nakatambay lang don at magka-kuwentuhan. After we had coffee, dinala niya ako sa isang children's playground-which I laughed at. "Really, Cross? Dito talaga?", natatawa kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid. Mataas na ang sikat ng araw since halos ala una na ng hapon. Pero dahil maraming puno ang nakapaligid sa playground ay hindi namin ramdam ang init.

"You love playgrounds ever since, right? It's like, this is your comfort zone", aniya.

Nakangiti akong tumango. "Yeah..." Mabagal akong umupo sa bakanteng swing sa harap namin. Tinabihan naman agad ako ni Cross. Tahimik lang kami buong magdamag hanggang sa nagsalita ulit siya. It felt relaxing to be here. "I may not fully know the things you've been through these few months, I thought it must have been so hard for you...", malungkot pero nakangiti niyang baling sa akin.

I bit my lower lip to stop my self from getting teary-eye.

"I've seen you struggle before, Valentine. I've seen you survived on your own without anyone's help... Well maybe having us around you helped. But I've seen you fought your way out alone. I've seen how lonely your days were before. How your eyes scream sadness and pain. And I can't help to think how brave and strong girl you are to do everything on your own..."

Tuluyan na akong naluha sa mga sinabi ni Cross. My shoulders started shaking involuntarily. Then it came again all the rushing pain inside my chest like it's always there. It's just there like it's waiting for me to unknowingly open the wounds I tried mending a long time ago.

"I may never know how painful it was for you, Valentine. But I promised you...", umalis siya sa pagkakaupo sa swing at bahagyang lumuhod sa harap ko. Maingat niyang hinawakan ang kamay ko saka niya sinalubong ang mga tingin ko. The tears just keep rolling down my cheeks. "I promised you, right? That no matter what happens, I got your back. And I'm so sorry, Valentine. If I wasn't there during those times you mostly needed someone's shoulders to cry on. Pero nandito na ulit ako ngayon, okay? Andito na ulit ako." Cross squatted, just enough for him to offer me a hug. I hugged him back and even cried harder. It's like his hug tells me to cry my heart out because that's what I needed. To empty my heart with pain.

And for once, I found home again. Not from a lover, but atleast from a good friend.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

8.1K 424 33
All Rights Reserved 5/24/14 Copyright © ShesDatingTheLover SOON TO BE PUBLISH BY LIFE IS BEAUTIFUL COMPANY. HOPE YOU'LL GRAB A COPY OF THIS :)
30K 553 103
¦ Playlist Series #3 ¦ Second chances. Those two words are not in Lexi Valdez's vocabulary at all. Once you fucked up, that's it. No calls. No conta...
5.1K 277 49
There are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big questio...
26.6K 1.8K 120
epistolary | completed | not edited "Tanga ka? Hindi ka nagpapakilala tapos tatanungin mo 'ko kung gusto kita?!" What if that anonymous person is s...
Wattpad App - I-unlock ang mga eksklusibong feature