Wanted and Missed

By TripNiKaliwete

147 0 0

Are you looking for your first true love? What if you just found him? I mean, different person but the one... More

Paalala
Prologue
The Search
What?!
How?
Stay
Alis!
I Lied
Welcome
Pagpapanggap

Usapan

7 0 0
By TripNiKaliwete

Habang nasa hapag kainan kami ay walang kumikibo sa amin at tahimik lang na kumakain. Seryoso siyang kumakain at ako naman patingin-tingin sa kanya paminsan-minsan. Mapagkakamalan ko talaga siyang si Juan kapag di siya nagsasalita eh. Kaso kapag sinimulan niya ng buksan ang bibig niya gusto ko nalang takpan ang tenga ko at ipikit nalang ang mga mata. 

"Will you just eat your food properly? Panakaw tingin ka pa diyan." sabi niya nang di nakatingin sa'kin at nagpatuloy lang sa pagnguya ng kakasubo niya lang na pagkain. Ang tindi naman ng pakiramdam nito. Napairap nalang ako sa sinabi niya. Napaka talaga. "Akala mo di ko alam?" pangiti pa niyang sabi at tinignan ako sandali at bumalik sa pagkain ang tingin.

"Pakialam mo ba? Sa pagkakaalam ko kasi may mata ako." pangangatwiran ko.

Napahinto siya na para bang may naisip na napakagandang ideya.

"You know what, you can treat me the way you want to treat Juan nang sa ganun ay di ka mahirapang magpanggap." sabi niya at kumain.

"Ano ka, siniswerte?" sabi ko't napataas ang isang kilay. Napakagagong ideya nun. Ang dami kong gustong gawin para kay Juan tapos sa kanya ko gagawin? Mamamatay muna ako.

"Wow. Ako pa ang swerte. Di ba dapat ikaw? Ayaw mo nun, magagawa mo sa akin ang gusto mong gawin sa taong di mapapasayo." pangisi niyang sabi na alam mo talagang nang-aasar. Ang gago talaga.

"Eh, kung ayokong ituloy 'tong pagpapanggap natin?" pagbabanta ko sa kanya.

"Chill, Patricia. I was just suggesting. Kung ayaw mo, okay lang. Kung gusto mo naman, mas maganda." pangisi na naman niyang sabi. Bwesit talaga. "Basta huwag mo kong iiwan, okay?" paseryoso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Nakakainis. Di ko maiwasang isipin na para siyang si Juan kapag seryoso siya.

"Tapos na akong kumain." sabi ko nalang. Wala na akong gana.

"Busog ka na? Eh, kaunti lang kinain mo. Tsaka di ba masarap niluto ko?" tanong niya.

"Masarap naman. Sa sobrang sarap nga eh gusto ko ng manapak." sabi ko't napairap.

"Napakapikon naman." pangisi niyang sabi na para bang nakaisa na naman siyang asarin ako.

Ang lakas talaga ng apog ng taong 'to. Bwesit. Feeling close kung makaasar.

"Ulol!" sabi ko sa pagmumukha niya.

Bwesit. Parang nasabihan ko rin tuloy si Juan ng salitang yun.

"Bibig mo, Patricia. Ganyan ka ba sa mga estudyante mo?" pagpapaalala niyang bawal magmura ang isang guro. Alam niya kasing isa akong teacher. Naikwento ko kasi nung tinanong niya ako kung paano kami nagkakilala ng kakambal niya.

"Hindi. Sayo lang ako nagmumura kasi ang gago mo." sabi ko sa kanya nang with all honesty.

Tumayo siya at pumunta sa likuran ng silyang inuupuan ko.

"Baka masanay ka niyan, Patricia." sabi niya't hinawakan ang magkabilang balikat ko tsaka nilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Tsk tsk tsk." dagdag pa niya.

Di ko napigilan ang inis ko at tumayo na ako tsaka siya sinuntok sa mukha. Wala na akong pakialam kung kamukha niya si Juan.

"Gago." yan lang nasabi ko at naglakad palayo.

Bwesit, eh. Ang ayoko sa lahat ay 'yung binubulongan ako at hinahawakan ako lalo na sa balikat.

Iniwan ko siya dun nang iniinda ang panga niyang kumikirot sa suntok ko. Numumuro na eh.

Taltlong oras na ang lumipas matapos ang pagsuntok ko sa kanya at nandito lang ako sa kwarto ng ate niya. Bigla nalang niyang binuksan ang pintuan at pumasok habang nakabukas parin ito. Nakita kong may dala siyang notebook at ballpen.

"Let's go downstairs." sabi niya nang di ako tinignan. "Pag-usapan na natin yung tungkol sa ground rules. Tsaka gagawa tayo ng kwento kung paano tayo nagkakilala kung sakali mang tatanungin tayo ni lolo mamaya." dagdag pa niya saka ako tinignan.

Ayun. Nakita ko rin. May pasa na ang mukha niya. Buti nga sa kanya.

"Sige." sabi ko't nagsimula na siyang naglakad paalis tsaka ko siya sinundan.

Nang makarating kami sa sala ng bahay nila ay umupo na kami sa kanya-kanya naming gustong upuan. Magkaharap kami ngayon at pinagigitnaan ang isang glass table. Prenti lang siyang naupo habang hawak pa rin ang notebook at ballpen.

"Ano na?" pagsimula ko upang basagin ang sandaling katahimikan.

Napatingin siya sa'kin nang seryoso.

"Rule number one. Never hurt your partner." sabi niya.

"Rule number two. Magiging valid lang ang rule number one kapag nandyan ang lolo mo." sabi ko.

"I can't hurt you, Patricia. That's unfair." sabi niya. Pinagsasabi nito.

"Di ka lang aware na emotionally sinasaktan mo ako, Simoun. Kaya fair lang na saktan din kita physically." pangangatwiran ko.

Mas masakit nga kapag emotionally hurt eh mahabang proseso bago ka maging okay. Di katulad ng physically hurt, madali lang gagaling.

"Whatever. Rule number three. Walang aalis kapag di kasama ang isa."

"Parang tanga naman, 'yan. Alangan namang lagi akong nakabuntot sayo? Ano ako? Aso?" sabi ko.

"Okay lang, I'll be doing the same thing. I will always be your tail." pangisi niyang sabi. Ayan na naman yang ngiting may pang-aasar. Gusto ba nitong nasasaktan lagi? Kasi ako, willing akong saktan siya.

"Uy, ang usapan kapag kaharap lang si lolo mo diba? Ano, to?" napairap kong sabi. "Huwag na yan kung ayaw mong masuntok na naman kita." sabi ko.

"Patricia, paano kapag may nakakita sayo na may connection kay lolo at magsumbong? Baka isipin nun na pinapabayaan kitang mag-isa. Alam mo kasi sa pamilya namin, lahat kaming mga lalake dapat gentleman." pagbibigay impormasyon niya pa.

Gentleman. Ulol talaga.

"Tantanan mo ko sa pa-gentleman mo. Huwag mong gawin ang bagay na hindi mo naman talaga gawain. Na hindi naman nakarehistro sa dugo mo." sabi ko.

Totoo naman kasi. Gentleman daw eh ang gago-gago.

"You're offending me, Patricia. Well, I'll just show you." tignan lang natin.

"Ewan ko lang, Simoun." puro naman kasi kagaguhan ang alam nito. Sus.

"Rule number four. Walang romantic actions.." pagpapatuloy ko sa paggawa ng ground rules nang bigla siyang nagsalita.

"You're stupid. We have to do such sweet gestures, Patricia. Kung ayaw mong mabuko tayo at kung gusto mong maging convincing 'tong pagpapanggap natin." sabi niya.

"Di pa naman ako tapos. May karugtong kasi 'yun. Kapag wala ang lolo mo dapat walang ganun." dagdag ko pa.

Sinimangutan lang niya ako. "Ayusin mo kasi."

"Ikaw nga dyan eh. Aangal agad. Di pa nga ako tapos sa sasabihin ko." sagot ko pa.

"And, oh. Don't worry. Asa ka namang magiging sweet talaga ako sayo." sabi niyang nakangiti na naman nang mapang-asar.

"Wag ka ring mag-alala. Kasi kahit kailan di ako aasa." sagot ko sa kanya.

"Whatever, Patricia. Rule number five na. Ito, ah. Never fall inlove with each other." sabi niya.

"Syempre naman. Hindi mangyayari 'yun. Makakaasa ka." sabi ko. Kahit pa magkamukha sila ni Juan, kahit kailan di ko magugustuhan ang ugali niya.

"Talaga lang. Kasi paniguradong di kita masasalo." sabi pa niya.

Alam ko naman 'yun. Sa ugali ba naman niya, basang-basa ko na.

Nang matapos na namin gawin ang ground rules ay pinag-usapan naman namin ang kwento kung paano kami nagkakilala at nagkainlaban. Jusko.

"Ganito nalang, Patricia. Salitan tayo ng sagot. Kung ano yung unang tanong ni lolo, ako ang sasagot nun tsaka support ka nalang. Tapos kung may susunod naman siyang tanong, ikaw naman. Basta teamwork lang tayo, okay? Just for two months, Patricia. Yun lang." pagpapaliwanag niya.

Malaking kasinungalingan ito. Jusko.

"Okay, okay." yun nalang ang nasabi ko. Bahala na.

Matapos ang usapan namin ay pinaalalahanan niya ako na mamayang gabi ko na makikilala ang lolo niya. Sana talaga magiging maayos 'tong kasinungalingang ito.

----------
And I'd sing,

What if, what if we lost our minds?

Hahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

109K 235 17
My wlw thoughts Men DNI ๐Ÿšซ If you don't like these stories just block don't report
245K 12.4K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
330K 19.1K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong