Samaniego Side Story 1: My Va...

By WanderVee

19.9K 238 0

Samaniego Side Story #1 More

My Valerie
Prologue
1 - Valerie~
2 - Thing called 'patience'
3 - the Demon~
4 - What am I here for?~
6 - Class A~
7 - For you~
8 - Delubyo~
9 - Static~
10 - Heartbeat~
11 - Mine~
12 - I'm pr-WHAT?!~
13 - Here~
14 - YES! ~
15 - Girls~
16 - Always ~
17 - Vow ~
18 - Love ~
19 - Strength ~
20 - Angels ~
21 - Trade ~
22 - Our Page ~
23 - A new beginning ~
24 - Family ~
25 - Sailing ~
27 - New Start ~
Epilogue
A/N

5 - You in Me~

599 8 0
By WanderVee

VALERIE's POV

Nagising ako sa loob ng pamilyar na kwarto. I guess ini-uwi ako ni Aire dahil nandito na ako sa kwarto ko sa unit na pagmamay-ari niya. Magaling, kapatid.

Dahan-dahan akong umupo sa kama ko tsaka tumayo. Nauuhaw ako. Nababahala rin ako dahil baka ipina-check ako ni Aire kanina, well, malalaman ko pag nakita ko na ulit siya. Ghaad, I need water.

"Athan?" Nagtatakang tanong ko nang makita ko si Athan na naka-upo sa sala. Bakit siya ang nandito? At anong nginingiti-ngiti niya habang nakatingin sa cellphone? Tuluyan na bang nabaliw anh baliw na 'to?

"Noona! Buti at gising ka na, aalis na kasi ako eh, may date kami ng Yoana ko!" Napangiwi naman ako dahil sa bilis ng pagsasalita niya. Seriously, masyadong excited si Athan. And date? Well, sila naman na, ayos lang na mag-date sila.

"Okay?" Natatawang sabi ko tsaka siya mabilis na lumabas. Nailing nalang ako. Athan is really whipped for Sia's half-sister. I can't blame him, though, that girl is so cool. Though, may mga narinig kong usap-usapan dati na lesbian raw yun but it's all in the past now, I guess? I just wish they work out. Kasiyahan ng pinsan ko ang iniisip ko, if he's happy, then hands down ko.

Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig, gumawa na rin ako ng sandwich dahil nakaramdam ako ng gutom. After making two pieces ay dumiretso ako sa sala para manood ng movie. End Game was playing kaya focus na focus ako sa panonood. Nasa part na ako kung saan isinakripisyo ni Black Widow ang sarili niya instead of Hawkeye, mangiyak-ngiyak pa ako dahil idol ko ang character to Nathalie Romanov kaso namatay siya. Hays.

Umiyak-iyak pa ako, para akong tanga na umiiyak sa isang palabas! Hays, malala na talaga ang topak ko. I was in the middle of eating and weeping when someone suddenly pressed the bell. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan iyon, kamuntikan pa akong masubsob sa sahig dahil sumabit sa kumot na gamit ko ang pa ko, mabuti nalang at naagapan ko agad kaya bindi nangyari, I have to hurry, I wanna watch the movie! Dang it!

"Bakit ka nagbe-bell?! Nagkalimutan mo na namam ba ang passwo-- w-what are you doing here, Devon?" Nabigla man ay nagawa ko pa rin siyang inis na tanungin nang makita ko ang demonyong si Devon sa harapan ko. Nakangisi pa ang walangya habang itinataas ang isang box ng pizza at isang bucket ng fried chicken. Agad akong natakam dahil sa dala niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi ako masaya sa presensya niya. Paano naman niya nalaman na nandito ako? 'Wag niyang sabihin maliban sa pagiging abogado ay part-time delivery boy na rin siya ngayon?

"Are you crying?" Napalitan ng pagtataka ang mukha niya kaya agad kong pinahiran ang mga mata ko. Iyak pa! Kasalanan to ng End Game eh. Akmang pupunasan pa sana niya ang mukha ko pero mabilis akonh umatras making him look at me in dismay. Ano na naman bang kailangan ngh hinayupak na 'to?

"Nadala sa movie. What do you need?" Pagtataray ko pero ang gvgo tinaasan lang ako ng kilay. Lagi talaang tumataas ang presyon ko dahil sa lalaking 'to. Bakit ba kasi namemeste pa siya?!

"Movie Marathon?" Kapal ah! Anong akala niya? Masusuhulan niya ako sa mga pagkain na dala niya?! Hindi porke't natatakam ako ay papapasukin ko na siya! No way! Hindi ako makakapayag!! Sino soya para makipag-movie marathon sa akin?!

"Damn, this pizza is delish!" Binato ko ng tissue si Devon dahil sa ingay niya. Kumakain na nga ang ingay pa rin. Baka may mahulog galing sa bibig niya mapapatay ako ng magaling kong kakambal pag magkaroon siya ng flatmates na mga langga!

"What?! Masarap naman talaga ah?" He defended making me shrug. Ikinakahiya ko ang lalaking to. Mabuti nalang at kami lang dalawa, kung siguro maraming tao, pinagtitinginan na kami dahil para siyang first time na naka-kain ng Pizza. Wala bang pizza sa planetang pinagmulan niya? Gosh, sana lang hindi namana ng pamangkin kong si Comet ang ka-ignorantehan at kabulukan niya.

"Anyways, I've heard about what happened in the hospital. Ayos ka lang ba?" I gave him an accusing look. At paano naman niya nalaman ang tungkol doon? Kahit kailan talaga ay saksakan ng pagiging tsismoso ng walangyang 'to. Isaksak ko kaya sa kanya ang buto ng chicken drumstick na hawak ko? Baka sakaling mabawasan ang pagiging pakealamero niya. Sarap.nilang pag-untugin ng mga uhugin kong pinsan.

"Ang daldal mo. At tsismoso ka rin. " Kumento ko na ikinatawa niya lang. Wala pa ring pinagbago ang walangya. Mula noon, hanggang ngayon, tinatawanan niya pa rin ang pagtataray ko sa kanya. Akala naman niya eh nasisiyahan ako sa pinaggagawa niya. Hell! Isubsob ko siya sa pizza eh!

"Kasi naman, masyado ka nang mahinhin, nasaan na yung bungangerang Valerie na nakilala ko?" Sinamaan ko siya agad ng tingin sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong bungangera. Akala mo naman wala ako sa tabi niya. Isa nalang at bi-binggo na ang walangyang Devon na 'to eh.

"Excuse me but I was never a bungangera." Hindi naman talaga, siguro masyadong maingay ang bibig ko pero hindi naman ako bungangera no! I just like to speal my thought and opinion and they can't do anything about it because it is my right as a person!

"In denial! Para ka ngang nakalunok ng megaphone sa tuwing nagseselos ka eh!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. No, he didn't! Ang kapal ng mukha niya na isumbat sa akin yan! Never did I ever got jealous with anyone! Ano siya? Sinuswerte?! Damn him.

"Hoy! I was never jealous! Naiinis lang ako sa mga umaaligid sayong talandi!" I said in my defense dahil hindi na makatotohanan iyong mga sinasabi niya.

"Oh, not jealous huh?" Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya. I'm not jealous.

"Hindi naman talaga! Plus, alam ko namang malandi ka talaga kaya hindi ko na iyon nararamdaman! Namanhid na ako dahil sa kalandian mo!" I saw how surpise he was because of what I just said. Hindi ko alam kung matatawa ba ako d ahil bahagya pang umawang ang mga labi niya o sasapulin ko na ang panget na pagmumukha niya.

"I was never malandi, Valerie! I'm just friendly! Magkaiba yun! Yung pinsan mo ang malandi!" He defended. At dinamay pa talaga ang malanding si Zander. Well, malandi naman talaga ang isang 'yon.

"Oh, really? Baka akala mo hindi ko alam ang tungkol sa Vivien mo noon?" Natatawa kong sabi habang siya naman ay mabilis na umiling. Akala niya ha?

"Vivien was a friend from law school! I was only associated with her because we were class--"

"Who cares?! I don't. Wala na akong pake, pwede ba?" Langya.

"Huh! You don't?! Well, I do?! Ano ring akala mo? Hindi ko kilala ang Abraham Forde na yon?! Pati yung Edwin Salmosa?! Don't me Val! Alam ko kung sinu-sino ang mga mapangahas na nanligaw sayo kahit na tayo na!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He knee about them?! At paano nasali si Abraham?! We were just fvcking friends for pete's sake!

"Ano? Speechless ka? Well, let me tell you this, Val. Kung ano ako ng nililigawan pa kita, mas dumoble nang naging akin ka na." Tsa! I wanna smack his face! Ang kapal ng pahmumukha niya na sabihin yun! And why is he suddenly taking a walk to the memory lane? Nakakatangina lang talaga siya.

"'Wag mong isumbat sa akin yan-"

"What? That I chased you? That I was crazy over you? Alin ang huwag kong isumbat Val? Na minahal kita ng sobra-sobra? Na pinaghirapan kong mapasakin ka?" Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya. Series of memories flashed through my mind. How he courted me for two years, how he made my day extra especial every single day. How he smile at me whenever I turn him down. How he rescue me everytime I'm in trouble.. How I fell for him in the process.

"Yes!! You did, Dev! You did! Pinaghirapan mo then you left me afterwards!! You left me when I loved you the most!!" I shouted in his face. It was already too late to stop myself. I burst, wala na akong magagawa. All I can do now is to prevent myself from crying. Napabuntong hininga ako. Silence. Silence is the only thing I could hear.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Diba dapat nasa trabaho ka?" I asked him. Hindi ako kumportableng nandito siya. Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa akin kaya umiwas ako, pero kahit ganun, ramdam na ramdam ko pa rin ang paninitig niya. He has to leave. Nawawala ako sa sarili ko at hindi maganda yun. I have to keep myself together as long as I can.

"Wag mo nga akong tinataboy." Medyo nabunutan naman ako ng tinik ng makita ko ang kalokohan sa mga mata niya. I don't like the serious him, masyado siyang maraming nasasabi and it's scaring me..

"Umalis ka na kasi." Tinulak-tulak ko pa siya kasi hindi talaga ako kimportableng nandito siya. Ayaw mong nandito siya na malapit sa akin. Nahihirapan akk.

"Kung makatulak naman. Diring-diri lang?" Inismiran pa niya ako kaya nailing nalang ako. Inayos niya muna ang suot niyang t-shirt tsaka inis na tumingin sa akin nago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Namumuro ka na sa akin, Valerie." Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. And he really has the guts to speak bullshvts in front of me? Namumuro? K.ung makukwentahan kami dito, sigurado akong mahihiya siya sa mga sinasabi niya.

"Mahiya ka sa puting tiles na inaapakan mong demonyo ka. Kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng kwartong 'to, magsimula kanang maglakad palabas ng pinto!!" Pasigaw kong sabi sa kanya but instead of being offended, humagalpak pa ng tawa ang walangya. Ano bang nakain ng putakteng 'to at masyadong masiyahin?!

Pero okay na rin, atleast nawala yung tensyon kanina. I snapped, mali ko iyon. I shouldn't have tolerated hus words. Masyado akong nadala ng nararamdaman ko. I was too blinded with the pain I felt. Ang unfair lang din kasi

"No matter how much you push me away, you will always be in here, Val." Natigilan ako atsaka napatitig kay Devon habang sinasabi iyon at nakatuto pa siya sa dibdib niya. Kunot-noo ko siyang pinakatitigan habang siya naman ay nakatitig lang rin sa mga mata ko.

Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya. Masyadong ku akapit sa isip ko at bukal sa loob na tinatanggap ng puso ko, at hindi iyon makakabuti sa akin.. sa amin.

"'Wag kang magsalita na para bang ako ang nanakit sayo, Devon. 'Wag kang magsalita na para bang wala kang nagawang mali." Seryoso kong sabi. I'm trully offended by what he said. Parang sinabi niya na rin kasing sinasaktan ko siya kasi in the first place, ako naman talaga iyong sinaktan niya.

"Hindi ako magmamalinis, Val. I know I hurt you." Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Unti-unti na ring nabubuhay ang galit na pilit kong pinatay ilang taon na ang nakalilipas. Unti-unti nang bumabalik ang sakit na dulot ng pag-iwan niya sa akin. And the best part is that, unti-unti na ring sumasakit ang dibdib ko.

"Avoid getting stressed. Do that and you can live longer." Mapait akong napangiti. Natatakot ako sa nararamdaman ko.

"Then leave, Dev. Leave me alone before I throw you in the deepest pits of hell." I meant it. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang dahilan kung bakit nandito ang lalaking to ngayon sa harapan ko. I'm not dumb to know the meaning of his stares. Hindi rin ako tanga para hindi maramdaman ang nais niyang iparamdam sa akin at kung tama man ang nararamdaman ko, alam kong hindi magtatagal ay dadalhin ko rin siya sa impyernong nilalakaran ko, that is if I accept him, which is never gonna happen. Masyado siyang mahalaga sa akin para isali sa kamiserablehn ng buhay ko.

"I've been lurking hell for 7 years, Val. I don't think I haven't been to its deepest pits." Marahas akong napapikit nang makita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Devon.

"Don't talk shvts with me, Dev." Hindi ko ini-iwas ang mga mata ko sa kanya. He has to know that I'm serious. Ayaw ko siyang nandito. Ayaw ko sa mga sinasabi niya. Ayaw ko sa kung paano siya umaasta.

"I just want you back, Valerie. Like before. You, back in my arms." Napigil ko ang hininga ko dahil sa mga sinabi niya. How can you want me when you were the one who left me in the first place? I wanted to ask. I wanted to ask him that question but I don't have the guts to do so. Magiging mas komplikado lang ang lahat pag nasagot niya ang katanungang iyon.

Alam ko naman na kasi ang dahilan niya eh. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko and believe it or not, I understand. I tried to understand the moment I knew about what happened to Guia. Tinimbang ko ang lahat, I thought about it so many times, baka pwede pa, baka mag-work out pa but in the end, hindi na talaga. Masyado nang marami ang nangyari, keeping him is like giving him a temporary home, tapos papalayasin rin naman siya kasi ide-demolish na pala. I don't want him suffering. Ayos na yun ako lang. At kahit na naiintindihan ko na, nasasaktan pa rin ako, ang unfair lang kasi. Nagdusa ako eh, nagluksa. I mourned because of my dying heart. Ang unfair lang kasi sakit lang yung nararamdaman ko, hindi ko man lang magawang magalit sa kanya. Pero mali bang masaktan pa rin? Kasalanan ko pa ba yun? Wala naman sigurong matinong tao ang hindi masasaktan pag iniwan sila ng taong mahalaga sa kanila ng walang paalam, diba?

"There's nothing to get back here, Dev. Wala ka na ngayon sa akin, at mas mabuting ganun na rin ang gawin mo sa buhay mo. I'm no longer a part of it, Dev.. no longer a part of you." I tried my best to reign my emotions. Hindi ito makakabuti sa akin. I don't want to die yet. Minsan, sinasabi ko sa sarili ko na ayos lang na mamatay na ako pero ngayon, ayaw ko na muna. Kung magpapatuloy ang kalokohang 'to, baka bigla nalang akobg bumulagta sa kung saan at bawian ng buhay. I have to take care of my heart. Alam kong may paparating na delubyo sa pamilya namin, I have to be strong to keep my family together.

"Umalis ka na. " Matigas kong sabi tsaka tinalikutan ko. Nagtungo ako sa kwarto ko. I opened the door pero bago pa man ako makapasok ay nagsalita na siya... at ang mga sinabi niya ay parang kutsilyong sumaksak sa puso ko ng paulit-ulit... but I can't even bleed.

"There will always be a you in me, Valerie."

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 286K 76
[Completed novella: Imperial Monarchy- starting from chapter 63 where the mafia king ended.] A/N: besties, if u choose to read this story, know that...
1.8M 29.7K 51
Nothing could prepare her for the summer of her life, and nothing will EVER compare. Stuck in a treasure hunt before she left everything behind will...
314K 9.5K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
459K 16.6K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...