sobrang nasasaktan si borj sa ginawa ni camille na biglaang pag iwan sa kaniya...buti na lang at nasa tabi ni borj ang mga kaibigan....halos isang buong araw siyang nag inom upang maging manhid ang buong katawan sa sakit na nararamdaman...nakatulog na lang si borj sa sobrang kalasingan.....at nakatulog na din sina yuan, junjun, epoy, angie, jelai, missy......pero si roni nasa tabi ni borj...kinakausap niya si borj habang tulog..
"borj alam ko sobra kang nasasaktan ngayon.."
"kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman mo ginawa ko na eh..."
"hindi ako sanay na makita kang ganyan.."-roni
hinihimas himas ni roni ang buhok ni borj habang mahimbing na natutulog ang kaibigan...
naalimpungatan si borj at dumilat ang mga mata...nasipat niya si roni...na akala niya si camille...
"i love you baby..!" biglang sabi ni borj
sabay nahalikan niya si roni sa labi...at niyakap ng mahigpit..
nagulat si roni sa nagawang iyon ni borj....hindi siya makawala sa higpit ng yakap ni borj....
nakita ni roni na tumulo ang luha sa mga mata ni borj...
wala ng nagawa si roni kundi ang yakapin na lang din ang kaibigan....matagal niyang hinintay ang mayakap din si borj....sabay binulungan ni roni si borj
"borj..."
"si roni ito hindi si camille.."-roni
tila nagulat si borj...pero hindi parin niya inalis ang mahigpit na yakap kay roni.....ganoon din naman si roni....
namumugto ang mga mata ni borj ng humarap kay roni..
"roni sorry..."-borj
"ok lang borj naiintindihan ko.."
"nandito ako para damayan ka, magkaibigan tayo di ba.."-roni
inalalayan ni borj si roni upang makaupo ito ng maayos...pati na din si borj ay umupo...
"sorry talaga roni hindi ko sinasadya.."
"pati yung mahalikan ka.."
"akala ko kasi ikaw talaga si camille eh.."-paliwanag ni borj habang pupungas pungas ang mga mata..
natahimik at walang naisagot si roni kay borj... hindi niya pinigilan si borj ng halikan siya nito...nasaktan lang si roni dahil si camille ang nasa isip ni borj nung mga sandaling iyon
"gusto mo bang timplahan kita ng kape borj para mabawasan yang tama ng alak sayo.."-roni
"ok lang ba roni..?"
"gusto ko talagang magkape eh.."-borj
"oo naman borj.."-roni
tumayo pappunta sa kusina si roni upang igawa ng mainit na kape si borj.......naiwang nakaupo si borj sa gilid ng sofabed.....nakahawak sa ulo niya...
pagkagawa ni roni ng kape binalikan niya si borj na tulalang nakaupo sa gilid ng sofabed..
"borj ito na yung kape mo.."-roni
at umupo si roni sa tabi ni borj..
"salamat roni ah.."-borj
sabay higop sa mainit na kapeng gawa ni roni
biglang nagkahiyaan ang magkaibigan dahil bumalik sa katinuan si borj at naalala ang isang halik na ginawa niya kay roni....
"roni galit ka ba sakin..?"tanong ni borj
"bakit naman ako magagalit sayo borj..?"sagot naman ni roni
"dahil nga nahalikan kita.."
"sorry talaga roni..."
"hindi ko sinasadya..."paliwanag ni borj
hindi makatingin si borj sa kausap dahil nahihiya siya kay roni...
hinawakan ni roni ang mga pisngi ni borj upang tumingin ito sa kanya......at hinalikan din si borj....nagulat si borj sa ginawa ni roni pero gumanti siya ng halik...
"borj hindi mo kailangang magpaliwanag..."
"naiintindihan kita.."-borj
"pero bakit roni..?"tanong ni borj
iyon na siguro ang tamang panahon upang malaman ni borj ang tunay na nararamdaman ni roni para sa kaniya...
"alam mo borj kung ikaw madaming what if's na hindi nagawa dati na pinagsisisihan mo.."
"ako naman madaming nagawa noon na pinanghihinayagan ko.."- roni
"tulad ng ano roni..?"-borj
"alam ko borj hindi ito yung tamang pagkakataon para malaman mo ang lahat...pero wala na sigurong ibang pagkakataon pa.."-roni
tahimik na nakikinig si borj kay roni
"alam mo borj nagsisisi ako bakit si basti ang pinili kong mahalin noon.."-roni
"madaming pagkakataon na nasaktan kita noon borj.."
"at ngayon ako naman ang nakakaramdam ng sakit na naramdaman mo dati.."naluluhang roni habang nagpapaliwanag kay borj
"alam mo roni totoo..."
"sobrang sakit.."
"kaya nga ako pumayag kina mommy, lolo at lola na papuntahin na lang ako sa america eh para mapalayo sayo.."
"alam mo bang hindi ko naman talaga balak umalis ng walang paalam sayo, sa buong barkada.."
"pero nung araw na susubukan kong kausapin ka.."
"kasama mo si basti..."
"nakita ko kayo sa kotse ni basti..."
"hinalikan ka niya.."
"kita kong masaya ka kay basti..."
"kaya kahit alam kong magagalit kayo sakin mas pinili ko na lang lumayo para hindi na madagdagan yung sakit..."-borj
"sorry borj.."
"hindi ko din sinasadya na saktan ka dati.."-roni
"ok lang roni.."sagot ni borj
"mas ok na siguro yung ako na lang palagi yung masasktan kesa yung mga taong mahal ko.."-borj
"borj.."-sabi ni roni
"roni lahat na yata ng klase ng sakit naramdaman ko na..."
"lahat yun kinaya ko.."
"pero tignan mo nandito parin ako.."
"hindi man ok sa ngayon pero it takes time at mawawala din yung sakit na nararamdaman ko ngayon..."-borj
ramdam na ramdam ni roni sa mga sinabing iyon ni borj kung gaano siya nasasaktan, pero walang magawa si roni dahil isa siya sa mga nanakit kay borj...
"sorry borj.."-roni
"bakit ka magsosorry??"-borj
"kasi isa ako sa nanakit sayo eh.."-roni
"hindi mo naman kasalanan roni eh....kasalanan ko kasi minahal kita ng husto..."-borj
nagkahiyaan silang dalawa sa sinabing iyon ni borj....pero unti unti gumagaan ang pakiramdam ni borj dahil nakakausap niya ngayon si roni nasasabi niya yung mga bagay na hindi niya nasabi noon sa kaibigan....
naubos na ni borj ang ginawang kape ni roni....niyaya niya si roni maglakad lakad sa tabing dagat upang magpahangin..
"roni samahan mo naman ako.."-borj
"saan..?"-roni
"gusto ko lang makahinga ng maayos..."
"maglakad lakad sa tabing dagat.."-borj
kahit madaling araw na at wala pang tulog si roni sinamahan niya si borj..
"sige.."-roni
"alam mo roni, aaminin ko sayo.."
"kaya ako nasasaktan ng husto sa ginawa ni camille.."
"kasi minahal ko talaga si camille ng husto..."-borj
"alam ko naman yun borj.."
"mukhang hindi mahirap mahalin si camille.."
"mabait, maganda, maasikaso..."
"kahit sinong lalaki siguro kayang mahalin si camille..."-roni
"hindi lang yun roni eh..."-borj
"ano..?"-roni
"nakita ko kay camille yung katauhan mo...!"-borj
hindi maintindihan ni roni kung kikiligin ba siya o magagalit kay borj..
"borj magka iba kame ni camille..."-borj
"oo alam ko..."
"pero may mga qualities si camille na sobrang nagustuhan ko sayo..."-borj
"borj tingin mo ba ito yung tamang timing para pag usapan natin yung tungkol sa atin..?"-roni
"ikaw na nga nagsabi roni di ba wala ng ibang perfect timing kundi ngayon lang.."-borj
napahinto sila sa paglalakad dahil may nakita silang isang bonefire....at umupo sila doon..
"roni....."
"sorry talaga.."-borj
"wala kang dapat ihingi ng sorry borj..."
"naiintindihan ko.."- roni
"thank you..."
"hindi mo ako iniwan.."-borj
"borj hindi kita iiwan..."
"ako nga yung iniwan mo eh.."sambit ni roni
"sana maging ok ang lahat roni..."
"kung mangyari man yun, promise hindi na kita iiwan ulit..."-borj
nagkatitigan silang dalawa...
"roni...."
"aayusin ko lahat..."
"lahat ng mali itatama ko.."
"wag ka sanang magsasawang samahan ako..."-borj
"oo naman borj nandito lang ako.."-roni
inilapit ni roni ang ulo sa balikat ni borj at inilapat iyon...niyakap na lang ni borj si roni...
parang hindi tumatakbo ang oras para sa kanilang dalawa...muling nanumbalik ang pag asa kay roni maging kay borj...
kinaumagahan........
to be continue
feel free to comment
dont forget to hint ⭐️
❤️❤️❤️