The Gangster's Victim

By imperial_gem

3.9K 1.3K 520

Isang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa... More

Introduction
Chapter 2: University
Chapter 3: Gangsters
Chapter 4: His Next Victim
Chapter 5: Kidnap
Chapter 6: He save me?
Chapter 7: Deceive the Victim
Chapter 8: Decode the Code
Chapter 9: The Punishment
Chapter 10: Together with The Devils
Chapter 11: The Jealous Devil
Chapter 12: The Devil is A Thief
Chapter 13: The Day before the Game
Chapter 14: Stolen Kiss
Chapter 15: The Devils Game
Chapter 16: Changes
Chapter 17: Undergrounds Secret
Chapter 18: Confused
Chapter 19: Uncontrollable
Chapter 20: Forgotten Mission
Chapter 21: Go Home
Chapter 22: Other Man
Chapter 23: Planned, All Along
Chapter 24: Escape
Chapter 25: Evidence
Chapter 26: Past
Chapter 27: Memories

Chapter 1: Arena

380 91 76
By imperial_gem

Chapter 1: Arena

Pinagmasdan ko ang mataas at matatayog na building sa loob ng university. Tila ang tuktok na lamang ng building ang nakikita ko sapagkat pinalilibutan na rin ito ng makakapal na puno. Napabuntong-hininga naman ako. 

"Nandito na nga talaga ako."

Tiningnan ko naman ang tarangkahan ng gate at binasa ang nakasulat.

"Apollo's University," I mumbled. "Not bad."

Inayos ko naman ng maigi ang kusot na skirt ko at inilagay na ang eyeglass sa mga mata ko.

"I'm ready!" I snorted and sighed a heavy air.

Sisimulan ko na sanang maglakad patungo sa loob ng gate nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Alexandra!" he shouted kaya napa taas naman ang isa kong kilay.

Then, I just realized who it was. Ang magulo niyang buhok, ang matangos niyang ilong at ang manipis niyang labi.

I smiled. "Xander.."

Nakita ko namang hinihingal siya sa pagtakbo papalapit sa akin kaya nilapitan ko na lamang din siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko at ibinigay ang morning towel na nasa kamay ko. Ngunit hindi man lang niya ako sinagot at bigla na lang akong binigyan ng mahigpit na yakap. His scented perfume is still the same. Hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan. Anong bang nangyari sa lalaking 'to?

"Mag-iingat ka!"

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o dahil sa sinabi niya. Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko.

"Please come back to us...safe." patuloy niya bago bumitiw sa yakap ko.

Tiningnan ko lamang siya na parang may sinusuri at hinihintay ang kasunod na sasabihin niya. In ordinary circumstances ang sasabihin talaga niyan ay "Huwag kang mag-iingat ah!" o 'di kaya "Huwag ka na lang kayang bumalik!" Pero ngayon? Naaaah! I just laughed at him bago siya sinagot.

"Ano bang nakain mo? Ofcourse, babalik ako. Huwag kang mag-alala pagbalik ko guguluhin agad kita." I teased.

Pero ganoon pa rin ang ekspresyon niya sa mukha. Plain! Ano ba nangyayari sa kanya?

"Alexandra seryoso ako!" he snorted kaya napatahimik naman ako.

"Hindi mo alam kung anong klase ng mga tao ang makakasalamuha mo diyan sa loob. You're a girl for god sake! Paano kung may mangyaring masama? Alam mong wala ako diyan para iligtas ka," he paused at ginulo ang buhok niya.

"I can't afford to lose you."

Nakikita ko pa kung gaano siya nababahala. His eyes were so visible, nag-aalala siya. Hindi naman siya ganito sa'kin dati ah! Xander is my bestfriend, my knight and my bully. At hindi sa ganitong paraan niya ipinapakita ang pagtrato niya sa'kin bilang ako. Kasi minsan mas nasanay pa akong guluhin niya kaysa sa mag seryoso.

I just give him a satisfying smile. "I am going to be okay. Malakas ako 'di ba? And for sure kahit wala ka sa tabi ko, ililigtas mo pa rin naman ako hindi ba?"

I just see him nod and pat my head. "Oo malakas ka! Pero hindi natin alam kung anong mangyayari. Kung sana lang ako na ang kumuha ng misyon mo." rinig ko pang matamlay na pagkakasabi niya sa huling parte kaya itinulak ko agad siya ng mahina.

"Ano ka ba! Kaya ko 'to. And besides documents lang naman ang kukunin ko sakanila eh. Hindi ako lalapit para makipagkaibigan, okay? Just trust me."

Kung pwede lang sana hindi ako. Sabi nila ang University na 'to ay pinapasukan ng mga estudyanteng nag rebelde sa pamilya, mga estudyanteng hindi nakapagtapos ng highschool dahil na kick out at minsan sa kanila ay matanda na ang mga edad, mga taong bulakbol at higit sa lahat mga gangster.

Binigyan kasi ako ng misyon ng Papa ko. A mission na ako lamang ang kayang gumawa. And I was trained to be like him. A successful agent. Si Papa kasi is my superior, our leader kaya kung ano ang sasabihin niya ay agad na susundin namin. Kahit gaano pa ito ka delikado.

My Mother died dahil sa nangyaring car accident 4 years ago. I was thirteen back then. Hindi ko na rin matandaan ang mga nangyari basta ang naalala ko, kasama ako sa aksidente. And I was the only one who survived.

Simula noon si papa ay mas naging active at focus na sa organisasyon. Hindi niya kailanman ma iwan-iwan ang quarters. Hindi ko rin alam kung bakit basta ang alam ko ginagawa niya 'to para sa kabutihan ko.

Simula rin noong nangyari ang aksidente, minsan nakikita ko na lang na laging lasing si papa sa gabi. He just love my Mother more than me at naiintindihan ko siya. Hindi nga rin ako nagtanim ng sama ng loob eh kahit na minsan hindi na niya ako napapansin.

"Alexandra?" rinig kong tanong ni Xander malapit sa mukha ko kaya napabalik ako sa ulirat.

Did I just think too much?

"Are you okay?" tanong niya kaya tumango naman ako.

He just smiled and left a chuckle. "Kanina mo pa ako tinitingnan. Baka mahulog ka na niyan sa 'kin ah!" he teased.

"Marami pa namang masasaktan pag nangyari nga." patuloy niya kaya napahawak naman agad ako sa pisngi ko.

I just let out a sighed. "Assuming!"

"Basta mag-iingat ka ah." he said bago niya binigay sa'kin ang isang pin.

Para saan 'to?

"It is a tracking device. Dalhin mo 'yan parati para ma track ka namin kung nasaan ka." he said kaya tumango ako at itinago ito sa bag ko.

"Don't worry, nandito lang rin kami sa likod mo." sabi niya at itinuro ang itim na van malapit lamang sa pwesto namin kaya napatawa ako.

"Ano ka ba? I am trained to be in this mission. Alam ko na ang gagawin.." I paused.

"And besides, I can play their game."

Tinahak ko na ang daan papasok sa loob, buti na lang at pinagbuksan ako ng guard. Ni hindi niya nga ako binigyan ng tingin. Agad naman na bumungad sa akin ang nakahanay at nakapalibot na matataas na puno sa university.

Ang university ay pinoprotektahan ng matatayog na brick wall at makikita mo talaga ang bawat bantay na nakatayo sa bawat sulok. Kung titingnan mo, napakalinis at organize ng university pero alam kung wala pa ako sa half ng kabuoan ng university kaya alam kung hindi pa ito ang dapat kung makita.

Ilang minuto pa nang makita ko na ang nakakasilaw na golden gate sa 'di kalayuan. Tiningnan ko ang tarangkahan nito at ang nakalagay sa gitna nito.

"Welcome to Apollo University." I read.

So ibig sabihin nito.... I gasp.

Ang nasa labas ay parang takip lamang ng tunay na university? Dalawa ang gate nila?
At kaya pala malayo mo mararating ang gitna ng university ay para hindi agad matunton itong tinatago nila. Kaya pala ang linis at tahimik kanina. Kailangan 'tong malaman nila Xander.

Agad kung kinalkal ang cellphone ko sa bag at kinuha nang makita ito. Tatawagan ko na sana sila nang makitang out of coverage area ang lugar. I hissed. Ang galing nilang magtago ah! Kaya pala pina iimbistigahan ito ni papa. But alam kung hindi ko na field ito.

Ang tanging misyon ko lang ay ang makakuha ng impormasyon tungkol sa pinaka malakas na grupo sa larangan ng underground society kaya hindi na dapat ako manghimasok sa misyon ng iba.

Pero kasi ngayon ko lang nalaman 'to. Ginulo ko naman ang buhok ko. Marami pa talaga akong dapat malaman. Sabi lang din kasi ni papa na may unang tao na siyang pinadala dito sa loob at ang misyon nito ay kagaya sa misyon ko but sad to say bangkay na ng bumalik ito sa amin.

That's why Xander is so eager. Baka kasi mangyari ulit iyon. But hindi ko hahayaang makalabas dito ng walang impormasyong nakukuha.

Kahit man lang sa misyon na 'to... Mapansin at matuwa sa'kin si papa. Isinauli ko na lamang ang cellphone sa loob ng bag at tinahak na ang daan patungo sa gate ng university.

Nakita ko rin ang isang makisig na lalaking nakabantay dito kaya agad akong lumapit sa kanya pagkarating ko.

"Ah kuya? Ito na po ba ang Apollo's University?" tanong ko sabay turo sa loob ng gate ngunit tinitigan niya lamang ako.

"Sigurado ka bang dito ka papasok?" takang tanong niya kaya tumango naman ako.

"Nasaan ang ID mo?" tanong niya kaya ipinakita ko naman ito sa kanya.

"Ano ang dahilan mo at dito ka pumasok?" tanong niya ulit at tiningnan ako sa ulo hanggang sa paa. Kaya napalunok naman ako.

"Na expelled po kasi ako sa last university na pinapasukan ko. At wala ng ibang university na kayang tanggapin ako." sagot ko naman.

Parang hindi pa siya naniwala kaya ipinakita ko ang papel na may nakalagay na expelled na nga talaga ako sa university na iyon.

"Nasira ko kasi ang isa sa rules ng university na 'yon," I paused and stared at him coldly. "Muntikan ko lang naman kasing mapatay ang anak sa isa sa mga sponsor ng paaralang iyon." 

Patuloy ko kaya agad na napa-atras naman siya. Ang dami pa kasing satsat, eh kung papasukin niya na lang kaya ako! Then I just rolled my eyes nang makitang binuksan niya na rin atlast ang gate. Kinuha ko naman ang papel sa kamay ng guard at sinimulang pumasok sa loob.

"Salamat po," I wave at the guard.

Ofcourse gawa-gawa lang lahat nang sinabi ko kanina. Naniwala naman agad siya. Huminto namana ako sa paglalakad ng makitang nasa grounds na ako ng university. Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang tahimik na plaza at ang malinis na daan sa bawat sulok. Tiningnan ko naman ang relo ko.

"10:00 am," I mumbled. "So dapat a minute by now ay break time na nila."

At hindi nga ako nagkakamali dahil segundo lang din nang tumunog na ang bell at ang pagsisilabasan ng mga estudyante. At kung gaano katahimik at kalinis ang nakita ko kanina dito sa loob ay kabaliktaran naman ito sa nakikita ko ngayon.

Ngunit nanatili pa rin akong nakatayo sa gitna at tinitingnan sila. Ang mga damit nila ay iba-iba. Wala pala silang dress code dito. Tiningnan ko naman ang stage na nasa harap ko at nakita ang malakas na pagbukas ng pinto malapit lamang sa hagdan na nasa gilid.

"Faculty & Staff." I read.

Agad na nakita ko ang mabilis na pagtakbo ng apat na lalaki patungo sa pwesto ko at ang isang matandang babae, mid-40 I guess, na hinahabol sila.

"Ilag!"

"Alis!"

"Hoy!"

"Huwag haharang-harang!

Rinig kung sigaw nila ngunit nakatayo pa rin ako sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ako ba ang sinisigawan nila eh hindi ko naman sila kilala.

"Tigil!" 

Malakas na sigaw ng matandang babae sa apat na lalaki. Pero hindi siya pinapansin ng apat na lalaki. Pinagtitinginan na rin sila ng iba pang mga estudyante.

I sighed. "Troublemakers."

Malapit na sila sa pwesto ko at mas nakikita ko pa kung gaano sila ka walang modo. Itsura pa lang alam mo na. Akala ko tatakbo sila at lalampasan lamang ako ngunit bigla na lamang may humawak sa kamay ko at hinila ako kaya napatakbo ako kasama sila.

"Hoy ano ba! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko ngunit hindi man lang nila ako pinapansin.

Pilit ko ring kinukuha ang kamay ko ngunit malakas siya kaya nag try akong sipain siya ngunit wala pa rin.

"Saan niyo ba ako dadalhin?!"  pa sigaw na tanong ko habang tumatakbo pa rin.

 Nakita ko namang nagkatinginan sila at napatawa.

"Sa arena!" sabi ng tatlo, kasama itong humihila sa 'kin at mas binilisan pa ang takbo.

"Teka, bitawan niyo ako! Hindi ko kayo kilala!" sigaw ko ngunit binalewala lamang nila ako.


Oh, god! Sana makita ako nila Xander nito.

Continue Reading

You'll Also Like

379K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
232K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...