His Bad Ways

By JFstories

9.9M 387K 126K

X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her futur... More

Prologue
Xerxes Batalier
...
His Bad Ways
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
RNS

Chapter 21

243K 10.4K 2.4K
By JFstories

Chapter 21

"DITO?"


"Follow me." 


Nauna si Van papasok sa lobby ng isang condo matayog at sophisticated na condominium dito sa Pasay. Nakakalula. Ang laki ng building na ito. Itsura at mga guwardiya pa lang sa labas ay hindi mo na maipagkakamali na hindi ito pangmayaman.


Dito ako dinala ni Van matapos kong i-empake ang ilang pirasong damit ko. Mabilis ang naging usapan namin, mabilis akong sumang-ayon sa trabahong inaalok niya.


Ni hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa sahod. Wala akong pakialam don ngayon. Ang trabaho ang mahalaga sa akin. Iyon ang pinakamahalaga.


Abot-abot ang kaba ko habang nakasunod ako kay Van papasok sa isang maluwag at sosyal na elavator. Parang ganito rin iyong condo na pinuntahan ko noon nang una kaming magkita ni Van.


Years ago ay hinanap ko si Xerxes pero itong si Van ang natagpuan ko. Nasa condo siya non, condo sa may Quezon City, sa may Montemayor Condominium. Sosyal na building din iyon. At doon niya isinabog sa mukha ko ang masamang balita—wala na sa bansa ang mag-ama ko.


Ngayon ay naririto na ulit sila. Pero hindi para sa akin.


Ang sabi ni Van ay may malaking business deal na isasara si Xerxes dito sa Pilipinas kaya ito naririto. At syempre ay kasama si Fury.


Isang hotel and mall magnate si Xerxes ayon sa mga nakasulat sa magazine na hinihiram ko sa parlor sa amin. Single dad sa edad na thirty-three. Nagkalat ang mga hotel niya sa Italy, Singpore, Malaysia at ngayon ay magtatayo na siya ng branch ng Maire Hotel and Maire Mall dito sa bansa. Isa siyang bilyonaryo.


(unedited raw copy)


Hindi pa rin ako makapaniwala na naabot ni Xerxes ang lahat ng ito. Nang makilala ko noon si Van ay saka ko lang nalaman na mayaman pala ang tunay na ama ni Xerxes at matagal na siyang ipinapahanap.


Sa 25th floor kami huminto. Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang puro salamin na dingding.


"We're here." Hinawakan ako ni Van sa siko.


Nanginginig ang mga tuhod ko ng humakbang ako papunta sa isang malaking pinto. Si Van ang nagbukas niyon. Puro salamin ang paligid ng napakalawak na kuwarto at lahat ng lalakaran mo ay may carpet na kulay abo. Napakalamig din dahil sa centralized aircon.


Bumukas ang sliding door at mula ron ay lumabas ang isang maputi at tila manikin na batang babae. Natulala ako sa kanya.


"Uncle Van!" bulalas niya habang namimilog ang kulay luntiang mga mata.


Siya na ba iyon? Siya na ba?


Gusto kong umiyak dahil masaya ako. Gusto ko ring umiyak dahil nalulungkot ako. Nalilito ako sa nararamdaman ko.


Ngumiti si Van sa kanya. "Hello, my pretty niece."


Nakatulala ako sa batang babae ng yakapin niya si Van. Matindi ang inggit sa kaibuturan ng puso ko, gusto ko rin na yakapin niya sana ako. Gusto ko rin sana na ngitian niya ako. Kahit pa kagagahan ang mga hiling kong iyon.


"Fury Bella Maire, I want you to meet this lady beside me."


Tumingin sa akin si Fury at tinaasan ako ng kaliwang kilay. "Who's she, Uncle?"


Hinawakan ako ni Van sa balikat. "She's Rita."


"H-hello..." Pigil ko ang mga luha ko.


Lalong sumimangot ang batang babae. Napakaganda pa rin. Hindi mukhang Filipina, matangkad kasi siya, malaking bulas. At kulay luntian ang mga mata. Katulad ng sa ama...


"My new nanny?"


"Do you like her?" sa halip ay tanong ni Van sa bata.


Tumulis ang nguso niya at hindi sumagot. Tinalikuran niya kami at lumakad pabalik sa sliding door.


"Rita," baling sa akin ni Van, mahinang nagsalita. "Are you sure you want to do this?"


"Nong inalok mo sa akin ang trabahong ito kanina ay hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi," sabi ko rin sa mahinang tinig. Pero kung sakali man, wala rin akong balak na tumanggi.


Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa kaba, takot at excitement. Pero wala akong balak umatras. Wala.


"She's spoiled."


Nakasimangot pa rin si Fury habang nakatingin sa amin, sa akin.


"My parents spoiled her rotten," sabi pa ni Van.


Si Xerxes ba? Ini-spoiled niya rin si Fury? At paano ba nila ini-spoiled ang mukhang manikin na ito? Siguro ay sobrang mahal na mahal talaga nila si Fury. Masaya na ako na malamang marami ang nagmamahal sa kanya. Na hindi siya pinabayaan habang lumalaki siya. Na hindi siya nakulangan kahit wala ako sa tabi niya.


Bumukas ang sliding door at iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaki na nagtataglay ng kulay ng mga mata ni Fury—kulay luntian.


Tila ako tinakasan ng lakas ng makita ko siya. Nanginig ang mga tuhod ko at kumabog nang malakas ang dibdib ko.


"What's happening here?" Nakakunot ang noo niya sa kapatid. "Why are you here, Van?"


Napakurap ako habang nakatingin sa kanya.


"You're looking for a nanny for your daughter while she's here in the country, right? I brought you one. You're welcome," sagot ni Van kay Xerxes.


"A nanny?" Nang tumingin siya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya.


"G-good evening..." halos hindi lumabas ang tinig ko. Para akong hihimatayin.


Saglit lang siyang napatitig sa akin at pagkatapos ay seryoso siyang bumaling muli kay Van. Para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng tingin na hindi siya nag-utos para humanap ng magiging yaya.


Hindi okay sa kanya na naririto ako.


"I'm leaving her to you," final na sabi ni Van. Tumingin siya sa suot na relo. "It's late, I have to go. Ikaw na ang bahala kay Rita. Hinahanap na ako ng asawa ko."


Tumigin sa akin si Van na parang sinasabi na kayanin ko ito.


"Yaya!"


"Ha?" Napakurap ako. Nasa harapan ko na pala si Fury.


"What are you? A deaf?" Nakasimangot ang batang babae. "I said, follow me in my room."


"Ah, y-yes. I'm sorry," nauutal na sabi ko.


Walang kaimik-imik si Xerxes ng sumunod ako kay Fury papasok sa sliding door.


Sa loob ay may malawak na sala. Parang hindi condo dahil sa sobrang lawak. Parang buong floor ay okupado nila. Sa gilid kami ng sala, papunta sa isang tuwid na pasilyo dumaan. Lima ang pinto dito. Sa pangatlong pinto kami huminto.


"This is my room." Binuksan ni Fury ang pinto.


Ibinaba ko muna ang bitbit kong bag at inilibot ang aking paningin sa paligid.


Baby pink ang pintura ng kuwarto ng batang babae. Carpeted ang sahig, pastel color. May vanity mirror sa gilid, may maliit na sofa na kulay pink rin. Sa tabi ng queen-sized bed ay nakahilera ang mga maleta at mga signature bag niya. Maginaw dahil sa nakatodong aircon.


Napangiti ako sa kabila ng kirot na gumuhit sa loob ng dibdib ko. Maganda ang naging buhay ni Fury, nakikita ko iyon sa mararangyang bagay na nakapalibot ngayon sa kanya.


"Ilipat mo ang mga damit at gamit ko sa closet," utos niya sa akin na ikinabigla ko.


Napatingin ako sa kanya. Nagta-Tagalog siya?


"What?" iritadong tanong niya sa akin.


Agad akong umiling. "W-wala... gagawin ko na ang utos mo."


"Sa kabila ang magiging room mo. Ikaw na ang bahala. I'm tired."


"Sige, m-magpahinga ka na..."


Sumampa siya sa kama at nahiga patalikod sa akin.


Matapos magligpit ay nilapitan ko siya. Natutulog na si Fury. Para siyang anghel na payapang nagpapahinga. Gusto ko siyang hawakan, haplusin sa pisngi, kaya lang ay natatakot ako na magising siya.


Lumabas ako ng kuwarto matapos ang ilang minuto. Nagulat ako na naroon si Xerxes. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin.


"T-tulog na siya, niligpit ko lang iyong mga gamit niya—"


"Why are you here?"


Napatungo ako. "W-wala akong masamang intensyon kaya ako naririto."


"You're not her mother," malamig na sabi niya. "Wala kang makukuha na kahit ano rito."


"Alam ko naman iyon," mahina kong sagot. "H-hindi niya ako kilala. Wala rin naman akong balak kunin siya sa'yo o humingi ng kahit ano mula sa inyo."


Nanatili lang siyang seryoso habang nakamasid sa akin.


"P-pinuntahan ako ng kapatid mo. Sinabi niya na nandito na kayo sa bansa at kailangan ni Fury ng mag-aalaga at magbabantay sa kanya na mapagkakatiwalaan. Inalok sa akin ng kuya mo ang trabaho bilang nanny niya."


"I'm older than Van."


"Hindi ko alam. Pasensiya." Napalunok ako. "S-sana pumayag ka na ako ang maging nanny ni Fury—"


"No."


"Ako na lang. Hindi mo naman ako kailangang swelduhan."


"I said, no."


"Kukuha ka ng iba?" mapait na tanong ko. "Gagastos ka pa para sa taong hindi mo kilala? Isusugal mo ang kaligtasan ng anak nat—ni Fury sa ibang nanny?"


Ako rin ang nahiya sa mga sinabi ko ng mahimasmasan ako. Ano nga ba ang karapatan ko? Wala. Nanghina ako bigla.


"Please... hindi mo ako kailangang suwelduhan..." pakiusap ko. Kung kailangan kong lumuhod, gagawin ko kung sasabihin niya.


Hindi siya sumagot.


"Please..."


"You're her nanny as long as we're here in the country," malamig niyang sabi.


"Aalis ulit kayo?"


"You are not allowed to ask me questions." Tumalikod na siya.


"Okay." Mabilis kong sabi. Pero teka, pumayag na ba siyang ako ang magiging nanny ni Fury?


Namulsa si Xerxes at inilipat ang paningin sa iba. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya. "Wag kang gagawa ng kahit ano na hindi ko magugustuhan."


"H-hindi..."


Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kuwarto na nasa dulo ng pasilyo.


"S-sandali lang!"


"What?" Bahagya siyang lumingon.


Halos mamilipit ako sa hiya at kaba. "S-salamat."


Kumunot ang noo niya.


Lumunok ako. "Salamat kasi... kasi pumayag kang maging nanny ako ng... ni Fury."


Bahagya lang siyang tumango saka tumalikod na ulit. Gusto ko siyang habulin at yakapin mula sa likod. Ano kayang magiging reaksyon niya kung gagawin ko iyon?


Sapukin niya kaya ako?


Pero bakit parang okay lang sa akin na sapukin ako ni Xerxes, basta mayakap ko lang siya? Ang kapal ng mukha ko.


Umiling ako. Hindi. Hindi ako gagawa ng kahit anong kagagahan na makakapagpalayas sa akin dito. Nandito na ako, makakasama ko na ang anak ko. Hinding-hindi ko itatapon ang napakaganda at milagrong oportunidad na ito.


Hinding-hindi.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 1.1K 28
A love story that begins in the unexpected checkpoint. The most awkward encounter. Will that encounter creates a new found love? Let's find out in th...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
54.7K 1.3K 71
What would it be like when you're living with these kids? Read and find out ツ