Status (On Hold)

Galing kay arrielle27

5.2K 85 91

Higit pa

Status - 1
Status - 2
Status - 3
Status - 5
Status - 6.a
Status - 6.b
Status - 7
Status - 8
Status - 9
Status - 10
Chapter 11
Chapter 12
Status - 13.a
Status - 13.b

Status - 4

447 8 10
Galing kay arrielle27

"I want to kiss you again. Can I?"

Nagulat ako. And at the same time, feeling ko mawawalan ako ng hininga sa sinabi niya. He wants to kiss me again? Well I want him to do that too!

"Joke lang Danna. Haha! Gusto mo ata eh."

Ano daw? Joke? JOKE LANG YUNG SINABI NIYA?!

"Huwag kang magbiro ng ganyan Dixie Glem. Hindi nakakatawa."

JOKE? Naman! Bakit hindi mo nalang totohahin? Papayag naman ako eh..

"Haha! Bakit? Gusto mo ba na halikan kita?"

Oo. Gustong-gusto.

"Hindi noh. Ang kapal mo naman masyado."

"Talaga?"

Hindi. Kasi gusto kong maramdaman ulit kung papaano mahalikan ng isang Dixie Glem Roa.

"Oo nga. Duh? Huwag ka ngang feeling Dixie. Nakakainis."

"Haha! Nalaala mo ba nung first time akong mag attempt na halikan ka, sinuntok mo ako sa private part ko? Grabe Danna! Ang sakit nun! Haha!"

Yeah. Nasa riverside kami nung time na yun and first monthsary namin as a couple. Napaka romantic ng ambiance ng place kaya siguro nadala siya that's why nag-attempt siya na halikan ako. Ako naman na walang alam sa mga ganung bagay noon, nagpanic. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. That's why nasuntok ko nalang siya sa private part niya ng hindi sinasadya. :DDD

"Ikaw naman kasi eh, padalos-dalos. Eh one month pa kaya tayo nun tapos manghahalik ka na? Ang swerte mo tsong."

"Haha! Yang pagiging reserved mo ang isa sa mga reasons kung bakit kita nirespeto ng sobra at minahal na rin."

So saan na ngayon yang pagmamahal na sinasabi mo ngayon Dix? Gusto kong maramdaman ulit yun. Kahit isang araw lang...

"I guess hindi ganun ka strong yung pagmamahal na sinasabi mo. Kasi kung oo, hindi mo sana ako hiniwalayan diba?"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Lumabas lang talaga sa bibig ko. Napaka tactless ko talaga. Ganun naman talaga tayong lahat kadalasan diba? Nagsasabi ng mga bagay na hindi pinagiisipan. Kaya ang result, complication.

Silence passed by.

Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Pero obvious na obvious naman na wala doon ang attention niya.

"Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi nag work out yung relationship natin eh." sabi ko. "Nasakal ka kasi sa akin. Sorry dun ha? Hindi ko sinasadya yun. I guess sobra na yung pagmamahal ko sayo kaya hindi ko na namalayan na nasasakal ka na pala. Sorry talaga Dix..."

Baliw ka talaga Danna. Baliw! Bakit ba ako nag sorry?? Eh sa ganun naman talaga ako magmahal eh. I care for him. A LOT. And I'm his griflfriend. I mean, I WAS his girlfriend. So natural lang na magalala ako sa kanya. Hays. Pero siguro hindi lang talaga ganun ka tindi yung naramdaman niya para sa akin kaya nasakal na siya.

I noticed that he became uneasy on his seat. Then he cleared his throat.

"Bakit ba natin pinaguusapan ang nakaraan? Ikaw talaga. Ang hilig-hilig mong mag-recall. Pabayaan na natin ang kung ano man ang nangyari noon. The past is past and will never be the future. So iba nalang ang pagusapan natin okay?"

The past is past and will never be the future. Para na rin niyang sinabi na wala na talagang pagasa na bumalik pa ang nakaraan namin kasi kinalimutan na niya ako.

Huh. Ang dali para sa kanya na sabihin yun. Ang dali nga niyang naka move on sa break up namin eh. Samantalang ako, wala ng ibang inisip kundi siya, siya, at siya lang. Napaka unfair ng mundo. Bakit hindi nalang pwede na kapag nagmahal ang isang tao eh automatic na mamahal din siya ng taong minamahal niya? Kasi kung ganun, wala na sanang naghihirap na mga tao ng dahil sa pagibig. And kung ganun nga sana ang situation, I wouldn't have cried all those tears caused by the pain and heartache that he has given me.

An awkward silence passed by. And I don't like even a bit of it. So I tried to lighten up the atmosphere. Ayokong mahalata niya na ang laki pa rin ng epekto niya sa akin.

"Yeah. Huwag na nga natin pagusapan ang nakaraan. It's useless anyway. So, ano na ang status ninyo ni Summer?" I asked. Of all the questions, yun pa talagang ayoko sa lahat na malaman ang sagot ang tinanong ko. Great Danna. Just great. :|

Again, he cleared his throat before answering. But unlike kanina, hindi na siya uneasy. I guess that was the best question para mawala yung tension na nakapagitan sa amin kanina.

"Summer and I... I don't know. We're friends but we're not that close. Yung mga personal things na nalaman ko tungkol sa kanya, dahil lang yun sa close sila ng isang kakilala ko. And nagkataon lang na andun ako nung naguusap sila about sa mga bagay na yun. Okay lang naman kay Summer na malaman ko yung mga bagay na yun so she opened herself to me also."

"Alam ba ng friend mo na gusto mo siya?"

"Yeah. Marami na nga ang nakakaalam eh. I'm actually proud na sa kanya ako nagkagusto. She's a great lady. So great."

This is the first time that I heard him talk like that about a girl. Admiration is so evident in his eyes. Mata pa lang, klarong-klaro na kung gaano ka tindi yung nararamdaman niya para kay Summer.

Ano ba ang gagawin ko para ma immune na ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Parati ko nalang sinasabi na pagod na pagod na akong masaktan pero wala pa rin eh. Hindi pa rin tumitigil itong puso kong mahalin siya. Kahit sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko, sige pa rin. Kailan ba ako titigil? Kailan ba matatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kanya? Kailan ba ako sasaya?

"Ganun ba? Looks like you found your one true love huh?"

He looked at me straight in the eyes and alam ko na agad kung ano ang sagot sa tanong ko.

"One true love? It sounds cheesy. But..

yeah. Maybe I did."

***

Pagkatapos namin magusap ni Dixie, hindi muna ako umuwi sa bahay. Gabi na. Pero may gusto pa akong puntahan. Isang lugar kung saan makakahanap ako ng mapagsasabihan ng lahat ng mga problema ko sa buhay.

Pagdating ko sa lugar na yun, naghanap ako ng mauupuan and I looked at Him. Every time na tinitignan ko Siya, gumagaan ang feeling ko. Parang there's still a lot of hope. Na hindi dapat mawalan ng pagasa kasi andyan lang Siya parati at binabantayan ka.

Minsan, ang isang tao kapag sobra-sobra na ang problemang dinadala sa buhay, tsaka pa lang pupunta sa Kanya at magdadasal. Bakit ganun? Ang unfair diba? Pero Siya, tinatanggap pa rin tayo ng buong-buo. No matter how big your sins are, handa pa rin Siyang magpatawad at bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Sana lahat nalang ng tao eh katulad Niya.

I sighed.

"God, ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi ko na po kasi alam kung ano ang tama eh. Sabi ko noon ayoko pang mawala itong nararamdaman ko kasi gusto ko itong feeling na ito; this feeling na in love ako sa kanya. But I'm suffering. And ayoko ng ganun. Kung ipagpapatuloy ko itong nararamdaman ko, ako lang yung kawawa eh. Masaya na siya kay Summer. Kitang-kita ko sa mga mata niya and siya na rin mismo ang nagsabi na gustong-gusto niya yung girl. Alam Niyo po, pagod na pagod na po ako.. sobra.. pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin ako tumitigil sa pagmamahal sa kanya. Gustuhin ko man, parang ang hirap. Hindi ko alam kung ano yung una kong gagawin. Iiwasan ko ba siya? Am I going to pretend na hindi ko siya kilala? Babalewalain ko ba siya kapag kakausapin niya ako? Or am I just going to pretend that everything is alright even if it's not?"

Akala ng lahat na okay lang ako. Kahit yung mga kaibigan ko, hindi alam na nagdudusa ako. Ang hirap-hirap magpanggap. Lalo na kapag ang niloloko mo na okay ka lang eh ang sarili mo mismo. Naloko ko nga siguro lahat ng tao pero hindi ang sarili ko. Kasi kahit gaano pa ako kagaling magpanggap, alam kong hindi ako okay. And in the end, ako na naman yung kawawa. And wala akong magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"God, pagod na pagod na po talaga ako eh.. mahal na mahal ko po si Dixie. Pero wala na po talaga eh. Wala na talaga.. Kahit gaano pa katindi itong nararamdaman ko para sa kanya, wala pa rin mangyayari kasi may iba na talaga siyang gusto. God, tulungan Niyo po ako na makalimutan siya. I don't want to suffer anymore.."

Pinunasan ko yung mga luha ko. Nahihirapan na akong magsalita. Nahihirapan na akong huminga. Lahat nalang ba ng paghihirap ko eh ng dahil sa kanya?

"Kung ano man po ang plano Niyo sa buhay ko, dun po ako. If Dixie's the right person for me, then I'm willing to be hurt all over again. I know may reason Kayo kung bakit ito nangyayari sa buhay ko. But if it's not him, please, mawala na po sana itong nararamdaman ko. Lahat ng sakit, lahat ng pagod, lahat ng pagdudusa... If he's not the right one, please make all of these pain go away... please..."

Then yumuko nalang ako at pinagpatuloy ko yung pagiyak ko.

Even if he's causing me so much pain, not even once na pinagsisihan ko na minahal ko siya. Pero kailangan ng matapos ang lahat ng ito. Kailangan ng matapos ang paghihirap ko. Mahal ko siya, pero kailangan kong mahalin din ang sarili ko. Hindi pwedeng ganito nalang parati. Hindi na pwede.

Kahit umiiyak ako at nanlalabo ang mga mata ko, napansin ko pa rin ang isang kamay na bigla nalang lumitaw sa harap ko. Paglingon ko,

I saw Jen. And she's holding out a hanky to me. Nasa tabi rin niya sina Lex, Michael, at Dan. They're all looking at me with understanding in their eyes. I guess narinig nilang lahat ang mga sinabi ko.

"Guys.. I can explain.."

But then they just all smiled.

"We knew, you know." Lex said. And nagulat talaga ako sa sinabi niya. All these times I thought that no one else aside from me knows my secret. Nagkamali pala ako. 

"How come? I mean, I'm a great pretender. So how come na nalaman niyo?" I said while wiping away my tears with the hanky Jem gave to me. I said my thanks.

"Obvious naman Danna eh." Michael said.

"Well, not that obvious. Kasi ngayon ko lang nalaman na mahal mo pa pala si Dixie ng dahil sa mga sinabi mo kanina."

"Pero bakit niyo nasabi na obvious? I was doing my best to hide my feelings for him.. I guess it wasn't enough.."

It really wasn't enough.

"We heard everything that you said, you know." Dan said.

I sighed.

"Totoo ang lahat ng yun. Hindi ako nagdadrama lang. Pagod na pagod na talaga ako. Yeah, I still love him. A lot. Pero ayoko na eh. Sobra-sobra na ang paghihirap na nararanasan ko. I want to move on. Pero hindi ko alam kung papaano..."

Then yumuko ulit ako. Pero napansin ko nalang na biglang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, it was Michael.

"Hey, what are friends for huh? Of course we'll help you."

I smiled at all of them.

"Thank you. Really, thank you sa concern. But I think no one can help me. Ako ang nakakaramdam ng sakit na ito, so ako lang ang makakalutas."

"Of course. Ikaw lang naman talaga. But we're here to guide you, to help you do things that will make you forget him. We'll help you do things that will help you move on."

I smiled at them again.

"Of that's so, how?"

Nagpapasalamat talaga ako sa tulong na ino-offer ng mga kaibigan ko. And I silently thankg God for it. He knew what I need. And that is, support from my friends. So kung ano man ang ideas na nasa mga minds nila ngayon para matulungan akong maka move one, I'll take it. Kahit ano pa yun, gagawin ko. To move on is what I want, so it's what I'll do. With their help, I know I can.

Then Dan said something that I immediately knew is the solution to my problems.

"You know Danna, the emotion that breaks your heart is sometimes the very one that heals it."

***

Ipagpatuloy ang Pagbabasa