Once A Love Story - #Wattys20...

נכתב על ידי MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... עוד

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirty-Eight

2.1K 81 32
נכתב על ידי MicxRanjo

HINDI agad nakaimik si Caleb sa tinuran ni Erina. Tuliro siya, hindi kumilos. Kumurap ang kanyang mga mata, ibinaling ang paningin sa ama, bago sa tiyuhin.

"Do you know why I left you, Caleb? Because I found out, and I thought that I was my mother's daughter with your father, Alvaro; that he left my mother and married your mom; that we shared the same blood and we were committing an unforgivable sin. Muntikan ko nang ipalaglag ang aking anak at iniwanan ko siya dahil isa siyang kasalanan." Erina was hysterical.

Ngunit wala pa rin siyang kakilos-kilos. Naramdaman niya ang pagbalong ng mga luha sa mga mata bago masaganang tumulo sa mga pisngi.

"I suffered for years. I thought I was dirty, so filthy! Ayoko nang muling maranasan pa iyon, ayoko na." Erina continued.

Flashes of memories came back to Caleb, since the times when Erina stepped on his pride; his love; his life. Kung bakit ganoon na lamang kadaling naglaho ang pagmamahal nito sa kanya, na kaagad siya nitong tinalikuran pagkatapos ng kanilang pangako sa isa't isa. Ngayon ay naging malinaw na sa kanya ang lahat. Ngunit hindi ganitong katotohanan ang kanyang nais malaman. Hindi ang ganitong kabaliw na kadahilanan. Hindi.

"Oh, god!" Erina fell on her legs, sobbing hard.

Naghirap itong mag-isa, inako ang kasalanan nilang dalawa at sinarili ang parusa. At sa mga panahong nagdurusa ito, galit at pananakit ang ibinigay niya sa babaeng minahal, mga bagay na hindi nararapat, na dapat ay kanya ring naranasan.

He too, cried his heart out. Kung gayon, ang lahat-lahat ng mga nangyari sa kanila ni Erina ay isa lamang kasalanan? Ah, his chest felt so tight. Tila may mabibigat na mga kadenang humihila sa kanyang katawan upang mapaluhod sa sahig. Napasunod siya. Napasabunot ang mga kamay sa buhok. Nagkatunog ang kanyang pag-iyak habang itinatanggi sa isipan ang katotohanang nalaman. Katulad ni Erina, napasigaw na rin siya sa iyak. How could this be?

ALVARO watched as his son dimmed with strong emotions. Gayon din si Erina na sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang nakadama ng paghihirap sa sarili. Nang dahil sa nakaraan nilang nakatatanda, ang mga ito ang nagdurusa. Hindi na niya papayagan pa iyon. Tama na.

"Guillermo, sabihin mo ang totoo." mariing agaw ni Alvaro, matalim pa rin ang mga matang nakatitig sa tinawag.

Tumayo si Guillermo. Nasa kilos nito ang panlulumo, nawala na ang lakas na ipinakita kanina nang sapilitang kuhanin si Erina. Dahan-dahan itong lumingon sa kinaroroonan ni Erina, mataman itong pinakatitigan. His face changed; a bittersweet smile rose at the corner of his lips.

"Hindi kami magkadugo ni Clarissa, step-siblings kami. I was fifteen years old and she was thirteen when my father married her mother. Sinunod nilang mag-ina ang apelyido ng aking ama."

Natigilan sa paghihinagpis sina Caleb at Erina, na kay Guillermo ang buong atensiyon ng mga ito at sa ipinagtapat nito. Maya-maya'y sa isa't isa ito nagtitigan, nasa mga mukha ang pag-asa. Panibagong luha ang umusbong sa kanilang mga mata, ngunit iyon ay dahil sa kaligayahan. Erina sobbed again yet smiles and laughter came with it.

Unang tumayo si Caleb, mabilis na nilapitan si Erina at niyakap ito. Erina hugged back, arms wrapped around tightly at Caleb's body. Pinaulanan ng mga halik ni Caleb si Erina sa ulunan nito, sa buhok, sa mukha, at saka muli itong yayakapin ng mahigpit.

"Caleb, oh Caleb!" Paulit-ulit na pagtawag ni Erina, hindi pa rin makapaniwalang malaya nilang maiibig ang isa't isa.

"I'm sorry, Erina, I am so sorry. Sa lahat-lahat. Hindi ko alam. Wala akong alam sa mga pinagdaanan mo. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko. Oh, god, forgive me, love, forgive me." Caleb kissed Erina on the lips, it was short yet was satisfying. "Parusahan mo ako, saktan mo rin ako, tatanggapin ko, patawarin mo lamang ako."

Sa halip ay nanatili sa mahigpit na pagyakap si Erina kay Caleb, as if letting him go would wake her up from a beautiful dream. Ninamnam nito ang bawat salitang naririnig mula sa lalaking mahal.

"E-Erina..." Guillermo spoke up.

Magkasabay na napatingin sina Caleb at Erina rito, gayundin si Alvaro.

"P-patawarin mo ako."

But Erina could not find what words should be spoken back to him. Hindi maaalis ang katotohanang ginawa nito sa inang si Katerina.

"Hindi ko na gugustuhing makita pa kayong muli Uncle Guillermo." Si Caleb ang nagsalita para kay Erina. "But whatever Erina says, I will follow her."

Hindi na muli pang umimik si Guillermo.

Alvaro looked at Guillermo, there were still things he wanted to know. Ngunit bago pa siya nakapagtanong, may dumating ng alagad ng mga batas sa kubo upang dakpin ito. Limang kalalakihan ang pumasok sa kubo, mga armado. Isa ang lumapit kay Alvaro at kinausap siya.

Itinuro ni Alvaro si Guillermo, agad namang kumilos ang mga ito at pinosasan si Guillermo. Nagpaalam ang mga pulis sa kanya, alam na ng mga ito ang nangyari dahil ipinaliwanag niya ang eksena sa cellphone bago sila nagtungo ni Caleb sa kubo.

Guillermo glanced at him, the eyes that used to glare at him died down. "I loved her. I really loved Katerina, Alvaro." Tumulo ang butil ng luha nito. "Please tell her I am sorry for what I did." huling pahayag nito bago tuluyang inilayo ng mga pulis.

Muling tiningnan ni Alvaro ang anak, at sa anak ni Katerina na yakap nito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Sinuyod niya ng tingin ang kapaligiran ng kubo, ang dating tagpuan ng kanyang nakaraan, nila ni Katerina. His heart was writhing in pain. His fists were clenching in self-blame.

Alvaro left. His feet walked and ran as fast as he could. He rode on his jeep and went back to Peñaflor. It took him less than an hour to reach his home. Dumiretso siya sa silid-aklatan, umupo sa silyang nasa harapan ng mesa. Tinitigan niya ang drawer sa pinakaibaba ng mesa, binuksan.

Nanginginig ang kamay na may hinugot siya sa tagong bahagi ng drawer. Sulat. Lumang sulat na walang bakas ng punit. Natanggap niya iyon bago pa man siya naikasal kay Clarissa. Halos mabura na ang mga letrang nakasulat doon, para sa kanya, mula kay Katerina.

Kuyom ang kamao na naipikit niya ang mga mata. Malakas ang bawat kabog sa kanyang dibdib. Nababalutan siya ng takot sa buong katawan. Anuman ang laman ng sulat na iyon, pakiramdam niya'y habambuhay niyang pagsisihan ang lahat. Pikit ang mga matang pinunit niya ang sobre.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at tiningnan ang sulat na ibinuklat. Bumungad sa kanya ang naalala pa ring napakagandang sulat-kamay ni Katerina. Ngiting may halong luha ang lumarawan sa kanyang mukha.

Dearest Alvaro,

Patawarin mo ako sa aking ginawa, ngunit wala ng paraan upang maibalik pa ang mga nangyari na. Ikakasal ka na, at ako naman ay susundin ang kagustuhan ni Enrique na magpatuloy ng pag-aaral sa Amerika. Totoong minahal kita, ngunit may katapusan din pala ang isang pagmamahal, at ganoon ang aking naramdaman.

I wish you all the happiness in your marriage and life, Alvaro. Sana, sana ay matagpuan mo ang iyong sarili na mahalin si Clarissa katulad ng ginawa mong pagmamahal sa akin. Sana ay magawa niya ang hindi ko nagawa sa iyo - ang mahalin at pahalagahan ang iyong pagmamahal, at ang makasama ka hanggang sa huling hininga.

Minahal kita, totoong minahal kita, kaya sana ay maniwala ka. Ikaw lang ang minahal ko nang higit pa sa buhay ko. Patawarin mo ako. I just want you to be happy, Alvaro. Please, please be happy, hindi man sa piling ko, nais kong maging maligaya ka sa piling ni Clarissa.

Paalam.

Katerina

Kaytagal na mula nang huli siyang umiyak ng ganito; mula nang masaktan siya ng ganito katindi; mula ng ibuhos niya ang tunay na nadarama. Tila dinurog ang kanyang puso sa sobrang kirot.

Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa, may kinausap upang ipaayos ang isang plane ticket papuntang California. Matapos makipag-usap, pinuntahan niya ang kanilang silid ng asawa. Natigilan siya sa paghakbang nang makita si Clarissa na nakaupo sa gilid ng kama, nakaabang sa kanya.

"A-Alv?" Namamaga ang mga mata nito, alam niyang gawa iyon ng mga pag-iyak. "W-what happened to Guillermo?"

Nanatili siya sa bukana ng pintuan, matamang pinakatitigan ang asawa nang mahabang panahon. "Nasa presinto, dinakip ng mga pulis."

Napasinghap ito, ngunit agad ding bumawi. "S-si Caleb at E-Erina, kumusta sila?"

"They're fine. Okay na sila. Mabuti't naagapan namin agad si Guillermo sa gagawin sana niya kay Erina..." Napatiim-bagang siya pagkaalala sa nangyari. "Sa muntikan nang mangyari katulad ng nangyari kay Katerina."

Hindi naitago ni Clarissa ang pagkatigalgal. Nanginig ang panga nito't buong katawan. Her eyes blurred with big heavy tears. Nagkasunod-sunod ang paglaglag ng mga iyon sa kandungan nito.

"Erina is Katerina's daughter, Clarissa. Bunga ng panggagahasa ni Guillermo kay Katerina. Anak ni Katerina si Erina mula sa ginawang kalapastangan ni Guillermo...at alam mo iyon. Alam mo ang ginawang kahayupan ni Guillermo pero nanahimik ka. Napakatagal mong itinago ang lahat." Mariin niyang akusa.

Humagulgol si Clarissa, nagkatunog ang pagtangis nito.

"Alam mo, alam mo ang nangyari bago pa tayo nakasal. Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Bakit, Clarissa? Bakit?" hindi na niya napigilan pa ang mapasigaw.

"N-natakot ako. Natakot ako, Alvaro." Umiling-iling ang asawa. Halos mawalan ito ng kulay sa sobrang takot. "Alam kong magkikita kayo nang gabing iyon ni Katerina, sinabi niya sa akin. She was my friend, my only true friend since I became a part of Guillermo's family. Pinuntahan niya muna ako bago niya binalak makipagkita sa iyo. Pero...hindi ko akalaing susundan siya si Guillermo sa kubo. Hindi lang siya lasing, alam mong kahit noon pa man ay gumagamit na siya ng ipinagbabawal na gamot."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" he yelled.

"Binalak ko, maniwala ka, sinubukan ko pero..."

"Clarissa!" kanyang udyok.

"Ang papa ni Guillermo, binantaan niya ako, at si mama, nakiusap siya na ilihim ang lahat dahil pananagutan naman daw ni Guillermo ang nangyari kay Katerina. Napakabilis ng mga pangyayari, nalaman ko na lang na ipinagkasundo nila akong makasal sa iyo."

"At tinanggap mo, sa kabila ng mga nangyari, tinanggap mo!"

"D-dahil-"

"Niloko mo ako, Clarissa! Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo, sakim ka katulad ni Guillermo, makasarili. Niloko ng pamilya mo ang ang pamilya ko, lalo na ako."

Sa mga palad humagulgol si Clarissa.

Nagtungo siya sa walk-in closet at may kinuha sa sulok, luggage bag na hindi kalakihan. Nagsuksok siya ng ilang mga damit sa loob niyon nang mabuksan.

"S-saan ka pupunta?" agaw ni Clarissa.

Ngunit hindi siya umimik.

"Alvaro, magpapaliwanag ako, please makinig ka sa akin. Si Kate-"

"Don't." putol niya sa sinasabi nito. Ni hindi niya magawang tingnan ang mukha ng babaeng ina ng kanyang mga anak. "Huwag mong mababanggit ang pangalan ni Katerina rito. Ayoko munang marinig ang boses mo, ni ang makita ka." Isinara ni Alvaro ang bag at dinampot. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng silid, pumanaog ng hagdanan at hindi na muling lumingon pa sa asawa.


SACRAMENTO International Airport. It was the beginning of fall season, but it still felt like summer. The wind was dry and humid. Pagkalabas ni Alvaro ng airport, agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaabang at nagpahatid sa address na kanyang sinabi.

Maluwang ang mga daan, traffic ngunit hindi masalimuot at walang gitgitan sa pag-usad, may kanya-kanyang daan ang bawat sasakyan. Mas mataas din ang mga gusali rito. At sa daan, halo-halong lahi ang kanyang nakikita. Kalahating oras ang kanyang ibiniyahe bago tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay na may maluwang na bakuran.

Bumaba siya't nagbayad sa driver. Malaki at matayog ang red gate ng bahay. Country style at brown bricks ang exterior ng two-story ng bahay. Maluwang ang bakuran, maraming mga halaman at bulaklak sa paligid. May mga matatayog ding puno. Nakita niya ang paikot na driveway at may nakaparadang puting SUV car.

Nagulat pa siya nang masilayan si Enrique na lumabas sa maluwang na pinto ng bahay, may tungkod itong gamit habang paika-ika sa paghakbang. Sumakay ito sa sasakyan, kasama ang asawa nito at mga anak na lalaki.

Then he saw her, after so long, he saw Katerina, she waved goodbye to the leaving car. Kumubli siya upang hindi makita nang lumabas ang sasakyan sa tarangkahan. The gate automatically closed when the car passed.

Muli siyang humarap sa gate, nakatalikod na si Katerina. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa rito, kung bakit ba siya nagparito. Ngunit sigurado siya, nais niyang makita ang babaeng unang minahal.

Napapitlag siya nang huminto si Katerina sa pagpasok sa loob. His heart throbbed for her, for all the pain she suffered, and how sorry he was.

Humarap si Katerina sa may gate, nakita siya nito. Umangat ang kamay nito't itinakip sa bibig, habang ang mga mata'y malayang tumitig sa kanya, nagulat ito nang mamukhaan siya.

Ngumiti siya, iyon ang pakiramdam niyang ginawa niya ngunit hindi niya alam kung gayon nga ang nangyari, dahil sa totoo lang, naroon ang sobrang takot at kirot sa kanyang damdamin.

Katerina walked towards the gate, to him. At habang papalapit ito, papalakas ang tibok ng kanyang puso. Pinagmasdan niya ang mukha nito, ang kabuuan. She aged, but she remained beautiful as she always was. And yes, Erina looked so much like her, not a single feature was taken from Guillermo. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. That was a good thing.

"A-Alvaro? Is it really you?" Doon lamang ito ngumiti.

His heart thumped harder. He saw it again, the smile that he used to admire, and loved. Nahawakan niya ang rehas ng gate, humigpit ang pagkapit ng mga kamay roon.

"What a surprise. Anong ginagawa mo rito?" Larawan nga sa mukha nito ang tinuran.

At ang kanyang tinig, ilang taon din ang lumipas bago niya natutunang kalimutan ang malamyos nitong tinig. Basta na lang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"A-Alvaro, are you alright?" Napalitan ng pag-aalala ang nakangiti nitong reaksiyon. Doon na rin nito binuksan ang maliit na gate para siya papasukin.

He took the chance to hug her. Iyong mahigpit, yakap na kaytagal niyang sinarili at pinangarap noon. He cried on her shoulder. He wept, for her, for them.

"So, you have found out." sa mahinang tinig ni Katerina.

Natigilan siya, kumalas sa pagyakap at tinitigan ito.

"I wished that you would never, but you finally did." Mapaklang ngiting ganti nito.

"K-Katerina..."

"Tara sa loob, doon tayo mag-usap." Tumalikod ito, ngunit hawak ang kanyang kamay na hinila siya papasok sa bahay.

Sumunod siya, pinanood ang likuran nitong pamilyar pa rin sa kanya. Gusto niya itong yakapin, ngunit pinigil niya ang sarili at nagpatianod sa pagsunod dito.

A/N:

Hello! Thanks for waiting, and reading, and voting, and reacting. Please continue to support and your reaction and comment are are highly appreciated. I want to know what and how you feel in this story, and with the characters.

Enjoy the read.

Written  7/1/2019

Luv,

MicxRanjo

המשך קריאה

You'll Also Like

3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...