Will You Still Love Me Tomorr...

By forgottenglimmer

2.7M 75.1K 18.3K

"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love... More

Prologue (June 24, 2019)
Chapter 01 - Pride is all I have (June 25, 2019)
Chapter 02 - Without shame and reservations (June 25, 2019)
Chapter 03 - Every fiber of my being (June 26, 2019)
Chapter 04 - Welcome back (June 27, 2019)
Chapter 05 - Good day (June 29, 2019)
Chapter 07 - Far more thought than he let on (July 02, 2019)
Chapter 08 - More than he can ever think of (July 02, 2019)
Chapter 09 - Put on the spot (July 03, 2019)
Chapter 10 - Was usually calm (July 04, 2019)
Chapter 11 - Give up (July 23, 2019)
Chapter 12 - Looking in the mirror (July 23, 2019)
Chapter 13 - Kool-Aid (July 24, 2019)
Chapter 14 - And then they meet again (Aug 08, 2019)
Chapter 15 - Ghost (October 08, 2019)
Chapter 16 - Pride and Shame (October 08, 2019)
Chapter 17 - Really Good Day (October 11, 2019)
Chapter 18 - Diffidence (October 13, 2019)
Chapter 19 - Finally (October 26, 2019)
Chapter 20 - Rain is Falling (November 03, 2019)
Chapter 21 - Caught up (November 09, 2019)
Chapter 22 - L (November 10, 2019)
Chapter 23 - Pining (November 11, 2019)
Chapter 24 - Pain against pain (November 13, 2019)
Chapter 25 - Some answers (November 15, 2019)
Chapter 26 - Antiphrasis (November 16, 2019)
Chapter 27 - Family Affair (November 18, 2019)
Chapter 28 - The Worthy (November 19, 2019)
Chapter 29 - Green-eyed Monster (November 21, 2019)
Chapter 30 - Ghost from the past (November 22, 2019)
Chapter 31 - Cycle (November 24, 2019)
Chapter 32 - Getting back (November 24, 2019)
Chapter 33 - Closer (November 25, 2019)
Chapter 34 - How far can love go (November 26, 2019)
Chapter 35 - Intimate (November 27, 2019)
Chapter 36 - Always (November 30, 2019)
Chapter 37 - Cope (December 01, 2019)
Chapter 38 - Feel (December 02, 2019)
Chapter 39 - Intersecting Paths (December 03, 2019)
Chapter 40 - Make me (December 04, 2019)
Chapter 41 - Necklace (December 05, 2019)
Chapter 42 - Warming up (December 07, 2019)
Chapter 43 - Arms (December 08, 2019)
Chapter 44 - Try again (December 10, 2019)
Chapter 45 - Sinners (December 12, 2019)
Chapter 46 - Rings (December 13, 2019)
Chapter 47 - Together (December 14, 2019)
Chapter 48 - Better with you (December 15, 2019)
Chapter 49 - Bittersweet (December 16, 2019)
Chapter 50 - Respect (December 18, 2019)
Chapter 51 - Begrudge (December 21, 2019)
Chapter 52 - Inner demons (December 22, 2019)
Chapter 53 - Going back to me (December 22, 2019)
Chapter 54 - The promise (December 23, 2019)
Chapter 55 - Good friend (December 25, 2019)
Chapter 56 - Out of it (December 25, 2019)
Chapter 57 - Flowers (December 28, 2019)
Chapter 58 - Trust (December 31, 2019)
Chapter 59 - Recoil (December 31, 2019)
Chapter 60 - Protect (December 31, 2019)
Chapter 61 - Love loudly (December 31, 2019)
Chapter 62 - Intimidate (January 02, 2020)
Chapter 63 - Saving grace (January 02, 2020)
Chapter 64 - Unperceived (January 04, 2020)
Chapter 65 - She's a family (January 04, 2020)
Chapter 66 - Mother (January 04, 2020)
Chapter 67 - Band of gold (January 05, 2020)
Chapter 68 - Circumstances (January 05, 2020)
Chapter 69 - Husband (January 05, 2020)
Chapter 70 - To destroy (January 05, 2020)
Chapter 71 - Her big heart (January 06, 2020)
Chapter 72 - Lies (January 11, 2020)
Chapter 73 - To die (January 11, 2020)
Chapter 74 - Love endures (January 11, 2020)
Chapter 75 - Love is patient (January 11, 2020)
Chapter 76 - Love is kind (January 11, 2020)
Chapter 77 - Love never gives up (January 11, 2020)
Final Chapter - If tomorrow ends (January 11, 2020)
Epilogue - Angel in person (January 11, 2020)
Final Author's Note
Paperback Now Available

Chapter 06 - I count the steps that you take (July 01, 2019)

53.2K 1.1K 105
By forgottenglimmer

Chapter 06 - I count the steps that you take

December 14, 2010

The funny thing about liking somebody is that you don't realize it happening, until it already did. Until you are already so deep into that sinking hole- yearning for that person a little more each day.

Because it was Odyssey's first sleepless night na hindi dahil sa pag-aaral.

Madalas naman kasi siyang napupuyat kapag lalo na exam week, o kaya kapag maraming kailangang gawin pero galing pa siya sa trabaho niya sa internet cafe.

Pero kagabi? 'Yun ang unang beses na paikot-ikot lang siya sa kama na walang ginagawa. Ang alam niya lang, masama ang pakiramdam niya. Not his health, but his feelings. Thousands of questions came running into his mind. All in connection with what he really felt for Lee.

Bata pa sila eh. She was just 13 when she decided to pursue him. He knew it wasn't for good. He knew there's a big possibility for everything in your youth to be temporary. At ilang taon lang sila ngayon? He's just 15. Why is he so bothered by the conversation he eavesdropped?

Humantong lang siya sa isang tanong. It's not the question if he likes Lee or not.

It's whether he can be okay if Lee's not there anymore...

Matagal nang nakaalis si Perci para pumasok ng school. It was also the first time that Odyssey took his time doing everything. Hindi niya alam kung puyat ba siya, pero hindi siya nagmamadali ngayon para matakasan si Lee na maagang nagaantay minsan sa labas nila. She was annoying like that. Paminsan pa, pinapapasok na talaga ni Perseus para mag-agahan sa kanila ang babae. Hindi siya madamot na tao, pero halos wala na rin naman talaga silang nakakain ng maayos ng kapatid niya because he is reserving their budget for their lunch and allowance sa school.

Ang nangyayari tuloy, kapag nakikikain si Lee sa kanila, binibigay na lang ni Perci ang share niya kay Lee. His brother is too fond of this girl. That is after what happened last year na nakatulong naman talaga ng malaki sa kanila si Lee. Kaya palaging mapagbigay si Perci sa babaeng ito. But as an older brother, he couldn't stomach Perseus giving all his share away. Kaya ang siste, binibigay niya na rin ang ibang parte niya, para may matira pa rin sa kapatid niya.

He just couldn't understand why this girl likes their simple breakfast, eh halata naman na mayaman ito. He noticed her things. Halos lahat branded. Pati na rin ang pagkilos nito. Even though she is very sunny and reckless, there's still this level of grace and elegance in her aura. Na parang bihira o baka nga hindi nito nararanasan ang totoong hirap ng buhay.

Kaya mas lalo na rin siyang nahihiya na pakainin ito ng pandesal na may mantekilya at kape. But still, this girl pushes herself a lot into his family that she didn't mind how cheap their food was. But he's a man. A prideful man, for one. And he's just annoyed that these kinds of things happens. Na baka siguro kung mas may kaya pa sila, he could've provided better food on their table. And maybe he'll also have less burden and confused feelings kung saan nga ba siya naiirita tuwing kakain doon si Lee.

So during that morning, it was kind of weird to eat alone. Sad, even. Hindi rin kasi kumain si Perci dahil maaga itong umalis. Kaya lahat ng pandesal, inuubos niya lang ng mag-isa. At nasasabi niyang wala talaga sa dami ng nasa hapag-kainan nasusukat para maging maayos o masaya ang agahan.

Agad isinara ni Yaya Melay ang pintuan ng movie room matapos niyang maihatid ang pagkain ng tatay ni Lee. Nagaaway na naman ang mag-asawa. Mabuti na lang at sound proof ito at sinadyang doon magtalo para hindi marinig ng kaisa-isang anak nila. Napapadalas na rin kasi ang bangayan ng mga ito tungkol sa negosyo. Kaya kahit pinipilit, hindi na rin masydong naasikaso ng mga ito ang anak.

Katulad ngayon na pupunta ang tatay nito sa Japan for a business trip habang maiiwan man ang nanay nito ay pupunta naman ito sa GenSan para sa tuna business nila doon. This is the price of being self-made. Sobrang hands-on pa rin ang mga Gabriel sa mga businesses nito.

Maya-maya, ginising na rin ni Yaya Melay si Lee para hindi ma-late sa eskuwelahan. Hinayaan niya muna itong mag-oversleep ng ilang minuto. Tutal naman, mukhang hindi ito ganoon ka-excited bumangon ngayon kumpara noong mga nakaraang araw.

Dahil na rin siguro sa nangyari kagabi kaya mas mababa ang enerhiya nito ngayon.

"Bangon na, paalis na mommy daddy mo."

"Opo, ya. 5 minutes."

Ngumiti si Yaya Melay. Matagal na kasi niyang hindi ito naririnig mula kay Lee. Elementary pa siguro ito nang huling tumawad sa paggising ng maaga. Dahil simula nang mag-high school, nang makilala niya 'yung hinahangaan niyang lalaki, palagi na itong ginaganahang pumasok.

Pagbaba, inabutan pa nga ni Lee ang mga magulang na paalis na. Arthur and Kristina kissed their daughter goodbye before they proceed to their respective itineraries. Kumpara sa bangayan sa loob ng movie room, halos parang walang nangyari ngayon. They two parents trying to keep their problems from their good daughter.

Naligo lang din si Lee ng mabilis 'pagkatapos at hinayaang magtagal sa pagpapatuyo ng buhok. Maya-maya, nakita ni Yaya Melay na nagpa-practice ito ng ngiti sa harap ng salamin.

"Para na naman 'yan doon sa Odyssey?"

"Wala namang iba, yaya."

"Eh bakit hindi ka umalis ng maaga ngayon?"

"Siyempre nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. I'm sure, tandang-tanda niya pa 'yung pagpiyok ko 'no. Kaya ayaw ko munang magpakita."

Kinuha ni Yaya Melay ang blow dryer at siya na mismo ang nagpatuyo ng buhok ng alaga.

"Basta, Lee. Huwag masyado diyan sa crush-crush na 'yan, ah. Hindi ka pa ba nasaktan dahil pinagtawanan ka niya kahapon?"

"Napahiya lang, 'Ya."

"Pero kapag pinalalim mo pa 'yung nararamdaman mo, mas lalo kang masasaktan kapag hindi niya nasuklian, o kapag mga ganyang sinasaktan ka niya."

"Yaya naman!" Lee raised an eyebrow. "Ang lalim ng sinasabi. Crush lang nga kasi!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit pa crush lang. Dati rin, ang daddy mo crush lang din ang mommy mo."

"Kaya nga! At hindi naman sumuko si daddy kahit napakasungit ni mommy 'di ba? So..."

"So pwede 'yang mauwi sa seryoso. Ayoko lang na masaktan ka. Kung ayaw makipagkaibigan sa'yo, hayaan mo na."

"Friends naman kami, yaya."

"Pero pinagtawanan ka pa rin niya."

Lee retained that thought at the back of her mind. Kahit pa ayaw niya itong isipin, iba pa rin pala ang hatid ng may nagpapangaral sa kanya at nagsasabi ng mga consequences ng lahat.

When Lee reached her school, naninibago lang siya sa ruta ng dinaanan. Madalas kasi, galing pa siya sa apartment kung saan nakatira sina Odyssey at Perseus. Pero for the last few days, galing naman siya kila Aldrin para sa pagpapractice ng pinerform niya kagabi. Kaya ngayon na lang ulit siya nakapag-commute galing mismo sa kanila.

She is always thankful na binibigyan siya ng kalayaan ng mga magulang at hindi pinaghihigpitan. Kahit ayaw pa sana ng mga magulang, grade 5 siya nang natutong mag-commute mag-isa dahil halos lahat ng mga kaeskuwela, maalam na sa pagsakay noon. Mabuti na lang at laki din sa hirap ang mga magulang kaya hinayaan na lang din siyang maging independent kumpara sa pagaakala ng iba na sheltered siya. Her parents and her yaya have raised her so well.

Nasa may gate na siya nang makita si Odyssey. Grabeng saya talaga ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ito na kahit likod pa lang, sa bag pa lang nito na napakasimpleng black lang naman ay kilalang-kilala niya na agad.

She almost ran, para bumalik sa paggambala dito.

Pero biglang may kamay na pumigil sa kanya.

"Kuya Aldrin!"

"What's up, my main girl?"

Lee wanted to roll her eyes.

'Di niya na lang ito pinansin at naglakad papasok ng school. Hinahanap agad ng mata niya si Odyssey.

"Our deal remember?" Aldrin was able to catch up to her. Pilit na pinapaalala nito ang usapan nila.

Binilisan lang ni Lee ang paglalakad.

"You really can't honor a deal, huh? Grabe ka Lee Gabriel."

Napatigil si Lee sa kaseryosohan ng pagsasalita ni Aldrin.

"You really wanted to push yourself to someone na hindi ka naman gusto?"

"Haha!"

Nagulat si Lee sa pagpalatak ng tawa ni Aldrin.

"Look who's talking. Sabihin mo rin kaya 'yan sa sarili mo, Lee! Look at your guy." Itinuro ni Aldrin si Odyssey na nasa 'di kalayuan. "Can you even compare to the girls in their class?"

And Odi is actually walking beside Danielle Garcia. Nagtatawanan pa ang mga ito.

"Does he laugh like that when he's with you?"

May kirot na bumabalot sa puso niya. Naisip ni Lee na mukhang tama nga ang yaya Melay niya. Kapag pinalalim niya pa talaga ang nararamdaman niya sa lalaking ito, baka nga mas maging masakit pa.

"Wala kang pakialam, kuya Aldrin. Ako nang bahala sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit masakit ka magsalita sa'kin, when you claim to be courting me. Ganyan ka ba talaga manligaw?"

Aldrin's smile faded. Matabil pa rin magsalita si Lee.

"I just want you to hear the truth. At kapag naman wala ka ng mapuntahan, you know I'll always be here."

Lee's shoulders dropped. Wala na lang siyang ibang masabi. Binilisan niya na lang ang paglalakad at hindi niya inaasahang maabutan niya pa sila Odyssey at Danielle who seems to be taking their time walking. Habang si Aldrin ay tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

Ayaw niya sanang tumingin dito, pero hindi pa rin mapigilan ni Lee ang sarili niya.

As she pass them by, napatingin na din ang dalawa sa kanya.

"Hi, Lee!" Naunang bumati si Dani dahil halos mautal na si Lee. Naiiisip niya pa rin ang ginawa niyang kababalaghan kagabi. Binati din ni Danielle si Aldrin sa munting pagkaway.

"H-hi..." Ni hindi niya magawang tumingin kay Odyssey ng agad-agad. Pero nang tumingin siya, he found him staring at somewhere else. Mabilis din nitong tinapunan ng tingin si Aldrin. Pero hindi man lang sa gawi niya. "Hi... Odyssey."

But Odyssey didn't even reply. Instead, mabilis lang itong naglakad without even looking at Lee.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lee.

She just felt Aldrin's hands enveloped hers. At bigla na lang siyang napayakap dito.

She just felt really really bad. And of course embarassed.

Lumipas ang huling linggo ng Disyembre na parang naging isang malaking joke si Lee Gabriel sa buong 3rd year. Malimit kasing pinapatugtog ang Good Day sa hallway at isa lang ang naiiisip ng mga tao— ang pagpiyok niya. At alam ni Lee na hindi sapat ang isang Linggo para makalimutan ng mga tao ang pangyayaring 'yun.

That was the first time in her life that she didn't like the last week of classes. Gusto niya na lang na huwag pumasok, especially now that Odyssey is giving her a cold shoulder.

"Lee... bakit hindi ka na pumunta ng club meeting?" Tinapik siya ng isang ka-klase. Si Eliseo pagkatapos nitong manggaling sa Book Club meeting na ginaganap tuwing Wednesday, during lunch.

Noong first year si Lee, isang delikadong move ang ginawa niya para lang makapasok sa club na 'yun. She hacked into the system just to put her records in. Medyo mahirap kasing makapasok sa book club dahil sila na rin mismo ang namamahala sa buong library. Hindi lang basta-basta ang nakakapasok. Everyone in there is well-read, in all book genres. Tunay na maipagmamalaki ng school. All except Lee.

Kung hindi lang siguro nai-announce ang pangalan niya sa ceremony of new members, maybe a lot of people won't acknowledge her. Mahirap na lang kasing bawiin na hindi pala talaga siya kasali sa mga natanggap.

Hindi niya pa rin makalimutan nang magulat ang lahat during the ceremony nang bigla na lang mai-announce ni Mr. Moreno, ang adviser ng book club ang pangalan niya at bigla siyang lumitaw sa likod para tanggapin ang certificate. Lahat lang naman ginawa niya para mapalapit kay Odyssey.

Pero ngayong parang galit na ito sa kanya, hindi niya alam kung anong mukha pa ang ihaharap niya sa club at sa mga miyembro. Wala naman talaga siyang ganap doon bukod sa pagka-catalogue ng mga libro sa computer. Mabuti na lang at naging mabait ang classmate niyang si Eli na paminsan, tinutulungan pa siyang maka-diskarte kay Odyssey.

"Masama lang pakiramdam ko, Eli." Nagdahilan siya at sinagot ang teleponong nagva-vibrate sa bulsa.

"Hello?"

"Hoy, bawal cellphone. Itago-tago mo naman 'yan Lee." Pinaalalahanan siya ni Eliseo habang itinutulak ang noo payuko sa desk para lalong hindi siya mahalata.

"Oo na. Oo na. Hello kuya Aldrin, ano na naman ba?"

"'Di ka na naman nag-lunch no? Natatanaw kaya kita sa room niyo." Ani ng nasa kabilang linya.

Lumingon si Lee sa building sa tapat kung saan nandoon si Aldrin at kumakain kasama ang mga kaibigan na seniors.

"'Di ako nagugutom!"

"Meron akong cheeseburger dito. Gusto mo? Favorite mo 'to!"

"Gawa ba ni tita?" Tanong ni Lee.

"Oo. Gawa ni tita." Patungkol ni Aldrin sa stepmom nito.

Bigla tuloy kumalam ang sikmura ni Lee. Alam niya kasing masarap gumawa ng pagkain ang stepmom ni Aldrin. Sobrang cheesy. Pati 'yung tinapay, homemade kaya hindi agad tumitigas kahit kanina pa ito naprepare. May caramelized onions at japanese mayo.

"Ang sarap."

"Dalhin ko sa room niyo?"

Bago pa makasagot si Lee, naramdaman niya na naman ang siko ni Eliseo.

"Ayan oh, papadaan na siya sa labas." Itinuro nito si Odyssey na kasama na naman ni Dani. It's apparent that both have borrowed the same book in the library.

She ended the call and put the phone in her pocket.

"Hay..."

"Ang lalim naman 'nun."

"Sa tingin mo... bagay ba sila?"

"Ni Dani?"

"Hmmm."

"Hindi 'no."

"Eh. Talaga lang? Kaibigan mo kasi ako." Ngumiti si Lee kay Eli.

"'Di naman kasi talaga. Parehas silang, alam mo 'yun. Sobrang sipag mag-aral. 'Di bagay 'pag parehas na parehas 'di ba? Mga grade-conscious."

"Pero tingin mo, magugustuhan ni Odi si Dani?"

"Parang hindi."

"Ay, grabe si Eli. Binibigyan talaga ako ng pag-asa."

"May pag-asa ka naman talaga eh. Hinanap ka kaya kanina ni Odyssey sa meeting."

"Ha?!" Halos mapatayo si Lee sa sobrang excitement. "Paanong hanap? Anong eksaktong sinabi?"

"Eh 'di nag-check ng attendance. Tapos tinawag 'yung pangalan mo. Tapos nag-hiyawan pa nga. Tapos—"

Hindi na hinintay ni Lee na matapos ni Eli ang sinasabi nito. Dahil ganoon siya karupok. Kakarampot na pag-asa, tatakbo na siya sa direksyon kung nasaan ito.

And she found him lining up in the pizza stand, ipit-ipit ang libro sa kili-kili at may hawak na iced chocolate sa kaliwang kamay.

Hindi na nito kasama pa si Dani which gave her more confidence to approach.

Nang makabili ng pizza, agad siyang lumapit to say hi!

"Odi!"

Odyssey chewed his pizza. Lee finds it amusing to watch his adam's apple go up and down.

"Hello sa'yo, Odi!" Ulit ni Lee. Completely oblivious that her energy level is so high pati ang boses niya, sobrang taas na ng timbre. Totoong masayang-masaya lang siya kapag kaharap si Odyssey.

Na sa iba, nakakairita. A lot are raising their eyebrows. Because from spectators, isa siyang babaeng makapal ang mukha para lumapit at habul-habulin ang taong gusto niya. Even tagged as malandi to some.

But she doesn't care. Odyssey even thought that Lee's still unaware of it. Of other people's judgments towards her actions. Dahil sa kanya lang ito naka-focus.

"Nasaan ka kanina?" Sabi ni Odyssey after swallowing his pizza.

"Na-miss mo ako?"

Umiinom siya ng iced chocolate noon and he almost choked on it. Lee can really be shameless at times.

"Uuuuy, na-miss mo ako 'no?"

Umupo si Odyssey at umiling na lang as he continues to eat his pizza. Inilapag nito ang librong hawak-hawak pati na rin ang iced chocolate sa lamesa as he tries not to look at her shining eyes

"Silence means yes."

A little smirk managed to escape his face which he quickly tried to hide. He wasn't supposed to smile.

He didn't know how she became tolerable after all these years, pero hindi na siya ganoon naiirita, hindi katulad noong 1st year pa lang sila.

At that time, he couldn't stand girls doing the first move. Hindi naman sa nagbago na ang pananaw niya ngayon, but he knew Lee isn't really doing anything beyond her innocent ardor. She was just following her, like a big ball of energy.

Tumabi na lang sa kanya si Lee at pinagmasdan itong kumain.

"Sa susunod, tatanggalin kita sa club kung 'di ka pupunta."

"Pupunta ako!" Buhay na buhay na naman ang loob ni Lee.

"Bawal umabsent."

"Yes, sir!" Sumaludo pa kuno si Lee.

"Okay."

Sobrang gaan na naman ng puso ni Lee na gusto niyang sumayaw-sayaw. Parang maayos na naman ang mundo kapag ganitong pinapansin siya ng gusto niya.

Hindi niya inaasahan na may pagkain na lalapag sa harap niya.

Cheeseburger!

Nasa tabi na pala niya bigla si Aldrin.

"Oh my gosh!" Pansamantalang nagningning ang mga mata ni Lee dahil alam niyang ito 'yung cheeseburger na gawa ng stepmom nito.

"Thanks, kuya Alds!"

Pero hindi niya inaasahang pagtayo niya, masasagi niya ang iced chocolate ni Odyssey.

"Fvck!"

Ito yata 'yung unang pagkakataong nakita niyang galit na galit si Odyssey. Pagtingin niya, natapunan pala kasi ang libro nito.

"Oh my god! I'm so sorry!" Agad niyang kinuha ang libro at pinilit itinagtag ang iced chocolate na natapon dito. But it was completely soaked. Nakabukas kasi ito kanina nang bumagsak ang baso sa mismong pahina.

Pero agad itong inagaw ni Odyssey at naglakad palayo.

Hahabol sana si Lee pero pinigilan siya ni Aldrin.

"Huwag na."

"Paanong huwag na? Hindi puwede." Punong-puno ng pag-alala ang puso ni Lee.

"You'll only make him more irritated."

"Kakapansin niya pa lang sa'kin kuya Aldrin. Okay na eh... Pero panibagong gulo na naman 'yung ginawa ko!"

"Kaya nga? Hindi mo ba naisip na puro na lang gulo ang ginawa mo?" Isang babaeng nagsalita mula sa gilid. It's Dani.

"D-Danielle..."

"Don't you think it's better for you to just leave him alone? Para hindi na siya napapahiya o nagugulo nang dahil sa'yo?"

"Aba't grabe ka namang magsalita." Even Aldrin who's also very frank and direct towards Lee also felt that what Danielle said was too much.

"Bakit? Hindi mo ba alam na bagong libro 'yun ng school? We only have two of those in the library. Tapos binuhusan mo pa 'yung isa? You think Odyssey has the money to replace that?"

With her eyes full of tears, hindi na kaya marinig pa ni Lee ang mga sinasabi ni Danielle. She did what her heart wants her to do. Tumakbo siya para habulin si Odyssey.

"Lee!" Malakas na sigaw ni Aldrin, pero hindi siya nagpapigil.

Tumakbo siya ng mabilis na mabilis sa daan kung saan naglakad si Odyssey.

"Saan na..." Humahagulgol niyang sabi nang hindi niya na makita sa gitna ng maraming tao si Odi. "Nasaan na..." Gusto niyang maglupasay at humagulgol.

Tumakbo na lang siya kung saan, and fortunately, she spotted him.

He's leaning on a lamp post, giving out the deepest sigh she has ever heard of him. From that scene, she really confirmed how irritated he was.

"Odi..."

He shot her a very sharp look. Muntik na rin siyang matakot.

"I'm really sorry."

"Lee pwede ba bumalik ka na muna sa classroom mo."

"Alam ko makulit ako. Pero please. Babayaran ko na lang 'yan. Ako na lang magbabayad!"

"Shut up Lee!"

Odyssey shouted. Mas malakas pa ang sigaw nito kesa kanina na kahit ang nasa malayo ay nagtinginan.

Even Lee became so scared that she backed out a few steps.

Nanginginig na rin kasi si Odyssey sa sobrang galit.

"You think your money can solve everything, huh?" May diin sa bawat salitang binitiwan ni Odyssey. "Your money... hah." His voice full of sarcasm. "Or should I say, your parents' money?"

"T-that's not what I meant."

"Then what?!"

Lee doesn't really know how to answer this. O baka na-blanko lang ang utak niya because of Odyssey's anger. Her body's reaction all became tears.

Nagulat lalo siya ng itinapon ni Odyssey ang libro sa pinakamalapit na basurahan.

"I'm sorry... if I bother you. I'm sorry if bad things happen because I bother you."

"Yeah. You really bother me."

Napaupo na lang siya sa daan as tears stream down her face. Napakasakit palang marinig ito mismo ng ganoon sa bibig ni Odyssey. He has always been just tolerating anything. Pero ngayon, he just gives such strong reactions.

Pinakamasakit na sigurong tunog na narinig niya sa buhay niya noon ay ang tunog ng sapatos ni Odyseey habang naglalakad palayo. She can only count the steps that he took. And the distance between them.

*later*


Continue Reading

You'll Also Like

662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
38.3K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
129K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.