Since Nine

By infinityh16

196K 6.8K 1.6K

Walang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks... More

SINCE NINE
VICTORIA
Friends
Inseparable
Fear
Best Friend
Closer
High School
Milan
Revealed
Fighter
Tita Jam
Family
The Theater Actress
Severed
One Friend
Reconciled
Reunited
Budol is Real
Ensaymada

Confrontation

5.9K 302 56
By infinityh16

CHAPTER 11

Pagdating sa bahay ni Ramcel, nagpahinga muna sya saglit saka naligo at nagbihis ng damit-pambahay. Sinamahan nya ang Mommy nya sa pagbabantay ng tindahan. Hindi sya kumikibo. Napapatingin sa kanya ang Mommy nya. Halata nitong may problema sya pero nagpapasalamat syang hindi sya nito inuusisa. Sinubukang basahin ni Ramcel ang essay ni Harrison pero hindi sya makapag-focus kaya tinigilan na lamang nya.

Ala sais na nang makauwi si Victoria. Naghintay muna ng 30 minutes si Ramcel para bigyan ito ng chance para makapagpahinga muna bago sila mag-usap. Pinagbuksan sya ni Ate Gemma ng gate. Ginawaran sya nito ng matipid na ngiti. Alam rin nitong nagkakaproblema sila ni Vi ngunit pinili nitong manahimik na lang.

Tumanggi syang pumasok sa loob ng bahay. She didn’t think they would be able to talk about it inside anyway. Sinabi nyang hihintayin na lang si Vi sa hardin. May malaking swing sa gilid ng bakuran ng mga Arzedon kung saan sila madalas tumambay noon nina Jenny. Sumakay sya roon at umupo. Hindi nya maiwasang ma-miss si Jenny. Ano kayang gagawin nito sa ganitong sitwasyon? Matatanggap kaya nito ang pagkatao nya o lalayuan din sya nito kagaya ni Victoria?

Mula nang hindi sila mag-usap ni Vi, hindi pa sya nakakapagpadala ng sulat kay Jenny. Hindi nya alam kung sasabihin rito ang nangyayari sa kanila o ililihim na lang para hindi ito mag-alala.

May mga nakasabit na Japanese lanterns sa paligid ng hardin at biglang sumindi ang mga ito nang kumalat ang dilim sa paligid. Ang ganda ng effect. Dumagdag pa ang kagandahan ni Victoria nang lumabas ito. Nakasuot pa rin ito ng uniform. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. Tila ito isang diyosa. Hindi mapigilang mapatitig ni Ramcel sa mala-anghel nitong mukha. Kaso iniwas din nya ang tingin dahil gumuhit ang pagkailang sa mukha ni Vi dahil sa titig nya.
Umupo si Vi across from her. May mesa na yari sa metal ang nasa pagitan nila. Nasasaktan si Ramcel dahil hindi man lang sya magawang tignan ni Vi. Nakabaling ang mga mata nito sa ibang direksyon.

“Miss na kita,” sabi ni Ramcel. She tried to reach Victoria’s hands, which were resting on top of the table. She was stung when Vi jerked her hands away from her. Kung dati, ito mismo ang humahawak sa kamay nya kapag magkasama sila, ngayon parang diring-diri itong mahawakan nya. “I only like girls, Vi pero wala akong nakakahawang sakit.” Hindi nya mapigilang sabihin yun nang may hinanakit sa boses. “Hindi mo na rin ako matignan ngayon?” Ramcel’s voice cracked. She clenched her jaw to keep herself from crying. “Are we still friends?”

Tumingin sa kanya saglit si Vi pero umiwas ulit ng tingin at hindi nagsalita. “You won’t even talk to me?” Nagsisimula nang makaramdam ng galit si Ramcel. “Is it really awful that I’m a lesbian? Pakiramdam ko iniwan mo ko sa ere when you learned about me. Akala ko ba hindi mo ko iiwan kahit ano pa ako? You promised me remember?” Guilt was suddenly written on Victoria’s face. “Kaya mo ba ako nilalayuan dahil sa nararamdaman ko para sayo?” Nanatiling tahimik si Vi. “Alam ko naman na hindi mo masusuklian yun. Kaya nga nilihim ko na lang. At hindi ko rin hihilingin sayo na tumbasan mo ang feelings ko para sayo. Sapat na sa akin na maging magkaibigan tayo.”

Hindi makita ni Ramcel kung anong emosyon ang ipinapakita ni Victoria dahil nakabaling pa rin ang tingin nito sa ibang direksyon. “Vi! Look at me!” Galit nang hinampas ni Ramcel ang mesa. Victoria was startled. Napilitan itong tumingin sa kanya. “Hindi mo ba ako matanggap? Kaibigan pa ba ng turing mo sakin?”

“H-Hindi ko alam,” matipid na sagot ni Victoria.

Naramdaman ni Ramcel na nag-iinit na ang mga mata nya. Nagbabadya ang mga luha nya. Bakit hindi nya alam? Bakit ba kailangang itanong pa kung magkaibigan pa sila? Hindi ba yun automatic? Kapag lesbian ba ang isang tao, magiging basehan yun kung pwede pa syang ituring na kaibigan ng isang tao o hindi? Hndi ba pwedeng tanggapin na lang kung ano sya?

“I’m sorry, Ramcel. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Nabigla ako sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano ka haharapin,” paliwanag nito sa wakas. “I should have talked to you first. I’m sorry kung mas nakinig ako sa sabi-sabi ng iba kesa tanungin ka.”

“Problema ba ang pagiging lesbian ko?”

“I got scared, Ram. Inaamin ko, nailang ako sa nalaman ko. I wasn’t comfortable about it. May nakarinig sayo about how you feel about me. That you’ve been fantasizing about me. Someone heard you saying improper throughts about me…”

“Ano?! Wait…stop right there, Vi.” Pigil ni Ramcel sa kaibigan. “Improper thoughts? I’m fantasizing over you? Anong pinagsasabi mo?” Victoria didn’t answer. She started crying instead. Pinagmasdan ito ni Ramcel at naalala nya kung paano sya tignan nito noong huling beses syang pumasok sa kwarto nito. Kung paano ito biglang nagtakip ng hubad nitong katawan. Kung paano sya nito ipinagtabuyan. Ramcel finally understood. “May nagsabi sayo? And you believed it!?” She tried to refrain herself from shouting at Vi, who kept crying. “Pakiramdam mo pinagsamantalahan kita? Is that how you feel? That I took advantage of you?!”

“I’m sorry, Ram.” Lalo pang humagulgol si Victoria.

Ramcel was so disappointed and hurt. How could Victoria believed such hearsay? “Naniwala kang pinag-iisipan kita ng ganun? Sobra-sobra ang respeto ko sayo, Vi. Magkaibigan tayo ng ilang taon. Paano mo nagawang maniwala sa ibang tao?” Gusto nyang sigawan ito sa galit pero nagpigil sya. “Mahal kita, Vi, pero ni minsan hindi ko naisip na pagsamantalahan ka. Kontento na akong mahalin ka ng palihim. I could have taken my love for you to the grave. Kasi mas mahalaga sakin ang friendship natin. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. I value your friendship so much. Nakakalungkot na kaya mong itapon ang pinagsamahan natin ng ganun lang. Mas pinaniwalaan mo ang sinasabi ng mga bago mong kaibigan kesa sakin. Nagkamali ako ng inakala na bestfriend kita at mahalaga ako sayo.” 

Tumayo na si Ramcel. Ayaw na nyang ipagpatuloy pa ang pag-uusap nila. Nasabi na nya ang dapat nyang sabihin. Itinapon na ni Victoria ang lahat nang pagdudahan nito ang intensyon nya. Napatitig sa kanya si Victoria. Nakita nya ang pagsisisi sa mga mata nito. May bahid din nang takot sa mukha nito. Kahit gustong lapitan ito ni Ramcel at yakapin para tumahan na ito sa pag-iyak, hindi nya ginawa. Iniwan nya ito. Dahil sa ngayon, galit ang namamayani sa puso nya.

Antok na antok kinabukasan si Ramcel dahil hindi sya nakatulog kagabi. Wala syang na-absorb na kahit ano sa mga diniscuss ng teacher nila. Buti na lang nagpatawag ng practice si Ms. Rivera kaya kahit papano ay nagising ang diwa ni Ramcel. Hindi sila nagpapansinan ni Victoria, pero alam nyang pareho silang kulang sa tulog. Nasita kasi ng Math teacher nila si Vi, na nakatulog habang nagso-solve ng math problem during their seat work.

Mas naging mahigpit si Ms. Rivera during their practice. Perfectionist kasi ito at kahit konting pagkakamali lang ay napapansin nito. Sabi ni Samantha, pressured ito sa Principal nila. Napapaisip tuloy si Ramcel kung sino ang importanteng bisita na manonood ng play nila. Bago matapos ang araw, nasatisfy nila si Ms. Rivera. Mas mapapadalas na ang practice nila habang papalapit nang papalapit ang araw ng pagtatanghal nila.

Kusa nang pumipikit ang mga mata ni Ramcel pagkatapos ng practice. Pagod na pagod sya at antok na antok pa. Ginamit nya ang play para madistract sya kay Victoria. Para hindi nya ito maisip. Ngunit bumigat muli ang pakiramdam nya pagkatapos ng practice, bukod sa naubos ang lakas nya sa practice lalo syang na-drain nang maisip na naman si Vi.

Kung pwede nga lang na lumayo muna sa lugar na nakakapagpaalala kay Vi, ginawa na nya. Gusto nyang takasan ang lahat. Gusto nyang layuan muna ang bagay na nakakasakit sa kanya. Pero saan sya pupunta?

Paglabas nya ng in-house theater, sinalubong sya ng nakababatang kapatid ng Mommy nya. Hindi nya napigilang ngumiti. “Tita Jam! Anong ginagawa nyo rito?”

“Sinusundo kita. May pupuntahan tayo,” nakangiting sabi nito. May kislap sa mga mata nito. Mukha na itong masaya hindi kagaya nung huli nya itong nakitang humahagulgol dahil iniwan ito ng girlfriend. Ang dating buhok nitong hanggang beywang, shoulder length na lang. Matangkad ito at maganda. Kamukha ng Mommy nya. Sabi ni Jenny, kamukha nila ni Reese ang Mommy at Tita nya. Thirty years old na ito. Bata ito ng anim na taon sa Mommy nila.

“Saan?” Na-excite si Ramcel.

“Secret. Makikita mo rin. Tara.” Kinuha nito ang back pack nya saka na sila naglakad patungong parking lot ng school. May sariling kotse ang Tita nya. Nagt-trabaho ito bilang nurse sa isang hospital sa Maynila. Paminsan-minsan lang itong umuuwi sa probinsya para dalawin sila.

“Teka, Tita. Wala akong damit,” naalalang sabi Ramcel nang makalabas na ang kotse ng Tita nya sa school ground.

Ngumiti ito. “I took care of it, Ram.” She indicated the back seat with her thumb. Nakita ni Ramcel ang pamilyar na pulang travelling bag ng Mommy nya. “Ipinag-impake ka ni Ate Jo. Ipinagpaalam na rin kita. Ki-kidnapin muna kita ng dalawang araw.”

“Dadalhin mo ko sa Maynila?” Umiling ito. Nacurious tuloy si Ramcel. “Saan tayo pupunta?”

“Secret nga di ba?” Natatawang sabi ni Tita Jam kaya nanahimik na lang si Ramcel. Lihim syang nagpapasalamat na dumating ang Tita nya. Kahit hindi nya alam kung saan sila pupunta, nakahinga sya nang maluwag dahil makakatakas sya kahit papano.

Kumain muna sila sa isang restaurant. Hindi alam ni Ramcel kung sobrang sarap lang talaga ng mga in-order ng Tita nya o gutom na gutom lang sya kaya naka-ilang extra rice sya. Na-realize nyang hindi pala sya kumain buong araw dahil wala syang gana.

Sinubukang tignan ni Ramcel alamin kung saan sila pupunta dahil ayaw talagang sabihin ng Tita nya kaso madilim sa labas at wala syang maaninag na karatula ng kahit mga business establishments na nagsasaad kung nasaang lugar sila. Nag-attempt din syang makipagkwentuhan sa Tita nya kaso panay ang hikab nya kaya sinabihan syang matulog na lang sa biyahe. Mabilis syang nakatulog lalo na nang magplay sa stereo ng Tita nya ang I Knew I Loved You ng Savage Garden.

“Ram, gising na,” narinig nya ang marahang tinig ng Tita nya. Pagmulat nya ng mata, nakahinto na pala ang kotse. Kinumutan pala sya ng Tita nya gamit ang sweater nito. Naramdaman nyang nanuot sa suot nyang uniform ang lamig nang ibinalik sa Tita nya ang sweater.

Nasaan kaya sila? Madilim ang paligid at tahimik. May naaaninag syang mga puno at halaman sa paligid. Pagbaba nya ng sasakyan, sumalubong sa kanya ang malamig na klima ng lugar. Nayakap tuloy nya ang sarili. Iginala nya ang paningin sa paligid. May bahay sa may di kalayuan na natatakpan ng mga puno. Tanging ilaw lang na nagmumula sa mga kwarto ang nakikita nya.

“Nasaan tayo?” Tanong nya kay Tita Jam, na ibinababa ang mga bag nila.

Nakangiti nitong binitbit sa magkabilang kamay ang mga bagahe nila. “Baguio. Tara. Baka manigas ka dyan sa lamig.” Nauna na itong maglakad sa kanya. Agad naman syang sumunod rito nang may marinig syang kaluskos mula sa mga halamanan. Nagmistulang naglalakihang anino ang mga puno sa paligid. Hindi na naman mapigilan ni Ramcel ang wild nyang imagination. Para kasing pang-horror ang kinaroroonan nila.

Kabisadong-kabisado ng Tita nya ang lugar dahil kahit madilim, hindi ito gumamit ng flashlight. Dire-diretso lang itong naglalakad habang palinga-linga naman si Ramcel dahil wala syang makita. Ang bilis maglakad ng Tita nya kaya muntik na syang matisod nang binilisan din nya ang lakad.

“Ouch!” Bumangga ang ilong ni Ramcel sa likod ng Tita nya nang bigla itong huminto. Nasa tapat na pala sila ng isang two-storey house. Yari sa brick ang ibabang bahagi ng bahay at kahoy naman ang sa itaas. Kumatok si Tita Jam at pinagbuksan sila ng isang matandang lalaki na tingin ni Ramcel nasa 50’s na ito. Ngumiti ito nang makita ang Tita nya.

“Magandang gabi, Mang Tony. Pasensya na po kayo biglaan ang dating namin,” apologetic na sabi ni Jam.

“Hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Ikaw naman ang may-ari nito. Pwede kang pumunta rito kahit kelan mo gusto,” nangingiting sabi ni Mang Tony. “Anak mo?” Nakatingin ang lalaki kay Ramcel, na hinihimas-himas pa rin ang nasaktang ilong.

“Kahit kelan talaga Mang Tony, wala ka ng ginawa kundi lokohin ako,” kunwari umirap na sabi ni Tita Jam. “Pamangkin ko yan. Ipapasyal ko bukas.”

Tumawa muna si Mang Tony saka sila pinatuloy sa loob ng bahay. Luma na ang mga gamit pero malinis. Maluwag ang sala at puro yari sa kahoy ang mga kasangkapan. Bukas na lang daw sya maglibot sa bahay. Pagod na ang Tita nya at gusto na nitong magpahinga.

Malaki ang kwarto nya. Yari sa narra ang kama nya at may malambot na kutson. May lamp shade sa ibabaw ng bedside table nya. May tukador at malaking closet. Nagpapasalamat syang may heater ang shower kaya mabilis syang naligo at nagpalit ng pajama.

Tinulak nya ang slide window. Kung kanina natatakot sya sa dilim, tila nakaramdam sya ng kapayapaan ngayon. Wala syang makita sa paligid pero tila napakalapit ng mga bituin sa langit. Na para bang abot-kamay lamang nya ang mga ito. Naalala na naman nya ang mga gabing nakahiga lang sila ni Victoria sa bubong ng bahay nila. Magku-kwentuhan tungkol sa kung anu-ano lang na maisip nila o kaya magkahawak ng kamay habang pinagmamasdan ang langit. Minsan nakakatulog na sila doon nang hindi nila namamalayan. Masarap lagi ang tulog nya kapag katabi ito. She was always at peace when she’s with Vi.

Kaso naglaho na ang mga masasayang sandaling iyon. Ramcel shook her head. Hindi dapat nya iniisip si Vi. Kaya nga nya ginustong tumakas di ba para makalayo sa problema? Hindi na nya isinara ang bintana para paghiga nya kita pa rin nya ang mga bituin. Mga isang oras din siguro ang hinintay nya bago sya nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

933K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
1.3M 51.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
347K 13.5K 43
"That Amnesia of yours. Do you think it's a punishment?" "Why?" :)"I just think that the ability to remember things forever is a kind of punishment"...
123K 4.9K 40
Along the Broken Roads : Imperial Series #2 Alison is a threatre actress and a frustrated doctor. She is living her life peacefully but if only you j...