Since Nine

By infinityh16

196K 6.8K 1.6K

Walang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks... More

SINCE NINE
VICTORIA
Inseparable
Fear
Best Friend
Closer
High School
Milan
Revealed
Fighter
Confrontation
Tita Jam
Family
The Theater Actress
Severed
One Friend
Reconciled
Reunited
Budol is Real
Ensaymada

Friends

11.9K 345 115
By infinityh16

CHAPTER 2

Matapos nang weird na pakiramdam na yun kay Victoria, hindi na ito nakita ni Ramcel ng mga sumunod na araw. Nasa mukha ng Mommy nya ang pagtataka sa tuwing makikita sya nitong nagwawalis sa harap ng tindahan nang hindi sya nito inuutusan. Nagbabakasakali kasi si Ramcel na baka lumabas ito ng gate.

Mababa lang ang bakod sa pagitan ng bahay nina Ramcel at nina Victoria kaya paminsan-minsan syang sumusulyap sa kabila pero hindi nya ito makita. Ni hindi ata ito lumalabas kahit sa magandang hardin nila. Takot sigurong maarawan, naisip nya. Yun marahil ang dahilan kung bakit ang puti nito.

Medyo disappointed sya. Akala pa naman nya magkakaroon na sila ng bagong kaibigan ni Jenny. Hindi talaga sya likas na pala-kaibigan, pero curious talaga sya kay Victoria.

Dahil sa pagkukusa ni Ramcel sa pagbabantay ng tindahan at pagwawalis ng bakuran nila, binilhan sya ng Mommy nya ng latest issue ng Funny Komiks at ibang fantasy comics na kinagigiliwan nya.

Focused sya sa pagbabasa nang pumasok sa tindahan ang Mommy nya dala ang isang supot ng ripe mango at isang tupperware. Kahit nakatakip iyon, sa amoy pa lang, alam nyang ang specialty nitong seafood kare-kare ang laman niyon. Biglang kumalam ang sikmura nya. Paborito kasi nya yun. 

“Ramcel, dalhin mo ito sa mga Arzedon para matikman nila ang niluto ko,” nakangiting sabi ng Mommy nya.

“Sinong mga Arzedon?” Tanong nya at ibinalik ang tingin sa binabasa.

“Yung bago nating kapitbahay. Nakilala ko si Mrs. Arzedon kahapon dahil nag-enroll ang anak nya sa St. James. Nagkasabay kami. Mabait naman,” sagot ng Mommy nya.

“Si Victoria?” Interesado syang tumingin sa Mommy nya. Tumango ito kaya lihim na natuwa si Ramcel. “Pang-umaga o panghapon sya?”

“Pang-umaga sana kaso naubusan na ng slot kaya panghapon na rin sya. Baka maging kaklase mo,” tugon ng Mommy nya. “Eto. Dalhin mo sa kanila. Para kay Victoria yang mga mangga. Nagkasakit kasi sya. Makakabuti sa katawan nya ang prutas.”

Kaya pala hindi sya lumalabas,” naisip ni Ramcel kaso bigla naman syang kinabahan na makita ito. Pero excited din sya. “Bakit ako? Ikaw na lang.”

Pinandilatan sya ng Mommy nya. “Aalis kasi ako. Pupunta ako sa parlor dahil maraming nagpa-appointment ngayon. Hindi kakayain ni Ate Marilen mo yun.”

Dun napansin ni Ramcel na nakabihis pang-alis na ang Mommy nya. May business kasi itong parlor sa bayan pero pumupunta lang ito dun tuwing hapon para na rin maningil sa mga pautang nya. Bukod kasi sa parlor, nagpapa-utang din ng bigas ang Mommy nya sa mga tindera ng damit sa palengke. Sa Maynila naman nagt-trabaho ang Daddy nya bilang arkitekto. Umuuwi lang ito tuwing weekend o kaya twice a month.

“Andyan naman ang Ate mo. Maghalinhinan na lang kayo sa pagbabantay ng tindahan mamaya.”

“Sinong magbabantay ngayon kung pupunta ako sa kabilang bahay?”

“Ako,” medyo masungit na sabi ng Ate Reese nya. Pumasok ito sa loob ng tindahan. Bagong ligo ito at napuno ang paligid nang halimuyak ng shampoo nito. Maganda ang ate nya at matangkad. Makinis ang maputi nitong balat at hanggang beywang naman ang itim na itim nitong buhok. Kaya kahit nasa Grade 6 pa lang ito, isa na ito sa mga popular girls sa eskwelahan nila.

Sabi ni Jenny, magkamukha daw sila ng ate nya. Parang hindi naniniwala si Ramcel dahil maganda si Reese samantalang pakiramdam nya mukha syang busabos. Komento pa ng kaibigan na kung magsusuklay lang daw ng buhok si Ramcel, lilitaw ang ganda nya. Naisip nyang baka binobola lang sya ni Jenny nung sinabi yun para bigyan nya ng kinakain nyang chocolate nang mga sandaling yun. 

Isinara ni Ramcel ang komiks na binabasa saka itinabi. Inabot ng Mommy nya ang Tupperware at mangga bago umalis. Lalabas na rin sana si Ramcel para pumunta sa kabilang bahay nang tawagin sya ni Reese.

“Umupo ka muna,” utos nito. Napakunot ang noo ni Ramcel. “Ayusin ko muna yang buhok mo.” Napilitang umupo si Ramcel saka sya sinuklayan ni Reese. “Bakit ba hirap na hirap kang gumamit ng suklay? Maganda pa naman ang buhok mo.” Hindi kumibo si Ramcel. Nakasimangot lang syang hinintay matapos ang ate. “Ayan, mukha ka ng tao. Ngumiti ka rin paminsan-minsan para maging kamukha mo na ako,” nangingiting sabi ni Reese after nitong iponytail ang buhok nya. “At saka para magkaroon ka ng ibang kaibigan bukod kay Jenny. Hindi yung para kang may galit sa mundo.”

“Okay na ako kay Jenny.”

Hindi na lang nagkomento ang ate nya. “Dalhin mo na yan dun. Ako na ang bahala rito.” 

Bumuntong-hininga muna si Ramcel bago pindutin ang doorbell ng mga Arzedon. Walang dalawang minuto, lumabas mula sa loob ng bahay ang isang babaing kasambahay.

“Good morning po,” bati ni Ramcel sa babae. “Nandyan po ba si Victoria? May pinapabigay kasi si Mommy kina Mrs. Arzedon. Kami po yung nakatira sa kabila.”

Akala nya hindi sya papapasukin nito pero medyo nagulat sya nang pagbuksan sya nito ng gate. “Halika, pumasok ka. Nasa loob si Vi. Ikaw ba si Ramcel?”

“O-Opo.” Mas nabigla si Ramcel na alam nito ang pangalan nya.

“Nabanggit ka na ng alaga ko. Ako nga pala si Gemma,” nakangiting sabi nito. Medyo natuwa si Ramcel sa narinig. Natandaan sya ni Victoria. “Sayang at hindi makalabas si Vi. Nagkasakit kasi sya. Hindi tuloy sya makapaglaro sa labas.”

Napahanga si Ramcel sa ganda ng garden. Well manicured at malalago ang mga makukulay na iba’t-ibang bulaklak. Gumamela lang ang narecognize nya sa mga iyon. Dumiretso sila sa front door at pumasok sa loob. Tumambad sa kanya ang maluwang na sala at mga mamahaling kasangkapan at muwebles. Makintab ang marmol na sahig na tila pwedeng manalamin si Ramcel. Parang nakakahiyang itapak sa loob ang tsinelas nya at baka madumihan.

“Wala si Mam Isabelle…si Mrs. Arzedon. May pinuntahan sa Maynila. Kaya kami lang ni Vi ang nandito ngayon,” pagtutuloy ni Ate Gemma. “Akin na yan. Itatago ko muna. Umakyat ka na lang sa kwarto ni Vi. Pangalawang kwarto sa kanan. Susunod ako dun. Dadalhan ko kayo ng miryenda.”

Masyado yatang madaling magtiwala si Ate Gemma, naisip nya habang umaakyat sa hagdan. Hindi naman sya masamang tao pero dapat hindi pa rin nagtitiwala basta-basta lalo na sa mga bagong kakilala. Turo kasi ng mga magulang nya, “Don’t talk to strangers”. Pero bakit sya inutusan dito? Paano kung ang mga Arzedon ang masasamang tao? Baka may lahi pala silang aswang at gawin syang pagkain? O kaya naman bampira si Vi at gusto nitong ubusin ang dugo nya.

Bawas-bawasan mo ang pagbabasa ng horror, Ramcel,” pagalit nyang sabi sa sarili. Nagiging wild na naman ang imagination nya. At syempre naglaho sa isipan nyang aswang ang mga ito nang makita ang mala-anghel na kagandahan ni Victoria, na nakasuot pa ng pink pajama. Bago pa man kasi sya makakatok sa kwarto nito, binuksan na nito ang pinto na tila inaasahan nitong nasa labas na sya.

“Hi!” Sa kabila nang sigla sa boses nito, kita ni Ramcel na malamlam ang mga mata nito at namumutla ito. Ang hindi lang nagbabago ay ang ngiti nitong abot hanggang mga mata. Na tila may lagi syang nakahandang ngiti para sa lahat. Kabaliktaran nya ito dahil lagi naman syang nakasimangot. “Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong nito nang hindi nagsalita si Ramcel.

Naramdaman ni Ramcel na nag-init ang mukha nya. Nakatulala na naman kasi sya sa mukha nito. “O-Oo. May sakit ka raw sabi ni Mommy kaya pinadalhan ka nya ng prutas.” Medyo nahihiya nyang sabi. “Ikaw, okay ka na ba?”

“Okay na ako kasi nandito ka na,” ngumiting sabi nito.  Lumakas ang tibok ng puso ni Ramcel sa tinuran nito. “Pasok ka. Inip na inip na kasi ako. Hindi ako makalabas. Gustong-gusto ko kayong puntahan ni Jenny kaso hindi ako pinapayagan ni Ate Gemma.”

Amoy vanilla ang kwarto ni Victoria. Combination ng pink at white ang kulay ng mga dingding. Kung ang mga batang katulad nila, puro laruan ang makikita sa kwarto, puro mga libro ang nakita ni Ramcel sa ibabaw ng study table nito. May bookshelves din ito na punong-puno ng mga libro. Hindi na nya napigilang damputin ang isang paperback novel na nakapatong sa bandang paanan ng kama. May nakasiksik ditong bookmark.

A Little Princess by Frances Hodgson Burnett. Basa ni Ramcel sa title ng libro. Na-excite sya sa nakita. Matagal na nyang gustong basahin ito kaso hindi sya binibilhan ng Mommy nya dahil kailangan nilang magtipid. Marami syang librong gustong basahin kaso walang extrang pera dahil hindi kalakihan ang kinikita ng Mommy at Daddy nya. Nagkakasya na lamang sya sa pagbili ng komiks na mas mura kesa sa libro.

“Yan lang pala ang makakapagpangiti sayo,” amused na sabi ni Victoria. Natigilan si Ramcel. Nakaguhit na pala sa mga labi nya ang maluwang na ngiti. Sumimangot sya bigla. Natawa ito sa kanya. “Mahilig ka ring magbasa?” Tumango sya. “Ako din eh. Gusto mo bang hiramin yan?”

“Mukhang hindi ka pa tapos eh.”

“Pagkatapos ko, ikaw naman. Kung gusto mo, hiramin mo muna yung ibang libro.” Itinuro ni Victoria ang book shelves nito. “Wag kang mahihiya. I have no one to share them with.” Kinuha ni Victoria ang kamay ni Ramcel saka sya nito hinila palapit sa mga libro. “Mula ngayon, friends na tayo. Kaya pwede mo ng hiramin ang mga libro ko.” Ginawaran sya nito ng matamis na ngiti.

“Ganun-ganun lang? Friends na tayo agad?” Napangiti na ring sabi ni Ramcel. Tumango-tango ito. “Pwede kong hiramin lahat to?”

“Oo!” Natawang sabi ni Victoria. Lalo itong gumanda sa paningin ni Ramcel.

Tuwang-tuwang tinignan ni Ramcel ang mga libro. Mga classical books ang naroon. Hiniram ni Ramcel ang Secret Garden at The Adventures of Tom Sawyer. Babasahin nya mamayang gabi at habang nagbabantay ng tindahan nila.

Pareho silang umupo sa kama ni Victoria at masayang nagpalitan ng mga kwentong nabasa na nila habang kinakain ang miryendang hinanda ni Ate Gemma. Laking tuwa ni Ramcel na may makakasabay na sa hilig nya sa pagbabasa. Wala kasi syang makausap maliban kay Jenny, na puro Precious Hearts Romance ang binabasa. Magazine naman ang laging inaatupag ni Reese.

Naputol lang ang usapan nila nang katukin sila ni Ate Gemma para kumain na lang ng lunch. Nagulat si Ramcel dahil tatlong oras na pala silang nag-uusap ni Victoria. Aalis na sana sya kaso gumuhit ang lungkot sa mukha nito nang magpaalam sya kaya pumayag na rin syang magstay at sabayan kumain ang bagong kaibigan. Nagvolunteer naman si Ate Gemma na puntahan ang ate ni Ramcel para hindi sya hanapin.

Kinain nila ang seafood kare-kare na dinala ni Ramcel. Nagustuhan ni Victoria ang luto ng Mommy nya. Na-enjoy din nilang kainin ang ripe mango lalo at pinalamig ni Ate Gemma ang mga ito saglit sa ref.

“Paborito mo ang mangga?” Amused na nakatitig sa kanya si Victoria habang kumakain ng mangga si Ramcel, na tumango. “Halata naman eh. Mas marami ka pang nakain sakin. Kahit para sa akin naman talaga yan.” Tumawa ito nang makitang namula si Ramcel. “Joke lang.”

Sinimangutan ito ni Ramcel. “Dadalhan na lang kita ulit bukas.”

“Promise? Pupuntahan mo ako bukas?”

Natigilan si Ramcel. Pupuntahan nga ba nya ito bukas? Nag-enjoy syang kakwentuhan ito. Maliban kay Jenny, kay Victoria lang sya naging kampante. “Oo. Pero hindi ko pa sigurado kung anong oras. Magpapaalam pa ako kay Mommy. Ako kasi ang nagbabantay ng tindahan eh.”

“Sige,” ngumiting sabi ni Victoria. “Pag magaling na ako, pupuntahan kita.”

“Buti naman at may bago ka ng kaibigan Vi,” masiglang sabi ni Ate Gemma habang nililigpit ang pinagkainan nila. Tutulungan sana ito ni Ramcel pero sinaway sya nito. Ipinagtabuyan nito ang dalawa at ito na lamang daw ang bahala. Sinabi rin nito na pumayag si Reese na makipaglaro si Ramcel basta umuwi sa bahay bago magdilim.

Nagstay lamang ang dalawa sa loob ng kwarto ni Victoria. Doon lang napansin ni Ramcel na magkatapat pala ang kwarto nilang dalawa. Na-excite sila pareho. Napagkasunduan nila na kapag magaling na si Victoria, tatambay sila sa bubungan ng bahay nina Ramcel pag hapon para magbasa ng libro.

Kahit gusto nilang maglaro sa labas, minabuti na lamang nilang manatili sa loob ng bahay dahil baka mabinat si Victoria, na medyo nalungkot nang magpaalam na si Ramcel dahil kailangan na nyang umuwi. 5PM na kasi. Baka hinahanap na rin sya ni Reese.

“Thank you, Ram,” wika ni Victoria. Nagulat si Ramcel nang bigla sya nitong yakapin nang mahigpit. Lumakas ang tibok ng puso nya. “Hihintayin kita bukas.”

“Y-You’re welcome,” nahiya biglang sambit ni Ramcel saka na tinalikuran ito para maitago ang pamumula ng pisngi nya.

Sabi sayo, magsuklay ka lang at magkakaroon ka ng bagong kaibigan,” tukso ni Reese kinagabihan habang kumakain sila ng dinner.

“Anong kinalaman nung pagsusuklay?” Sumimangot na sabi ni Ramcel.

Tumawa lang si Reese. “Saka ngumiti ka rin paminsan-minsan. Pag nag-umpisa na ang pasukan at nakahanap na ng mabait na kaklase yang si Victoria, ipagpapalit ka na nun.”

“Mabait naman ako ah,” depensa ni Ramcel sa sarili nya.

“Pag tulog.” Tumawa nang nakakaasar si Reese.

Hindi na lang nya pinansin ang ate at bumaling sa Mommy nya. “Mommy, pwede ba akong pumunta kina Victoria bukas?”

Hindi sumagot ang Mommy nya. Abala ito sa pagnguya ng pagkain. Hinintay itong matapos ni Ramcel. Tumingin ito sa kanya at mataman syang tinignan. “Pwede. Basta araw-araw kang gumising ng maaga, maglinis sa bakuran natin at magbantay ng tindahan tuwing umaga, papayagan kitang makipaglaro kina Victoria after lunch.”

“Yes!!!”

“Payag akong magbantay ng hapon. Kawawa ka naman kasi. Ngayon lang may gustong makipagkaibigan sayo,” nang-iinis pa ring sabi ni Reese. Inirapan lang ni Ramcel ang ate, na tatawa-tawa.

Kinabukasan, pinilit ni Ramcel na gumising ng maaga. Nanghiram pa sya ng alarm clock sa ate nya para magising ng ala sais. Kung dati-rati hirap syang bumangon, ngayon naunahan pa nya ang alarm clock. 5am pa lang gising na sya. Nagulat ang Mommy nya nang makita syang gising na at nagkusang magwalis sa buong bahay. Kakaiba ang siglang nararamdaman nya. Naiisip pa lang nyang makakasama si Victoria mamaya ay sapat na para gumanda ang araw nya.

“Dalhin mo tong mangga mamaya. Dinagdagan ko na. Baka ikaw pa umubos nyan at walang makain si Victoria,” nangingiting bilin ng Mommy nya habang kumakain ng almusal.

Kung dati, laging nakasimangot si Ramcel tuwing magbabantay ng tindahan, ngayon halos sumakit na ang mukha nya kakangiti sa bawat bumibili. Maging si Jenny nagulat nang makita ang biglang pagbabago ng mood nya.

“Pupunta ako kina Victoria mamaya. Sasama ka ba?”

“Close na kayo?” Tanong ni Jenny nang ikwento ni Ramcel na pinuntahan nya ito kahapon.

“Medyo?” Sagot ni Ramcel. “Basta, sumama ka na lang mamaya. Puntahan natin after lunch.”

“Sige.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.3M 51.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
62.2K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...