DON'T CALL ME UGLY #wattys2019

By jhuennstorm

210K 6.5K 744

Dianne story More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Authors note

CHAPTER 17

5.5K 195 15
By jhuennstorm

[COBY'S P.O.V]

"Fuck! Bakit ka ba tawag nang Romina." Sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya matapos ng ilang beses na tumunog ang cellphone ko.

"Let's meet."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na ako makikipagkita pa sa'yo? Mahirap bang intindihin iyon."

"Why? Just because of your girlfriend? If i am not mistaken her name is Dianne right?"

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. "How did you know?"

Narinig ko sa kabilang linya ang nakakasar niyang tawa. "Sinabi ko naman sa'yo na gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'kin."

"Hindi na ako babalik pa sa'yo. Hindi kita mahal. Tigilan mo na ako!" Pagkatapos pinatay ko ang tawag niya.

Muli itong tumawag pero hindi ko na sinagot pang muli. Kaya naman nagtext ito sa'kin. Binasa ko ang text niya ngunit para lang akong mainis sa kanya.

"If you want to know who is the man of your girlfriend. You will not ignore my call."

"Shit!"

Nang muli itong tumawag sinagot kong muli. "Are you crazy? Bakit kailangan mo mang gulo?"

"Hey! Concern lang ako sa'yo. Masyado kang nagtitiwala sa girlfriend niloloko ka naman."

"Liar!"

"I have a proof you wanna know what it is? Let's meet at the coffees shop."

Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil ibinaba ko ang tawag niya. Agad akong lumabas ng kwarto at sumakay ng kotse. May tiwala ako kay Dianne pero gusto ko lang patunayan kay Romina na hindi niya katulad si Dianne.

Labing limang minuto lang at naroon na ako sa sinasabing coffee shop ni Romina. Pagbaba ko ng kotse hinila ako ni Romina. Alam na alam niyang darating ako. Kung sabagay matagal kaming naging magkasintahan kaya medyo kilala niya ako.

"Let's go! Wag tayong dumaan diyan."
Sabay hila niya sa'kin patungo sa likuran ng kabilang pintuan ng coffee shop.

Umupo kami sa kanang bahagi kung saan hindi masyadong nakikita. Palingon-lingon ako at hinahanap ng mga mata ko si Dianne.

"Look at your girlfriend?" Sabay turo sa'kin ni Romina habang papasok si Dianne ng coffee shop na may kasamang lalaki.

Kuyom ang kamao ko habang matalim ang mga tingin ko sa kanilang dalawa. Lahat na yata ng dugo ko ay naipon sa ulo ko lalo na at kilala ko kung sino ang lalaking kasama niya.

"See? I told you ang inaakala mong babae na mukhang santo ay may tinatagong kalandian."

Dirediretso akong lumapit sa kanilang dalawa.

"Coby?" Gulat na gulat na sabi ni Dianne sa'kin nang makita niya ako.

Mas lalo akong nagalit nang makita ko ang kamay ni Dianne na hawak-hawak ng lalaki walang iba kung hindi si Patrick.

"Hi!"

Nakangiting bati sa'kin ni Patrick na parang nakakainsulto. Hindi ko na napigilan ang sarili ko lumapit ako kay Patrick at sinuntok ko siya.

"Coby!" Sigaw ni Dianne.

Hindi malaman ni Dianne kung anong ang gagawin. Lumapit siya kay Patrick ngunit hinila ko siya palapit sa'kin.

"Ano ba!" Itinulak ako ni Dianne at nilapitan niya si Patrick. "Okay ka lang?" Tanong pa nito.

Halos madurog ang puso ko dahil sa matinding selos. Ako ang boyfriend pero iba ang tinutulungan ni Dianne. Kung sabagay ano ba naman ang laban ko sa kanya matagal ng may gusto si Dianne kay Patrick.

"I'm okay." Tumayo si Patrick at lumapit sa'kin. "I give it back to you!"

Hindi ko na nailagan ang suntok niyang dumapo sa mukha ko. Bumagsak ako ngunit ang masaklap hindi man lang ako tinulungan ni Dianne para makabangon tulad ng ginawa niya kay Patrick bagkus ay inawat niya si Patrick.

Nagsimula na kaming maging center of attraction ng mga customer doon. Naalarma na rin ang may-ari ng coffee shop.

"Ano bang problema mo Coby? Bakit ba bigla-bigla kang nanakit?" Sigaw ni Dianne sa'kin.

"Malandi ka kasi." Sabad ni Romina.

Kitang-kita ko ang galit ni Dianne kay Romina. "Ikaw pala ang dahilan ng lahat. Walang hiya ka!" Sinugod ni Dianne si Romina at sinampal ng malakas.

Inawat ko si Dianne."Stop!"

"Kaya ba galit na galit ka dahil na brain wash ka ng babaing 'yan ano? Pwes! Para sabihin ko sa'yo kaya kami nandito dahil magkita-kita kami ni Allyson at Frits dito. Kaming dalawa ang nakatoka para um-order ng pagkain namin kaya kami ang nauna."

Natahimik ako at tumingin kay Romina. Umiwas naman sa'kin ng tingin si Romina.

"What happened here?"

Sabay kaming lumingon sa boses ni Frits. Kasama niya si Allyson at ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Ang magaling mong pinsan gumawa ng iskadalo dahil naniwala sa chuwawang babain na 'yan." Sagot ni Dianne.

"Totoo ba iyon cousin?"

Umiwas ako ng tingin ano ba ang pinasok kong gulo. Paano ko malulusutan. Matalim ang naging tingin ko kay Romina na ngayon ay hindi na makatingin sa'kin ng diretso.

"I have to go." Mabilis na tumalilis si Romina.

Tiningnan ko silang lahat lalo na si Dianne at Patrick. "It's my fault. I'm sorry."

Lalapitan ko sana si Dianne ngunit umiwas siya sa'kin. "Nasira na ang araw ko kaya uuwi na lang ako." Sabay talikod ni Dianne.

Hinabol ko si Dianne palabas ng coffee shop.

"Dianne!"

Ngunit hindi siya lumingon sa'kin. Dirediretso siyang sumakay sa kotse niya at mabilis na pinaharurut ang sasakyan.

"Fuck!" Sabay suntok ko sa hangin.

Sumakay ako ng kotse upang puntahan siya sa kanilang bahay. Ayokong matapos ang buong araw na ito na hindi kami nagkakaayos dalawa.

"Where is Dianne?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob ng mansiyon nila.

Salubong ang kilay ni Daniel habang nakatingin sa'kin. "Hindi ba kayo mag kasamang dalawa?"

"You mean? Hindi pa siya umuuwi?"

"Wala siya rito bakit? May problema ba sa inyong dalawa?"

"I tell you later dude, hahanapin ko lang ang kapatid mo bye!" Muli akong sumakay ng kotse upang hanapin si Dianne.

Ilang beses ko na rin tinatawagan siya ngunit pinatayan lang niya ako ng tawag. Mas lalo akong nag-alala para sa kanya. Hinanap ko siya sa park at restaurant na palagi niyang pinupuntahan ngunit hindi ko siya nakita. Muli akong bumalik sa bahay nila upang hintayin siya. Nasa loob ako ng sala ng bahay nila at naghihintay sa kanya. Welcome naman kasi ako sa bahay nila kaya anytime pwede akong pumunta sa kanila.

"Mag kape ka muna dude pampatanggal ng stress."

Inilapag ni Daniel ang isang tasang kape. Ininom ko iyon. "Ouch! Ang init napaso ako."

"Natural bagong timpla pa lang 'yan kaya mainit. Ininom mo agad alam mong hindi mo pa kayang inumin."

Hindi ako kumibo patingin-tingin ako sa labas ng bahay nag-aaabang sa pagdating ni Dianne.

"Parang relasyon lang 'yan kapag bago pa lang wag magpadalos-dalos sa mga ikinikilos. Matuto kang makiramdam dahil baka masaktan ka tulad ng kapeng mainit na ininom mo. Napaso ka dahil hindi mo muna pinakiramdaman kung medyo lumamig na. Ngayon nasasaktan ka tuloy."

"Psh! Kailan ka natutong humugot? Chef ka hindi 'yan ang linya mo."

Nakakainis dahil tinamaan ako sa sinabi ni Daniel. May point kasi siya sa sinabi niya.

"True, Chef ako at doon ako magaling pero tandaan mo Coby. Wag tayong makutento sa mga bagay na madali na para sa'tin kapag kasi nakakasanayan na natin na gawin nagiging boring na satin ang lahat ng araw-araw na madali sa'tin. Tulad ko. Nag-eexplore ako ng ibang bagay para mas lumawak ang kaalaman ko."

"Okay! Mali na ako, kaya nga ako nandito para humingi ng tawad sa kanya. Please! Tulungan mo ako sa kapatid mo. Sobrang nagselos kasi ako lalo na dahil matagal niyang gusto ang kasama niya kanina."

"Kailangan mong pagkatiwalaan ang sarili mo para magawa mong magtiwala sa iba."

"Mali na ako okay."

Tumayo si Daniel. "Kapag tapos ka na diyan sa kape mo. Kunin mo na lang sa'kin ang susi ng kwarto ni Dianne. Hindi ka niya pagbubuksan kung gising pa siya.

Tiningala ko si Daniel. "You mean kanina pa siya nandito?"

Tumango si Daniel at pang-asar na ngumiti. "Noong pumunta ka rito kanina na hinahanap mo siya nagkulong na siya sa kwarto niya."

"Shit!"

Kanina pa pala siya nasa loob ng bahay nila. Nagsinungaling sa'kin si Daniel. Kung sabagay kapatid pa rin niya ang kakampihan niya.

Tumayo ako at lumapit kay Daniel. "Give me the key."

Kinuha ni Daniel sa bulsa ang susi. Pagkatapos tumakbo ako sa second floor ng bahay nila upang puntahan si Dianne at makahingi ako ng tawad sa kanya.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni Dianne. Pagpasok ko nakita ko siyang nakahiga sa kama at may pipino na nakalagay sa mga mata niya.

Umupo ako sa gilid ng kama niya pagkatapos bumuntong-hininga. "Fiona, I'm sorry."

Hindi siya kumibo sa'kin ngunit alam kong gising pa siya.

"I'm sorry kinain ako ng selos ko. Kasi naman dati mo siyang mahal."

"Kinain ka pala ng selos mo bakit kumpleto pa ang katawan mo?"

Kamot-kamot ako sa ulo. Alam mo iyon seryoso ako pero bigla siyang babanat ng ganoon. Hindi ko alam kung matutuwa ka O hindi.

"Seryosohin mo naman ako Fiona."

Inalis ni Dianne ang pipino sa mga mata niya at bumangon siya. "Hindi ko kalandian si Patrick. Masyado ka kasing nag papaniwala sa babaing chuwawa na iyon."

Niyakap ko siya patalikod. "I'm sorry, bati na tayo."

"Ayoko nga!"

"Please! Fiona. Gagawin ko ang lahat. Kahit ilibre pa kita." Huli na para bawiin ko ang sinabi ko dahil ang lapad na ng ngiti niya ng humarap sa'kin.

"Sure ka gagawin mo ang lahat?"

"Yes, basta para sa'yo mahal kong Fiona."

Malapas na ngumiti si Dianne. "Okay bati na tayo."

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm sorry." Hinalik-halikan ko pa siya.

"I forgive you basta wag mo ng uuliting mag selos lalo na sa mga kaibigan ko."

"Yes, boss."

"Good." Pagkatapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you Fiona. Ayokong mawala ka sa'kin."

"I love you too pulgoso."

Natapos ang buong araw na nag kaayos kami ni Dianne pero hindi kay Romina kaya naman nang umalis ako sa mansiyon nila Dianne dumiretso naman ako sa condo unit ni Romina.

"Romina! Open the door." Halos masira na ang doorbel niya dahil sa inis ko sa kanya.

"Coby." Malapad pa itong ngumiti sa'kin nang buksan nito ang pintuan.

Wala akong balak na pumasok sa condo niya nasa tapat ako ng pintuan niya.

"Romina, alam mo bang pinahiya mo ako kanina. Gusto mo talaga kaming sirain ni Dianne."

Ngumiti siya. "Perfect iyon nga ang balak ko pero failed ako sa plano ko."

"Hindi mo kami mapaghihiwalay dalawa." Pumihit ako patalikod sa kanya upang umalis.

"Don't leave me." Niyakap niya ako pagkatapos naramdaman ko na may tumusok sa likuran ko.

"Anong ginawa mo?" Naramdaman ko kasing parang mag tumusok sa likod.

Ngumiti siya. "Sweetdreams." Sabi niya.

"What do you mean." Pagkatapos nakaramdam ako ng antok. "Shit!" Unti-unti ko ng nararamdaman ang antok hanggang sa dumilim na ang paligid ko.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
21.3K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.1M 297K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
356K 24.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...