Kisses-" thank you Turs"
Nahawakan na ni Kisses ang baso bago pa mamalayan ni Inigo..
Inigo-" bat mo binigyan?"
Tanong nya kay Turs
Turs-" eh diba nag iinuman tayo dito, tsaka tama naman sya para matikman nya diba?"
Elmo-" hayaan mo na Inigo, daig mo pa si Donny kung mag react"
Sabi nito Kay Inigo
Inigo-" bahala kayo, kanina kase light lang yun, beer lang eh, eto hard to, pag nalasing si Kisses, lagot kayo kay Donny"
Turs-" bakit? Sila ba?"
Inigo-" oo sila po matagal na"
Turs-" huh? Akala ko???"
May sasabihin sana sya ng tinunga ni Kisses ang Vodka na bigay ni Turs. Pagkainom nya pa lang , gumuhit ang init nito sa lalamunan nya, sa dib dib at sa tyan, napangiwi sya sa pakla ng lasa buti na lang may lemon at asin sila na dala
Kisses-"para dito ba talaga yan?"
Tanong nya sa kanila sabay turo sa asin at lemon
Inigo-" last na yan ha naku mabilis ka mahihilo"
Sabi nito"
Kisses-" ok po"
Sabay aprub, biglang tinawag sila ni Markus at ni Kiko. Pero nag pa iwan si Kisses. Tanging nandun na lang ay si Turs , ng makakita ng pag kakataon ang dalawang babae ay lumapit agad ito, tinabihan si Kisses, nag tagay si Sunny ng alak at tinunga ito, binigyan din nya si Shar..
Maya. Maya tinagayan nila si Kisses ng Red label,
Sunny-" Kisses, natikman mo na ba to? Ang sarap" pang uuto nya dito
Kisses-" hindi pa, ok lang.. baka mapagalitan ako eh"
Nakatingin lang si Turs ng magsalita ito
Turs -" akin na ako na lang, di naman umiinom ata si Kisses eh, baka di nya kaya"
Sabi nito ng makita nyang nag aalangan si Kisses
Shar-" akin na bigay mo sakin, wala to Kisses tignan mo"
Sabay tinunga ni Shar ang alak.
Ramdam nyang chinachallenge sya ng dalawa at naiinis sya. Dahil medyo nakainom pumayag sya
Kisses-" sige bigyan mo ko! Taasan mo tagay"
Sabi nya kay Sunny
Sunny-" wow! Thats the girl.. here"
Tinagayan nya ulit ito, this time kinuha na ni Kisses"
Turs-" uy, last na yan, wag nyo na sya painumin hindi daw sya sanay sabi ni Inigo"
Pag alala ni Turs
Shar-" bat nyo ba sya bine beybi? Pati ikaw? Dalaga na si Kisses no, kaya nya na uminom "
Tumagay din ito
Nag tawanan sila . Di na namalayan ni Kisses kung naka ilang tagay na ito mula sa dalawa ,
Sinubukan nya bawat isang alak na naka latag sa lamesa paunti unti. Isa isa. Nakakaramdam na si Kisses ng bigat ng katawan at init. Feeling nya nasusuka na sya
Shar-" ano kaya pa? Hahaha"
Sabi nito kay Kisses na halos kita na nya na may pagka laseng na
Sunny-"tara Kisses ligo na tayo., kaya lang bawal t shirt sa pool"
Pang aasar na na naman nito
Hindi na namalayan ni Donny na naiwan si Kisses, dahil nakita na nya si Elmo na pinag seselosan nya kanina lang na nasa sa tubig na, kaya hindi na nya pinansin kung naiwan ito mag isa. Mahalaga magkahiwalay sila. Nakita naman nya na kasma ni Kisses ang tatlong Vj myx at nakikipag tawanan ito. Naisip ni Donny na hayaan na lang at mukhang nag eenjoy naman sya. Di man lang nya naisip na umiinom ito.
Hangang sa isa pa nyang pag lingon nakita nyang tinagayan sya ni Sunny ng Vodka
Donny-" Sunny NOOO!!!"
Sigaw nya. Alam nya kung gaano kainit sa katawan ang vodka at kung paano malalasing si Kisses pag ininom nya yun, hindi umiinom si Kisses kaya alam nyang magiging masama ang pakiramdam nito mamaya, naisip nya na baka kanina pa ito umiinom. Napalingon sila Sunny sa pag tawag bi Donny, habang naka abot ang baso kay Kisses. Kinuha naman nya ito ni . At ininom.
Dali daling umahon si Donny at pinuntahan si Kisses,
Bahagyang naupo si Donny sa kung saan nakaupo si Kisses hinawakan nya ang arm chair at likod ni Kisses at tinananong sya sa pag aalalang tono
Donny-" love. Ok ka lang?"
Nadinig nila Sunny and Shar ang tawag ni Donny kay Kisses kaya nagulat sila dito , at parehas naasiwa at kitang kita sa mukha nila ang inis, at selos "love ang tawagan nila" sa isip ng dalawa
Kisses-" oo love naman ok lang ako, ang sarap nga eh.. para akong hinehele"
Dahil laseng na ito kinuha ni Kisses ang mukha ni Donny hinawakan ang dalawang pisngi at sa harap nila hinalikan ni Kisses si Donny sa labi madiin at ng mabilis.
Nagulat si Donny sa ginawa ni Kisses at namula sya,
Nginitian sya ni Kisses at hinawakan ang labi ni Donny.
Kisses-" hmmmpp... sarap mong halikan"
Pang gigigil na sabi nito. Halatang laseng na sya, Kinilig talaga si Donny sa sinabing yun ni Kisses. Di nya mapigilan ang ngiti. At wala syang paki kung sino kaharap nila. Basta gusto nya ang gesture na ginawa ni Kisses kahit alam nyang out of kalasingan lang ito. Basta ramdam nya ang kilig. Kahit nag aalala di mapigilan ni Donny ang nararamdaman nya, kaba at halong kilig.
Nairita ng husto si Shar, nagselos sya sa ginawa ni Kisses, nagulat silang tatlo na kaharap nila. "So Sila na pala talaga."
Sa inis ni Shar tinabig nya ang alak na puno pa para matapon ito kay Kisses. Alam nyang ayaw mabasa nito at ginaginaw sya. Natapon yun sa dibdib ni Kisses hangang mabasa ang buong harap ng damit nya. Naka ngiwi si Sunny, waring sinasabing "buti nga sayo"
Kisses-" ohhh shocks!!!"
Donny-" O my God Shar!"
Kisses-" nakita ko yun... sinadya mo"
Sabi nya kay Shar , habang natatawang tinuturo nya si Shar.
Basta Napaurong si Kisses at napatayo, buti na lang andun si Donny para umalalay. Dahil kung hindi tutumba sya.
Basang basa na si Kisses, kaya wala syang choice. Nagulat sila ng umalis si Kisses sa kinauupuan nya at nag punta sa tagiliran, para alisin ang malaking Tshirt nito na tumatakip sa mala porcelana nyang kutis at hugis coca cola sa ganda nyang
pangangatawan.
Nadinig ng lahat ang pag sigaw ni Kisses at kunwaring pagkagulat ng dalawang babae, napatayo din si Donny ng mangyari yun para alalayan si Kisses
Napatingin ang lahat ng nasa poolArea. Parang slow motion sa pelikula habang inaalis nya ang t shirt nya ay natangal ang pagkakatali ng buhok nito na mas lalo pang nag pa sexy sa look nya ngayon.
Kinabahan si Donny sa pag tangal nya ng Tshirt ,
Feeling nya masyadong madaming mata ang nakatingin, ayaw nya talaga na patangal yun, pero wala na syang nagawa, wala naman syang pampalit or pantakip, nasa room pa ito, kaya hinayaan na lang nya gabi naman at sila lang ang tao.
Hangang ngayon napapahanga sya sa itsura ng nobya napakaganda nito sa kanyang suot, pero parang hindi pa rin sya handa na makita ito ng ganun ang suot.. kinakabahan sya para sa sarili nya.. because she's really turning him on.
Hindi inaakala ng dalawa na naka two piece bikini din pala si Kisses. Panay pa naman ang panunukso nila dito, inakala nilang naka short ito sa loob at talagang t shirt lang. Nagulat pa sila sa ganda ng suot nito na red two piece bikini , napanganga sila at parang napahiya. Ramdam nila na mas maganda ang suot nito kesa sa knila at mas maraming attention ang nakuha nito ng mag alis ng t shirt. Hindi tulad sa kanila na wala man lang nag react . maski si Turs dinig nila na napa Wow. at sigawan ng mga kaibigan nila sa pool. Nakuha nya ang attention ng lahat. Nag papalakpakan pa ang mag ito. At nanunukso
Turs-" WOW!"
Paghanga nito