The Things I Hate About You

By ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 28

2.8K 75 5
By ceresvenus



TOSCA

Today is my twenty fourth birthday! Ang bilis lumipas ng mga araw. Sunod sunod nga ang mga blessings sa akin kaya naman hindi pwedeng hindi ako mag-hahanda. I have so much to be thankful of kagaya nalang ni Scor. Paulit ulit ko na atang sinabi ito, but he's the best boyfriend anyone can ask for.

I decided to have my birthday at my parents house. Simple lang ang gusto kong celebration ngayon at kaunting mga tao lang ang inimbita ko. Siguro mga 100 plus. Wala naman nang event event, simpleng house party lang na may mga pa games at kung ano ano pa. Wala kasi dito ang parents ko.

Habang inaayusan ako ng dalawang bakla ay nag ring ang cellphone ko at nakita kong si Tequila ang tumatawag.

"Tosca! Happy Birthday!" Sabi niya.

"Teq! Kung makabati ka ay parang hindi mo din birthday." Natatawang sagot ko naman.

Sa taon taong mag ce celebrate ko ng birthday ko, siya ding pagtatago ni Tequila Rose. Hindi kasi siya mahilig sa mga celebrations na ganyan. Kaya nga magkaibang magkaiba talaga kami. Sabi nga ng mga magulang namin, siya ang matino ako ang loko loko. At least balanse.

"Gaga! Hintayin mo nalang ang regalo ko. Mamaya darating." Aniya.

"Hindi ka na dapat nag-abala. Sana umuwi ka nalang." Kunyari ay nagtatampong sabi ko.

"Basta hintayin mo nalang. I'll call you back, I gotta go." Hindi na ako nakapag paalam kay Teq dahil bigla niyang binaba ang tawag.

"Mamshie! Ininvite mo ba 'yung mga borta mong friends? Tagtuyot na kami ni Roxy." Biglang sumabat si Mori sa gilid ko na nagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Marami akong ininvite para sa inyo. Mga pokpok." Pabirong sabi ko naman.

"Aba! Dapat lang 'no, ang tagal nang nanunuyot ng talahiban ko." Maarteng sabi ni Roxy.

May kung ano silang pinagtatawanan pero hindi na ako nakinig. Nakatutok ako sa cellphone ko dahil kaninang umaga pa hindi sinasagot ni Scor ang mga tawag at text ko. Hindi rin siya nagtetext. Maayos naman kaming natulog kagabi, hindi kami magkasama dahil dito ako sa bahay ng parents ko natulog.

"Tos! Nakikinig ka ba?" Biglang sabi ni Rita matapos ang ilang sandali.

"Ha? Ano nga ulit?" Tanong ko bago bumaling sa kanya.

"Ang sabi ko, may mga paparazzi sa labas." Aniya.

Umikot kaagad ang mata ko. Hindi talaga nila hahayaang maging mapayapa ang birthday ko. I'm really getting sick of this famous-girl life. Para namang hindi ko ishe share ito sa social media.

"Paki tawagan nalang ang Security. Paalisin sila kamo. Hindi naman nila mahintay ang official photos. Nakakainis." Sabi ko.

"Wow, himala! Eh diba bet na bet mo nga ng paparazzi dahil more exposure? Naalala mo dati, nag-popose ka pa sa airport." Humahalakhak na sabi ni Roxy.

"Eh siyempre naman, birthday ko ito. Saka kaya nga maliit na party lang. Tapos panghihimasukan nila."

"Sabagay. Hindi mo na ba iche check ang setup sa labas?" Ani Rita.

Tiningnan ko muna ang wall clock. Alas singko na ng hapon. Nagsisimula nang lumubog ang araw at anumang oras ay darating na ang mga bisita. Candyland ang theme ng birthday ko. Kahit saan kang sulok tumingin ay makulay doon at pink ang dominant color. Mayroong mga candy bars, lahat ng drinks ay candy themed at ang attire ng mga bisita ay dapat makulay din.

Isang hot pink shiny latex dress ang sinuot ko. Kitang kita ang hubog ng katawan ko sa damit na 'yon. Pag-labas ko sa kwarto ay isa isa na ding nagsidatingan ang mga bisitang inimbita ko.

Malapad ang back yard ng bahay ng parents ko. May malaking pool at malaking field sa likod noon. Ngunit sementado ang parte kung saan gaganapin ang birthday ko. Nandoon na ang DJ na inimbita ko at nagsisimula nang lumakas ang music. Para sa akin ang pinaka highlight ng gabing ito ay ang photo booth. Nag-patayo ako ng maliit na studio na puno ng giant m&m's, skittles at chocolates na back drop.

"Tosca! Happy birthday!" Bati ng isa sa mga kaibigan ko.

"Thanks Harley." Sabi ko at bineso siya.

Sunod sunod na ang pagbaha nila. Natanaw ko din ang mga kaklase ko noong college na inimbita ko, ilang mga pinsan at mga kaibigan.

"Yaaas! Happy birthday, queen!" Bati sa akin ni Beatrice na kaka dating lang.

"Thanks, Beatrice. Nasaan na ang dalawang bruha?" Tanong ko matapos ko siyang ibeso.

"They're probably on the way. By the way, here's my gift." Inabot niya sa akin ang isang paper bag na may tatak na Tiffany and Co.

Tumunog ang cellphone ko at akala ko ay si Scor na ang tumatawag kaya naman nadismaya ako nang isang unknown number ang rumehistro sa screen.

"Hello?" Sagot ko habang pumapasok sa bahay at lumalayo sa ingay ng party.

"Hello? Pwede ba kay Tosca Escovilla?" Ani ng nasa kabilang linya.

I heard and unfamiliar voice. It was a raspy man's voice. Tinanggal ko sa tenga ko ang phone at tiningnan muli ang number. Hindi talaga iyon pamilyar sa akin.

"Who is this?" Tanong ko.

"Si Jojo ito. Iyong kakilala ni Scor."

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa narinig ko. Can this guy be more weirder? Saan at paano niya nakuha ang number ko? This is already starting to feel scary.

"P-paano mo nakuha ang number ko?" Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko at umaktong matapang ako.

"Hindi na importante iyon." Malalim ang boses niya at tahimik ang back ground ng tawag.

"I-I'm hanging up." Kinakabahang sabi ko.

"T-teka, sandali! Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo. Pakinggan mo muna ako, pakiusap."

Mabilis na ang pag hinga ko at patuloy na ang malalakas na pag-kabog ng dibdib ko. Why is he calling me? On my own party!

"Pera ba ang kailangan mo? Sabihin mo lang kung magkano." Pikit matang sabi ko.

Inisip kong hindi ito matatapos. Pera lang naman ang kailangan niya at siguro, kung ibibigay ko sa kanya iyon ay titigilan na niya kami ni Scor.

"Oo. Na-ospital ang nanay ko. Hindi mo naman kailangang ibigay ang pera. Pwede namang bayad mo nalang."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig. Anong pinagsasabi niya? Talaga bang maluwag na ang turnilyo sa ulo ng lalaking ito?

"Bayad saan?" Naiinis na sabi ko.

"Ayaw mo bang malaman ang tungkol sa nakaraan ni Scor?"

Natigilan kaagad ako sa sinabi niya. Natumbok niya ang nag-iisang bagay na makakapag pa 'oo' sa akin. Marami akong tanong sa isip ko. Mga tanong na kahit kailan ay hindi nasagot.

Ilang segundo ang inabot bago ako nakasagot. I have a lot of questions but I knew I had to trust Scor. He's my boyfriend and I know he's a good man.

"I'll think about it. Wag ka nang tatawag. Iba block ko ang number mo kapag tinawagan mo pa ako.

Mabilis king binaba ang tawag at bumalik sa party. Pilit kong isinasantabi ang naganap na konbersasyon kani-kanina lang. It's my birthday and I have to focus and thank the people that remembered me on this day.

Nag-pasalamat ako at nag-entertain pa ng ilan sa mga bisitang dumating. Sa mga sumunod na oras ay naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga dumalo. Manaka naka akong tumitingin sa cellphone ko ngunit kahit ilang oras na ang nakalipas ay wala pa ding message si Scor. Lumalalim na ang gabi at hindi ko maiwasang hindi magtampo.

"Ladies and gentlemen, may I have your attention please?" Ani ng host na kinuha ko ngayong gabi.

Napukaw niya naman ang atensyon ng mga tao pati na ako. Nakinig kami sa sasabihin niya.

"Let us greet our birthday girl a very happy birthday!" Aniya.

Kanya kanya namang batian ang mga bisita. Madilim na kaya nasa akin ang spot light, I loved that everyone's attention is on me but I felt like something's missing.

"At siyempre, i-welcome naman muna natin ang pinaka malaking gift ng ating birthday girl. Please welcome..."

Nag-liwanag ang paningin ko dahil sa pag-iisip na si Scor.

"Tequila Rose Escovilla!" Bulalas ng host.

Nadismaya akong hindi si Scor ang tinawag niya nguniy agad ding napalitan ng saya iyon nang lumitaw ang kakambal ko si Tequila sa harapan galing sa loob ng bahay.

"Teq! Omg! You're here!" Mahigpit ko siyang niyakap at sabay kaming tumalon talon.

"Of course. Birthday natin. Pwede ba namang wala ako?" Masayang sabi niya sa akin.

I haven't seen her in months! Kaya naman abot abot ang saya ko ngayong nandito siya at araw pa ng birthday ko.

"Come on. Let's entertain some visitors." Aniya.

Hinila niya ako sa kumpol ng mga kakilala at kaibigan naming nandoon at nagpatianod lang ako. Nag-enjoy din naman akong makisalamuha sa kanila pero hindi ko talaga malubos ang kasiyahan ko dahil birthday na birthday ko pero dedma ako kay Scor.

Natanaw ko ang mga grupo ng mga lalaking naglalakad patungo sa party. Sila Clinton 'to. Iniwan ko si Tequila at sinalubong sila.

"Hey, couz. Happy birthday!" Untag kaagad ni Clint sa akin.

"Happy birthday, Tosca." Bati naman ni Eli habang nakangisi.

Sunod sunod na nag-batian ang mga kasama nilang lalaki na kasama ko din noong nag bakasyaon kami sa Iloilo. Pinainvite ko kasi sila kay Clint.

"Clint, si Scor?" Tanong ko na agad. Hindi ko na kasi talaga kaya ang pag-ooverthink ko.

"Clingy much, Tosca? Nasa parking, may inaayos." Sabi niya.

Dali dali akong nagpunta sa harap ng bahay at hinanap doon ang ang sasakyan ni Scor na malaimposible na dahil sa dami ng kotse doon. Sa wakas ay nakita ko ang itim na Mustang ni Scor. Naka-hilig siya sa hood noon at nakahalukipkip habang malapad ang ngisi sa akin.

Mixed emotions ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon. Pinakaba niya ako masyado! Parang naiiyak tuloy ako! Ayoko namang i-doubt siya pero kasi, kinabahan talaga ako. Kahit hindi ako gaanong makagalaw sa dress na suot ko ay binilisan ko pa din ang lakad palapit sa kanya. Hindi ko maiwasang mamumo ang luha sa mga mata ko.

"Saan ka nanggaling? Why are you not answering your damn phone! Pinakaba mo ako! It's my birthday. Why are you doing this to me?" Pumiyok ako nang bitiwan ko ang huling pangungusap.

"You look stunning." Aniya sa kabila ng matipid na ngiti niya.

Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ng daliri ko ang mga luha sa mga mata ko bago pa man tumulo ng tuluyan iyon. Masisira ang make up ko nito.

"Hey. Don't cry. I'm sorry I didn't call. May inayos lang ako."

Humakbang siya at hinaplos niya ang pisngi ko. Ang init ng palad niya. Tamang tama sa mahangin at mabituing gabi. Ngunit ano nga bang inayos niya? Gusto kong itanong. Pakiramdam ko kasi ay padagdag lang ng padagdag ang mga sikretong tinatago niya sa akin.

"Anong inaayos mo?" Sa wakas ay tanong ko.

"My gift. Come, I'll show you. But you have to wear this first." Inilahad niya ang isang blind fold sa akin.

Nag-alangan akong isuot iyon pero isinuot ko pa din sa huli. Medyo tumili ako nang buhatin niya ako ng pa bridal style at narinig ko ang pag halakhak niya sa tenga ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Parang nasa malayo ang tugtog at maya maya lang ay biglang parang humangin. Naramdaman kong dumampi sa pisngi ko ang labi niya at saka niya ako binaba.

"Happy birthday, Baby." Aniya at tinanggal ang piring sa mata ko.

Tumingin ako sa paligid. Kaya pala mahangin. Dinala ako ng loko sa rooftop ng bahay. Paano niya naman nalaman ito? Siguro sinabi ng walanghiyang pinsan ko.

Dumapo ang paningin ko sa isang malaking bagay sa harap ko. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. It was a huge portrait of mine! Natatandaan ako ang scenario na iyon! It was the first time that i slept over at his house. Tanging ang puting polo niya lang ang suot ko at nakatanaw ako sa malayo. Namumula ang pisngi ko at naka pusod sa isang bun ang buhok ko. Maningning ang mga mata ko at may tinitingnan ako sa malayo habang malapad ang ngiti ko. Sa kitchen niya iyon noong nagluluto ako ng breakfast at hinihintay siyang magising.

"Ha-how did you... Did you do this?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

I was completely in love with the portrait. Parang isang magaling na pintor ang gumawa noon. Ilang regalo na ang natanggap ko sa buhay ko. Diamonds, designer shoes and bags, anything! But this? Ito ang pinaka maganda. May kung anong mainit ang humaplos sa puso ko.

"Did you like it?" Tanong niya.

Inakay niya ako palapit sa portrait at lalo akong namangha. It looked like a professional photographer took this!

"Are you kidding? I love it!" Bulalas ko nang lingunin ko siya.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo pero hindi ko iyon alintana. I've had seven boyfriends before and I sure had a shit ton of suitors but none of them did this to me. Pakiramdam ko ay unti unting lumalaki ang puso ko at sasabog iyon any minute.

"I'm sorry for not answering your calls and I'm sorry for being late." Aniya habang katulad ko ay nakatitig sa painting.

"How- when did you take this?" Tanong ko.

Tinrace ko ang eleganteng pattern ng kulay gintong frame noon. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam na magaling siyang kumuha ng litrato. Honestly, mabibili ito ng mahal sa isang exhibit.

"Yeah. I'm a little rusty..." Sabi niya habang naka hawak sa batok.

"Sobrang ganda nito. I really appreciate it. Thank you! Thank you so much." Mangiyak ngiyak na sabi ko habang naka harap sa kanya.

Padamba ko siyang niyapos ng yakap. Shit sobrang swerte ko sa lalaking ito. Naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin at ang marahang pag haplos niya sa buhok ko.

"Do you ever wonder why I always make it hard for you to flirt with me?" Tanong niya habang magka yakap pa din kaming dalawa.

"Why?" I asked. My voice was muffled.

"Because if I made it easy, you wouldn't flirt with me anymore." Seryosong sabi niya.

Bahagya akong humiwalay at tumingala sa kanya.

"That's not true." Sabi ko.

Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo. "I love you, Tosca. I love you for who you are."

"I love you too." Bulong ko.

Matapos ang makabagbag damdaming eksena namin sa rooftop ay bumalik na kaming dalawa sa party. Masaya ako. Nandito si Scor, ang kapatid ko at ang mga kaibigan ko.

Pero bakit ganon? Parang may mali. Parang hindi ako kuntento. Parang may kulang. Nang makita ko ang numerong tumatawag ulit sa akin ay nakumpirma ko kung ano ang mali sa sitwasyon.

I can never be genuinely happy if I don't know what Scor's past is. Ang sabi niya sa akin ay mahal niya ako kung sino ako at alam ko din sa sarili ko na mamahalin ko siya kung sino man siya. Our relationship getting serious everyday. Alam ko sa sarili kong hindi ako kailanman matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang totoo.

"Hello? Pumapayag na ako."

Continue Reading

You'll Also Like

7M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...