Red Moon (Published Book unde...

By Azulan10

153K 2.4K 456

RED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2)... More

Darkness no.01: The Bloody Case
Darkness no.02: No Cuts, No Glory
Darkness no.03: Hospital Panic
Darkness no.04: Princess and I
Darkness no.05: Second Fear
Darkness no.06: Bite and Blood
Darkness no.07: My own New World
Darkness no.08: The New Beginning
Darkness no.09: The Night Job
Darkness no.10: Beyond the Red Light
Darkness no.11: Longing for Blood
Darkness no.12: Blood Crisis
Darkness no.13: Verity and Envy
Darkness no.14: The True Liar
Darkness no.15: Man in the Shadow
Darkness no.16: Night on the Bus Stop
Darkness no.17: The Perfect Two
Darkness no.18: A Man with many Secrets
Darkness no.19: Midnight Secret
Darkness no.20: Little House
Darkness no.21: The Lonely Heart
Darkness no.22: The Ex - Vampire
Darkness no.23: The Black Parade
Darkness no.24: The Missing Link
Darkness no.25: Emilio Guilatorre
Darkness no.26: The Code
Darkness no.27: The Flute Master
Darkness no.28: Musicians Final Wish
Darkness no.29: Tears of the Vampire
Darkness no.30: My Decision
Darkness no.31: Dr. Vargas
Darkness no.33: The Plan

Darkness no.32: Mice and Kitten

2.4K 45 5
By Azulan10

Napaka bilis ang lahat ng pangyayari. Ang isang oras ay naging sampu. Ang sampu ay naging isang araw, Ang isang araw ay naging isang linggo at ang isang linggo ay naging isang buwan.

"Doc anong pong improvement sa formula?" Tanong ko kaagad kay Dr. Vargas. Umagang umaga pagpunta ko sa loboratoryo niya.

"Sa tototo niyan eh marami na. Almost ninety percent na ang mga nasusubukan ko from the actual formula. Aminin ko na medyo nahirapan ako. Pero ika nga patient is a virtue. Kaya lika may ipapakita ako sayo." Yaya nito sa akin.

Agad kaming ang punta ni Doc. Vargas sa isang kwarto. Mula rito ay meron isang medium size square box na nakabalot ng tela.

"Are you ready Pat?'' Wika nito sa na eexcite na boses.

"Yes doc I'm Ready!" Sagot ko naman.

-------√v^√v^√v^ Darkness 32: Mice and Kitten √v^√v^√v^-------

Agad na binuksan ni Dr. Vargas ang naturang box na nakabalot sa tela. Mula naman sa aking harapan ay bumungan sa akin ang isang glass box na may daga sa loob. 

"Ano ho yan doc?" Tanong ko kaagad.

Benend ko ang aking katawan upang silayan ng maigi ang daga sa loob. Paikot ikot lang ang daga sa bawat sulok ng glass box na katulad na isang normal na uri.

"What do you think Pat?" Tanong ni Doctor sa akin na naka cross arms.

"Ahmm isang dagang normal na naninira ng mga damit at nangunguha ng mga pagkain sa bahay???" Sagot ko.

"Yes tama ka. In your naked eye ay aakalain mo na isa lamang itong normal na daga. Ngunit in a matter of minute. Ayy no! I think in a second eh magbabago ang pananaw mo.." Pagsasalaysay nito.

"Huh?" Tanaging nasabi ko.

Nagpunta si Doctor Vargas sa isang sulok ng kanyang laboratoryo. Mula rito ay kinuha naman niya ang isang walang kamuang muang na kuting at inilabas ito mula sakatamtamang laki ng kulungan. Dinidila dilaan pa ng kuting ang mga daliri ni Doctor habang hawak niya ito at hinihimas himas.

"Ito Pat what do you think to this little fella?" Tanong ulit ni Doctor sa akin.

"Ahhhh isang kuting na kayang hulihin at patayin ang dagang nasa loob niyan." Sabay turo ko sa loob ng glass box.

"Ohh really??? Great Instinct!!!" Bulalas nito. "Pero Pat alam mo na maraming namamatay dahil nagkakamali sila sa kanilang akala???"

"Hindi po." Sagot ko naman.

Agad na binuksan ni Doctor Vargas ang kalahati ng glass box at mula roon ay pinasok niya ang maliit na kuting. "Ngayon Pat tignan mo?" 

Muli kong binend ang aking katawan at tinuon ang aking paningin sa loob ng glass box. Mula rito ay nakikita kong tila gusto ng kainin ng pusa ang daga na nasa kabilang banda lamang ng box. 

Agad ng nagsimulang maglakad ang kuting. Tila sa pinapamalas nitong kilos ay kinakarkula nito sa kanyang isipan kung papano niya makakain ang kawawang daga.

Hanggang walang anu anoy bigla siyang umatake. "Meowwwww!" Sa galit nito. Nilundagan niya ang maliit na daga sa likuran nito. Ngunti hindi paman siya nalulundagan ng daga mula sa likod ay nakita na niya ang kuting. 

Nakakamanghang biglang nagpakita ng gilas ang daga. Mabilis itong umilag mula sa atekeng yun at ang sunod na nangyari ay talagang hindi kapani paniwala. Dahil bigla nalang kinagat ng daga ang kuting sa leeg nito na tila siya ngayon ang takam na takam. 

Bumuhos ang dugo ng kuting sa kabilang parte ng glass box habang pumipimiglas pa ito.

Ang mga mata ng kuting ay tila luluwa na sa sobrang sakit at gulat sa mga nangyayari. Habang ang daga naman ay busog na busog dahil sa mga dugong nainom niya.

"Doc wag mong sabihin na???"

"You're rigth. Tinurukan ko ang dagang yan ng dugo na naggaling sayo." Pagsaslayasay nito.

"Incredible rigth??? Ganyan ka! Ganyan ang mga kapangrarihang pinapamalas mo ngayon. But in a matter of days or so ehhh mawawala na ang lahat ng yan." Sabi ni Doc sa akin.

"Salamat Doc." Sabi ko.

"Nope magpasalamat ka sa kuya mo dahil mabait siyang tao." Sabi ni Doctor Vargas sabay ngiti.

X~X~X

Bago paman sumikat ng tuluyan ang araw ay nagpunta na ako ng ospital. Sabi sa akin nila Rose ay sa bahay nalang ako mamalagi para naman daw safe ako. Pero ang tanong eh magiging safe ba talaga ako. O sila ang dapat na mag ingat?

Nakakapagtakang halos isang buwan na nga ang nakaraan ng huling umatake ang kampon nila Voltaire sa amin. Hindi kaya nagsawa na sila o nasa tabi lang sila at nagluluto ng bagong pag atake?

Bigla akong pumasok sa bintana ng kwarto ni Ben. Halos malapit na ang pag sikat ng araw ng mga oras nayon kaya naman eh nagmamadali ako.

Unti unti ko na kasing nararamdaman ang sikat ng araw na bahagya ng nagpapamalas ng taglay nitong liwanag.

BOOM! Nagulat si Ben at Rose sa loob ng kwarto. Hindi nila kasi inaasahan ang muli kong pag balik. Unang pumasok ang itaas na bahagi ng aking katawan kasabay ng pambaba. "Oiii Pat!" Bulalas ni Ben na kasalukuyang nakaupo sa kama.

Unang bumagsak ang mukha ko sa may sahig. Sumadsad nag aking mukha sa tiles ng kwarto ngunit hindi ko yon ininda. Pagkatapos nun ay kinumutan naman ako ni Rose para hindi ako masikatan ng araw. Nag kagulo bigla sa loob ng kwarto.

Iniurong ako ni Rose sa gilid.  Kitang kita sa mukha nito na nabibigatan siya sa akin pero mas inuna niya akong tulungan. Si Ben naman ay agad na tumayo sa kanyang kama at agad na sinara ang nakabukas na bintana.

Agad akong pinuntahan ni Ben sa aking pwesto. BInuksan niya ang telang nakabalot sa buo kong katawan sabay tanong na. " Oii Pre okay kalang?"

"Oo okey nako." Sagot ko naman habang nakayapos parin sa buo kong katawan.

Naging ayos na ang lahat. Nakaupo nako ngayon sa isang mahabang upuan ng bigla nanamanng umentra tong si Loko.

"Oii Pre wag mong uulitin yun ahhh! Munitk muntikanan ng mabiyak ulit yung sugat ko sa ulo sa sobrang nerbiyos." Sa naka smid nitong sabi.

"Pasensya na na tagala." Sabi ko. "Kasi naman eh hindi ko namalayan yung oras. Mukang napa tagal yung kwentuhan namin ni Dr. Varags kanina." Kwento ko naman.

Agad namang napatayo ulit si Ben tungo sa pag kaka higa nito sa kama ng narinig yung kwento ko.

"Teka teka yung Dr. Vargas? Yan ba yung sabi mong tutulong sayo para maibalik ka sa pagiging tao.

"Oo tumpak siya nga!"

"Ehh musta naman yung pag uusap nyo?" 

"Sabi niya eh halos ninety percent nadaw yung nagagawa niya through his experiment. So ang ibig sabihin nito eh maybe tommorrow or next week eh pwede nakong turukan." Sabi ko.

"Really!" Wika ni Ben.

Halata sa mukha nito ang labis na pag kasaya. Parang sa tingin ko tuloy eh siya pa yung bampira at tuturukan upang maging tao muli.

Naghilom narin ang mga sugat ni Benedict sa ulo. Ngunit hindi ito mapag kakaila dahil ng iwan ito ng mahabang pilat. Sa kalagayan naman ni Mang Roger eh namulat narin ito tungo sa mahaba nitong pagkakatulog. Natawa nga kami dahil ang unang sinabi nito pag kagising niya ay. "UMILAG KAYO!!!!" Na pasigaw. Pakiramdam niya yata eh nasa gubat parin siya at nakakalaban parin namin ni Varda.

''Ehh Pre musta naman na kayo ni Katrina?" Tanong ulit ni Ben.

Namula yung mga pisngi ko. Kasabay naman nun ang pag bilis ng tibok ng puso ko pagka sabi ni Ben nun.

"Okey lang!" Sagot ko naman. Pero hindi ako makatingin ng direcho.

"Asususus! Anong klaseng reaksiyon yan. Siguro may nangyari na sa inyo no???" 

"Oii wala ahhh!" Sagot ko naman.

"Okey sabi mo ehhh he he." Wika naman nito sabay konting tawa.

Maya maya pa ay muli nanaman akong nalungkot. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bigla na lamang pumasok sa aking isipan ang isang sitwasyon. Naisip ko kasi na kung sila Ben ang nag aagaw buhay ngayon eh pano ang kaligtasan nila Katrina? Hindi ko yon makakaya, ngayon pabang nabubuo na ang pagtingin ko sa kanya.

"Pre anong drama yan. Bakit? Ano bang naisip mo bigla."

"Wala lang pre. Ang kaligtasan ni Katrina." Sabi ko. Inakbayan ako ni Ben. Huminga siya ng malalim sabay sabi ng isang kataga. Pre. Gaano mo siya kamahal?"

"Mahal na mahal. Mahal na mahal na kaya kong ilaan ang aking buhay para lamang mailigtas siya." 

Sa puntong yun eh bigla ko tuloy naalala si Katrina. Muling bumalik sa mga alala ko ang mga eksena namin sa parke nung nakaraang buwan. Sa palagay ko kasi eh isa yun sa pinaka masayang landian naming dalawa.

BIgla ko nalang naisipan na i text siya ngunit ng kukunin ko na ang cell phone ko mula sa aking bulsa ng aking pantalon ay hindi ko ito makita.

Agad ko itong hinanap sa ilalim ng kama. Baka kasi ay lumipad lang ito kanina pag landing ko sa bintana.

"Pre ano bang hinahanap mo???" 

"Yung cellphone ko dree. Nawawala ata?"

Hindi na ako mapakali. Siguro sa mga oras na ito kasi eh nag te text na si katrina. 

"Pre kalma kalang. Wala ba dyan?"

"Wala eh." Sagot ko naman.

"Baka naiwan mo lang yun sa bahay ni Dr. Vargas kanina."

"Maaari." Sagot ko naman.

X~X~X

Natutulog na si Ben ngayon.  Sabi ng doctor niya ay pwede nadaw siyang lumabas bukas at dun nalang ipagpatuloy ang tuluyan niyang pag galing. Nagpaalam rin ako kay Mang Roger bago ako umalis nang mag aala sais na ng gabi. Balak ko ring magpunta kila Katrina ngayon sosorpresahin ko siya! Sabagay don naman ako magaling.

Pero bago yun ay kukunin ko muna kila Doctor. Vargas ang cell phone ko. Sa totoo niyan eh hindi ko talaga alam kung dun ko naiwan ito. Pero kailangan ko paring makasiguro. Dahil bawat pag kakamali ay may katumbas na parusa.

Bigla nakong tumalon ng mataas tungo sa may bintana. Tumingin muna ako kay Ben na kasalukuyang himbing na himbing sa pag kakatulog nito na kabukaka pa.

SWOOOSSS! isang malakas na bugso ng hangin ang agad na humampas sa aking balat. Kasabay nun ang pag lapat ng aking dalawang braso sa may ere upang mabalance ko ang aking katawan.

Halos sampung minuto rin akong nag patalon talon sa may ere upang makarating sa village nila Doctor.Vargas. Tungo sa bahay nila ay dun ako ng landing sa likod ng bahay.

Mula rito ay pumasok ako sa backdoor. Ibang pakiramdam ang naramdaman ko sa aking pag pasok. Tila may kakaibang amoy din akong naamoy.

"May kalaban?" Tanong ko sa aking isipan.

Dahan dahan akong nagtungo mula sa may sala. Mula rito ay nakita ko ang mga basag na banga na may halo pang dugo.

"Doctor!!!' Bulalas ko.

Agad akong nagtungo sa kanyang sikretong labotoryo. Matatagapuan ito sa ilalaim lang nag kanyang malaking bahay. Pagkakita ko palang sa pintuan ng laboratoryo ay may mga marka ito ng tila matulis na bagay na pinwersang buksan. 

Agad ko itong pinasok. Sa loob nito ay nakita ko si Doctor. Vargas na nakasalumpak sa may lupa. Pa blink blink pa ang ilaw ng laboratoryo na nag pahirap sa sitwasyon.

"Doctor ano pong nangyari dito?" Tanong ko kaagad.

Agad kong niyakad sa aking mga braso si Doctor. Vargas. Ang kanyang kalahating mukha ay kasalukuyan ng nababad sa kanyang sariwang dugo. Kitang kita korin mula sa kanyang nanginignig na labi na gusto niyang mag salita pero hindi na nito kaya.

"Ano pong gusto ninyong sabihin?" Tanong ko ulit.

Bagkus ay inangat ni Doctor ang kanyang mapapayat na braso sa may ere. Itinuro niya ang isang bagay na kasalukuyang nasa ilalim ng isang nakataob na mesa.

Agad naman akaong nagtungo roon. Agad kong sinipat kung ano yun at dun ko lang nasilayan na ito pala ang aking cellphone.

Pinilit ko itong kunin kahit na maraming basag na bubog sa buong paligid. Ang mga maliliit na bubog rito ay tila mga karayom na tumutusok sa aking balat.

Mabilisan ko iyong kinuha. Basag na ang screen nito ngunit nababasa pa naman ang mga nakasulat. Agad akong bumalik kay Doctor. Vargas. Pinakita ko sa kanya ang screen ng aking cellphone sabay lip reading niya na. "Tawag."

"Anong tawag?" Gulo naman ng aking isipan.

Nagpunta ako sa call log at dun ko lang nakita ang pangalang nagpataas ng aking galit.

Walang iba kundi ang pangalan ni Katrina.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...
17.4K 646 29
Genre: Vampire/Fantasy Date Started: March 24, 2017 Date Finished: May 11, 2018
345K 8.1K 26
Highest rank: #1 in Paranormal. 🌸 Book cover credits to Coverymyst.
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...