Hunyango (Published under Bli...

By Serialsleeper

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... More

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
2 : Torryn Grove
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
7 : New kind of Burn
8 : Coocoo
9 : The Family
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
19 : Teamwork
20 : Hunyango
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

26 : The Lucky one

38.6K 2.5K 1.8K
By Serialsleeper

Chapter Theme : Down with the sickness - Disturbed


Savanna


Pilit kong pinipigilan ang mga luha habang tumatakbo sa gitna ng kakahuyan, ang tanging gabay ko ay ang liwanag na nagmumula sa maliwanag na buwan. Tumila na ang ulan ngunit hindi ang agam-agam ko.

Wala nang tiwala si Maya sa akin kaya nilayuan niya ako at isinama niya si Kelsey. Labag man sa kalooban ko, wala na akong nagawa pa lalo't tumakbo na si Maya palayo at isinama si Kelsey.

Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Naghahalo-halo na ang lahat sa isipan ko ngunit sa kabila nito ay hindi ko magawang mapagdudahan sina Kelsey at Maya. Sa puso ko, alam kong sila pa rin ang mga kaibigan ko. Hindi sila ang Hunyango.

Ang natira na lang sa isipan ko ay si Jimbo at Darius kasi hindi rin naman ito maaring si Scotty. At si Trick....

"Trick..." Tuluyang nangilid ang luha ko dahil sa pag-aalala para sa kanya. His entire immortal life, he's been stuck at the City of Westspring. This is his first time outside and I'm scared of what it will do to him. Will he perish? Will he be damned?

Nahinto ako sa pagtakbo nang mapagtanto kong nasa base camp na ako. Wala na ang mga dating tent nakatayo ngunit mayroon pa ring natitirang mga basura at kung ano-anong gamit sa paligid. 

"Trick! Scotty!" Wala sa sarili akong napasigaw.

Sa isang iglap nakaramdam muli ako ng presensya. Parang may nakatingin sa akin. Kagaya ng naramdaman ko nang unang gabi namin dito sa Mt. Torryn.

Mabilis kong nilibot ang paningin, pilit hinahanap ang kung ang pinagggagalingan ng presensyang nararamdaman ko ngunit wala akong ibang nakikita kundi kagubatang nababalot ng kadiliman.

Sa isang iglap, bigla na lang umihip ang napakalakas na hangin. Nakita kong gumalaw ang mga sanga, para bang pinaghihiwalay ng hangin ang mga ito upang mabigyan ako ng daan para dumaan. Nakunot ang noo ko.

"Y-you want me to go that way?" Wala sa sarili kong sambit.

Wala mang katugon ang aking tanong, sa di malamang dahilan tila ba may nag-uudyok sa aking sundan ito. My gut was telling me to follow the trail, so I did.

"Trick! Scotty!" Paulit-ulit kong tawag hanggang sa isang iglap ay may narinig akong isang tila ba malabong sigaw.

"T-tulong!"

Binundol ng matinding takot ang puso ko. Dali-dali akong kumaripas ng takbo patungo sa pinanggagalingan nito. Nagpatuloy ang ihip ng hangin na tila ba hinahatid ako at binibigyan ng daan kaya naman sinundan ko ito nang sinundan.

"Shit!" Napatili ako nang bigla na lang may kung anong pwersang tumulak sa akin paatras dahilan para bumagsak ako sa lupa. Humahangos akong bumangon at nagimbal ako nang makitang malapit lang ako sa isang bangin, kung nagpatuloy ako ay tiyak babagsak ako sa kamatayan ko.

Someone is looking out for me. Iyon agad ang napagtanto ko.

"Tulong!" Narinig kong muli ang boses ni Darius kaya kahit nalilito ay pilit pa rin akong bumangon at sinundan ang kanyang boses.

"Darius!" Nagimbal ako nang makita ko siyang nakasandal sa isang malaking puno  habang nakatarak sa kanyang tiyan ang isang malaking piraso ng kahoy. Wala sa sarili akong napatingala at nakita kong nakakabit pala ang piraso ng kahoy sa isang malaking sanga. It was a trap! Darius must've unknowingly triggered something causing it to launch and impale him to a tree!

"S-si Kelsey..." Hinang-hina nitong sambit. Dahil sa liwanag ng buwan, nakikita kong may mumunting dugong lumalabas mula sa kanyang bibig. 

"She's okay and you're going to be okay!" Mangiyak-ngiyak at nanginginig kong sambit. 

"I'm going to pull it out and I need you to move away, as fast as you can okay?!" Pilit kong nilunok ang aking hikbi at tinatagan ang boses. I can't be weak, especially now.

"I-ilayo mo si Kelsey dito... Umalis na kayo," pakiusap niya pero mabilis akong umiling.

"Not tonight! We'll all make it out alive!" giit ko at humawak nang mahigpit sa kahoy. "I'm going to pull it so move!" And with all my strength, I tried to pull it away from him.

I grunted so loud that it turned into a gutteral scream. Darius let out a sharp cry in agony as well.

Naramdaman kong unti-unti kong naingat ang kahoy na nakatarak sa kanya ngunit bigla na lang dumulas ito sa mga kamay ko dahilan para mabitiwan ko ito at muli itong tumusok nang mas malalim sa kanya.

Umalingawngaw ang ubod nang lakas na sigaw ni Darius dahil sa labis na sakit. Sa sobrang lakas pakiramdam ko'y rinig ito sa buong kagubatan. Nanuot sa kaibuturan ng pagkatao ko ang kanyang palahaw lalo't ako ang may kagagawan nito.

"Sorry! I'm sorry!" Tuluyan akong napaiyak. Pilit kong nilunok ang hikbi at pinunasan ang mga kamay ko. Humawak akong muli sa kahoy at umiiyak na napatingin sa kanya. "I'll try again, I'm sorry! I'll try again!"

Huminga siya nang malalim habang humihikbi. Nanginginig na siya dahil sa labis na sakit at naririnig ko ang pagpatak ng kanyang dugo sa damuhan.

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang presensyang kanina ko pa nararamdamang tila ba nakamasid at gumagabay sa akin. 

"I need you... Whoever you are, please help me," paulit-ulit kong bulong habang mas hinihigpitan ang hawak sa kahoy. Humugot ako nang malalim na hininga at buong lakas itong hinila. 

Nagulat ako nang maramdaman kong tila ba unti-unting gumagaan ang kahoy. Dumilat ako at mas inigihan pa ang paghila hanggang sa tuluyang mahugot ang napakatalim na dulo ng kahoy mula sa tiyan ni Darius.

Hinang-hinang bumagsak si Darius sa lupa ngunit kasabay din nito ang pagbulwak ng kanyang dugo at lamang-loob mula sa napakalaking butas sa kanyang tiyan.

Tila ba nanlambot ang mga tuhod ko lalo na nang makita ang ilan parte ng kanyang bituka na naiwang nakasabit sa talim ng kahoy. Tuluyan kong nabitiwan ang kahoy dahilan para muli itong tumarak sa puno at gumawa ng malakas at nakakakilabot na kalabog.

"Darius!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong humagulgol. Dinaluhan ko siya, lumuhod ako sa kanyang harapan at nakita kong panay ang kanyang pagsinghap. Nangingisay na rin siya.

Mariin akong napalunok at pilit na nilakasan ang kalooban. Tumayo ako at hinila ang bituka ni Darius na nakasabit sa kahoy at pilit itong ibinalik sa loob ng butas niyang tiyan. 

Sobrang lagkit ng aking mga kamay. Mainit at napakalapot ng kanyang mga bituka at dumudulas ito sa kamay ko dahil balot ito ng dugo. Gusto ko itong hawakan nang mahigpit upang huwag ko itong mabitiwan ngunit natatakot akong sumabog ito sa aking mga kamay.

Umiiyak kong ipinasok ang kanyang lamang-loob. Naririnig ko ang pagsinghap ni Darius at pati na rin ang patuloy na pagbulwak ng kanyang dugo. 

Nang sa tingin koy naipasok ko na ang mga ito, desperado kong idinampi ang mamasa-masa kong mga kamay sa butas niyang tiyan. 

"Work... you better fucking work," bulong ko sa pagitan ng bawat hagulgol.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at naramdaman ko ang napakatinding sakit na nanunuot sa aking buto't-laman. Napatili ako sa sobrang sakit ngunit pilit ko itong tiniis. Tumili ako nang tumili hanggang sa naramdaman kong tila ba yumayanig ang paligid at umaalingawngaw ang napakalakas na kulog at pitik ng kidlat.

Mula sa napakatinding sakit, nagtaka ako nang bigla akong namanhid. Huminto na rin ang mga pagyanig, pati na ang mga kulog at kidlat.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Hilong-hilo akong napatingin kay Darius at napasinghap ako nang makitang hindi tuluyang sumara ang sugat sa kanyang tiyan samantalang ang mata niya nama'y prenteng nakadilat sa kawalan.

"D-darius?" Pumatak ang aking mga luha. Inabot ko ang kanyang pisngi ngunit natigilan ako nang maaninag ko ang kulay ng aking mga kamay. Higit na mas itim ito at bakas na bakas ang makakapal na ugat na tila ba'y pumipintig pa. 

Naramdaman kong tila ba may kung anong pumapatak mula sa aking ilong, mata, at pati na rin bibig. Idinampi ko ang aking nanginginig at nanghihinang mga daliri at nakita kong dugo ito.

Sa sobrang takot ko sa aking sarili ay napatayo ako at  nagtatakbo. Halos madapa ako sa kakatakbo ngunit hindi ako humihinto. Pakiramdam ko'y mapupunit na ang puso ko sa labis na pighati. Isa na naman sa mga kaibigan ko ang namatay at hindi ko na naman sila nailigtas!

Takbo ako nang takbo kahit pa pasuray-suray na ako sa panghihina hanggang sa bigla kong naaninag ang isang taong nakahandusay sa gilid ng isang puno.

"N-nasaan ang mga kaibigan ko?!" Umiiyak akong napaluhod sa harapan ng sundalo. Namumukhaan ko siya... siya iyong sundalong umakyat sa Bus at nagbigay sa amin ng babala. Naalala ko na rin siya bilang ang lalakeng nakabangga ko sa restaurant kanina!

Hinang-hina niya akong pinagmasdan. Ang kanyang kamay ay nakapatong lamang sa kanyang sikmurang nagdurugo. 

Sa kabila ng kaibihan ng mga pamamaraan namin, alam ko namang hindi sila masasamang tao. Akmang idadampi ko ang kamay sa kanyang sugat nang umangat ang nanginginig niyang kamay at marahang iwinakli ito.

 "M-may hangganan ang kakayahan mo," aniya kasabay nang pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig. "K-kailangan mong ipasa ang sakit kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo."

"I-ipapasa ko sa Hunyango! Ipapasa ko sa kanya!" Walang pagdadalawang isip kong sambit. "Let me heal you!" giit ko sa kabila ng panghihina.

Umiling siya at ngumiti. "Gusto ko nang makita ang pamilya ko... A-ang kailangan mong gawin, patayin mo ang Hunyango at isuko ninyo ni Scotty ang kapangyarihan ninyo sa kumunoy... P-para sa kaligtasan ninyo, i-isuko ninyo..." 

His words began to slur. He was succumbing to his wounds with a smile on his face. 

I closed my eyes shut and choked back my tears. 

In my sluggish state, I tried to walk away but then I noticed the rifle right next to him. Dali-dali ko itong pinulot, ganoon din ang maliit na radyo sa kanyang bewang.

"Your death won't be in vain," pangangako ko bago ako naglakad palayo.

Parang bumbilyang unti-unting napupundi ang kamalayan ko pero sa kabila nito ay pilit akong lumalaban. Naiintindihan ko na ngayon sila, kung bakit gusto nilang isuko ko ang kakayahang ito... The way I heal is by absorbing and if I won't inflict it to others, it will only consume me. I know what it's like now... to die slowly and excruciatingly. 

Pasuray-suray akong naglakad, pilit binibilisan ang bawat hakbang sa kabila ng panghihina. Nakasabit sa balikat ko ang mabigat na rifle samantalang hawak ko naman ang radyo.

"Savi!" 

Mabilis akong napalingon at nakita ko si Jimbo na tumatakbo patungo sa akin. The way he moved looked like he was injured.

"B-bakit puro kulay itim ang mata mo?!" Bulalas niya agad nang makalapit sa akin. Bago pa man ako makasagot, bigla na lang tumunog ang radyo na hawak ko.

"Can anybody hear me?!"

Nagulat ako nang marinig ko ang desperadong boses ni Scotty mula sa kabilang dulo ng linya. Mula sa matinding pagod at sakit, napalitan ito ng tensyon at pagka taranta. 

"Scotty! Scotty! Where are you?! Are you with Trick?!" Bulalas ko agad.

"Savanna! Savanna asan ka!"

Halos maiyak ako nang marinig ang boses ni Trick mula sa kabilang linya. My heartbeat raced from the tension and desperation. 

"Nasaan kayo?! Nandito kami ni Jimbo! Mag-iingat kayo sa mga patibong! It got Darius! Hindi ko na siya nailigtas! Sinubukan ko pero.." my voice broke to a sob.

For a few seconds there was static on the other line and then I heard Trick scream.

"Savi, hindi siya si Jimbo! Nasa harapan namin ang lasog-lasog niyang bangkay!"

Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig at dali-dali kong nabitiwan ang radyo. Kasabay ng pagharap ko kay Jimbo ay ang pagtutok ko ng rifle sa kanyang direksyon ngunit mabilis niya itong winakli. Hinang-hina na ako kaya halos matumba ako sa kanyang ginawa ngunit sa kabila nito ay kinalabit ko ang gatilyo.

Umalingawngaw ang napakalakas na putok at bahagya akong napaatras dahil sa lakas ng impact.

Akala ko ay susugurin ako ng nilalang na kamukha ni Jimbo ngunit mabilis itong nagtatakbo palayo.

Nanginginig man ang aking katawan, pilit kong itinaas ang rifle at muling kinalabit ang gatilyo. My skin burned at the tension that I found myself pulling the trigger over and over again, desperate to hurt or at least clip him.

Hahabulin ko sana siya. Nakakailang hakbang na ako nang muling tumunog ang radyo.

"Makinig kayo sa akin! The Lab results came in" boses ni Inspector Gretchen ang lumabas mula rito.

Nilingon ko ang radyo at nalaglag ang aking panga sa mga sumunod niyang sinabi.

"Babae ang kasarian ng piraso ng bangkay na natagpuan! Babae ang Hunyango!"

Sa sandaling iyon, tila ba pinagpira-piraso ang puso ko sa napagtanto.


***


Panay ang pagtakas ng aking luha habang tumatakbo sa maputik na kakahuyan bitbit ang rifle. Hindi maalis sa isipan ko sina Kelsey at Maya. Ang mga matalik na kaibigang halos ituring ko na ring kapatid. 

Saksi kami sa lahat ng mga masasaya at malulungkot na sandali ng isa't-isa. Through the good and the bad, we always had each other to lean on. Hindi perpekto ang bawat sandali pero ni minsan, hindi sila nabigong iparamdam sa akin na mahal nila ako. At mahal na mahal ko rin sila.

"Darius!"

Nahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Maya. Nilunok ko ang aking hikbi at hinayaan ko ang luhang umagos habang sinusundan ang pinapanggagalingan nito.

Muli, tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makita ko si Maya na nakaluhod sa harapan ng bangkay ni Darius. 

Unti-unting nag-angat ng tingin si Maya sa akin. Bumuka ang kanyang bibig ngunit bago pa man siya makapagsalita, umalingawngaw ang isa pang palahaw.

"Darius!"

Umiiyak na dumating si Kelsey at paluhod na bumagsak sa tabi ni Darius. 

"Baby! Baby wake up!" Umiiyak na pagdadalamhati ni Kelsey habang tinatapik ang pisngi nito. Mabilis naman na yumakap si Maya kay Kelsey at inalo ito.

Lalo akong nanginig habang pinagmamasdan sina Maya at Kelsey. Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Takot na takot ako at litong-lito. Napakasakit.

Sa isang iglap ay bigla akong may napagtanto.

Mabilis kong itinaas ang hawak na rifle. Umiiyak ko itong itinutok sa kanya. Pilit kong nilunok ang aking hikbi habang mas hinihigpitan pa ang hawak dito.

Masakit man sa aking kalooban, kinalabit ko ang gatilyo. 

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang walang balang lumabas mula rito.  Biglang napatingin sa akin si Maya at mabilis na tumayo.

"Savanna! Ano bang--"

Sisigaw sana ako... isisigaw na lumayo siya kay Kelsey ngunit bago ko pa man ito magawa, mabilis na tumagos ang napakatalas na mga daliri ni Kelsey mula sa kanyang likod patungo sa kanyang sikmura. Agad na bumulwak ang napakaraming dugo pati na ang bituka pababa sa kanyang katawan, kasabay ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig.

"Maya!" Ubod nang lakas akong napahiyaw.

"Looks like i'm the real lucky one here," ani Kelsey sa seryosong boses at kasabay nito ang pagiging kulay pula ng kanyang mga mata.



| End of 26 - Thank you! |

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 625 15
Basahin ito mabuti dahil ito ay istorya mo. Kasunod na istorya ito ng Seen 10:27pm
176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
210K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"