Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Note
Announcement

Epilogue

11.9K 362 127
By allileya

JUSTICE BINX

"Emergency!" malakas na sigaw ko nang makapasok na kami sa loob ng ospital. May agad namang lumapit na isang nars sa amin. "Tell your doctor that she lost her consciousness because of her allergy."

Mas mabuti na iyon na lang ang sabihin ko kaysa sa sabihin kong nawalan siya ng malay dahil nauntog ko ang ulo niya sa pader.

"What kind of allergy po, Sir?"

"Just do your job! Damn it!" I said rigidly and furiously. Tatanong-tanong pa kasi.

"S-Sige po, Sir. This way po." Nataranta naman ang nars kaya iginiya niya na kami sa isang kuwarto. "Sir, kailangan niyo pong fill up-an muna ito."

I looked at her coldly, "No need. I'm her boyfriend."

"But sir-"

"Related pa rin ako sa kanya kahit na anong sabihin mo so shut the f*ck up."

"O-Okay po. Uhm, ito po pala 'yong cellphone niya. Mukhang nabasa po pero gumagana pa rin naman po," sabi pa ng nars bago siya umalis.

Naupo ako at binuksan ang cellphone ni Eve. I thought it has a pin code or password but I opened it easily by just swiping it to the left. Tss. Careless.

Napatigil ako nang bumungad sa 'kin ang wallpaper niya. Masayang-masaya siyang nakangiti habang nakatingin sa mga magulang niya. It's a happy family picture na wala ako at kahit kailan man ay hindi ko makukuha.

Agad kong hinanap sa contacts niya ang number ng mga magulang niya. Sinubukan kong tawagan ang daddy niya pero hindi sumasagot so I decided to call her mom, instead.

"Sweetie?"

"Hello, Ma'am. This is Binx Cristobal. Ako po ang nagdala sa hospital sa anak niyo because of her outbreaks due to allergy."

"What?! Oh my, saang ospital, hijo?! Is she okay? What happened? Papunta na kami riyan, wait for us, okay? Thank you for calling and telling us."

Napabuntong-hininga na lang ako nang maputol na ang tawag. Her mother is so worried. I just hope that she gets better after this.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto niya at inilapag sa mesa ang cell phone niya. Aalis na sana ako nang mapatigil ako.

I scanned her face down to her body and stopped as I came back to her face. She has a thick eyebrows and long eyelashes. Her nose is pointed too and she has a thin and red lips. She has a natural rosy cheeks that highlighted her heart-shaped face. Her skin is as white as snow and her very long hair suits her best. F*ck! She's very pretty. Flawlessly pretty.

Pumikit ako at binasa ang labi ko gamit ang dila ko. I ran my fingers through my hair, problematically. Tiningnan ko ulit siya bago ako lumabas at umalis ng ospital.

"Sorry po," sabi ng babaeng nakabangga sa 'kin isang araw sa convenience store. Boses palang ay nakilala ko kaagad siya kaya imbes na magalit ay hindi ko mapigilang mapangisi. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago tuluyang pumasok sa loob. She's soaking wet because of the rain and I also noticed some hives on her neck.

My brows creased.

Nakalabas na agad siya ng ospital? That was fast, but I don't think she's been treated well.

Binuksan ko ang canned beer saka inilagok ito. Biglang may bumalik na alaala sa akin na siyang ipinagtaka ko. Tumingin ako sa loob ng convenience store at hinanap siya. Nilagok ko ulit ang beer bago ito itinapon sa basurahan malapit sa may pintuan at saka na pumasok.

May nakita akong isang bucket ng yelo na natutunaw na ang ilan. Walang pakundangan ko itong kinuha at pinuntahan siya. I just want to confirm something. Agad ko iyong ibunuhos sa kanya na siya namang ikinagulat at ikinataranta niya. Narinig ko ring nahulog ang cell phone niya sa sahig pero nanatili ang tingin ko sa kanya at hinintay ang mangyayari.

"Seriously, dude?! What is your problem?!"

"Are you sick?"

I want to know if it's true. If my hunch is true.

"What?"

"Tsk. Are you deaf?"

"What?!"

"Stupid," tanging nasabi ko bago ko siya talikuran. Mukhang wala naman akong makukuha na matinong sagot sa babaeng ito. Mainit din ang ulo niya dahil sa nangyari kaya papalagpasin ko na muna ito.

Damn! I know that what I did was wrong! Pero nagawa ko na kaya wala na akong magagawa pa.

I looked at her for the last time and I saw how mad she is. F*ck!

"Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga?"

F*ck it! Bakit ba kasi hindi mo makita na allergic ka sa tubig? Or it's just me? Damn! Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ko pinag-aaksayahan ng oras ang bagay na wala namang kasiguraduhan? Tss.

"Damn you..." she whispered as she ran away. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko ang pagsuong niya sa ulan.

"Sh*t!" Marahas akong napakamot sa ulo at napasuntok sa lamesa na nasa harapan ko. Agad akong lumabas at nang makakita agad ako ng payong ay kinuha ko iyon.

Nang maabutan ko siya ay agad akong nilamon ng konsensiya ko kasabay ng pagkirot ng dibdib ko. Damn it! Sana pala hindi ko na lang iyon ginawa at pinabayaan ko na lang siya.

I also met her friend on that day pero unang kita ko palang sa kanya, alam ko nang may kakaiba sa kanya. Hindi ko rin maiwasang magalit nang makita ko kung paano niya tinulungan si Eve at iiwan lang ito sa sahig na parang hayop. Is that how she treat Eve? Tss. Well then, she doesn't deserve to be treated in a good way especially when it comes from Eve.

Habang papunta sa ospital ay pansin ko na titig na titig siya sa 'kin at para bang ayaw niya na akong pakawalan pa. That behavior of her is also the same to the girls that has a crush on me. She also asked my name but I'd rather not to tell her. Hindi rin ako interesado sa kanya.

I called Von to fetch me in the hospital. Pinuntahan niya naman agad ako at nang makarating kami sa bahay niya ay wala akong sinayang na oras para gawin 'yong gusto kong gawin. I searched about the water allergy. Articles, videos and pictures. The hives are the same as to what Eve has. So, I am right but I just made it worst. How stupid of you, Binx.

"Bro, this is a very rare case. Why don't we do some investigations or video Eve and tell to the world about the case? We can earn big money bro! It can-"

"Shut the f*ck up, Devon." Nagpantig ang tainga ko sa tinuran ni Von kaya agad akong nakaramdam ng inis sa kanya that's why I don't trust him when it comes to this. Hindi niya siniseryoso ang mga bagay-bagay and it f*cking annoys me. Kailan ba ito makakahanap ng katapat niya? Damn! Rinding-rindi na ako sa mga salita at biro nito.

Kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kanya kahit na ganyan siya. He understands me the most more than I understand myself. He knows everything about me. Kaya pinalagpas ko ang mga sinabi niya at umalis na lang sa kanila dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Hurtful words are enough.

"Let's go to the hospital," I said to Von, wanting to visit Eve so badly.

"Ayoko. Pagkatapos mo akong pagsalitaan ng masasakit na salita ay ganoon na lang iyon kadali? A.YO.KO. Kuha mo?" 

Tss. Childish.

"Fine."

Nabalitaan ko kasing ilang araw na siyang naroon pero hindi man lang ako makapagbisita dahil sa nagui-guilty ako sa ginawa ko. Damn! It's my fault. Pinalala ko lang ang lahat. That's why I want to see her... to apologize.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang pinag-uusapan ng ibang mga estudyante tungkol kay Eve. They are planning to visit her today. At ito na ang magiging pagkakataon ko para makabisita rin sa kanya. Hindi ko ito sasayangin.

"Uy, Reanna pupunta ka rin ba sa hospital para bisitahin si Eve?"

"Of course. She's my best friend. And Tita Monroe said that she's already awake-"

"Guys! Tamang-tama ang punta natin! Gising na raw si Eve!"

So, she's awake, huh? I'm sure na makikilala niya ako and she'll blame me for what happened to her. F*ck! Huwag na lang kaya akong tumuloy? But damn it, I want to see her kahit na segundo lang.

Umalis na ako roon nang makita ko ang paparating na si Von. Nag-ikot ikot ako sa eskwelahan namin, nag-iisip kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Ayoko rin naman kasing dumagdag pa ang pasanin niya. I know I am at fault and I can't help to blame myself over and over again. I've been sleepless for days and it really bothers me knowing that I became like this because of that girl.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ulit sa may ground si Von na may kasamang babae. Agad ko silang nilapitan at poker face na pinagmasdan kung ano man ang ginagawa nila.

"What are you doing?"

I felt her stiffness over something. Meanwhile, pinagtaasan ko na lang ng kilay si Von. Nang makita ko na kung sino ang kasama niya ay bigla na lang nag-iba ang mood ko. Agad kong sinabi kay Von na pupunta kami sa hospital ngayon at kung tatanggi siya ay talagang tapos na ang pagkakaibigan namin kaya wala siyang choice. Tumambay muna kami sa loob ng sasakyan ni Von at hinintay na umalis ang mga bumisita kay Eve na ka-schoolmates namin. Nakita ko rin ang paglabas ni Reanna sa hospital pero binalewala ko iyon. Pumasok na kami at agad tumungo sa kuwarto ni Eve.

"Another schoolmate or classmate of Eve? I'm sorry but we're not-"

"Pardon, Mr. Hutton, but we're Eve's friends and we're here to visit and give her these. Please let us..."

It's a lie and not a good excuse, either. But, I really want to see her even just for this day. Damn it! Am I that desperate? Hindi. May kasalanan ako kaya ganito na lang ang inaasal ko. It's also glad to know that Eve's parents remember me as the one who helped her but not as the one to blame.

I maintained my composure dahil kinakabahan ako at hindi ko alam kung pano ko patutunguhan ang mga magulang ni Eve.

While looking at her lying on the bed unconscious, my breathing hitched and my heart pounds so fast. She looks so pale and thin. She looks so fragile. I closed my eyes ragely. I don't want to see her like this. I don't want to see her suffering like this. She doesn't deserve to be here. I looked at her once again and crouched to reach for her ears.

"I'm sorry. Let me carry your burdens, Eve. Please, wake up..."

After telling those words to her, lumabas agad ako ng kuwartong iyon at hindi na nakapagpaalam pa sa mga magulang ni Eve.

"F*ck it!" napasigaw ako sa hallway habang naglalakad at napatigil para suntukin ang pader.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na nagawang lubayan si Eve. Palagi akong pumupunta sa ospital para matingnan siya at alamin ang kalagayan niya. I watched her took those goddamn therapies and medications and I don't see the effectiveness of it to Eve. And it's getting hard every single day watching her. Gamit na gamit na ang katawan niya at sobra na siyang nangangayayat. Lalo lang siyang nahihirapan at nasasaktan.

One day, while walking towards Eve's room ay patindi nang patindi ang kabang nararamdaman ko. I stopped when I heard her voice full of anger. Rinig na rinig ko ang bawat katagang binibitawan niya at ramdam ko ang sakit at galit doon.

Tumalikod ako nang makita ko ang paglabas ni Mr. Hutton sa kuwarto at ilang minuto lang ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga nurse at doctor kasama si Mr. Hutton. Mas lumapit pa ako sa may pinto at sumandal sa pader. I heard her shout as I closed my eyes. Alam kong tinurukan siya ng pampakalma kaya hindi ko maatim kung bakit kailangang gawin pa iyon. Let her realize and know the truth.

Nang hindi ko na nakayanan ay pumasok na ako sa loob at agad kong nakita ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya.

"Binx?" Mrs. Hutton said, shockingly. "You're here to visit Eve? Pasensiya na at kailangan mo itong makita. Kinailangan lang naming gawin iyon para makapagpahinga ulit siya. Mas masakit siyang makita na hirap niyang tanggapin ang sinapit niya."

"We're doing our best to treat and comfort her. Hindi rin namin ito gusto. Iniisip lang namin ang kapakanan niya," si Mr. Hutton naman.

Hindi ko nagawang makapagsalita. Kahit na anong pilit ko ay patuloy na bumabalik ang ginawa ko noon sa kanya na siyang patuloy akong pinapahirapan at sinasaktan. I regret it so much. Because of my greediness of wanting to know the truth, this happened.

Lumabas kami sa kuwarto at doon nakapag-usap.

"You like our daughter." 

That was a statement from Mr. Hutton when I was about to sit.

"Yes, Sir," walang pag-aalinlangan kong sabinang makatayo ako ng tuwid.

Para saan pa kung patuloy ko itong itatago?

I know to myself that I like her ever since I first saw her. Sa una akala ko attracted o interesado lang talaga akong makilala siya pero habang tumatagal, gusto kong palagi na akong nasa tabi niya at gusto kong palagi ko siyang nakikita. Alam ko rin na nahalata na iyon ng mga magulang niya kasi palagi akong nandito sa ospital. Ang buong araw ko ay dito ko na inuubos and I didn't regret it. Ang totoo nga niyan, gusto ko itong ginagawa ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong nakikita ko siya kahit papaano.

"I see," si Mr. Hutton.

"But, you know Binx, she's our only daughter and I don't want to see her hurt because of a guy," aniya Mrs. Hutton.

I smiled, "I will never hurt her. I will love her unconditionally."

"We hope so," Mrs. Hutton saka ako binigyan ng makahulugang ngiti.

"By the way, who are your parents?" Mr. Hutton asked out of nowhere. Sasagot na sana ako nang tawagin sila ni Dr. Aguillard.

Pumasok ulit ako sa kuwarto ni Eve at binantayan siya habang wala pa ang mga magulang niya. Tahimik akong naupo habang nakatingin sa kanya. Sa loob ng ilang oras ay ganoon ang naging ayos ko. Dumating na rin ang mga magulang niya pero hindi pa rin siya nagigising.

Lalabas na muna sana ako nang magising na siya kaya agad naman siyang dinaluhan ng mga magulang niya pero itinaboy niya lang ang mga ito na siyang ikinakunot ng noo ko. Nang kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kuwarto ay hindi ko maiwasang tanungin siya.

"What happened to you?"

You're not the same Eve that I met. Nang makilala mo ako at magkaroon ka ng sakit na ganito, naging iba ka na.

"Sh*t!" she cursed. Nagulat ako ng panandalian sa tinuran niya pero agad din naman iyong nawala. Hindi bagay sa kanya ang nagmumura at hindi ako sanay na nagmumura siya. Para kasing wala iyon sa personality niya.

People do really change when they got hurt and even worse when their emotions overpower them. And I'm afraid to see that to Eve. No, I don't want to see that to Eve.

After lecturing her, she realized that what she did was wrong. Mabuti naman.

Sa ginawa kong iyon, hindi ko alam na doon na rin pala magsisimula ang pagbabago ng buhay ko. Binigyan niya ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa kanya at hindi nagtagal nang sagutin niya rin ako. Damn! That was the happiest day of my life.

Lahat ginawa ko para mapasaya siya at hindi na bumalik 'yong mga negatibong bagay na bumabalot sa kanya noon. Hindi ko siya pinabayaan. Palagi lang akong nasa tabi niya lalo na kapag may therapy siya.

She changed me. No, she's the reason why I changed. I'm free to do everything when I'm with her. Para bang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko. I find a home with her and the feeling of having a true and happy family. Kapag kasama ko siya, wala na akong mahihiling pa.

F*ck! I'm so in love with her. I don't want to lose her anymore. I will marry her and have our own family too. I will give everything I can to her.

Nang bumisita si Reanna ay mas lalo siyang naging masaya at mas inisip niya pa ang kalagayan ni Reanna. She's worried sick at halatang-halata iyon sa kanya. She's very fragile and conspicuous. Wala siyang kahit na anong maitatago sa 'kin.

"Eve!"

Isa sa mga bagay na ikinakatakot kong mangyari kay Eve ay nangyari. Bigla akong nawala sa sarili ko nang makita ko siyang magka-seizure.

Damn it! I feel so weak seeing her like that. Para bang paunti-unting gumuguho ang mundo ko na unti-unting nabubuo simula nang dumating siya sa buhay ko. Habang nakatingin sa kanya ay naramdaman ko na lang ang biglang pagpatak ng mga luha ko.

Fight, Eve.

Mayamaya lang ay nagising na siya and sadness is very evident to her face na kahit na anong tanggi niyang okay siya ay hindi ko iyon nakikita pero mas pinili kong paniwalaan iyon kahit na masakit at sobrang bigat sa pakiramdam.

I know how hard this is for her and I wish to carry all of her burdens. Please, ako na lang ang pahirapan ng mundo. Ako na lang. Nang hindi ko na talaga napigilan ay lumabas ako sa kwartong iyon at tumakbo papunta sa rooftop ng ospital. Paulit-ulit kong sinuntok ang pader at sumigaw ng walang pakundangan.

"F*ck! Of all people, why her?! Why?!"

Napatigil ako nang bigla akong makaramdam ng panghihina. Naupo ako sa malamig na sahig at tahimik na umiyak. Bago bumalik sa kuwarto niya ay pinagamot ko muna 'yong sugat sa kamao ko. Hindi rin muna ako pumasok, hinintay kong makatulog muna silang lahat.

Nanghihina at pagod kong binuksan ang pinto. Bumungad sa 'kin ang babaeng nakapagpabago ng mundo ko. Mahimbing na ang tulog niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinaplos ang pisngi niya bago ko siya hinalikan sa ulo. Lalabas na sana ulit ako nang mapatigil ako. Naupo na lang ako sa sahig at sumandal sa likod ng pinto. Habang nakatitig sa kanya ay hindi ko ulit maiwasang maiyak. Napahawak ako sa ulo ko saka yumuko.

Damn it! Ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. It f*cking hurts me so bad and it drives me crazy.

It was during our graduation day when Reanna tried to talk to me.

"I like you, Binx."

Napatigil ako nang marinig ko iyon galing sa kanya. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. F*ck! Pumunta ako sa room namin dahil gusto kong mapag-isa but this girl keeps on bothering me and it f*cking annoys me.

What's the point of telling that to me? Sa simula palang alam ko na. Tss. So, I'm trying hard to avoid her as much as possible.

"Please, Binx. Give me a chance. I really like you," she begged.

Pagod kong inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko saka ulit siya hinarap.

"I love Eve." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya pero kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-iba ng ekspresyon.

"Eve, huh? Bakit ano bang meron sa kanya na wala ako? Kung tutuusin mas magaling pa ako sa kanya."

Unti-unti siyang lumapit sa 'kin saka hinaplos ang pisngi ko at hahalikan niya na sana ako nang umiwas ako.

"Marami."

"What?"

"Let me put it this way, you're nothing compared to her so stop this nonsense thing already dahil hinding-hindi mo ako makukuha sa kanya," tiim bagang kong saad sa kanya.

Nasa may pintuan na ako nang isigaw niya ulit ang pangalan ko. F*ck!

"Binx, please. Ako na lang. Ibibigay ko sa 'yo lahat, piliin mo lang ako. Please."

Hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa 'kin. Nagulat ako nang yakapin niya ako patalikod at ang kamay niya ay kung saan-saan na nakakarating. Nahawakan ko ang kamay niya nang bumaba iyon sa may pagkalalaki ko.

Humarap ako sa kanya at marahas na hinawakan ang kamay niya.

"Ito ba? Ito ba ang gusto mo?" malamig na tugon ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa kamay niya.

Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa hilahin ko siya palapit sa 'kin. Hinawakan ko ang baywang niya at marahas siyang hinalikan. Hindi ko maiwasang ngumisi nang maramdaman ko ang pagtugon niya sa halik na ibinibigay ko sa kanya.

You're so desperate, Reanna. I pity you.

Naramdaman ko na parang may nakatingin samin sa may pinto kaya napatigil ako at tumingin doon pero wala namang tao.

F*ck! Mali ito.

Inayos ko ang damit ko at pinunasan ang labi kong mamasa-masa pa nang mapagtanto ko kung ano ang nagawa ko. Lalabas na sana ako nang pigilan niya ulit ako. Kinuha niya ang kamay ko at agad inilagay sa hinaharap niya.

"What the f*ck, Reanna?!"

"Binx, this... this is all yours. Ginusto mo naman ang nangyari, 'di ba? Ibig bang sabihin nito, ako ang pinipili mo? Please Binx, tell me. Ako ba?!"

Napapikit ako nang mariin dahil sa tinuran niya at nang hindi ko na makontrol ang emosyon ko ay nasigawan at nasaktan ko na siya.

"Damn it, Reanna! Ano bang hindi mo makuha sa mga sinabi ko sa 'yo? Huwag mong ipagmalaki na may nangyari satin dahil 'yon, kagustuhan mo lang 'yon. Tawag lang ng laman 'yon. At kahit na katiting, wala akong gusto sa 'yo."

Binitawan ko ang kamay niya nang makita kong maluha-luha na siya.

"Talaga ba, Binx? Kung wala ka talagang gusto, hindi mo iyon magagawa sa 'kin! Naramdaman ko kung gaano ka-"

"How desperate can you get, Reanna." Huling sinabi ko bago ako tuluyang lumabas sa room na iyon.

Habang papalapit sa may hagdan ay rinig na rinig ko na ang ingay na nagmumula roon. Nagtaka ako nang makita ko ang kumpol ng tao roon na nakapalibot sa kung sino o ano pero mas lalo akong nagtaka nang marinig ko ang pangalan ni Eve sa kung sino man.

Agad akong tumakbo palapit doon at nakisiksik. Wala na akong paki kung sino ang matamaan ko. Bumungad sa 'kin ang nakahandusay na katawan ni Eve at agad namang bumalik sa isipan ko 'yong nangyari kanina.

"F*ck!"

Agad ko siyang binuhat at dinala pabalik sa ospital. Nanatili akong nakatayo habang nakatanaw sa kanya. Naramdaman ko na lang na may luhang kumawala sa mga mata ko.

"F*ck! F*ck! F*ck!" paulit-ulit na sambit ko habang ginugulo ang buhok ko.

Mayamaya lang ay dumating na ang mga magulang ni Eve. Agad akong lumapit sa kanila at lumuhod habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"What are you doing, Binx? What happened?" takang tanong naman ni Mrs. Hutton pero hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy lang ang paghingi ng tawad sa kanila.

Lumuhod si Mr. Hutton para magkalebel kami at agad niya akong kwinelyohan. Natigil ako at tanging iyak lang ang nagawa ko, hindi makatingin ng diretso sa kanila.

"I broke my promise... I'm really really sorry, Mr. and Mrs. Hutton. Nasaktan ko ang anak niyo. I-I'm sorry," utal-utal na sabi ko sa kanila saka na napahagulhol. Naramdaman ko ang pagtama ng kamao ni Mr. Hutton sa kanang pisngi ko.

"Pinuntahan ka ng anak namin dahil gusto niyang makita ang pagtatapos mo pero anong ginawa mo? Binalik mo siya ritong ganoon ang kalagayan niya? What did you do to her, Binx?! I trusted you!" Galit na galit si Mr. Hutton. Lalo lang akong napahagulhol.

"Where is she?" Mrs. Hutton asked.

"Nasa kuwarto po niya," I stuttered as I felt my lips quivered.

Biglang tumahimik ang paligid sa pag-alis nila. Dahan-dahan akong tumayo at tumungo sa isang bench para maupo. Napapikit ako habang pinapalis ang mga luha sa pisngi ko saka napayuko.

Kinausap ulit ako ng mga magulang ni Eve bago sila magpaalam na uuwi muna sila. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Eve at agad kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko nang makita ko ulit ang kalagayan niya.

Nang makalapit ay agad na namang bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay niya at ilang beses itong hinalikan habang humihingi ng tawad sa kanya kahit na hindi niya ako naririnig. Sising-sisi ako sa ginawa ko. F*ck!

Nagising siya pero pinili kong iwasan 'yong nangyari na iyon dahil baka lalo lang makasama sa kalagayan niya pero mukhang kahit na anong gawin ko ay hindi na iyon maaalis pa sa utak niya. Isa na naman iyong panibagong trauma sa kanya. Alam kong masakit iyon para sa kanya pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon at kasalanan ko ang lahat na ito. Kasalanan ko.

Lumabas ako sa kuwarto niyang iniwan na naman siya ng panibagong sakit. Bullsh*t! What is happening to me? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Nagawa ko 'yon dahil mahal kita..."

No. I did it for myself. I did it for my personal purposes at hindi man lang kita inisip at kung ano ang mararamdaman mo. Damn! I really am so selfish!

I'm sorry, Eve.

Three words lang iyon pero bakit napakahirap sabihin pagdating sa kanya? Damn it! Mas lalo ko lang pinapalala ang lahat.

Ilang beses naming pinag-awayan 'yon at hindi ko siya mabigyan ng matinong dahilan. Hindi ko maipaliwanag sa kanya ang totoong nangyari. Hinayaan ko na muna siyang magalit at isipin kung ano ang gusto niya. Kakausapin ko muna si Reanna. Gusto kong maayos ang lahat. Ayoko ng ganito. Ayokong nakikita siyang ganito. Masyadong masakit at mabigat sa loob.

Sobra-sobrang pagsisisi ang nanunuot sa akin ngayon.

Days passed nang sabay naming puntahan at dalawin si Eve ni Reanna. Pumayag ako dahil hindi ko na matiis si Eve. Gusto ko nang maayos ang nagawa kong mali. Hindi, nagawa naming mali ni Reanna. Damn it! Hindi naman ito mangyayari kung hindi ko pinatulan ang mga salita ni Reanna sakin.

Sa pagbukas palang ng pinto ng kuwarto niya ay nakita ko na agad siya. It pains me knowing that she's been here for a very long time because of me and it pains me more seeing her mad at me. Damn! I want to beg for her forgiveness. I want to hug her so tight right now. But I can't. I couldn't.

"Binx, baka masugatan ka..." Narinig kong sabi ni Reanna pero binalewala ko iyon pero hindi ko naman aakalain na pati iyon ay mag-ti-trigger sa galit ni Eve.

"Sana ako na lang pala si Binx, 'no?"

I stopped from what I am doing.

"Dahil kahit papaano ay concern ka... but I hate the part that Binx f*cked you-"

"Eve!"

Damn it! I knew it! Iba ang iniisip niya tungkol sa nangyari. Lalo akong nasasaktan kapag naiisip ko 'yon dahil pinapamukha niya sa 'kin na wala siyang tiwala sa 'kin and that I'm not faithful to her. Hindi niya sinubukang pakinggan ang panig ko. Mas iniisip niya ang galit at sakit na naramdaman niya. Mas pinapaniwalaan niya ang sarili niyang paniniwala tungkol sa nangyari.

"What?! Gusto mong maniwala agad ako sa 'yo at patawarin ka?! At... ibalik lahat sa dati na parang walang nangyari?! Ganoon ba, Reanna?! Ganoon ba?! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon, matatanggap mo ba agad ang nangyari?! Hindi, 'di ba?! Kaya huwag na huwag mo akong pangunahan dahil wala kang alam sa nararamdaman ko! Ginusto mo ang nangyari dahil hindi iyon mangyayari kung walang nag-initiate sainyo! Tapos ngayon ako pa ang pagmumukhain ninyong masama?!"

She's fuming mad. Kahit na anong paliwanag at hingi ng tawad ni Reanna ay hindi siya pinapakinggan ni Eve.

Damn it! Akala ko maaayos na pero parang mas lalong nagulo. Mali talaga na nagpunta pa kaming sabay dito ngayon lalo na't masyado pang fresh ang mga nangyari. Sinabihan ko na si Reanna pero hindi siya nakinig.

"Eve!" Nataranta ako nang makalapit ako sa kanya. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot. We just made it worst. Damn! 

"Tumawag ka ng doktor! Reanna! Call a doctor!" paulit-ulit na sambit ko kay Reanna pero parang wala siyang naririnig.

"Eve! Eve! Damn it! Genevieve! Don't... f*cking sh*t!" I cursed several times while calling her name and crying like an idiot, doing nothing to get her some help. F*ck! Dapat na tumawag na ng doktor si Reanna dahil kung hindi. Sh*t! Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. Hindi niya basta-basta matatakbuhan ang problemang ginawa niya!

Pagkatapos ng nangyari ay agad kaming kinausap ng doktor.

"The truth is... Genevieve Hutton developed another disease. I mean, it's not that totally disease. It's called melanoma, a skin cancer caused by her therapies every week."

My heart skipped a beat and my mouth was left open, muntikan na rin akong mawalan ng balanse, hindi masukat kung ano ba dapat ang maging reaksiyon ko sa sinabi ng doktor.

Nakinig lang ako sa mga ibang detalye na sinabi ni Dr. Aguillard habang iniisip si Eve. Hindi naman ganoon kalala 'yong pangalawang sakit niya but f*ck, sobra akong nag-aalala sa kanya. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko na alam kung kakayanin pa ba ni Eve na malaman ang lahat ng ito knowing that her life is already at peak, konti na lang ay alam kong bibigay na siya at 'yon ang sobra kong kinakatakot na mangyari. Baka hindi ko kayanin na makita siyang unti-unti nang nawawalan ng lakas ng loob at pag-asa.

"Sasabihin niyo ba o hindi? Kaya ko namang tanggapin, eh. Kahit ano pa 'yang pasakit, tatanggapin at tatanggapin ko kung 'yon nga talaga ang nakatadhana sa 'kin..."

F*ck, ito na nga ang sinasabi ko.

Lumabas ako sa kuwartong iyon para hindi ko na masaksihan ang unti-unting pagguho ng mundo ni Eve. Papunta sana ako sa rooftop ng hospital pero napatigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa chapel. Pumasok ako at agad na napaluhod dahil sa panghihina.

"Hindi ko alam kung tama bang hilingin ko ito sa 'yo. I have faith in you. So, please, save Eve. Save Eve no matter what. Release her from the chains of burden that's keeping her weak and pale. I know that this is part of your plan for her but please, stop it already. I've seen worst. Hindi pa ba sapat iyon?"

Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tulong sa Kanya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa mga oras na ito. Iniisip ko lang si Eve. I know I'm being selfish but damn it, gusto ko lang mabalik ang normal na buhay niya. I want to see her genuine smile again. I want her to breathe without feeling any sorrows and sufferings.

Hindi ko inalintana ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Nakatingin lang ako sa cross na nakasabit sa dingding habang sinasabi kung ano man ang mga nararamdaman at kahilingan ko sa Kanya.

Nagtagal ako ng ilang oras doon bago ko napagdesisyonang bumalik sa kuwarto ni Eve. Naabutan kong nag-uusap sina Mr. and Mrs. Hutton kaya hinintay ko munang matapos sila bago ako tuluyang pumasok.

"Binx, you're here. Saan ka galing?" ani Mrs. Hutton.

"Sa chapel po. Kumusta po siya?" Lumapit ako kay Eve saka naupo sa tabi niya. 

Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko agad ang pagbuhos ulit ng mga luha ko habang hinahalikan ko ang likod ng palad niya.

"She's already asleep. Kanina nang malaman niya ang pangalawang sakit niya, wala siyang naging reaksiyon, Binx. Hindi siya nagsalita o nagwala o kahit man lang na umiyak. Wala Binx. At sobrang sakit 'non sa amin dahil senyales iyon na napagod na siya..." Mrs. Hutton's voice cracked at nang tumingin ako sa kanya ay tuloy-tuloy na naman ang agos ng mga luha niya. Agad akong umiwas ng tingin pero kita ko sa peripheral vision ko ang pag-alo ni Mr. Hutton sa asawa niya.

Walang ni isang nagsalita sa amin pero maririnig sa loob ng kuwarto ang bawat hagulhol ni Mrs. Hutton na puno ng iba't ibang emosyon. I ran my fingers through my hair. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay saka ipinatong ang noo ko roon. Bumalik ako kinabukasan. Akala ko makakausap ko na ulit siya. Pero bigo ako nang makita ko siyang nakatulala lang sa kawalan habang tinuturukan siya ng kung ano-ano ng nurse.

Lumipas ang isang linggo pero walang nagbago. Hindi pa rin namin siya makausap hanggang sa magtuloy-tuloy na ito at umabot na ng isang buwan. Sa bawat pagpasok ko sa pinto ng kuwarto niya ay nanghihina ako. Araw-araw nakikita ko siya pero hindi iyon sapat dahil araw-araw niya ring pinapaalala sa 'kin 'yong kinakatakot ko na mangyari, nangyayari na. Wala siyang kibo at imik kahit na anong kausap namin sa kanya. Minsan makikita na lang namin siyang lumuluha pero walang kahit na anong emosyon ang makikita sa kanya.

Damn! That f*cking hurts me more na para bang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang puso ko habang nasusunog sa apoy. Para na akong mababaliw kapag nakikita ko siyang ganito. Umalis man ako ay nasa isip ko pa rin siya. Hindi ko rin namamalayan na hindi na pala ako nakakakain ng maayos. Wala rin akong naging matinong tulog. Bigla na lang akong nahimatay habang naglalakad sa hallway ng ospital isang araw.

Nagising akong napakasama ng pakiramdam ko.

"Binx..."

Narinig ko ang boses ni Mrs. Hutton kaya napatingin ako sa pinanggalingan 'non.

"You're abusing yourself."

"Okay lang po ako." I tried to get up pero pinigilan ako ng mag-asawa.

"You need to rest and eat. Hindi na kaya ng katawan mo, Binx. Please, huwag ka nang makisabay pa kay Eve. Alam mong hindi niya ito magugustuhan." 

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Mrs. Hutton. Agad bumalik sa isipan ko ang kalagayan ni Eve dahilan ng pagbuhos ulit ng mga luha ko. F*ck! Napakahirap maging parte ng sitwasyong ito.

"You need to gain your strength back. Do it for Eve kung hindi mo magawa para sa sarili mo. If you really love our daughter, hindi ka gagawa ng bagay na lalo niyang ikakahina. We are her strength at hindi namin iyon kaya ni Saw kapag wala ka. Please Binx, huwag mo na ulit gagawin ito."

She's my strength but at the same time, my weakness. I can't control my emotions when it comes to her. It's so difficult and I don't know how to deal with it anymore. I just want her to feel better. Gusto kong bumalik na lang sa normal ang lahat. I wish that this is just a dream - no, a nightmare. A worst nightmare.

"You're a coward, Binx. Masyado kang nagpadala sa nararamdaman mo para sa anak namin. Mali iyon, Binx. Mali. Instead na ikaw pa ang gumawa para bumalik siya sa dati, mas pinapalala mo lang ang lahat. Hindi ka nakakatulong, Binx. Mas nagiging pabigat ka lang sa amin," si Mr. Hutton.

Bawat salitang binitawan nila sa 'kin ay tumatak sa isipan ko. Sinunod at ginawa ko ang mga sinabi nila. At nang naging maayos na ulit ang pakiramdam ko ay agad kong pinuntahan si Eve. Nasa harap palang ako ng pinto ay rinig na rinig ko na ang tawa niya. Bigla akong kinabahan kaya agad kong binuksan ang pinto. And damn, there she is. Okay na ulit siya. F*ck! I want to hug her right now. Pinigilan ko rin ang sarili kong maluha ulit. Tumingin siya sa 'kin at agad nawala ang mga ngiti niya sa labi.

"Mom, dad, mag-uusap lang po kami ni Binx," she said. Agad naman lumabas ng kuwarto ang mag-asawa pagkatapos nilang halikan sa noo si Eve.

"She's okay." I heard Mrs. Hutton say with a relief smile before closing the door.

"How are you, Eve?" I asked, awkwardly.

It was a long silence before she finally talk.

"Good. I'm good."

God, I miss you so much, Eve.

"That's good to hear. But, are you really okay?"

F*ck! I'm stuttering at hindi ako mapakali.

"Yes. How 'bout you? Nalaman ko kay mom na-"

"Yes, yes. I'm okay now. Great, actually." I smiled, awkwardly.

Damn it, Binx! Damn it!

"Oh, right." Nakita ko ang bahagya niyang pag-ngiti bago umiwas ng tingin sa 'kin.

Lumipas ulit ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin kaya naisipan kong maglakad palapit sa kanya at maupo pero napatigil ako nang bigla ulit siyang magsalita.

"I forgive you."

What?

"About the uhm... about you and uh, my best friend, Reanna. During your uhm, graduation day. You know. It's a, uhm, a terrible fight between us three. But really, I forgive you and Reanna already. And uhm, I just wanna say, I'm sorry I overreacted."

F*ck! Naalala niya pa 'yon. Of course, it's a mistake kaya maaalala niya 'yon. Damn! Akala ko kung ano na ang pag-uusapan namin. Balik na naman pala doon but it's a relief seeing how calm she is now. Alam kong natanggap niya na ang mga nangyari noon.

"I'm sorry," bulalas ko sabay yuko.

"Oh no, no. I said, I forgive you. Kalimutan na lang natin ang nangyari. Let's begin again, if that's okay with you?"

Agad akong napatingin sa kanya at kitang-kita ko ang ngiti niya sa labi. Oh God, I miss that smile so much!

Lumapit ako sa kanya at agad siyang hinalikan sa noo.

"I promise, hindi na ako gagawa ng bagay na masasaktan ka at ikasasama ng loob mo. I promise, Eve," I huskily said as I caressed her hair gently while holding her hand.

"Thank you," she said.

I smiled.

Naupo na ako habang hawak pa rin ang kamay niya at paulit-ulit itong hinahalikan. Nag-usap pa kami tungkol doon at sa ibang bagay. I clear things out and we fixed our relationship. Masaya ako dahil binigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataon at hinding-hindi ko na iyon sasayangin pa.

Nagsimula na ang pasukan namin ulit kaya kapag hapon o kaya gabi na lang ako nakakapunta kay Eve. Pero kapag may vacant time naman ay agad akong pumupunta sa kanya. Lalo na kapag weekends ay palagi akong nandoon. Yes, I spend half of my life being with her. Hindi ko na kayang mapalayo pa sa kanya. Na-mi-miss ko nga agad siya kapag paalis na ako sa ospital. Damn it! Is it too much?

Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko mapigilang mapangiti. Makikita at makakasama ko na ulit siya. Pero agad nawala ang ngiting iyon nang bumungad sa 'kin ang walang katao-taong kuwarto ni Eve. Kumunot ang noo ko. Inilapag ko muna sa sofa ang gamit ko. Tatawagan ko na sana ang mga magulang ni Eve pero mas pinili ko na lang na maghintay.

"What's this?" My brows creased when she gave me a piece of paper.

"Just read it," masaya at excited na sabi niya kaya agad ko naman iyong binasa.

"You're going home." Hindi ko maitago ang pagiging sarcastic nang tuluyan kong mapagtanto ang mga nakasulat.

Dapat na maging masaya ako dahil makakalabas na siya but heck, mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kalagayan niya. Akala ko rin pag-aawayan pa namin iyon pero wala na rin naman akong magagawa pa. Mas gagawin kong dobleng ingat na lang sa pagbabantay sa kanya.

Nagyakapan na lang kami at hinalikan ko siya sa ulo. I will do everything to protect you, Eve. Babantayan at aalagaan kita hanggang sa aking makakaya. I will always be by your side no matter what.

Nag-stay pa ako sa ospital hanggang midnight, ayoko pa sanang umuwi pero pinapauwi na ako ni Eve kanina pa dahil may pasok pa raw ako bukas. Ayoko na rin sanang pumasok dahil bukas na rin ang labas niya sa hospital pero sadyang mapilit siya.

Kinabukasan habang nag-di-discuss ang prof namin ay hindi na ako mapakali. Minu-minuto rin akong napapatingin sa orasan. Damn, ang tagal matapos ng last subject na ito ngayon ah? Magsisix na.

"Mr. Doulzen, is there something wrong?"

"It's Cristobal."

"Oh, maybe there's a misunderstanding to your surname? You know what, I should call your parents-"

"No need. It's Doulzen but I'd prepare using Cristobal over it."

F*ck, dami pang sinasabi nito!

"I will asked you again, Mr. Doulzen, is there a problem? Bakit parang hindi ka mapakali riyan?"

"Nothing, Sir." Just finish your goddamn discussion so that I can go. Damn it!

Nang mag-dismiss na siya ay agad akong tumayo at tumungo sa parking lot. Tinawagan ko na rin si Eve para sabihing malapit na ako. Bibilisan ko na lang ang pagmamaneho.

Nakarating naman agad ako sa ospital at sa lobby ko na sila naabutan. Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo palapit sa 'kin si Eve para yakapin ako. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

"I miss you!"

"I miss you more, beautiful."

Damn. Natatawa ako. Para bang hindi kami nagkita ng matagal na panahon, kahapon lang nandito ako.

Nang nasa sasakyan na kami ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Can I kiss you?"

I start the engine as soon as we finish kissing each other. Damn it! I want more.

Masaya kaming nag-uusap habang bumabiyahe pero agad iyon napalitan ng pag-aalala nang makarating na kami sa bahay nila.

There are lots of reporters outside their house. Damn it! Kumalat na ang balita tungkol sa sakit niya. I thought it was confidential? Don't tell me nagbigay ng pahayag ang mga staffs ng hospital na iyon lalo na si Dr. Aguillard sa media? What the f*ck?!

May mga dumating naman na mga pulis kaya tuluyan na kaming nakapasok sa gate. Inalalayan ko paglabas si Eve at tumungo muna ako sa likod ng sasakyan para kunin 'yong mga gamit namin pero may nakita akong babaeng biglang tumakbo.

Sh*t!

Agad akong lumapit kay Eve at inilayo siya sa babae.

"I will sue you for hurting Eve!" I said. F*ck! Hindi ko ito basta papalagpasin. Wala siyang karapatang saktan ng ganoon si Eve. Sino ba siya?!

Damn it!

"Naku, Ma'am, Sir, pasensiya na po kayo. Nalingat po kasi ako. Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sorry po sa nangyari," saad ng pulis na lumapit sa 'min.

Kinalma ko muna ang sarili ko saka sinabing, "Sige po. Salamat po."

Baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Tss. Mga wala silang kwentang pulis.

Pumasok na kami sa loob at agad naman kaming sinalubong ng mga magulang niya. Sa sobra ring pag-aalala at pagkataranta ay nakalimutan ni Mrs. Hutton na allergic sa tubig si Eve.

I sighed. Nang makaalis ang mag-asawa ay tumabi ako kay Eve at agad siyang yinakap para humingi ng tawad dahil sa pag-iwan ko sa kanya kanina. Pinapasok ko na sana muna siya sa loob bago ko kunin 'yong mga gamit. Damn! Hindi ka man lang kasi nag-iisip, Binx.

Nang makatulog si Eve ay hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi at buhok niya. Ayokong nakikitang nasasaktan at nahihirapan siya. She doesn't deserve it. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na ba itong nasasabi.

Tinanong niya ako kung may iba ba akong pinagsabihan tungkol sa sakit niya nang magising siya. Bigla namang may pumasok na alaala sa isipan ko.

"Bro! This is a very rare case. Why don't we do some investigations or video Eve and tell to the world about the case? We can earn big money bro! It can-"

"Shut the f*ck up, Devon!"

"What? It could be the reason for us to get rich! Come on dude, be practical! This is our chance to shine! This-"

"Try it and you'll die."

F*ck you, Devon! Kapag napatunayan kong may kinalaman ka sa mga nangyayari ngayon, tapos na ang pagkakaibigan natin.

"May tatawagan lang ako, B," paalam ko kay Eve at agad na tumungo sa kusina para tawagan si Von.

"You have three seconds to tell me everything, Devon Hussein. Don't you dare f*cking lie to me. Sinabi mo ba sa media ang tungkol sa sakit ni Eve?"

Mahigpit ang hawak ko sa cell phone ko habang nakakuyom ang isang kamao ko.

"I-Ice... Sorry."

Napapikit ako para kontrolin ang galit ko sa kanya pero hindi ko magawa.

"I f*cking trusted you, Von! Damn it! You only made it worst!"

"Ice, hindi. Mali ang iniisip mo. I did it because I was drunk-"

"Screw that f*cking excuse of yours, Von. Alam nating dalawa na kahit lasing ka, nasa tamang pag-iisip ka pa rin. Damn it, Von! Alam mo ba kung ano ang consequence ng ginawa mo, ha?! Ha, Von?!"

"I-Ice, misunderstanding ito. I... I didn't... sh*t! I-"

"F*ck you, Von! F*ck you!"

Napatigil ako nang makita ko si Eve na pumasok sa kusina. F*ck. Napapikit ako ng mariin habang kagat ang ibabang labi, kinokontrol ang ano man na sasabihin ko pa kay Von. Hindi niya na dapat marinig iyon.

"I'll call you back later. We're not done yet."

Agad kong pinatay ang tawag at lumapit kay Eve.

Nagpresinta rin akong ako na lang ang mag-go-groceries para hindi na sila maabala ng mga tao sa labas. But I underestimated them. Akala ko mabilis akong makakalusot sa kanila pero hindi. Damn it! Muntikan pang masira 'yong side mirror ng sasakyan.

F*ck! Nasaan na ba kasi 'yong mga walang kwentang pulis na nagbabantay?

Nang makalayo na ako sa kanila ay agad kong tinawagan si Von.

"I'm giving you a chance to explain yourself to Eve tomorrow morning. Again, tomorrow morning. Pagsisisihan mo kapag hindi ka pumunta." Agad kong tinapos ang tawag.

Tinawagan ko si mommy kinagabihan at sinabing dito na muna ako matutulog. Nang magising ako kinabukasan ay agad akong tumungo sa kuwarto ni Eve. Naabutan ko siyang nakaupo habang nakatanaw sa bintana. Napabuntong-hininga na lang ako saka na siya nilapitan.

"What?" mataray na sabi niya sa 'kin.

"I love... what I'm seeing right now."

I stop myself from laughing ever since I saw her. But damn it, she's still so pretty. I mean, she's really pretty. Kahit na anong suot niya ay bumabagay talaga sa kanya.

"Oh, my God, Binx Cristobal!"

I smirked. "It's okay, B. I'm your boyfriend and soon-to-be husband in 5 years or more so araw-araw ko na iyan makikita."

"I hate you, Binx! I really really hate you!"

"I'll wait for you downstairs. Hurry up. Bawal ka magbabad sa tubig and don't forget to apply the barrier methods." Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto niya habang nakangisi pa rin.

Habang naglalakad pababa ay hindi ko maiwasang isipin 'yong nangyari kanina at kung ano man 'yong nakita ko. I bit my lower lip. What a sight. Lalo lang gumanda ang umaga ko. Napailing-iling na lang ako habang nakangisi pa rin saka na tumungo sa kusina.

"Von, maupo ka. Sasakit ang tuhod mo kapag nagtagal ka pa riyan," si Eve habang nakaluhod pa rin si Von sa sahig. Ramdam ko rin ang pagpipigil ni Eve kaya hindi ko siya nilulubayan ng tingin. Oh come on, he deserve a punishment. Huwag mo namang palampasin lang ito, Eve.

Tss. Kung ako ang masusunod, luluhod si Von hanggang sa maayos ang problemang ginawa niya pero desisyon pa rin iyon ni Eve and I don't want to be a cruel... friend.

"Eve, lasing ako 'non at hindi ko alam ang ginagawa ko. Patawarin mo ako."

F*ck! Wala na ba siyang ibang sasabihin bukod diyan?

"I said no. Kahit na ano pang sabihin mo... No. Do you understand me, Eve? No words can make them leave this goddamn house!" I said to Eve nang magpumilit siyang lumabas ng bahay para kausapin ang mga tao sa labas.

Damn! Hindi niya ako naiintindihan, eh! Hindi niya naiintindihan ang sitwasyon! Umalis na lang ako roon at nag-isip isip pero nang bumalik ako sa sala ay tanging si Von na lang ang naabutan ko.

"F*ck!" Agad akong lumabas.

"I told you already! Ba't ba ang tigas ng ulo mo, Genevieve?! Damn it!"

"Binx-" she said softly, giving me a sign to forgive her.

"Hindi mo ba alam na puwede mong ikapahamak iyon, Eve?! Damn! I told you not to do it but you did! Hindi sila titigil dahil lang sa ilang salita bagkus ay lalo silang magiging uhaw sa impormasyon! Hindi mo ba iyon naisip, Eve?! Ha?! You're being a crappy sh*t!"

Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya naman kung ano-ano na ang nasabi ko sa kanya. Damn! I'm just protecting her! Gusto ko lang na kahit papaano ay sundin niya naman ang mga sinasabi ko sa kanya. Ayoko lang siyang mapahamak.

Nakita ko ang pagbuhos ng mga luha niya na siyang nakapagpalambot agad sa 'kin. Agad ko siyang yinakap at humingi ako ng tawad sa kanya.

F*ck! Umiyak na naman siya dahil sa 'kin. Hindi, dahil sa mga salitang binitawan ko sa kanya. I just wish she's not that nice and forgiving.

Lumipas ang ilang araw at sa loob ng mga araw na 'yon ay palagi naming pinagtatalunan ang tungkol sa press conference pero pumayag na rin ako sa huli para matapos na. Simula palang sa simula talaga ay ayoko na ng ideya niyang 'yan. Madadagdagan lang ang stress ni Eve at baka lalo lang gumulo.

Damn it! May magagawa pa ba ako? Wala akong laban kay Eve pagdating sa pagpupumilit ng kagustuhan niya. I'm just hoping that after this press conference, everything will go back to normal. I want a peaceful life for Eve. I want her to feel that she's free to do everything she want without thinking her allergy and the other people.

Akala ko nga hindi matutuloy dahil pansin ko ang kaba at pagdadalawang isip niya na sagutin ang unang tanong pero tinuloy niya pa rin. Damn it! Wala na talagang makakapigil sa kanya, huh?

I whispered, "Let's go home," to her pero ayaw niya talagang magpaawat. Tss. Fine.

I can see and feel how tired she is but she chose to answer all the questions. Konti na lang bibigay na rin ako. Damn it! Hindi niya naman kailangang sagutin lahat and a brief explanation will do. Nakinig na lang ako the whole hours kahit na sobra na akong nababagot. F*ck, naiinis na rin ako.

"I think we're done. Thank you so much everyone. My girlfriend needs to go home and rest," sabi ko sa kanila gamit ang mikropono nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tama na. Umiiyak na naman si Eve dahil sa lecheng press conference na ito. Damn it!

Kagaya kanina, dumaan kami sa back door ng function hall habang hawak ko ang kamay ni Eve. Pero nagulat ako nang dumami ang mga taong nag-aabang. Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Eve pero nakawala pa rin siya sa 'kin. 

F*ck!

Dahil sa sobrang galit na namumuo sa akin ngayon, wala na akong pakialam kung sino ang masaktan ko, mahanap at makuha ko lang ulit si Eve. Damn it! Tapos na ang press conference, ano pa ang ginagawa nila ngayon?! Hindi pa ba sapat?! Kailangan pa talagang masaktan ni Eve?!

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya pero kumunot ang noo ko at nagulat ako nang tumama ang ulo niya sa camera. F*ck! Mabuti na lang at nahawakan ko ang palapulsuhan niya bago pa man siya matumba.

"Eve!" Agad ko siyang yinakap at hinalikan sa ulo bago buhatin.

"Hindi ba talaga kayo titigil?!" Sukdulan na ang galit na nararamdaman ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Inilibot ko ang buong paningin sa mga tao. Unti-unti silang lumayo sa amin nang makita kung gaano na kasama ang tingin ko sa kanila.

"Kapag may nangyaring masama kay Eve, kayo ang sisisihin ko! Kayo ang magbabayad! Kailangan pa talagang umabot sa ganito? Willing naman magbigay ng impormasyon si Eve sainyo, ah?" Bumuhos na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa matinding galit at pag-aalala.

Tumungo kami sa sasakyan at agad ko siyang pinasok sa loob. Tumingin ako sa kanila at nang mahagip ng paningin ko 'yong camerang nakatama sa ulo ni Eve ay agad nagdilim ang paningin ko, nilapitan ko 'yong may-ari saka pinagsusuntok. Inawat naman ako ng ilang tao na nandoon pero nagpumiglas ako sa kanila at tanging titig lang ang iginawad ko sa kanila. Marahas kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka na pumasok at nagmaneho patungo sa ospital.

"Don't worry. I'm doing fine. Very, very fine."

No, you're not, Eve. You're not fine the moment you came to this goddamn hospital. 

Nanghihina man ay pinilit ko siyang bigyan ng ngiti. Lumabas ako ng kuwartong iyon at agad na naman kumawala sa mga mata ko ang luha. Damn it! I'm being a cry-baby ever since I met her. Nakakawala 'yon ng pogi points. Pero poproblemahin ko pa ba iyon?

Paggising niya ay agad siyang nagyaya na umalis na ng ospital. Ayaw sanang pumayag ng mga magulang niya.

"Ako na pong bahala sa kanya. She just need some fresh air to breathe in. Hayaan muna po natin siya kahit ngayon lang. She just want to get away from the things that's stressing her out."

Mrs. Hutton sighed. "Okay. Umuwi lang kayo agad, ha?"

"Binx, don't break our trust again," ani Mr. Hutton saka tinapik ang balikat ko.

Sabay-sabay kaming lumabas ng ospital pero nagkahiwalay nang magkaibang direksyon ang tinahak namin. We ended up in a beach, waiting for the sun to rise while having a conversation about random stuffs.

"Eve, what are you doing? Get up-"

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa buhanginan pero mas nagulat ako sa bigla niyang sinabi.

"Justice Binx Cristobal, do you want to spend your remaining life with me?"

F*ck!

Hindi niya kailangang gawin ito. Kung iniisip niya na mawawala ako sa kanya ay nagkakamali siya. Papakasalan ko siya kahit na anong mangyari. Pinag-iisipan ko palang kung paano ako mag-po-propose pero ginulat niya ako. Damn! This was supposed to be my moment!

Tinukso-tukso ko pa siya at hindi ko mapigilang matawa dahil napaka-pikonin niya talaga tapos sineseryoso niya 'yong mga bagay na hindi naman dapat seryosohin.

Damn it! I was so happy to the point that I'm gonna cry again!

"Hey man, what's up?" nakangiting bati ko kay Von nang puntahan ko siya sa kanila makalipas ang ilang araw.

"Hindi ka na galit?"

Ngumiti ako ng nakakaloko saka siya inakbayan. 

"Pupunta ba ako rito kung galit pa ako sa 'yo? Ang sakin lang naman Von, ang mga ganoon na bagay ay hindi basta-basta pinagkakalat. Eh kung 'yong baho mo-"

"Oo na. Oo na. Pasensiya. Hindi na 'yon mauulit. Pangako."

"Gawin mo," I said.

"Oo nga sabi, eh. Kumusta si Eve?"

Nang mabanggit niya ulit ang pangalan ng mapapangasawa ko ay hindi ko mapigilang mapangiti ng todo. Damn! Mapapangasawa.

"May sasabihin ako," I said while smiling devilishly.

"Ako rin." 

My brows creased because of his serious aura.

"Anong meron? Huwag mo namang sirain ang masaya kong araw Von." Naglakad ako palapit sa ref nila at kumuha ng beer. Tinapon ko naman sa kanya ang isang beer at nasalo niya naman iyon.

"Good catch," I said as I opened my beer and sipped on it.

Pabagsak akong naupo sa sofa nila at agad binuksan ang TV.

"Ice, nasa mental ward si Reanna./Von, engaged na kami ni Eve!"

"Ano?/What?"

"F*cking sh*t/Damn it!"

"Shut the f*ck up, Von!"

Kailangan talagang makisabay siya sa mga sinasabi ko? What the fuck? And what did he just say? Nasa mental ward si Reanna?

"F*ck you, Ice!" biglang sabi ni Von kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. Tumalon siya para makaupo rin sa sofa saka yinugyog ang dalawa kong balikat. "Let's celebrate! Congrats, bro! Sh*t! Hindi mo man lang ako sinabihan na mag-po-propose ka na pala kay Eve! Sabi ko na nga ba eh, may something talaga sa 'yo. Marami ang pinagbago mo simula nang dumating si Eve sa buhay mo. Hell, yeah, bro!"

The f*ck? Ang bilis naman magbago ng mood ng gagong ito.

"Tss. Celebrate mo mukha mo. Tabi." Lumagok ulit ako sa canned beer ko saka ito ipinatong sa mesa at walang pakundangang lumabas na ng bahay nila Von.

"Ice! What the hell?" Narinig kong sigaw ni Von.

Bumalik ako nang may makalimutan akong itanong sa kanya. "Saang mental ward, Von? Alam mo ba kung bakit?"

"Sh*t, Ice!"

"Damn it! Hurry up! You're wasting my goddamn time!"

Nang makuha ko na ang impormasyon tungkol kay Reanna ay agad akong bumalik sa bahay nila Eve para sabihin sa kanya ang nalaman ko. Alam kong dadamdamin niya na naman ito pero mas mabuti nang malaman niya na dahil medyo matagal na si Reanna na nandoon. She has the right to know because Reanna is her one and only best friend. Alam ko rin na napatawad na niya si Reanna.

"What?!"

Gulat na gulat siya nang ibalita ko iyon sa kanya and I saw how worried she is kaya agad naming pinuntahan si Reanna.

"Oh, my God, Reanna!" Napangiti na lang ako nang yakapin ni Eve si Reanna. God, this woman is just so pure.

I know I have a bad start with Reanna. Paminsan-minsan nakukuwento sa 'kin ni Eve ang tungkol kay Reanna dahilan ng pagkakakilala ko pa sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil napagtanto ko na mali na hinusgahan ko agad ang pagkatao ni Reanna.

I was shocked and confused when I saw Dr. Aguillard and how she called Reanna 'anak' but I chose to be silent. Nakinig na lang ako sa pinag-usapan nila ni Eve habang inoobserbahan si Reanna.

Marami kaming nalaman ni Eve tungkol sa buhay ni Reanna at mas nadagdagan lang ang pagsisisi ko. Damn it!

I pity her and I hope that she'll be okay soon. Depression is no joke. Many people tend to ignore it but didn't they know that having a depression is very difficult to deal with. Nakabaon na ang mga paa mo sa lupa o di kaya'y nasa kabaong na ang kalahati ng katawan mo. And Reanna ended up being here.

"Marry me, Eve," I said while carrying her like a bride. I know this is not the right time for me to propose but trust me, ayoko nang patagalin ito lalo na't naunahan niya na ako at gusto kong makitang palagi niyang suot ang singsing na binili ko para sa kanya after she propose to me. Ang gusto ko lang ay makasal na sa kanya sa lalong madaling panahon.

Selfish na kung selfish, I don't freaking care.

"Of course, I'll marry you," she said while cupping my both cheeks.

Of course, Eve. Of course.

Damn! Kahit na alam kong papayag naman talaga siya, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng excitement at kasiyahan. She's my first in everything and actually the last. She'll be my one and only queen and my lifetime partner. Siya lang at wala nang iba. Only her.

Kinabukasan ay agad akong nagpa-appointment sa isang boutique ng wedding gowns and suits. I want to marry her as soon as possible. I want to give her my surname and a happy family.

Habang naghihintay sa kanya ay hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa nangyari kagabi. Nang mahawakan ko siya ng ganun ay sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya papakawalan pa kahit na anong mangyari. Pero 'yong tuwang nararamdaman ko ay napalitan agad ng pagkainis nang matanto ko kung anong oras na.

"I've been waiting for hours, Eve. Damn! Magsusukat palang naman tayo. Pano pa kaya kung kasal na natin? Tss."

F*ck! Ganito ba talaga katagal mag-ayos ang mga babae?

"Eve, kapag hindi ka pa lumabas ngayon din, wawasakin ko itong pinto mo! I'll give you three seconds! One..."

Mayamaya lang ay lumabas na siya. Kitang-kita ko rin sa mukha niya ang pang-iinsulto. Damn! She did it on purpose. Silly, woman.

"Binx, the table is set. May ipapadagdag ka pa?" my Mom.

I gave her a smile bago tumungo sa kusina.

"Perfect, mom. Thank you. I've waited so long for this."

"Lika nga rito."

Lumapit ako sa kanya. Nakangiti siya habang inaayos ang kwelyo ko.

"Ikakasal ka na. Parang kailan lang, karga-karga pa kita. I can't wait to meet Eve. She's so lucky to have you," mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.

Napangiti na lang ulit ako saka siya binigyan ng yakap.

"Mom, I'm also very lucky to have her. Pero mas swerte ako sa 'yo."

She laughed as she tapped my shoulder.

"By the way, nasaan na raw sila?" aniya nang makakalas na sa yakap.

"T-in-ext niya ako kani-kanina lang, papunta na raw sila," sabi ko naman.

"Then, we're good. Let's wait for them outside. Teka sandali, nasaan na naman ang daddy mo?"

"Mom, wait." Pigil ko sa kanya. "Okay na po ba ang suot ko?"

"Binx, don't make me laugh at you again. Come on, it's just Eve and her parents."

I chuckled, "Alright. Alright."

It's been one month since we got engaged and today is a very special moment for me and Eve. Napag-usapan namin ni Eve na dito na lang sa bahay namin ganapin ang pamamanhikan tutal, hindi pa naman siya nakakapunta pa rito at gusto ko siyang dalhin dito bago man lang ang kasal namin. But we also agreed na pupunta pa rin naman kami sa kanila pagkatapos nito.

Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila. I was so happy the moment that I saw my fiancè.

Nang makalapit sila ay pansin ko kaagad ang kabang bumabalot sa kanya. Napangisi na lang ako ng palihim saka na siya nilapitan. Nagulat pa siya nang hawakan ko siya sa baywang niya. Oh darling, there's nothing to be shy or afraid of. This is just a simple gestures.

Simula nang ipakilala ko siya sa mga magulang ko hanggang sa nasa lamesa na kami ay pansin ko ang pananahimik niya. I also noticed how stiffed she is. Kahit na nag-uusap na tungkol sa kasal, wala pa rin siyang naging imik kaya ako na lang ang sumagot at nagsalita. Damn! What is wrong with this woman? Masama ba ang pakiramdam niya?

Napakuyom na lang ako nang mapansin ko ang tensyon na namumuo sa pagitan ng mga magulang namin ni Eve at ang pagdagdag nila ng kung ano-anong salita na hindi ko naman maintindihan.

I looked at Eve and I saw how her tears rolled down to her rosy cheeks pero agad niya iyong pinunasan. F*ck! I don't know what to do. This was supposed to be a happy gathering.

Bago sila umalis ay wala man lang akong nagawa.

Napapikit na lang ako ng mariin habang nakakuyom ang dalawa kong kamao. Sa pagmulat ng mga mata ko, nakita ko ang pag-alis nila mommy. Agad ko silang sinundan at naabutan kong nag-aaway sila. Kumunot ang noo ko at lalo akong nagtaka nang marinig ko kung ano ang pinag-aawayan nila. Si Eve.

"What did you say, Dad?"

"Son-"

"It's about Eve. So, just tell me what you know, Dad, Mom." Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila.

"She's my daughter, son. I'm sorry."

Bigla akong nakaramdam ng panghihina pero nanatili akong kalmado. The f*ck?!

"Daughter? What are you saying? That's not a good joke, Dad."

It's a bad joke. A really really bad joke. Or don't tell me, nananaginip ako?

"It's the truth, Binx. Hindi ko alam na siya ang papakasalan mo. Nagulat kami ni Bria kanina nang makita namin sila kaya-"

"Kaano-ano mo ang mga magulang ni Eve?"

"Saw is my ex-wife's brother. That's all."

"That's all? Bakit parang wala lang lahat ng mga sinasabi mo sa 'yo? How could you?"

Muntikan pa akong matumba kaya napahawak ako sa malapit na cabinet sa akin at nahawi ko ang isang vase dahilan ng pagbagsak nito sa sahig.

"Binx!" Agad akong dinaluhan ni mommy.

F*cking sh*t. Ampon si Eve. Magkapatid kami sa ama. What the hell is happening? Tama ba ang mga naririnig ko ngayon? Damn it! Hindi. Hindi ito puwede. F*ck!

"How could you do that to Eve?! You, you sucks! Wala kang puso! How could you even call yourself a human? Tapos wala ka man lang ginawa kanina?" 

"Binx, watch your mouth! Ama mo pa rin ako!"

Ama? Parang gusto ko yatang matawa roon.

"Bullsh*t, Dad! Bakit kailan ka ba naging ama sa 'kin? That's why I don't like you as my father in the first place since I met you dahil alam kong may mali sa 'yo! Oo, ikaw ang nagbigay ng pangalan sakin but I will never ever use it because it sucks knowing that I have an asshole father who doesn't took his responsibility to his first family! You know what, Dad, sobra kitang kinakahiya!"

"Binx, bawiin mo ang sinabi mo!"

"My life is in hell ever since you came because you, you're hell-"

"Namumuro ka na!"

Natumba na ako ng tuluyan sa sahig at namanhid ang kanang panga ko dahil sa malakas na suntok niya sa 'kin. Kwinelyohan niya pa ako saka sinabing...

"Huwag mo akong babastusin dahil ako ang nagpalaki sa 'yo! Ama mo ako Binx! At hindi ko ginusto ang mga nangyari kay Eve. Hindi ko rin inisip na posibleng siya ang mapapangasawa mo."

"Binx! Granville, enough! Huwag mong saktan ang anak mo! Please."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at para na akong bulkan na sasabog. Tinitigan ko siya ng masama kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Gusto ko siyang saktan pero tanging paghawak lang ng mahigpit sa palapulsuhan niya ang nagawa ko.

"Bakit kapag maaga mo bang nalaman na si Eve ang mapapangasawa ko, ilalayo mo ako sa kanya?!"

"Oo! I will do everything to avoid her! Ayokong nakikita siya dahil naaalala ko lang sa kanya ang ina niya! She doesn't deserve you, Binx! Kasalanan niya kung bakit namatay si Evelyn!"

Nagpumiglas ako pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kanya.

"Alam mong walang kasalanan si Eve! Huwag mong lokohin ang sarili mo! Ikaw ang hindi deserving na maging ama niya dahil napakawalang-kuwenta mong tao! Sana ikaw na lang 'yong namatay!"

Panibagong suntok ang natamo ko sa kanya pero ininda ko iyon at ibinalik sa kanya ang masamang titig.

"Granville, tama na! Please, nagmamakaawa ako sa 'yo. Please..." Narinig kong sabi ni mommy habang umiiyak na pero ayaw magpaawat ni daddy. Hindi rin siya makalapit sa amin dahil baka pati siya ay masaktan.

F*ck, sumisigaw na sa kanya ang konsensiya niya! Ayaw niya lang tanggapin na siya ang mali!

Napadura ako dahil sa nalalasahan ko nang dugo ko. Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas saka siya paulit-ulit na minumura.

"Kinasusuklaman kita!" 

Mayamaya lang ay tumayo na siya at umalis pero nanatili akong nakahiga sa sahig na humahagulhol. Dinaluhan naman ako ni mommy at inalalayang makatayo.

"I'm so sorry, Binx. I'm so sorry." Yinakap niya ako.

"Wala kang kasalanan, mom," sabi ko naman saka na lumabas ng kuwarto para puntahan si Eve.

Habang naglalakad at pinupunasan ang mukha ko ay napansin ko sa sahig ang bag na gamit ni Eve kanina. Ilang segundo akong napatitig doon at inisip kung bakit nasa sahig ang bag niya.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" 

Agad ko iyon pinulot at mabilis na lumabas ng bahay. Naabutan ko naman sa labas ang mga magulang ni Eve.

"Si Eve po? Bakit niya po naiwan 'yong bag niya sa loob?" kabadong tanong ko sa mag-asawa.

"'Yan nga 'yong binalikan niya kanina tapos paglabas niya bigla na lang siyang nagtatatakbo palayo sa amin. Hahabulin sana namin pero ang gusto kong malaman ay kung bakit ganoon na lang ang naging kilos niya paglabas ng bahay niyo. May nangyari ba Binx? Napano 'yang sugat mo?"

Wala akong masabi o masagot sa mga sinabi ni Mrs. Hutton.

"Pasensiya na po. Saka ko na lang po sasabihin sainyo. Hahabulin ko po si Eve," huling sinabi ko bago ako kumaripas ng takbo para habulin si Eve. Baka hindi pa siya masyadong nakakalayo.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba nang makakita ako ng kumpol ng tao at ilang sasakyang nakatigil sa gilid ng kalsada. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at nang makalapit na ako ay tumigil ang mundo ko. Panandaliang tumigil ang paghinga ko kasabay ng tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko.

Dahan-dahan akong lumapit kay Eve na nasa stretcher na at handa na sanang ipasok sa loob ng ambulansya nang pigilan ko. Gamit ang nanginginig na mga kamay, hinawakan at hinaplos-haplos ko ang pisngi ni Eve na may ilang dugo na nagkalat. Sa bawat haplos ay parang pinupunit ang puso ko kasabay ng mga luhang patuloy na umaagos na parang napabayaang gripo. I tried to wake her up. I kissed her on the forehead countless times as I hugged her wet and cold body.

"Sir, kailangan na po namin siyang dalhin sa ospital."

"Hindi, hindi..."

"Sir, please. Sumama na lang po kayo kung gusto niyo. Baka lalo lang po siyang mapahamak kapag nagtagal pa tayo rito."

Nilayo nila ako kay Eve at agad na siyang pinasok sa loob ng ambulansya. Napaupo na lang ako sa kalsada sa sobrang panghihina at pagkadismaya dahil sa mga nangyari. Hinayaan ko lang na umalis ang ambulansya lulan si Eve at naiwan akong mag-isa sa kalsada.

"She's in a comatose state. I'm so sorry."

Ilang beses nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Dr. Aguillard dahil ayokong tanggapin.

"But the baby is safe. From now on, kami na ang bahala para patuloy na mabuhay ang bata sa loob ng tiyan niya. It's going to be a rough road but I promise, we'll do everything we can to save the both of them."

"Ano, Doc? Baby?" gulantang na tanong ni Mrs. Hutton.

"Yes. She's four weeks pregnant. Hindi ko na kayo i-ko-congratulate dahil alam kong malaking insulto iyon sainyo. All I can say is that, let's just pray and hope that Eve will wake up soon. I know she's a strong person, malalagpasan niya rin ito, Mr. and Mrs. Hutton, Binx."

The doctor left us stupefied and inconsolable by those news of him.

"Tuloy ang kasal," I said out of nowhere habang nagbabantay kay Eve kasama ang mga magulang niya.

"What? Are you insane, Binx? How's that suppose to happen?" si Mrs. Hutton.

"Binx, are trying to be funny again?" ani naman ni Mr. Hutton.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at matapang na hinarap sila.

"Itutuloy ko po ang kasal. I want us to get married here. Puwede naman po naming ulitin kapag nagising at nakapanganak na siya," I said, determinedly.

"What? No! You're just overthinking, Binx. You need to rest your mind and soul." Napatayo na rin si Mrs. Hutton mula sa kanyang kinauupuan saka napahawak sa kanyang sentido.

"Binx, I know how much you love our daughter pero huwag kang magpapadalos-dalos sa mga desisyon mo. Hindi madali ang kasal, Binx. Hindi mo kakayanin ng mag-isa ka lang," si Mr. Hutton.

"I can do it but I need your little help po. Please, let me do it," I begged.

"Eve is in a coma-"

"Tita, that's not a problem anymore po. Matutuloy po ang kasal kahit na anong mangyari. Dito po kahit na napakasimple lang. I'll tell my vows to Eve with just a few people that's close to us and that's it."

Ilang minuto kaming nagtitigan bago sila napabuntong-hininga at napailing-iling.

"Then, go. Do it," Mrs. Hutton.

"Kung iyon ang makakapanatag ng kalooban mo," Mr. Hutton.

Ilang beses ko silang pinasalamatan at hindi ko maiwasan ang sobrang galak na nararamdaman ko.

Umuwi ako sa bahay para sabihin sa mga magulang ko ang plano ko.

"Matutuloy po ang kasal."

"What the hell are you thinking, Binx? After what happened, itutuloy mo pa rin ang kasal? And look at Eve, she's in a coma! Paano mo iyon gagawin, ha? Nag-iisip ka ba talaga?! Nahihibang ka na ba, Binx? At binuntis mo pa talaga siya. Damn it, Binx! You're so stupid!" galit na sabi ng magaling kong ama.

"I don't need your f*cking opinion. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang sasabihin niyo. Pumunta lang ako rito para sabihin 'yon sainyo." Tumayo na ako at handa na sanang umalis nang pigilan ako ng ama ko.

"Hindi ka aalis ng bahay na ito, Binx. Pupunta na tayo ng Germany in just a month kaya itigil mo na ang kahibangang ito."

Marahas kong winaglit ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero nagulat ako nang bigla niya akong suntukin.

"Ba't ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!"

"Granville, please."

Napatingin ako kay mommy na nakahawak rin sa isang kamay ng ama ko pero agad din akong napaiwas dahil sa mga mata niyang namumula na para bang handa na namang bumuhos ang mga luha niya. Damn it!

"Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo sa anak ko," malumanay na sabi ni mommy.

"Anak natin, Bria! Hindi matututo ang gagong ito kung patuloy lang natin siyang hahayaan sa mga gusto niyang gawin!"

Napahawak ako sa panga kong masakit dahil sa suntok.

"Hindi mo siya anak! So, please, let him go. I want him to be happy. Ayoko siyang makulong sa buhay na hindi naman talaga para sa kanya."

What the f*ck?!

Tumingin ako kay mommy na namimilog ang mga mata pero tanging iling at hagulhol lang ang naisukli niya sa 'kin.

"Anong sinabi mo, Bria?"

"Tama na, Granville. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo sa kanya. Sa simula pa naman talaga ay ayaw mo na sa kanya, 'di ba? Tinuring mo ba talaga siyang anak kahit na sinabi ko sa 'yong anak mo siya? Pinahalagahan mo ba siya, Granville?"

"Goddamn it, Bria! Anong klaseng tanong 'yan?! I only want what's best for him kaya ko siya dinidisiplina ng ganito!"

"Best? Habang tumatagal napapansin at nararamdaman ko kung gaano siya kailag sa 'yo at ano ang ginawa mo, lalo mo lang pinapalayo ang loob niya sa 'yo! You keep on adding fuel to the fire instead of water. Akala ko magiging masaya tayo bilang isang pamilya pero Granville, araw-araw pinagsisisihan kong sumama ako sa 'yo. Araw-araw kong nararamdaman kung gaano ako pinapahirapan ng mga maling desisyon ko sa buhay."

"What the hell are you saying, Bria? Ano, makikipaghiwalay ka pagkatapos ng ilang taon kong pagbuhay sainyo ng bastardo mong anak?! I chose you over her! I chose this goddamn life over them!"

"Lumabas na ang totoo, Granville. You chose us pero ang puso mo naiwan kay Evelyn! Kami nga ang pinili mo pero ramdam na ramdam ko kung gaano mo kagustong kunin ang anak mo! You chose us because you don't have a choice anymore."

"Stop it, Bria! I chose you because I love you. Bakit ba hindi niyo iyon makita at maramdaman?!"

"Mahal?" Mapaklang napatawa si mom. "Nagpapatawa ka ba, Granville? Pinili mo kami dahil sa 'min mo nakita at naramdaman ang dapat na pamilyang binuo niyo ni Evelyn. Kahit na anong tago mo sa totoong nararamdaman mo, lalabas din ang totoo. Sinusunod mo lang naman ako dahil ayaw mong masaktan ako at makita ang totoong dahilan 'non. Pero Granville, hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako? Ilang beses mo saking pinaramdam 'yon pero pinili kong balewalain 'yon dahil ayoko ring masira ang pamilyang matagal kong iningatan. Ilang beses akong nagpakatanga at nagpakamartyr, Granville..."

F*ck! Why do I need to witness this? Why do I need to witness my mom's weakness? Damn! This hurts like hell! Ang pinakaayoko sa lahat ay ang makitang nasasaktan ng ganito ang ina ko. 

Bakit ba tuloy-tuloy ang kamalasan at paglabas ng mga katotohanan?

"Bria-"

"Tama na, Granville. Ayoko na. Tapusin na natin ito."

Agad umalis si mommy. Susundan ko sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tiningnan ko ng masama ang naturingang ama ko habang kuyom ang dalawa kong kamao, sobrang pagtitimpi ang ginagawa ko dahil kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin siya.

Umalis ako ng bahay at pumunta sa dagat kung saan nag-propose sakin si Eve. Tumakbo ako palapit sa pangpang ng dagat at doon paulit-ulit na sumigaw para mailabas ko ang lahat ng nararamdaman ko. Lumuhod ako at paulit-ulit na pinagsusuntok ang buhangin habang paulit-ulit rin na nagmumura at lumuluha.

F*ck! Wala na bang mas lalala sa mga nangyayari ngayon? Pagod na pagod na ako pero sh*t, ayokong sumuko. Hindi ako susuko para sa dalawang babaeng napakahalaga sa buhay ko, si Eve at mommy. Kailangan kong maging matatag.

Ilang araw kong inasikaso ang kasal namin ni Eve pagkatapos kong makapagpahinga ng ilang araw din.

Dumating ang araw na magaganap ang kasal sa mismong kuwarto ni Eve. Naroon ang mga magulang ni Eve, si Von, Dr. Aguillard, my mom and of course, the priest, enough to witness our wedding.

"Genevieve Hutton, I give you this ring as a sign of my love and loyalty. I will always be by your side through the darkest and brightest days of your life. I promise to be your strength, companion, and protector. I will love you without any condition and 'til death do us part."

Agad kong sinuot ang singsing ko sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon. I close my eyes as I kissed her back hand and tears unwillingly rolled down my cheeks. This is what I badly wanted to say to Eve and it meant so much that I wanted to say it after our wedding vows.

"I love you, Genevieve."

Sa pagdaan ng mga araw ay hindi na ako nawala sa tabi ni Eve. I always talk to her like our normal days and ignore all the negativity that keeps on enveloping us. Hinahaplos ko rin ang tiyan niya, umaasang naririnig na rin ako ng anak namin kahit na hindi pa siya fully develop.

Dumaan ang tatlong buwan na wala pa ring pagbabago sa kondisyon niya hanggang isang araw ay bigla na lang siyang nagising. I was flabbergasted for a moment and I don't know what to do or say until she asked for water.

Nang makita niya ako ay bigla na lang siyang napaluha. Bumalik sa kanya ang mga nangyari kaya wala akong nagawa kundi ang paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya at paunti-unting pinaliwanag ang lahat. Natanggap niya naman agad pero alam ko kung gaano kasakit sa kanya ang mga nangyari at panibagong problema ang hinaharap niya ngayong gising na ulit siya.

Damn! I'm such a useless husband. Wala akong magawa noong palagi siyang nagkaka-seizures pati ba naman sa mga problema at nararamdaman niya ngayon? I just want her to be happy and to feel at ease.

Sa paglipas ng buwan ay lumalaki na ang tiyan niya at patuloy rin ang pangangayayat at panghihina niya hanggang sa hindi na siya tuluyang makabangon nang wala ang suporta namin.

F*ck! Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kahirap. Ramdam ko kung gaano niya iniingatan ang anak namin. I know how much she's been trying to avoid to cry and get too emotional. I know how much she wanted to walk and roam around. I also witnessed how she endured the pain of the hives on her body just for our baby to get the food that he/she needs. Damn it! At napakasakit makita at maramdaman iyon. I tried to ignore it but I can't.

Pinapunta ko sa ospital ang mga malapit sa buhay niya. Nabalitaan ko rin na nakalabas na si Reanna at alam ko kung gaano niya iyon kagusto na mangyari. Na-settle ko na rin ang problema namin ng ama-amahan ko at gusto kong maging maayos na rin sila ni Eve. I just hope that this will make her happy but damn it, something happened.

Nagkagulo at nataranta kami sa loob at agad naman nilapitan ni Dr. Aguillard si Eve at ch-in-eck.

"Her water broke. Her vitals are dropping, abruptly. Hurry!" si Dr. Aguillard.

Agad din naming dinala sa delivery room si Eve.

F*ck! This is it!

"Eve, kapit lang, ha? Kaya mo ito. Please, please, please..."

Naghintay kami sa labas ng delivery room at nagdasal para sa kaligtasan ng mag-ina ko. Matapos ang ilang oras, lumabas na ang doktor dala ang balitang yumanig sa mga mundo namin.

"Daddy, hurry up! Mom's waiting for us!" I smiled when I heard Genice's angelic voice behind the door.

Agad ko namang binuksan ang pinto nang makapagbihis na ako. Binuhat ko agad siya at ibinigay ang regalo ko sa kanya.

"Happy birthday, my angel."

"Wow! Thank you, Daddy!" masayang sabi niya saka ako yinakap ng mahigpit. Napangiti na lang ulit ako at binigyan siya ng maraming halik bago tuluyang ibinaba. "Let's go, Daddy. Hurry, hurry!"

Nauna na siya sa sasakyan kaya agad naman akong sumunod.

"Mommy! I miss you so much! May gift ka rin po ba sa 'kin gaya ni daddy?" Agad naupo si Genice para mahalikan ang lapida ng mommy niya.

I can't help but to smile because of her jolly attitude na namana niya kay Eve. But somewhere deep in my heart, I felt a pang of sadness that brings back so many memories.

Today's Genice's eighth birthday and Eve's death anniversary.

Hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Eve but I'm blithe seeing Genice and being with her every single day because she's just the resemblance of Eve's visage and personality. Masaya ako sa iniwan sa 'kin ni Eve at alam kong masaya rin siya sa kung nasaan man siya ngayon. She's free from all the burdens that life gave to her. She's in a good hand and place now.

Habang nakatitig kay Genice na kinakausap ang puntod ng mommy niya ay biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari noon.

"Doc!" sigaw ni Mrs. Hutton kaya agad kaming nagsilapitan sa kanila.

Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Please, sana ligtas sila pareho.

"The baby is safe..." pangbibitin ni Dr. Aguillard na siyang nakapagpasaya sa mga taong nandito ngayon pero ako, hindi ko magawang makaramdam ng kahit na katiting na saya.

"Si Eve?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang tanungin ko iyon sa kanya. Nalipat naman sa 'kin ang mga tingin ng mag-asawa saka bumalik kay Dr. Aguillard.

Gumuhit ang mantinding lungkot sa mga mata ni Dr. Aguillard.

"Eve didn't make it. I'm so sorry."

Dr. Aguillard left us with shattered heart and debilitated body. Agad akong tumakbo papunta kay Eve at para akong mahihimatay nang makita ko siya. I hugged her so tight na para bang ayoko na siyang bitawan pa habang tuloy-tuloy lang ang agos ng mga luha ko.

"Eve, Eve, Eve... no, Eve. Please, don't leave me..." I stammered while still hugging and kissing her repeatedly. Hindi ko yata kayang tanggapin ito. Fuck. Please, tell me she's just sleeping.

Nang lumipas ang ilang minuto na wala man lang akong makitang senyales na buhay siya ay mas lalo akong humagulhol. I was so frustrated to the point that I don't want to let go of her body anymore.

"I love you so much, Eve. I will always love you."

"Daddy, it's raining!"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw ni Genice. Napatingala ako sa kalangitan at napapikit nang maramdaman ang patak ng ulan sa mukha ko. Agad akong tumayo at binuhat si Genice papasok sa sasakyan.

"Gusto ko pa pong makasama at makausap si mommy." She pouted as tears started to pool in her eyes.

I caressed her both cheeks as I kissed her forehead. "Next time baby, hmm?"

Pumasok na rin ako sa loob at agad nagmaneho. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan ng ama ni Eve kung bakit niya inabandona si Eve. Our situation is quite the same but I managed to accept our daughter because that's the only way to retain the memories of Eve. Sa pamamagitan at tulong ni Genice, buhay na buhay pa rin si Eve, not physically but emotionally and mentally.

"Anong sinabi mo kay mommy?" tanong ko sa kanya habang sumusulyap-sulyap sa kanya. "Care to share it to your dad?"

"Eh, Daddy, huwag mo na pong alamin. Sa amin na lang po iyon ni mommy." She giggled while looking at the window as the rain continue to fall.

"Oh, you silly little angel. Alright. Alright. Tatanungin ko na lang ang mommy mo," I teased her. Masaya ako na hindi niya masyadong dinadamdam na hindi niya na naabutan ang mommy niya. She just keep on seeing things in a brighter side. Isang beses ko palang siyang nakikitang umiyak dahil sa mommy niya. Doon ako bumilib. She really is just like Eve.

"Hala, pano mo po iyon gagawin, Daddy?"

"It's a secret."

Natawa ako nang kulitin niya ako pero agad napatigil nang may mapansin ako sa braso niya. Tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at agad iyong sinuri.

"What's this, baby?" I asked her in a gentle manner as I caressed her little hand.

"Hindi ko po alam, Daddy. It's painful and itchy. Nagsimula po akong magkaroon nito 'nong nag-swimming po tayo nila momma sa beach. Uhm, kailan nga po ulit 'yon, Daddy?" Napakamot siya sa braso niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa braso niya at hinahaplos-haplos ito. F*ck! It's the same as Eve's.

"Daddy?" she called but my mind is in haywire until Dr. Aguillard's statement came back to my mind.

"Another Aquarius is born. But the question is, how and when she's going to have water allergy?"

Continue Reading

You'll Also Like

Wicked Witch By 🌙

General Fiction

31.4K 1.2K 41
"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destroy everything around her.... including yo...
224K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
26.7K 887 64
Have you ever experienced to love someone but you can't say your true feelings for that person? Have you ever experienced to keep those feelings insi...
219K 3.3K 47
Sila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa...