The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15

6

5.5K 293 13
By HopelessPen

6

Reyna Karolina




Mamamatay ako. Pagkatapos ng lahat ng ito ay malalagutan ako ng hininga, iyon ang sigurado ako. Sa takbo ng mga pangyayari, kahit na may mga nagbabagong parte ng kwento, isa pa rin ang sigurado, sa dulo ng lahat ay mamamatay ako.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad pabalik balik sa kwartong inihanda ng reyna para sa aking ngayong gabi. Nakalimutan yata ng antok na dalawin ako dahil malalim na ang gabi at mulat na mulat pa rin ako. Lahat ng mga sinabi ng binibining Vidrumi ay nanatili pa ring presko sa aking isipan.

Mawawala sa akin ang lahat kapalit ng biyaya para sa Setrelle. Pinipilit niyang lumayo na ako bago ako tuluyang maitali. Pero maitali saan? Sa lugar na ito? Sa Prinisipe? Sa mga Vaurian?

Sinasabi ba niyang hindi kami dapat maikasal ni Elric? Kasal lang naman ang maaring magtali sa akin at sa prinsipe ng angkang Vaurian. Matagal ko ng balak na tanggihan ang kasal na iyon kaya ano pa ang maaring maging paraan ng pagtatali sa aming dalawa.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at tinitigan na lamang ang kisame sa kawalan ng magagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mata ng makarinig ako ng musika sa may hardin, sa tapat lamang ng aking silid.

Tumayo ako at nakita ang isang itim na bulto, may hawak na gintong plauta. Sa ilalim ng maliwanag na buwan at libo libong bituin, tumutogtog ang binate ng isang malungkot na melodiya. Nakasandal siya sa puno ng saresa habang malungkot na hinihipan ang instrumento.

Ilang metro lamang ang layo ng binata sa akin. Unti unting nilamon ng tunog ng kanyang plauta ang katahimikan ng gabi. Lahat ng iniisip ko kanina, tungkol sa aking tadhana, sa kwentong ito, sa prinsipe, ay unti unting Nawala habang nakikinig ako sa kanya.

Lumingon ang binata sa aking direksyon at bahagyang natigilan ng makita ang aking panunuod. Napasinghap naman ako sa gulat ng ibinulsa niya ang kanyang plauta at walang anumang tumakbo sa direksyon ng aking kwarto. Bigla na lamang itong nawala para lumitaw sa baging na malapit sa terasa ng aking silid. Inabot niya ang barandilya ng aking terasa at nilundag iyon para makalapit sa akin.

"Magandang gabi, aking binibini," anas ng baritonong boses nito. Napanganga ako ng matanto kung sino ang nasa aking harapan.

Ilang beses akong lumunok at sinikap na ayusin ang aking buhok. Malapit na akong matulog at hindi na iyon maayos. Ramdam ko pa ang ilang hibla ng aking pulang buhok na sumasabog sa aking pisngi.

"K-Kamahalan..."

Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi at pilyong nilingon ako. Isinandal niya ang kanyang beywang sa barandilya at sinilip ang aking kama.

"Hindi ka yata makatulog?"

Mabilis akong umiling. Payuko niya akong tinitigan, iyong itim niyang buhok ay bahagyang tumabing sa kanyang asul na mata.

"Maging ako man, binibini. Hindi ko alam kung bakit pero hindi rin ako dinadalaw ng antok."

Napalunok ako at pinanood siya. Kalahati ng mukha ng kamahalan ay nabibigyang liwanag ng buwan habang ang natitirang kalahati ay misteryoso dala ng dilim ng gabi.

Hindi ko napigilan ang biglaang pagragasa ng init sa aking pisngi habang pinapanood ko ang prinsipe na tahimik na tinitingnan ang mga tala sa kalangitan ng Setrelle.

Alam mo ba, kamahalan, na balang araw ay puputungan ka ng korono at ikaw ang magiging hari ng buong bansa? Magkakaroon ka ng reyna sa katauhan ni Binibining Vega at magiging masaya ka sa iyong tanang buhay. Ipinagdarasal ko sa Dyosa ng Setrelle, at sa Diyos sa aking mundo, na sana'y maging mabuti sa iyo ang tadhana. Kahit sayo na lamang. Kahit ikaw na lang.

Huwag kang mag alala. Ako ang magiging suporta mo sa lahat ng iyong pagdaraanan. Elric, tanggap ko ng wala na akong magagawa para iligtas ang aking sarili, pero ikaw...ikaw ang magliligtas sa buong Setrelle. Kung hindi ko man masasgip ang sarili kong buhay, kung ito talaga ang itinakda ng tadhana, kahit man lang ang matulungan kang maging hari ay magawa ko.

"Amelia?"

Napakurap ako ng marinig ang aking pangalan. Tuwid ng nakatayo ang prinsipe at nag aalala akong tiningnan.

"May dinaramdam ka ba? Ipapatawag ko ang manggagamot---"

"Maayos ako, kamahalan," putol ko sa kanyang sinasabi. Kunot ang kanyang noo at nag aalala ang titig habang pinapanood ang aking ekspresyon.

"Sigurado ka ba? Nakikusap ako, aking binibini. Panatagin mo naman ang iyong Prinsipe," pagmamakaawa niya. Nanlaki ang aking mata at mabilis siyang itinulak.

"Kamahalan! Baka may makarinig sa iyo! Ano ang maari nilang isipan kapag narinig nilang sinasabi mong akin ka---

"Hindi pa ba naging malinaw sa iyo, binibini? Noong sinabi ko sa iyo kanina sa hardin na iyo ako, tunay iyon," agap niya sa aking sinasabi. Niyakap ko ang aking braso bago mabilis na umiling.

"Ngunit kamahalan---"

Hinuli niya ang aking kamay bago may inilagay roong malamig at maliit na bagay. Hindi ko matukoy kung ano iyon dahil sa dilim. Mabilis na ikinuyom ni Elric ang aking palad at hinila ako palapit sa kanya.

"Labing pitong taon na ang nakalilipas noong nagkaroon ako ng pangarap, Binibini. Nangarap akong itutuwid lahat ng baluktot sa Setrelle kapag ako ang naluklok na hari. Noon ay pinapangarap ko lamang iyon ng mag isa ngunit ngayon, magmula ng makilala kita...mas naging malinaw sa akin ang lahat."

Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib bago sinapo ang aking magkabilang pisngi.

"Sa unang pagkakataon hindi na ako tunay na mag isa. Dahil dumating ka, at ipinakita mo sa akin na kaya kong tuparin ang aking pangarap. Na kapag ikaw ang aking reyna, maitataguyod natin ang Setrelle bilang isang matuwid na bansa," aniya. Umiling ako at sinubukan siyang itulak.

"Bukas ay kakausapin ka at ang iyong ama ng aking Inang Reyna para sa alok na kasal. Ipinagdarasal ko sa Dyosa na sana'y tanggapin mo ang aking pangalan, binibini. Nawa'y ikaw ang aking maging prinsesa," pagpapatuloy niya. Binitiwan na niya ako at humakbang patalikod.

Yumuko siya at inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.

"Ikaw ang aking Dyosa, at ang nag iisang babaeng nais kong aking maging reyna," sabi niya sabay hila sa aking kamay. Mabilis na dumampi ang kanyang labi sa likod ng aking palad bago niya hinila ang baging para makababa.

"Pag isipan mo, Klintar Amelia," aniya at tuluyan ng bumaba. Naiwan naman ako sa terasa, ramdam pa rin ang init ng labi ng prinsipe sa aking palad.

Noong wala na siya sa aking paningin ay doon ko binuksan ang aking palad. Sa ginta noon ay nakita ko ang isang gintong singsing na may kulay lila at asul na dyamante sa gitna. Hindi ko napigilan ang mapait na ngiti habang tinitingnan ang pagkinang ng mga bato sa ilalim ng buwan, mga batong sumisimbolo sa kulay ng aking mata at ng sa prinsipe.

Tunay ngang ipinatawag kami ng aking ama sa bulwagan ng reyna noong nag umaga na. Naging abala ang mga Destal na nagbibihis sa akin para maging presentable ako kapag hinarap ko na ang reyna.

Mas naging maayos ang pagkakatirintas ng aking pulang buhok. Mas mahigpit rin ang pagkakabigkis sa aking beywang. Ang damit na ipinasuot sa akin ay mas mahal ng sampung beses kumpara sa mga damit na ginagamit ko sa aming mansyon.

Ipinutong sa aking ulo ang gintong palamuti sa aking buhok bago ipinaikot ang manipis na tirintas roon. Ang iilang kulot na buhok ay nahulog at naging mistulang dagdag na palamuti sa aking mukha.

"Binibini, naghihintay na ang Kamahalan sa kaniyang bulwagan," anunsyo ng punong kawal. Sinikop ko sa aking kamay ang laylayan ng aking damit bago dahan dahang tumayo.

Dalawang Destal ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Sinamahan nila ako sa paglalakad sa pasilyo papunta sa pribadong tanggapan ng Reyna Karolina. Bawat hakbang ay unti unting nagiging marubdob ang aking kaba.

Huminto kami sa isang malaking pintuang napapalamutian ng pula at dilaw na mga dyamanteng kumikinang mula sa liwanag ng araw na tumatagos sa mga bintana. Tatlong katok ang ginawa ng punong kawal bago inanunsyo ang aking pagdating. Narinig ko ang malamyos na tinig ng reyna, pinapapasok ako, bago nagbukas ang pintuan.

Sumalubong sa akin ang Kamahalan, nakaupo sa likod ng isang malaking lamesa, habang hinihithit ang isang malaking habano. Nakapusod ang kanyang mahabang buhok bago ako binigyan ng isang malambing na ngiti.

"Maari na ninyong iwan ang Binibini. Ipapatawag ko kayong muli kapag may kailangan kami," anas ng reyna sa mga Destal. Sabay sabay na yumuko ang mga alipin bago ako naiwan sa loob.

Nakita ko ang aking ama na nag aalalang nakatingin sa akin. Nakatayo siya sa gilid ng sopa. Itinuro ng reyna iyon sa akin bilang paanyayang maupo. BAgo ako maglakad ay dahan dahan muna akong yumuko. Inilagay ko ang aking palad sa tapat ng dibdib bilang pagpupugay.

"Binabati ko kayo, Kamahalan. Sa ngalan ng Dyosa ng Setrelle, magandang umaga," mahinhin kong sabi. Sumandal ang reyna sa kanyang upuan bago nilingon si Papa.

"Naging maganda ang pagpapalaki mo sa iyong anak, Daniel," pagpuri niya. Maliit na tango lamang ang ibinigay ng aking ama para sa reyna.

"Maupo ka, Binibini. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Alam kong alam mo kung ano ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag ng iyong ama," panimula niya. Nagsimulang manuyo ang aking lalamunan habang pinapanood ang reyna. Kalmadong nagsasalita ngunit may panganib ang bawat galaw.

"Sa daang taong pamumuno ng mga Vaurian sa Setrelle, palaging nasa kanilang tabi ang ating angkan. At hindi ako makapapayag na sa henerasyon na ito ay mapuputol iyon. Nais kong masigurong ang aking anak na si Amreit ang maluluklok na hari---"

"Mahal na reyna, buhay pa ang hari. Nawa'y maisip ng Kamahalan ang panganib sa salitang binibitawan ninyo," agap ni Papa. Nananatiling matigas ang kanyang panga at matalim ang tingin sa reyna.

"Kinakalaban mo ba ako, Klintar Daniel?"

Hinawakan ko ang braso ng aking ama bago bumaling sa reyna. Unti unting nawala ang ngiti sa magandang mukha ng kamahalan habang nakatingin sa aking ama. Dahan dahan akong tumayo para pumagitna sa dalawa.

"Ano ang iyong tunay na nais, Kamahalan?" tanong ko. Bumaling sa akin ang reyna at muli ay umusbong sa kanyang labi ang isang malambing na ngiti.

"Nais kong maging hari ang aking anak, Amelia."

Hinila ako ni Papa at itinago sa kanyang likod.

"Ang Vaurian Amreit na ang nakatakdang mag hari, kamahalan, kaya bakit---"

"Hindi uupo at tatahimik ang mga Vidrumi, Daniel, alam mo iyan. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakikitang nakaluklok si Elric sa trono ng hari! Hindi ako makapapayag na ang anak sa labas ng aking asawang hari ang magpapabagsak sa aking anak," gigil na sabi nito. Humigpit ang hawak ni Papa sa akin at mas lalo akong itinago sa kanyang likod.

"Si Elric ang nag iisa at ang pinakamalaking banta sa koronasyon ni Amreit. Hanggat nabubuhay ang ikalawang prinsipe, hindi magiging ligtas ang aking anak."

Pinanood ko ang reyna. Ang kaninang kalkulado niyang mga galaw ay unti unti ng nawala habang isinisiwalat niya ang kanyang tunay na plano. Ang kaninang malambing na ngiti ay napalitan ng gigil na simangot para sa ikalawang prinsipe.

"Ano ang nais mong gawin ng aking anak, Kamahalan?"

Hindi ko mapigilang mangilabot sa tinig ng aking ama. Nakakapanginig ang lamig niyon habang hinihintay ang sagot ng reyna.

"Nais kong siya ang kumitil sa buhay ng ikalawang Prinsipe," malamig na sabi ng reyna. Napasinghap ako sa narinig habang si Papa ay natigagal.

"Patawad... tama ba ang narinig ko? Nais ninyong ako ang p-pumatay sa Prinsipe?"

Tumango ang reyna bago bumalik iyong ngiti niya, ngayon ay nakakatakot na at wala ng lambing.

"Sa gabi mismo ng inyong kasal, doon ay nais kong kitlan mo siya ng buhay---"

"At anong pumasok sa isipan ninyo at naniniwala kayong gagawin ko iyon sa Prinsipe?" paghamon ko. Marahas na lumingon sa akin si Papa habang ang reyna ay nagulat sa aking sinabi.

"Klintar Amelia, bantayan mo ang bawat salitang iyong binibitawan! Nasa harapan ka ng reyna ng Setrelle---"

"At pinagbabantaan ng reyna ang buhay ng isang Vaurian. Hindi ba't pagtataksil na sa trono ang ginagawa ninyo, Kamahalan?" matapang kong sagot. Nanginginig na ang aking palad habang nilalabanan ang nag aapoy na titig ng reyna.

"Daniel, kastiguhin mo ang iyong anak! Nakakalimutan yata nya ang utang na loob na mayroon ang inyong angkan para sa mga Klintar," anas ng reyna. Tumuwid ng tayo ang aking Papa bago pinisil ang aking kamay.

"Ang utang na loob na mayroon kami ay matagal na naming pinagbayaran, mahal na reyna. Sa loob ng isang daang taon,naging sunud sunuran ang mga Kleona sa lahat ng inyong kagustuhan. Panahon na para kami naman ay lumaban."

Mabilis na nakahakbang ang reyna sa amin. Sa isang iglap lang ay lumagapak ang kanyang palad sa pisngi ng aking ama. Napabaling ang mukha ni Papa pakaliwa at nagmarka ang palad ng kamahalan roon.

"Mga barbaro lamang kayong kinaawaan naming mga Klintar! Kung hindi dahil sa amin ay magiging masahol pa kayo sa mga aliping Destal. KInalimutan mo na ba iyon?"

Bumaling ang aking ama sa reyna bago yumuko.

"Hindi, kamahalan. Ngunit isa iyong utang na loob na hindi dapat pagbayaran ng aking anak," sagot ni Papa. Humigpit ang hawak niya sa aking braso at noong tumuwid siya ng tayo ay nagmamadali na niya akong hinila palabas. Nang nasa pintuan na kami ay tinawag kaming muli ng reyna.

"Hindi ninyo ako matatakbuhan. Sa ngalan ng Dyosa, ipinapangako kong maikakasal ka kay Elric, Amelia, at mismong sa iyong kamay malalagutan ng hininga ang bastardong anak ng hari!" sigaw nito. Nagtama ang mata namin ni Papa bago ako malungkot na ngumiti. Hinarap kong muli ang reyna at tinitigan ito.

"Patawad Kamahalan, ngunit kahit anong mangyari, hinding hindi ko babawian ng buhay si Prinsipe Elric," pinal kong sabi. Isinara ko na ang pintuan bago pa man kami tamaan ng plorerang ibinato ng reyna sa aming mag ama.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib habang naglalakad palayo. Sa bawat hakbang ko ay naririnig ko pa ang sigaw ng reyna. Kumuyom ang aking palad bago ko naramdaman ang kakaibang determinasyon sa aking dibdib.

Mali ka, Reyna Karolina. Hinding hindi mo mapapagbak si Elric. Dahil ang bastardong kinatatakutan mo ay ang susunod na magiging hari ng buong Setrelle.

At sisiguraduhin kong mangyayari iyon. Kahit kapalit pa nito ay ang buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.6K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
430K 19.3K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
38K 1.5K 21
She's Aubrielle Milicent Catherine Alliana Abere. Aubrey, an assassin from her previous world. With a never ending life and death situation, but she...