"Hi Miss Ganda, Pagbili nga ng dalawang isaw" Isang matangkad na lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ni Dionne.
"CJ loko ka talaga!"
"Kumusta na?" tanong ng nakangiting binata.
"Eh, eto parin" sagot niya
"Anung eto parin?" Kunot na noong tanong ng binata sa kanya.
"Eh, heto gaya pa din ng dati", sagot niya, At inabot ang isaw dito." Bakit nga pala ngayon kalang nagawi rito. Sobrang busy mo ata."
Lumapad ang ngiti into. " BAKIT? Na miss mo-ba ako?"
Napatawa siya sa sinagot nito. Matagal na silang mag kaibigan. At hindi kaila sakanya na may espesyal na pag-tingin ang binata sakanya. Gaya nga ng sabi ng iba boyfriend matiryal ito. Bukod sa masipag at mabait ay matulungin din eto sa magulang. Kaya lamang at Hindi niya gustong gamitin ang utak sa usaping pag-ibig. "Loko to!"
"Dami lang kasing tarbaho sa opisina kaya napapadalas magpa-overtime si boss"
"Sipag mo talaga no" sabi niya rito.
"Talagang sinisipagan para sa kanila ni nanay" Lihim naman siyang napangiti rito. Pangarap kasi nito na maialis ang pamilya sa squatter area.
"Swerte talaga ni nanay fe may mabait na anak." Nakangiting sabi niya dito.
"At GWAPO PA" dugtong nito sa sinabi niya.
"Ang hangin mo talaga"
"Totoo naman ah, Pogi naman talaga ako." laban nito.
"Bahala ka nga jan sa mga kalokohan mo." Napailing iling siya dito.
Hindi nalang niya eto pinansin. Dahil sunod-sunod na bumili sa kanila. Ilan minuto pang nanatili roon so CJ bago nagpaalam.
"AHEM! BAGAY NA BAGAY talaga kayo ni CJ bakla." Napatingin siya sa bagong dating na si Daniela or Danillo Jose Maglangit Jr.
"Bakit mo naman yan nasabi?" tanong niya dito.
"Gwapo siya at maganda ka kaya bagay na bagay kayo, Bakit hindi mo sagutin ang tao, Eh alam ko naman na nagpaparamdam yun sayo." Kumuha eto ng isaw at kumagat.
"Penge bakla, alam ko na hindi mo eto ikaka-lugi."
"Huy!" Bayaran mo yan sayang yun sampung peso na isaw." Sabi ko dito
"An damot damot mo talaga" at inirapan ako.
"Eh malulugi ako sayo eh!"
"Ngek ngek mo! Ikakalugi mo yun sampung peso ha?" Inirapan nalang niya eto alam niya naman na hindi nito babayaran ang kinain na isaw. Kaya nag papasalamat siya na hindi ito nagawi minsan.
"Seryoso bakla, Wala kabang pagtingin kay CJ?"
"Gusto,Gusto ko siya pero hanggang kaibigan lang talaga ang maiibigay sakanya, Alam mo naman wala akung balak pumasok sa isang relasyon muna."
"Oh siya di na kita papakialaman sa mga lablyf lablyf na yan tutal may Lucas kana naman."
All Rights Reserved 2019