The Things I Hate About You

Oleh ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 26

3.2K 115 11
Oleh ceresvenus

TOSCA

Sobrang excited ako ngayon! Ang aga kong nagisimg kahit na mamayang gabi pa naman ang event. Ngayon kasi ang anniversary party ng mga magulang ni Scor. Na eexcite ako kasi first time ko lang makikilala ang parents niya. Si Harris at ang Kuya niya palang kasi ang na-meet ko.

Todo pag papaganda nga ako ng skin eh. Talagang nag mask na ako kagabi tapos nag mask pa ako ulit ngayon pag-gising ko. Syempre dapat matalbugan ko iyong mga past girlfriends niya 'no?

Kinuha ko ang cellphone ko dito sa tabi ng kama habang pinapatuyo ko iyong charcoal mask na nilagay ko sa mukha ko. Tinawagan ko si Scor at wala pang limang ring ay sumagot siya kaagad.

"Hello?" Sabi niya. Medyo paos pa ang boses niya at mukhang bagong gising. Naiimagine ko na ang hitsura niya kaya natawa ako.

"Good Morning, pogi. Gising na!" Pabirong sabi ko.

"It's too early babe. Bakit ang aga mo?" Inaantok na tanong niya pa din sa kabilang linya.

"Maaga akong nagising eh. I miss you na." Sabi ko.

I heard him chuckle.

"Kakagaling ko lang diyan kagabi ah?"

Kagabi kasi ay nag-punta din siya dito. Pinag luto ko siya ng specialty kong gnocchi. Nagustuhan niya naman. Hindi katulad nung una na medyo medyo lang daw yung carbonara ko. Pero sabi niya sa akin masarap naman daw talaga, ayaw niya lang aminin kasi baka lumaki daw ulo ko. Abnoy talaga.

"Anong oras mo ako susunduin?"

"Maaga pa, Tosca. Excited ka?" Halakhak niya.

"Oo! Gusto ko nang ma meet ang parents mo." Sabi ko naman.

"Oh sige, ganito nalang. Pupuntahan na kita diyan. Pagluto mo ako ng breakfast?" Tanong niya.

"Talaga? Sige!"

Tumili ako at humalakhak nanaman siya. Ang sweet sweet talaga ng baby ko! Ganyan 'yan kapag naglalambing eh. Bigla nalang lilitaw kahit nasaan ako. Binaba na niya ang tawag para makaligo at makapunta na daw siya dito. Ako naman itong ganadong bumangon para magluto ng agahan naming dalawa.

Isa sa mga nalaman ko kay Scor ay 'yung napaka lakas niya palang kumain. Tapos mahilig siya sa mga meat dahil nga nag gi gym siya. Sinimulan ko na ngang iluto ang simpleng breakfast na ham hotdog at itlog pati fried rice. Wala pa atang isang oras ay natapos na din akong magluto. Kumpleto kasi ang fridge ko, madalas kaming nag go grocery ni Scor. Hindi katulad dati na sa labas nalang ako palagi kumakain.

Napatalon ako nang tumunog ang doorbell. Tiyak na siya na ang dumating! Nagmamadali akong punasan ang kamay ko sa basahan dahil kakatapos ko lang maghugas ng mga pinag-lutuan. Dali dali akong dumiretso sa pinto at naabutan kong siya na nga ang dumating.

"Hi!" Bulalas ko sabay dinamba siya ng yakap.

Narinig ko ang halakhak niya at ang pag hapit ng kamay niya sa baywang ko. Lumayo siya ng kaunti para titigan ako saglit sa mukha ngunit mabilis din naman akong dinampian ng halik sa labi.

"Easy, Tos. Masyado ka namang energized. Maaga pa." Sabi niya nang may ngiti sa labi.

"I just really miss you."

Totoo naman kasi. Parang habang tumatagal ang relasyon namin ay mas lalo akong na a-attach sa kanya. Talagang ibang iba siya sa mga naging ex ko. Ngayon ay nakumpirma kong hindi lang basta attraction talaga ang naramdaman ko noon sa kanya. There's really something in him. Siya iyong tipo ng lalaki na gugustihin mong makasama habang buhay dahil palagi kang tinatrato ng tama.

Sabay na kaming naglakad patungo sa kusina at naupo sa kitchen counter. Pinagsilbihan ko siya at ako mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya.

"Can you show me your dress?" Tanong niya bigla habang kumakain.

Tumigil ako sa pag-nguya at sinamaan siya ng tingin kunwari. Sabi ko kasi sa kanya ay surprise ang suot ko para mamaya. Basta ang sinabi ko ay mag-itim siya para mag match ang mga suot namin. Pero sa totoo ay isang silver long gown na puno ng swarovski crystals ang suot ko. Nag niningning iyon mula itaas hanggang laylayan. Halter ang cut ng tela at sa braso ko ay may mga naka laylay pang crystals. Great gatsby kasi ang theme.

"Sabi ko secret diba? Para nga ma surprise ka kunyari." Natatawang sabi ko naman.

"Pa surprise surprise ka pa, eh huhubarin ko din naman sa'yo mamaya 'yon." Mayabang na sabi niya bago sumubo ng ham.

Pinaikot ko ang mga mata ko sa kanya kahit na may bahid naman ng ngiti ang mukha ko. Scor is such an insatiable man. Expected ko naman na talaga 'yon pero ewan ko ba. Kapag ginagawa namin 'yun para siyang pandora's box na ang dami daming surpresa. Kaya nga wala na talaga akong mahihiling sa isang lalaki eh. Siya na talaga ang perfect man para sa akin.

"Mamaya pala, darating dito 'yung make up artist at stylist ko. Pakilala kita ha?" Baling ko sa kanya.

"May ganon ka?"

"Oo naman! Kailangan ko 'yun 'no. Sino nalang ang mag-aayos sa akin sa mga events?"

"Ahh. Hindi mo naman na kailangan non. You're beautiful as you are." Malapad ang ngiting sabi niya habang hindi ako nilulubayan ng ngiti.

"At nagbolahan na nga tayo. Ke aga aga! Kainin mo na 'yang pagkain mo. Tapos na ako." Sabi ko.

"Ang hina mo talagang kumain. Kaya ang liit liit mo eh." Naiiling na sabi niya.

"Sus! Ayaw mo ba 'nun? Madali mo akong maiwasiwas sa kama." Pabirong sabi ko.

"Tosca! You crazy girl." Naiiling na bulalas niya ngunit may naglalarong kamanghaan sa kanyang ekspresyon.

Pagkatapos naming kumain ay nag-yaya si Scor na umidlip muna. Maaga naman kasi talaga kami nagising. Gabi pa naman ang event at saka mamaya pang alas kwatro darating sina Mori at Roxy. Mabuti pa ngang matulog muna kami.

Suminghap si Scor habang nakabaon ang ulo niya sa leeg ko. Mahigpit niya akong niyayakap at ako naman ay parang unti unting nilalamon ng antok.

"Inaantok ka na?" Bulong niyang nakapag pataas ng balahibo ko sa katawan.

Paungol akong tumango. Hindi ko na ata kayang magsalita dahil unti unti na akong nilalamon ng antok. Naramdaman kong lalo niya akong hinapit palapit sa kanya. Pagkatapos non ay wala na. Talagang inantok na ako at nakatulog.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip. Nagising nalang ako nang may magaspang na kimikiskis sa pisngi ko.

"Gising na, Tos. Hapon na."

Boses ni Scor 'yun. Kahit inaantok pa ay pinilit kong dumilat. Ngumiti kaagad ako nung nakita ko 'yung bagong gising niyang mukha. Ang gwapo gwapo niya. Papatubong balbas niya pala iyong kumikiskis sa pisngi ko. Hinawakan ko iyon at tinitigan muna siya sandali.

"Gwapo ko 'no?" Sabi niya.

Sumimangot naman ako kunyari bago pabirong tinulak iyong mukha niya. Humalakhak lang naman siya at binagsak ang sarili niya sa katabi kong kama. Naalala ko na pupunta dito si Mori at Roxy! Mabilis kong hinagilap ang cellphone ko. Nakita ko ang text nila doon na papunta na sila.

"Bakit?" Tanong ni Scor nang bigla akong tumayo.

Nilingon ko siyang relax pa din sa pagkakahiga niya doon.

"Papunta na dito sila Mori. Mag sha shower lang ako ulit. Diyan ka kang." Sabi ko.

Lumapit ako at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi. Tumango lang naman siya habang nakaunan ang isang braso. Feel at home na talaga siya dito sa bahay ko ah? Mabilis akong nag-shower. Nagulat ako nang makarinig ng parang may nag-uusap sa labas. Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita kong nasa loob na si Mori at Roxy, kausap si Scor!

"Tosca! Walanghiya ka! Hindi mo naman sinabing ganito pala ka hot ang papa mo!" Sigaw ni Roxy sa akin.

Natawa si Scor sa sinabi niya.

"Oh, nagkakilala na pala kayo. Anyways, Roxy Mori ito si Scor. Boyfriend ko." Turo ko kay Scor na lumapit sa akin at pinasadahan ako ng halik sa labi.

"Mag-ayos ka na. I'll get my suit in my car. Paligo na din ako." Natatawang sabi niya.

Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya na nasa lamesa. Bumaling siya sa malalanding si Mori at Roxy.

"Nice meeting you two." Magalang na sabi niya.

Kulang nalang ay mag-laway ang dalawa sa kanya. Nung tuluyang nakalabas si Scor sa kwarto ay saka naman nagtiliian ang dalawang bakla.

"Punyeta, Tosca! Sobrang gwapo pala nun sa personal! Ang laki ng katawan!" Ani Mori.

"Pucha, bakla! Nakita mo 'yung braso? Ugh! Nakakapang laway!" Ani naman ni Roxy.

"Tumigil nga kayo! Boyfriend ko 'yon! Mga bakla ng taon! Bilis na, mag start na tayo at baka malate pa ako." Sabi ko.

Dumiretso ako sa kwarto at umupo sa vanity. Inayos na ni Mori ang damit na susuutin ko at sinimulan nang i-blower ni Roxy ang buhok ko. Kahit na nagsisimula na sila sa kanilang trabaho ay patuloy pa din sa pag-uusap ang dalawa tungkol kay Scor. Naiiling nalang ako.

Siyempre naunang matapos mag-ayos si Scor sa akin. Pagkatapos niya maligo, nag wax lang siya tapos nag palit na ng polo niya at ayun tapos na siya. Samantalang ako, inaayos pa ang buhok sa sa isang kulot na updo. Siyempre great gatsby kailangan 1920's din ang itsura ng buhok. Mabuti nga at hindi mainipin si Scor. Sabagay, manaka naka naman siyang kinakausap ng dalawang bakla.

"I'm done." Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko siyang nanonood ng tv.

Nilingon niya ako at bakas kaagad ang ngiti sa kanyang labi. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Lumapit siya sa akin.

"I'd kiss you right but I don't want to ruin your makeup. You look beautiful, by the way." Masuyo niyang sabi.

Pinigilan kong ngumiti dahil sa sinabi niya. Madiin kong pinagdikit ang labi ko. Natawa tuloy siya.

"Puro talaga pambobola ang alam mo. Halika na. Male late tayo." Sabi ko.

Medyo malayo kasi ang bahay ng mga magulang ni Scor. Boundary ba naman ng Manila at Probinsya eh. Nabasa ko sa internet na isa sa pinaka malaking mansyon sa Pilipinas ang bahay nila. Hindi pala talaga biro ang yaman ng lalaking ito.

"Scor. Kinakabahan ako." Sabi ko nang pumaparada na siya sa harap ng bahay. Nakita ko ang isang malaking fountain sa harap noon.

"Bakit naman?" Tanong niya habang tinataas ang lever sa sasakyan.

"I don't know. What if hindi ako magustuhan ng parents mo?"

Ganon kasi sa mga telenovela diba? Hindi naman sa wala akong ibubuga pero si Scor kasi sa unang tingin pormal na pormal. Malay ko ba kung gusto ng mga magulang niya ng matinong babae para sa anak nila?

"Wag kang mag-alala. Hindi ganon sila Mama. Matutuwa 'yun kasi ngayon lang ako nagpakilala ng gf sa kanila." Sabi niya.

Bumaba siya at umikot ng sasakyan para pagbuksan ako. Tinulungan niya pa ako dahil nga mahaba ang gown ko. Inangkla ko ang braso ko sa braso niya a sabay kaming umakyat sa malapad na hagdan patungo sa front doors ng mansyon.

"Scor! Natatakot talaga ako!" Pabulong kong sinabi habang may naka paskil na pekeng ngiti sa labi ko.

Humalakhak siya at natanaw ko na kaagad ang mag-asawang center of attraction ng gabing ito. Lahat ng pumapasok ay binabati nila.

"Mama. Papa." Tawag niya.

Lumingon ang mag-asawa sa amin at para na akong matatae sa sobrang kaba. Sa gulat ko ay bigla akong nilapitan ng Mama niya at ibineso. Sinuri pa nga nito ang buong mukha ko.

"Who is this beautiful young lady, Scor?" Ani ng papa ni Scor habang nakatingin sa akin.

"This is my girlfriend, Tosca." Pormal na sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Oh! Finally! Nice to meet you hija. We'll chat later okay?" Sabi sa akin ng Mama niya.

"Nice choice, Son. Welcome to our home, hija." Sabi naman ng Papa niya.

"Scor, pumasok na kayo nandoon na si Harris." Baling ng Mama niya kay Scor.

Hinapit ni Scor ang baywang ko at iginaya ako papasok ng mansyon. Ang ganda ng setup ng party. Pakiramdam ko ay nasa 1920's talaga ako. It was full of glitter, gold and feathers.

"See? What did I tell you?" Ani Scor.

"They're so nice! Kanino ka nag-mana?" Biro ko sa kanya.

Dinala niya ako sa pinaka unahang upuan. Natanaw ko si Harris na nakaupo doon at may kasamang isang babae. Date niya siguro. Nagulat ako dahil noong ipinakilala ako ni Scor sa kanila ay tinawag niyang 'ate' ang babae. Hindi naman sila magkamukha. Morena iyong babae tapos parang puro meztiso naman sila.

Hindi nagtagal ay dumating si Kuya Falcon. Kasama din naman iyan noong nag Gigantes kami. May kasama siyang babae na parang pamilyar sa akin. Noong pinakilala niya na Mariko ang pangalan niya ay naalala ko na. Isa itong sikat na artista.

Nag-iba ang timpla noong pinakilala ni Scor sa akin na Ate Olivia niya. Hindi ko alam kung ako lang nakakaramdam noong tensyonadong atmosphere sa amin. Katabi niya si Kuya Falcon pero hindi man lang sila nag batian.

Lalo pang naging awkward para sa akin dahil mas kinakausap ng parents ni Falcon iyong si Ate Olivia kaysa doon sa Mariko. Bakit kaya? Eh mukha namang mas matanda siya kay Harris kaya nakakapag takang sila ang magka date. Mabuti nalang medyo naging light ang lahat nang mag-simula na ang program at magkainan. After noon ay napaka raming mga couples na nagsi sayawan sa gitna. Nanatili lamang kami ni Scor sa upuan. May pinag-uusapan sila ni Harris na hindi ko naman maintindihan.

"Ang yabang ng Chester na iyon. Eh kung sagasaan ko ng Hummer ko 'yung Toyota ng tatay niya." Natatawang sabi ni Harris.

"Ewan ko. Huling kita ko doon nung birthday pa ni Maris. Parang bakla eh, nagkakalat ng kwento." Sagot ni Scor.

"Sino 'yun?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Kaklase namin nung high school. Crush ni Harris." Sabi ni Scor.

Humalakhak si Harris at pabirong binato si Scor ng kung ano. Tumawa din si Ate Olivia.

"Puro kayo kalokohang magkapatid. Excuse me. I'll just get some drinks." Tumayo siya at nag-paalam. Mabilis siyang nag laho sa baha ng mga taong naroon.

"Sinong mas matanda sa inyo ni Harris?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ako." Sagot ni Harris.

"Weh? Eh bat di ka kinukuya ni Scor?" Di naniniwalang sabi ko.

"Isang taon lang tanda ko diyan eh. Di halata diba? Mas mukha akong bata." Kinindatan agad ako ni Harris at nalukot naman ang mukha ko.

"Bakit ko naman kukuyahin 'yan? Mukha ba siyang kagalang galang?" Birada naman ni Scor.

"Gago!"

Tumatawa si Scor at pagkatapos ay binulungan ako.

"Gusto mong lumibot?" Aniya.

Napalingon tuloy ako sa kanya. Bago ako makasagot ay biglang tumayo si Kuya Falcon.

"I'll just go to the bathroom." Sabi niya kay Mariko na tinanguan lang siya.

Makabuluhang nagtinginan si Scor at Harris pero hindi sila pinansin ni Kuya Falcon.

"Tara. Iwan natin si Harris diyan." Sabi bigla ni Scor at hinila ako patayo.

Dinala niya ako sa second floor ng mansyon. Ang lawak lawak talaga hanggang dito sa taas. Para akong maliligaw. Hindi naman dito nakatira si Scor. May condo unit siya at ang alam ko may bahay na sarili si Kuya Falcon. Si Harris nalang ata ang nandito kasama ang kanilang mga magulang.

"Dito." Aniya bago binuksan ang isang pinto ng kwarto doon.

Malinis ang loob noon. Kulay maroon ang carpet at kulay brown ang kobre kama at kumot. Beige naman ang pintura ng kwarto at may malaking bintana kung saan matatanaw ang isang lake. Mayroong malaking bookshelf sa di kalayuan at may dalawa pang pinto na sa tingin ko ay walk in closet at cr. Nilibot ko ang paningin ko. Noong una ay hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito pero nang makita ko ang isang picture frame sa study table na may picture ng isang batang lalaking nakangisi ay nakumpirma kong kwarto niya ito.

"Dito ang kwarto ko noong teenager pa ako." Sabi niya.

"Ikaw to? Ang cute." Tukoy ko sa nakita kong picture.

"Sa wakas. Nasolo din kita." Nginisihan niya ako at parang kinutuban na ako sa ngisi niyang iyon.

"Scor ah! Alam ko na 'yang iniisip mo! Ayoko." Banta ko pa.

"Bakit wala naman akong gagawin ah? Ikaw ah." Pang-aasar niya.

Inirapan ko siya at nilibot ang paningin ko sa kwarto. Hindi ako makapaniwalang ganito siya noong kabataan niya. Ang daming pictures doon. Sana mas nakilala ko siya ng maaga.

"Lake house ba 'yun?" Turo ko sa bahay sa tabi ng lake.

"Yeah." Sagot niya. Naramdaman kong lumapit siya sa likod ko. Marahil ay tumatanaw din.

"Punta tayo?" Pagyayaya ko.

"Wag na. May tao diyan. Baka makaistorbo pa tayo." Sabi niya nang may kasamang mahinang halakhak.

Ilang sandaling katahimikan muna ang bumalot sa amin. Pareho kaming nakatanaw sa lawang kumikinang sa ilaw ng buwan. Napaka tahimik doon. I felt so calm and relaxed.

"Thanks for bringing me here." Sabi ko.

"I want you to know me, Tosca. Seryoso ako sa'yo." Aniya.

Dinampian niya ng halik ang balikat ko at naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. Seryoso din naman ako sa kanya. Sobrang saya ko nga't nakita ko ang mga magulang niya at na expose ako sa childhood niya.

"Come on. Let's go back. Baka hinahanap tayo nila Mama." Hinawakan niya ang kamay ko.

Lumingon ako sa kanya at nahagip ng paningin ko ang portrait ng isang babae. Nasa liwanag siya at kalahati lamang ng mukha ang kita. Mistulang hinahangin ang ang kanyang buhok at kapansin pansin ang nunal sa ilalim ng kanyang manipis na labi. Parang nakita ko na siya kung saan.

"Ikaw ba ang nag paint niyan?" Tanong ko.

Sinulyapan niya ang painting ngunit blangko ang kanyang mukha.

"Y-yeah." Sabi niya.

"Nag pe-paint ka pala! I-paint mo naman ako minsan." Request ko.

"Sure. Let's go." Sabi niya at mabilis ako g ginaya palabas ng kwartong iyon.

A/n: hi guys! Help me raise TTIHAY's rating by voting and leaving a comment below. Also, I published a new story. Go check it out. Xoxo

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

40.7K 869 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...