After My Death Tomorrow (Publ...

بواسطة VChesterG

287K 17.7K 6.1K

At the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep goi... المزيد

After My Death Tomorrow
Epigraph
Prologue
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Epilogue
Author's Note
A N N O U N C E M E N T
MALAPIT NA! 🥺✨️
BOOK COVER REVEAL
PRICE REVEAL
BOOK LAUNCHING & BOOK SIGNING
AVAILABLE NOW ON SHOPEE AND LAZADA!
National Book Store Best Seller
Still A National Book Store Best Seller!
National Book Store Book Signing
National Book Store Grand Pinoy Lit Fan Con

Episode 19

4.3K 326 113
بواسطة VChesterG

Sa mga linggong lumipas, mas lalong lumalim ang pagtingin ko para kay Marco. Hindi ko na pinigilan pa ang feelings ko. Mahal ko siya. Mahal ko na siya and that's for sure.

Pero . . . wala akong balak aminin ito sa kanya. I am just too afraid and timid to confess my feelings kasi I know deep down, wala akong pag-asa. Na hanggang crush lang ako. Na . . . si Marco 'yon eh, at si Margot lang ako.

Hihintayin ko na lang lumipas itong lecheng nararamdaman ko para sa kanya. I know that this is just a puppy love and it will never last. Tatawanan ko na lang 'to sa future so might as well, i-enjoy ko na lang ang kilig ko sa tuwing kasama siya.

Ngayon ay Sabado. Katulad ng nakagawian, pumunta ako kina Marco para ipagluto siya ng pagkain. Busy sina Diyes, Magne at Vaeden kaya ako lang ang pumunta sa bahay niya ngayong araw. Pero kadalasan talaga, kaming lima ang tao lagi sa bahay niya.

Ang gustong ipaluto sa akin ni Marco ay sinigang, malamig kasi ngayon. Umuulan pa kaya tamang-tama talaga sa panahon ang gusto niya. Pero speaking of him, nasaan na ba siya?

Mag-iisang oras na magmula nang umalis siya pero hindi pa rin siya bumabalik. Siguro ay stranded ang mokong na 'yon sa palengke. Ilang minuto kasi nang makaalis siya ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Hindi niya rin dala ang kanyang cell phone kaya't hindi ko alam kung papaano siya mako-contact.

What if hintayin ko na lang siya sa harap ng subdivision nila?

Great idea!

Walang ano-ano ay dali-dali na akong tumayo. I am about to grab ahold the umbrella that I sat on the center table when the door suddenly open.

As soon as the cold breeze of air touched my skin, my eyes were cemented to Marco. He is wearing his usual black shirt and a khaki shorts that is above his knees. Basang-basa siya, pero hindi noon naalis ang kanyang ngiti.

That damn smile.

Lumapit ako sa kanya at kinuha na ang mga pinamili niya. "Ako nang bahala dito. Sige na, magpalit ka na ng damit." Nagmamadali kong sambit.

Jusko naman, Marco. Bawal kang magkasakit! Varsity player ka pa naman at next week na ang Intrams!

Ngumisi naman siya nang nakakaloko bago kumindat. "Ayie, concerned siya. Pa-fall."

I just rolled my eyes.

Heto na naman siya sa pagpapa-fall. At ako naman si tanga, na-fo-fall nga.

I then faced him with my poker face on. Siguro ay na-realize niyang wala ako sa mood para makipag-asaran. Tumawa lang siya nang tumawa bago umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.

Kalokohan talaga ng mokong na 'yon.

Habang napapailing, dumiretso na ako sa kusina at sinimulan nang ihanda ang mga ingredients. Sinimulan ko ito sa pag-chop ng luya, sibuyas at bawang. Sakto namang bumaba si Marco kaya tinawag ko siya para tulungan ako.

He is now walking towards my direction with his white tank top on, his hair's messy but it never ruined his looks—it actually made him look more attractive. Habang pinupunasan niya ang lense ng eye glass niya ay napansin kong may nakasabit na sweater na gray sa kanyang balikat.

Without facing him, I asked him. "Nilalamig ka?"

"Yes, tulungan mo naman ako saglit." That was the moment when I averted my eyes on him. Ngiting-ngiti siya sa akin habang pinapakita ang gray na sweater. "Tulungan mo akong isuot 'to."

Iniripan ko siya nang pabiro bago lumapit sa kanya. "Para ka talagang bata."

He is still on his damn stupid hot smile when I grabbed ahold of the sweater. May pang-asar na tawa siyang itinaas ang kanyang mga kamay. Kaya ako, si maliit, hindi maabot-abot iyon. Bakit ba kasi napakatangkad ng lalaking 'to?!

"Ibaba mo 'yan. Tatamaan ka talaga sa akin!" Pero ang totoo niyan, ako iyong tinamaan . . . sa kanya.

Hindi man lang siya natakot. He provoked me more. I fakely rolled my eyes and when I turned my back at him, I smiled secretly.

Nakakainis na kahit ano pang gawin niya sa akin ay kinikilig ako!

Sumampa ako sa sofa. Mas matangkad na ako sa kanya kaya wala siyang nagawa noong bigla kong hablutin ang kanyang mga kamay. Hastily, I pulled the sweater over his head, down to his broad chest and lastly, to his flat torso.

Pero laking gulat ko na lang nang bigla niya akong niyakap mula sa beywang ko.

My lips parted as I blinked. Kasabay noon ang otomatikong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Then . . . I found myself gushing. I am jumping my heart out on my freaking mind. Bliss seems to become a resident of my brain when he did that to me . . . when he freaking hugged me for the first time.

Nakakapanghina iyong kilig. Masikip sa dibdib iyong saya. Ganito pala talaga kapag attracted ka sa isang tao, nakakabaliw.

Iyong kaunting yakap lang, iba na ang epekto sa sistema mo. Iyong kung papaanong normal lang naman iyong ginagawa niya pero bakit . . . bakit ang sarap-sarap sa puso?

I enjoyed feeling all of the butterflies on my stomach. I started to smile secretly. Kasabay noon ay naramdaman ko rin ang mabilis na pag-init ng mga pisngi ko.

Bwisit ka talaga, Marco. Ang lakas-lakas ng epekto mo sa akin . . .

But I know my limitations.

Alam ko ang lugar ko sa kanya.

Kaya tinangka kong kumawala sa yakap niya. Pero napakahigpit noon. Wala na akong nagawa kung hindi ang hampasin siya sa likod. I am now biting my lower lip to stop my wide smile.

Shit, self, 'wag kang marupok. Please.

Halos dumugo na ang ibabang labi ko sa pagkagat ko noong mag-angat siya ng mukha sa akin. He is smiling genuinely and I can't take it anymore. Napakagwapong nilalang. At napaka-epal.

"Thank you, Margot." He mumbled with his sexy and raspy thick voice.

I fake a cough to fight my effin smile, "Thank you for what?"

Inalis niya ang mga braso sa pagkakayakap sa akin. Then he raised his hand only to mess my hair. "For everything."

Napalunok ako ng laway.

Thank you too for making my heart beat like crazy. If it wasn't for you, I will never know that I want to live with these feelings. These surreal and lovely feelings that you . . . only you could give.

One moment of silence and I am done. I was caught in a trance to move but I produced all of my energy just to gravitate my feet away from him.

I should stop this damn feelings.

Ako lang ang masasaktan sa huli.

Dumiretso ako sa kitchen island. It was then when I realized that he followed me. Ngayon kasi ay nakaupo siya sa tabi ko, waiting for my instruction. Staring at my face, as if I am the only girl in the world. And I want to slap myself for producing a small smile which I quickly erased.

Without looking at him, I spoke. Biting my lips to prevent a smile between the words. "H'wag mo na akong tulungan, magreview ka na lang para sa exam natin."

Nakakainis ang puso ko, ayaw tumigil sa mabilis nitong pagtibok. Pero mas nakakainis ang titig ni Marco. Nakakatunaw. Nakakapanghina. Nakakarupok.

"Bumagsak ka na sa quarter exam natin last quarter kaya't kailangan mong mag-review pa lalo. Baka mawala ka sa varsity team kung patuloy na bababa ang grades mo." Patuloy lang sa pag-init ang mukha ko. Ramdam na ramdam kong pulang-pula ang mga pisngi ko ngayon.

True to my words, it was not an escapade plan. Gusto ko talagang mag-aral na lang si Marco ngayong araw. As per him kasi, bumaba nang malala ang grades niya. Dahil doon ay hindi na niya alam kung ano ang magagawa pa niya kung patuloy na bababa ang kanyang mga marka. Maalis talaga siya sa varsity kung mangyari man iyon.

***

Monday morning. Katatapos lang ng midterms namin. And by the look of Marco right now, it is obvious that it didn't turn out great for him. That he is expecting to fail.

That moment, I know that I have to help him.

That he needs my help.

That I need him to be okay.

Bumangon si Marco mula sa pagkakaunan sa mga hita ko. "Kapag bumagsak ako sa exam ng iba pa nating subject bukas, wala akong magagawa kung hindi ang lumipat ng University. Hindi ko afford ang tuition fee dito, ang pag-va-varsity ko lang naman ang kinakapitan ko dito, eh." Halatang-halata ang lungkot sa kanyang tono.

"Hindi 'yan." Nauutal kong sagot. Hindi pwede.

"Well, that sucks." Cygny started with her usual as a matter of fact tone.

"Yeah." Marco heaved a sigh.

"Teka muna, Marco. Baka may paraan pa naman. Mag-isip muna tayo." I said with my encouraging tone.

"Yes, Margot's right." Cygny nodded her head and I smile at her.

"We need to think of a plan na sureball na makakapasa si Marco." Mungkahe niya. Nakahawak siya sa baba niya habang nakatingin sa langit na para bang nandoon ang kasagutan sa iniisip niya.

Matapos nga pala noong makasama namin si Cygny sa first night ni Marco sa trabaho niya ay naging ka-close na rin namin siya. Sobrang bilis lang din kasi niyang makagaanan ng loob.

Katulad lang siya ni Marco. Walang hirap na naka-close namin siya to the point na para bang dati na namin siyang kakilala. Pero sa hindi ko pa rin mawaring dahilan ay mainit pa rin talaga ang dugo sa kanya ni Magne. Mabuti na lang at hindi niya ipinapahalata 'yon kay Cygny.

"How about we steal the key to correction of the midterm exams?" She spoke again while wiggling her eyebrows.

All of us paused for a moment while staring at her, asking if we heard her right. As a President of CSG, that was the last thing that we will expect to hear from her. If not the last, prolly, never.

"Seryoso ako, guys. I have my ways, trust me." Muli niyang sambit habang nakangisi na nang nakakaloko.

"So . . . here's the plan." Dali-dali na kaming pumalibot sa kanya. Hindi makapaniwala, pinili ko na lang na sakyan siya sa kanyang plano. Wala naman na talaga kasi akong maisip na iba pang plano para makapasa si Marco sa exams bukas.

***

Nang sumapit na ang gabi ay sinimulan na namin ang plano ni Cygny. Ang plano kasi niya ay magpapalipas kami ng hanggang alas-otso ng gabi dito sa school. Iyon daw kasi ang oras kung saan wala na talagang tao sa school. Tanging mga security guard lang na rumoronda tuwing alas-siyete ng gabi.

Nagtaka pa kami kung paano niya ito nalaman, ang sabi niya lang ay isa ito sa mga dapat na malaman ng School Officers. Sila din kasi ang naka-assign para pauwiin ang ibang members ng mga School Clubs na ginagabi dahil sa activities nila.

Bilang CSG President din ay mayroon siyang susi ng lahat ng facilities dito sa school. Kasama doon ang lahat ng Faculty. Dahil doon, madali na nga kaming makakapasok sa faculty ng teachers namin para kunin ang key to correction ng aming exams. Base din sa kanya, nakalagay daw 'yon sa isang vault at ang password daw noon ay makikita namin sa locker ng adviser namin na si Ma'amshie.

Kung papaano niya nalaman lahat ng iyon ay isa pa ring misteryo sa akin.

Ngayon ay tahimik at maingat na kaming naglalakad patungo sa Faculty ng teacher ng Grade 11. Wala namang aberya kaming nararanasan habang papalapit kami doon nang papalapit. Well, perks of having the CSG President with us, she knows everything here and I really bet that this plan will go successfully.

Nang makalapit na kami sa pinto ng faculty ay agad na ipinasok ni Cygny ang susi sa pintuan. Nagbukas iyon at gumawa ng mahinang tunog. We are about to enter when we heard a few steps coming from someone's heels.

Shit!

Sa matinis na tunog pa lang ng pagdampi ng takong na iyon sa sahig na tiles ay kilala na namin kung sino ba siya.

Shit talaga!

Halos mawalan ako ng dugo sa aking mukha noong lahat kami ay nagmadaling pumasok sa loob ng faculty.

Para kaming mga dagang naghanap ng kanya-kanyang matataguan. Pumwesto kami ni Marco dito sa ilalim ng desk na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng Professor namin sa History na si Ma'am Catacutan. Sina Diyes, Magne at Vaeden naman ay nandoon sa likod ng kurtina. Nag-iisa lang si Cygny sa desk na nasa tapat ng pinagtataguan namin.

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng pagbukas ng pinto pero nakakapagtakang hindi niya binuksan ang ilaw. Nagtataka, sumilip ako mula sa desk. Kahit na madilim dito ay tanaw na tanaw ko ang may katabaang katawan at ang mala-Dora The Explorer na hugis ng buhok ni Ma'amshie.

Presence pa lang niya ang naramdaman ko pero para na agad akong sinabuyan ng malamig na tubig dahil sa kilabot. Jusko, paniguradong mapapagalitan niya kami nang todo kung mahuhuli niya kami!

Ilang saglit pa ay naglakad siya nang pabalik-balik sa pwesto namin, papunta doon sa pinagtataguan ni Cygny. Hinawakan ko na lang ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong mang ingay. Knowing Ma'amshie, matalas ang pandinig niya kaya't kahit na paghinga ay talagang maririnig niya.

Habang naririnig namin ang yabag ng takong niya ay ganoon din ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit ba kasi hindi na lang siya umuwi?!

"Si Ma'amshie 'yan, ano?" Pabulong na sambit sa akin ni Marco.

Tumango naman ako at saka bumulong pabalik. "Oo, kaya kailangan na nating uma—"

Naputol ako sa sasabihin ko nang marinig kong sumigaw si Ma'amshie. Sobrang lakas noon to the point na para bang rinig na rinig ito sa buong school. Sobrang tinis pa naman ng pagkakairit niya kaya sobrang sakit noon sa tenga.

Kasunod din noon ang pagsigaw din ni Cygny ng "Takbo!" kaya automatic kaming napatayo mula sa pinagtataguan namin at mabilis na tumakbo palabas ng faculty.

Nagpatuloy lang si Ma'amshie sa pagsigaw sa loob ng Faculty Room pero hindi namin siya inintindi. Mabilis kaming dumiretso doon sa room ng School Officers kung saan kami nagpalipas ng oras kanina.

"Paano na 'yan? Baka bumagsak si Marco next week." Tanong ni Diyes.

"Okay, plan B." Inakbayan ni Cygny si Marco.

"Ganito na lang," she continued despite the involuntary heavy breathing, "Malakas ang kapit ko sa coach ng basketball team dahil nag-request sila sa akin na tulungan akong kumbinsihin ang Chancellor na pataasin ang fund nila."

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago magpatuloy, "May utang na loob siya sa akin. And for sure, magagawan niya ng paraan ang manatili ka sa team despite your grades." She tapped Marco's back, "Don't worry, I got you! Akong bahala."

Napanganga naman ako sa mga narinig sa kanya. "Jusko, Cygny! Pwede naman palang ganoon na lang. Bakit hindi mo agad sinabi, edi sana hindi na natin naranasan 'to?"

Tumawa muna siya na para bang enjoy na enjoy pa sa nangyari kanina. "Gusto ko kasi ng may thrill!"

Napailing na lang ako.

Jesus Christ, isa pang baliw ang dumagdag sa grupo namin.

×××

Author's Note: Salamat sa patuloy na pagsuporta! If ever na nagustuhan mo itong story, share mo sa iba para mabasa din nila 🤣

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

29.4K 1.9K 9
COMPLETED/ under revision She wasn't satisfied. She's always hoping that someday she will be more than happy, sticking to what she thinks is destined...
41.5M 829K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
43K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...