Teasing Game

By BlueBeach

92K 1.9K 254

Read at your own risk More

The Teasing Game
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
share ko lang
Chater 18
chapter 19
chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
chapter 23
chapter 24
Chapter 25
chapter 26

Chapter 17

2.2K 58 6
By BlueBeach

Mga tatlong araw itinagal bago humupa at tukuyang mawala ang mga reporters na nag-aabang sa labas ng building. Hindi rin ulit kami nagkita ni Ieous kahit na humupa na ang reporters matapos ang tatlong araw dahil on-going ang trial sa korte. Mga isang linggo walang diablo sa buhay ko. Would you imagine that this mess started from love interest? Love could make everyone desperate wasn't? Love is one of the greatest feelong but also the hardest to handle and understand. Hindi ko parin maintindihan bakit andaming nababaliw sa pagmamahal. 'Yung iba tatalon sa building kapag nasaktan at na reject. Hindi natatapos ang buhay sa pain and rejections of love but they see it as if the world already at its end.

"Nakita mo 'yung bagong commercial natin with Ms. Anne Curtis? Ang ganda talaga niya." Sabi ni Wendy nang nilapag niya ang summary ng meeting namin kahapon.

"Syempre, kauri ko siya eh. Diyosa." Wika ko.

"Kailam pa ma'am?" Tinaasan ko suya ng kilay.

"Ikaw, kailan kaya kita tatanggalin?" Pagbabanta ko sa kaniya. Nakita ko ang kaba sa kaniya.

"'Kaw naman madam, syempre hindi pa sa ngayon. Wow, ang ganda mo talaga ma'am, mas maganda pa kay Anne curtis." Bumawi ito.

Ni-review ko lahat ng financial audit. Tinawag ko rin ang vice president namin para tulungan ako na i-reprocess ang meeting at hingiin ang mga suggestions and comments niya. Mga isa't kalahating oras ang brainstorming namin atsaka siya nagpaalam umalis. Birthday daw ng bunso niya.

Naalala ko ang maikli naming pag-uusap tungkol sa buhay-buhay.

"Ikaw, kailan ka ikakasal?" She asked while underlining some papers.

"Hindi ko rin alam." Kaswal na sagot ko.

"You are young, smart, and beautiful woman dear. Why don't yoi try to go on a date." Suhistyon niya at nag-angat ng tingin sa akin. Bumuntong hininga ako sa kaniya.

"You know I have trust issues and walang umaaligid sa akin baka natiktikan nila na may attitude problems ako." Disappointed na pagpapaliwanag ko.

I mean, focus muna ako sa business ko pero I think by now dapat may partner na ako. To be honest, ayaw kong tumandang dalaga. I want to create a family, have a loving father and adorable babies. I don't want to die alone. Gusto ko kapag mamatay ako, may iiyak sa funeral ko at hindi lahat magdidiwang.

"I don't think so. They were just intimidated to you." Pagpapalubag loob lang ata iyan kaya niya sinabi. "Wait, walang umaaligid sa iyo? Dear, ilang beses na naming nakikitang pabalikbalik dito si Mr. Rossi akala ko there's something going on sa inyong dalawa. Atsaka, 'di ba nadamay ka sa issue na nangyari sa wine factory nila? I assumed tuloy na kinikita mo na siya." Naguguluhang saad nito.

Ikinabigla ko ang sinabi ni vice. Nasamid pa nga ata ako sa sarili kong laway. Ganito ba ang tingin sa amin ni Ieous? Kadiri naman.

"No way. Tubig at langis ata kami noong lalaki na 'yon. If we are going to be in relationship, it will only lasts for 2 days or less." Ismid ko at mariing pagtanggi sa sinabi niya.

"Really? So, you don't like him?" She pressed her lips but the tip of it was lifting slightly. She's held her smile.

"No!" Mabalis na tugon ko. "That guy? Argh, I hate him to the core." Dagdag ko pa.

"Oh I see... hey. That blush-on is pretty by the way." Aniya pero parang may ibig ipahiwatig ito.

Nakaramdam na ako ng init sa pisngi. Bakit?

Hindi ako naglagay ng blush-on.

I was out of my trance while playing with my pen when myy phone rang at nabasa ko 'yung registerd name. Asshole

"Anong kailangan mo sa akin dimunyu ka?" Pambubungad ko.

"Woah, no 'who's this?' Did you finally save my name? Kikiligin na ba ako." Wala na talagang ginawa itong lalaki na 'to kun'di mang-asar.

"Ano na namang pakay mo sa akin?" Binaliwala ko ang mapang-asar na banat niya.

"Wala lang, pakiramdam ko inaalala mo lang ako e." Humalakhak siya.

"No way!" Mabilis na dipensa ko. Okay, I was thinking of him perp not because I was worried about him, na curious lang ako.

"Wala na bang reporters sa office mo?"

"Wala naman na, why?" Kunot noong tanong ko.

"Good. My gagawin ka ba tonight?" He asked.

"Matutulog?" Sarkastikong tugon ko.

"Hmm... Gusto mo tabihin kita?" May kapilyuhan sa boses nito. Argh! His teases! I knew how he plays but he kept on coming!

"Oo!" I quickly answered pero hjndi iyon ang gusto ko na lumabas sa bibig ko. "Oo! Tapos lagutan kita ng hininga gamit unan ko."

Good thing, I was quick witted.

"Sayang." He tried to sound disappointed but I heard a small chuckle after. "Can I take you out on a date? I mean to make-up to all the trouble I caused you this past few days?" He sounded so hopeful.

Kaming dalawa lang? Kakain kami ng kaming dalawa lang? Edi parang nakikisalo ako sa pagkain kama ang hari ng impyerno. Ayaw ko pa malista pangalan ko sa ibaba. Kaming dalawa? Yuck! Hindi ko ma-imagine na peaceful meal ang pagsasaluhan namin. Baka mamaya magkalat lang ako sa restaurant, know Ieous? Argh love fancy restaurant.

"What if I reject your invitation?" Mapanghamon na tanong ko.

"I'll drag whtever the fuck you are. Deal?" Anin'ya na may bahid ng pagbabanta.

"Saan ba?" Tanong ko. I need to get dress... said the one who was ewing about the idea of us sharing same dinning table.

"Jollibee."


*************************

I was never been this appointed in my life. Not because kakain kami sa Jollibee, puñeta I love Chicken Joy but the unusual loudness inside the whole Jollibee building because Ieous threw a kid's party for the orphanage he's been helping for a couple of years now.

I stood there besise Ieous who has a wide smile. Magkasalungat talaga ang itsura namin. Kitang kita ang disappointment, kawalan ng interes at katamaran sa mukha ko nang makita ko ang mga bata. Itong unggoy naman na kasama ko sobrang excited nang makita ang mga bata.

"Look how cute they are." He was giggling. He was watching the kids shaking their butts, dancing with the tutubi.

"What?" I gave him an disgusted look. He turned his head at me. "Are you a pedo?"

He mirrored my expression.

"Where did that come from? Of course I'm not! That's crazy!" Mariing utas niya. "I just love kids." Bumalik ang tingin niya sa mga bata. His eyes soften.

Pinanood ko na rin ang mga bata na natutuwa habang sumasayaw kay Jollibee. This kids, they don't have their parents but they were blessed to be surrounded by good hearted people. I wonder if they experience what I did before a hand offered to me. Did they slept on the greasy and smelling street at cold nights? Stole some pandesal and apples? Been hurt by kids and adult? God, my nose felt something and my eyes were watering. Must stop thinking the painful memories. I was just a kid when I faced the cruelty of having nothing and just myself but it never left my mind. I remembered every detail of it.

"Parang gusto ko tuloy magkaanak. Tara, gawa tayo." Napatingin ako kaagad sa kaniya e. Nakatingin din pala siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw, mabuntis ka." Mataray na sabi ko na ikinatawa niya. "Bakit mo ba ako dinala dito? Nag pa-party ka pa akala mo naman wala kang korte na binabalikbalikan." Napailing ako.

This guy was limitless.

"I am obviously going to win the case, the trial court are judiciary law process lahat naman ng maykasuhan but this time para sa akin parang for formality lang kasi needed." Triumph spread across his voice and his face. Totoo naman ang sinabi niya.

"E bakit pati ako idadamay mo dito? Trip mo lang?" Pinapaupo ulit ang mga bata dahil magsisimula na silang mag laro.

"I just want your company. I missed you." Parang sincere siya sa sinabi niya pero mukha lang.

Pero kahit nagkukunwari lang siya na flutter ako. Walang nag sasabi sa akin ng I miss you, kamusta, o kahit ano. Noong magkita kami ulit at kahit nagbabangayan kami palagi sa kaniya ko lang ulit naririnig 'yan simula magtagpo ulit kami.

"Mamaya ma-attached ka na sa akin. Don't get overly attached kasi kapag nawala sa'yo pakiramdam mo maguguho na ang buong mundo" Madrama ngunit halata ang biro sa aking pananalita.

"You're 7 years late to tell me that." Malumanay sa wika niya. Bumaling agad ako sa kaniya dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya. Nakatingin lang siya deretso sa mga bata.

"Huh? Anong ibig sabihin mo?"

"Nothing." Tipid na sagot niya. Hindi ako mapilit kapag ayaw mag share edi huwag. "I wonder... do they remind you of your childhood? Ganito ka rin ba ka-masiyahin at maingay?" He was smiling.

Mapait akong napangiti at tumingin sa mga bata. The crew was explaining the mechanics of the game. No one was scared, sad, or worried- they were all excited listening to what the crew says. Their eyes was glimmering of innocence and just pure joy. They completely forgot the fear of being alone, that's what orphanage do kaya nga tumakas ako doon. But I know when this party ends, maghihintay na naman sila na may tumanggap sa kanila at isama sa pamilya.

"I don't think they were basag-ulo, thieves, and pinaghahabol ng DSWD. By the way, hindi ako pumasok sa orphanage, well technically, yes pero tumakas ako. " Mapakla na sabi ko. He looked at me with surprised face mixed with concerned look.

"I thought you're an orphan..." he whispered. I gaze back at him.

"I know na around 10 ka naampon dahil naging informal settler ka and you lived alone but I didn't know na..." he was hesitating to talk pero tinuloy niya. "That you tried stealing at tumakas sa orphanage." He was being careful in his words.

Pity. That's why I hate sharing my story, people will either criticize me because I didn't belong in this kind of word or pity me.

" oh, bakit mo ako kinakaawaan?" Tinaasan ko siya ng kilay. He grinned.

"'Yung batang ikaw ang kinakaawaan ko pero ikaw Kelly, 'yung ngayon na nakaharap sa tabi ko I admire what you've become." He softly said directly into my eyes.

Naramdaman ko ang sinseridad mula sa kaniya.

I averted my gaze and bumaling muli sa mga bata. My heart pounded slightly and my cheeks became hot at hindi ko alam kung anong asasabihin ko or ire-react ko.

"Mga bata, alam niyo ba ang laro na bring me?" Sabay-sabay na sumagot ang mga bata ng, opo. "Ang gagawin niyo lang, ay ibibigay niyo lahat ng gusto ni ate at ang first 2 ay may prize."

Lalo silang na excite noong narinig nila 'yung prize.

"Second game na?" Pag-iiba ko ng topic.

"I think so."

"Osige, unang object. Ginagamit 'to ng mga nakakatanda, card ito at pinapakita para magkaroon ng discount o mabawasan ang presyo ng paninda. Mga matatanda,lolo at lola lang ang mayroon nito. Bring me, senior citizen card!" Muling nag play na malakas ang tugtog. Kaniyakaniyang lapit sila sa mga madre na kasama namin sa room.

Kami ni Ieous na sa corner lang kami ng kwarto habang pinapanood ang mga bata. Biglang may lumapit sa aking bata na kinukutkot 'yung ngipin. Tumigil ito sa tapat ko habang nakatingala sa akin. Tinignan naming dalawa ni Ieous ang bata at hinintay ang sasabihin niya.

"Manang, may shinior chitizhen po kayo? Pede hiram?" Inosenteng tanong nito habang walang tigil na kinukutkot ang ngipin.

"What?" Sambit ko dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong manang!

Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Ieous. Sumulyap ako sa kaniya. Nanginginig 'yung mga balikat niya habang kagat ang ibabang labi habang nakatingin sa bata. Nang makita niya na masama ang titig ko sa kaniya ay agad na nawala ang ngiti sa mukha niya. Napatikhim siya.

Binasa ko ang nametag niya. Yumuko ako at ngumiti.

"Wala, eh. Sa susunod na lang hindi pa manang si ate e." Mahinahon na sabi ko. Natawa na naman 'yung dimunyu sa gilid ko. "Eh mamaya, lapit ka dito kapag sinabi bring me ng nabubulok na ngipin. Tulungan ka ni ate bunutin 'yang ngipin mung bulok."

I gave her an intimidating voice and smile. The face that even adults get scared. Of course, natakot siya at tumakbo para lumipat ng ibang hihingian.

"Seriously, pati bati tinatakot mo? Ano ka, si Malificent?" Natatawa at nang-aasar na utas ni Ieous.

Tumayo ako ng tuwid.

"Argh, gosh! I hate kids." Iritableng wika ko.

"Really, paano mga anak natin?"

"Syempre ibang usapan pag 'yung magiging anak natin-- what the fuck!" Napangiwi ako at napabulalas nang marealize ko ang tanong niya at sagot ko.

Ang lapad ng ngiti ng loko. Na satisfied sa reaction ko.

"Oo nga naman, ibang usapan pag magiging anak natin."

Padabog ako pumadyak. Ayaw ko na magsalita pa, wala na ako masabi baka mamaya lalo lang siya matuwa.

Hindi natigil bibig niya tungkol sa "anak" pero makiramdam siya wala akong balak makipag-asaran tungkol sa nasabi ko. Pinanood namin ang mga bata na magkagulo habang nag lalaro.

Matapos ng ilang laro ay oras na para kumain. Na sa gitna ang isang madre at nagsimulang i-bless ang food.

"... higit sa lahat maraming salamat po nahinimok mo si Mr. Rossi at ang kaniyang nobyo na si Ms. Punsalan na magbigay kasiyahan sa mga bata..."

Napaangat kaagad ang ulo ko sa sinabi ng madre. Bumukas ang bibig ko at handang punahin at itama ang relasyon namin ni Ieous pefo hinawakan ni Ieous 'yung kamay ko at pinisil.

"Shhh, nag dadasal." Nilagay niya pa 'yung hintuturo niya sa labi niya. Aba ang loko nakangiti.

Umikot ang mga mata ko at hinayaan na lang si mother. After magdasal ay nagpalakpakan silang lahat pero na realize ko na hawak parin ni Ieous ang palad ko.

Pabalikbalik ang mga mata ko sa kaniya at sa kamay naming magkahawak. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya pero...

Ayaw ko bitawan.

Kasasabi ko lang sa utak ko na ayaw kong bitawan, binitaw naman niya at naglakad upang tumulong sa pag serve ng food. Hindi aki tutulong, tinatamad ako. Uupo na lang ako dito at hihintayin ang chicken joy ko.

Pinapanood ko si Ieous na mag serve at kausapin ang mga madre. He's indeed a charmer, everyone was smiling and giggling while talking to him. Ako lang ata laging nakasimangot tuwing nakikipag-usap sa kaniya. Kahit hindi ko lubos aminin, napaka-gandang lalaki niya. Ang tangkad niya at daks. Close to Mr. Perfect. Nakakaramdam ako ng inggit. Hindi lahat tulad niya na gusto ng marami, unlike me even little kids get scared at me. Ayaw sa akin ng mga matatanda dahil sa ugali ko. Savi ko, I wouldn't please everyone pero ang hirap parin na halos lahat ayaw sa iyo. Sila lolo at lola, sila na lang ang nagpakita sa akin ng kagandahan ng mundo ngunit nang pumanaw sila pakiramdam ko tinalikuran na ako ng bundo.

Sana, may taong lilingon sa akin at tatawagin ako para muling ipakilala sa akin ang kagandahan ng mundo.

"Kelly!" Lumingon si Ieous at tinawag ako. "I'll introduce you to the kids, they want to talk to you!" He was smiling brightly...

God, is this a sign? Pwede tumanggi?

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...