TAKE MY HEART AWAY

By devotedgirl21

706 58 121

More

Take My Heart Away
Take My Heart Away
Take My Heart Away

Take My Heart Away

140 18 27
By devotedgirl21

                CHAPTER TWO

    

A/N: I dedicated this chapter to my #1 supporter @arlanpaqueojoesevil .

Enjoy reading friends!!!

   

           

                  AGAD na sumilay ang ngiti sa labi ni Hanna ng mamataan niya ang mga kaibigang kumakaway sa direksyon nila ni Paul pagkapasok na pagkapasok nila sa Venue ng Engagement Party.

Sa malawak na garden lamang ng mansion nina Kevin ginanap ang okasyon at pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang imbitado.

Nagulat pa siya ng mapansing kumpleto ang barkada nila. Minsan lang mangyari iyon. The last time na na-kumpleto sila ay noong binyag pa ng first baby nina Collin at Henry and that was two years ago. Ang iba kasi sa mga ito ay nasa ibang bansa na nakatira o di kaya naman ay doon na nagtatrabaho.

" Wow, Hindi ko akalaing uuwi silang lahat sa Engagement ni Kimmy" Natatawang wika ni Paul . " Even Shamie?..And Juda?"

" Pati mga pinsan mo kumpleto din" dagdag niya.Apat kasi ang pinsan nito. Sina Luigi ,Rand at ang kambal na sina Joyce at Rain.

" Hanna!!!"

Pareho silang napalingon ni Paul ng marinig ang pangalan niya.

It was Kezzy —Kevin's younger sister.

"  Hanna!. Kanina ka pa namin hinihintay."  wika  nito ng makalapit.

" Hi Kezzy" ganting bati  niya rito bago humalik sa pisngi ng kaibigan.

Nakilala niya si Kezzy three years ago sa isang fashion event na dinaluhan nila pareho ni Paul. Nagulat pa siya noon nang malaman niyang isa pala itong wedding planner. At kapatid pa ito ng matalik na kaibigan ni Paul.

Magaan ang loob niya rito kaya After that meeting ay nasundan pa iyon kaya mas naging malapit sila ng babae. 

" I'm sorry for being late. Nahirapan kasi akong hanapin ang cellphone ko." Paliwanag niya.

" Yeah. Right " sabad naman ni Paul na nasa tabi pa pala niya.

Tinitigan niya ito ng masama."May sinasabi ka,sweetie?"

Nanlaki ang mga mata nito."huh?Wala naman Darling. Diba Kezzy?"

Natawa naman si Kezzy " Hayy . Ewan ko sa inyong dalawa" Bumaling ito sa kanya.Sabay hawak sa braso niya.

" Doon ka na sa table namin umupo,Han. We have a lot of stories to tell" excited na sabi nito .

  

" Yeah. Sure"

Tumingin naman siya kay Paul.

" Okay. Go ahead. Pupuntahan ko din  sina Kevin dun.Enjoy ." nakangiting usal naman nito ng makuha ang ibig niyang sabihin.

Ngumiti na lamang siya rito at nagpatangay na kay Kezzy na halos kaladkarin na siya.

" Hi Hanna!!" Sabay-sabay na bati sa kanya ng mga kaibigan nang marating niya ang mesang inuukupa ng mga ito. Isa-isa niyang hinalikan ang mga ito sa pisngi bago umupo sa bakanteng silya katabi ni Kim.

" Bakit nga pala ngayon ka lang?" Tanong agad sa kanya ni Ahyess nang makaupo siya.  "Kanina pa nagsimula ang party,sayang hindi mo tuloy narinig kumanta si Kev"

" Na, out of tune" natatawang dagdag ni Let.

"Hey! Hindi naman sintunado ah." pagtatangol ni Kim sa nobyo. " Ang sabihin niyo,naiinggit lang kayo kasi hanggang ngayon eh 'Independence day' parin ang drama nyo"

" Excuse me, babae. May Simon na ako nuh." sabad ni Bliss ." Ewan ko na lang d'yan kay Ahyess"

" Busy ako sa pagpapayaman" baliwalang sagot naman ni Ahyess.

Nagtawanan silang lahat sa naging sagot nito. They all know that their friend is a man hater.

" Sorry kung na-late ako" hinging paumanhin niya. " Napag-tripan ko kasi muna si Paul"  Biro niya na ikinatawa naman ng mga ito.

" Oh my!! What did you do,Hanna?" Natatawang wika ni Joyce.

" Magkwento ka dali!!" Sabad naman ni Rain na kakaupo lang.Sumang-ayon naman ang iba pa niyang kaibigan.

At ikinuwento nga ni Hanna ang ginawa niyang 'Paghihigantikay Paul.

" Two hours?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shamie nang matapos siyang magkwento .

" Yup!"

" Buti nga sa kanya!!" Sabay pa na sabi nina Joyce at Rain.

" Bilib na talaga ako sa 'revenge powers' mo sistah!!"  Naiiling na wika naman ni Juda na nakipag-high five pa sa kanya.

" Tama lang yung ginawa mo,Han. Dapat hindi tayo nagpapauto sa mga lalaking yan. Puro lang pacute" Sabad ni Sally

" Wee?Kahit lapitan ka pa ni Gino?"Hamon ni Ziendra rito.

" Oo nuh!!, kahit lumapit pa ang unggoy na yun dito at maghubad sa harapan KO.Hinding-hindi ako maakit! " taas noong sagot ni Sally.

Nagkatinginan naman sila. Gino was Sally's ex-boss. Kumakailan lang nang mag-resign ito sa trabaho dahil sa nagkaroon lamang ng girlfriend ang lalaki. Naalala pa niya'ng  naglasing ito dahil doon. Unfortunately, Gino was Kevin's cousin and Paul's friend.

" GINO!!!" Tawag ni Ziendra sa binata na ikinalingon naman ng ibang bisita. Lumingon din si Gino at nakakunot-noong napatingin sa kanila. " Oo.ikaw!!.. Halika ka dito sa harap ni Sally at mag— ARAY !! bat ka naninipa ha? akala ko ba hindi ka 'maaakit'?"

" Ziendra! Wag kang magsimula . Nasa paligid lang din si Rand . Kayang-kaya ko ring sabihin sa kanya ang lihim mong 'pagsinta'"

" Hindi ko kilala ang Rand na yun"

" Tama na yan, Girls " saway niya sa mga ito.

" Ahhh.. Hindi mo na kilala si Randolph?.. Sige wait " Luminga linga si Sally sa paligid. Bigla na lamang itong pumalakpak ng makita ang binatang kakapasok lang ng Venue. " Bingo!!.. Randolph!! Dito ka maupo!"

" SALLY!!" napapadyak na protesta ni Z.

Natawa na lamang siya sa kalokohan ng mga kaibigan.

" Tama na nga yan" saway ni Kezz

" Oo nga.Nagkakabukingan lang kayo eh" dagdag naman ni Joyce.

" korak!.. Sayang ang image natin" natatawang usal naman ni Rain

" Maiba tayo.. Alam niyo ba ang latest gossip ngayon?" 

Napatingin silang lahat kay Let.

" It's about Shey Villa. Yung model na kasama ni Paul sa Boracay weeks ago" pagpapatuloy ng kaibigan.

Tumaas naman ang kilay niya ng mabanggit ang pangalan ng babaeng naging dahilan ng pagtatampo niya kay Paul.

" What about that girl?" Nakasimangot na tanong naman ni Rain.

" Siya pala ang nag-iisang anak ni Senator Delgado" napatingin sa kanya si Let. " Ang kalaban ng daddy mo sa pulitika"

**************

              NAPANGITI si Paul ng makita si Hanna na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nito.

" Paul, tama na yan. Hindi naman mawawala si Hanna" natatawang saway ni Gino sa kanya.

He glared at his friend. " Mind your own business, Gin"

" Tama naman si Gino, Pare. Simula ng dumating kayo eh hindi mo na inaalis yang tingin mo kay Hanna " dagdag naman ni Rand.

" Shut up! you two!!" Naiinis na wika niya sa mga pakialamerong kaibigan . Kumuha siya ng isang basong wine at inisang lagok lamang iyun.

" But, seriously. I can't blame you for being so protective over her. Hanna is a Gem, Paul. Any man would love to be in your place" 

Napalingon siya kay Rand dahil sa sinabi nito.

" O. Wag mo akong tingnan ng ganyan.. I'm just stating a fact" nakangiting paliwanag nito.

" I agree with what you said, Rand.Kaya nga until now,nagtataka parin ako kung bakit hindi pa ni Paul nililigawan si Hanna. Naka- friendzoned parin ang status." Sabad naman ni Luigi.

Kanina pa gustong sakalin ni Paul ang mga ito . Aminado naman siyang pagdating kay Hanna ay protective siya.  Ayaw niyang bumalik ang dating Hanna na nakilala niya 4years ago..

" Paul, Pare. I'm just curious." Pukaw sa kanya ni Gino. " Ni minsan ba, hindi sumagi sa isip mo na ligawan si Hanna?"

Matalim na tinitigan ni Paul ang mga ito. Kung hindi niya lang alam na may girlfriend ang mga to ay iisipin niyang maygusto ang mga 'to sa babaeng iniingatan niya.

" Tigilan na nga ninyo ang pakikialam sa dalawa. Kalalaki nyong tao, napaka-chismoso niyo!"  Sita naman ni Kevin sa mga ito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Ibinalik niya ang tingin sa direksyon ni Hanna ..

" Hindi siya ang tipo ng babaeng para sa isang tulad ko. Hanna is special to me." Wika niya habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga. " I've seen Hanna at her worst .. She cried over some stupid jerk four years ago." He gritted his teeth then sighed  " I don't want her to experience it again. I want her to be happy with someone she deserved.... And that's not me" He whispered the last words.

He can still remember everything that happened that night four years ago...

To be continued...

***************

Allen: I love you friendship!!!* kaway-kaway*

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...