The Things I Hate About You

By ceresvenus

165K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 29

2.9K 81 15
By ceresvenus

TOSCA

"Nasaan ka? Nandito ako sa bahay mo." Nanlamig ako sa bungad sa akin ni Scor.

Alas kwatro ng hapon at kakagaling ko lang sa isang endorsement shoot. Magkikita kami sa isang mall ni Jojo. I have the cold cash with me. Hindi ko iyon pinaalam kay Scor dahil sa isang obvious na dahilan. Hindi siya papayag.

"I just have an emergency meeting. I'll call the reception. Papaakyatan kita ng duplicate if you want to stay." I said. I managed to make my voice calm and firm.

"Ganon ba? Do you want me to fetch you?" Tanong niya.

"N-no. I... I have my car." Palusot ko.

"Alright then. I'll just go home. Daanan mo nalang ako if you can." Ani ko.

Para akong namimilipit dahil hindi ko ata kayang mag-sinungaling ng lubusan kay Scor. I wanted to tell hin right then and there but I don't want him sabotaging my plan..

"Y-yeah. Take care. I love you." Sabi ko.

Nag fo focus ako sa pag pa park ng dala kong sasakyan habang hinihintay ang isasagot niya.

"I love you too." Aniya bago pinutol ang tawag.

Nakahanap ako ng parking space at agad kong sininop ang maliit na bag ko bago nag-tungo sa isang fast food chain sa loob ng mall. Naabutan ko doon si Jojo, mukhang kanina pa ito naghihintay. He was wearing ragged clothes again.

"Miss Tosca." He acknowledged me when he saw me standing in front of a two seater table that he was in. Umupo ako sa tapat niya at tinatsa ang mangyayari.

"Ito ang fifty thousand. Tulong ko na 'yan sa iyo. Huwag mo nalang sabihin kay Scor." Inabot ko sa kanya ang sobre na naglalaman ng cold cash.

"Maraming salamat. Malaking tulong ito." Sabi niya.

Chineck niya pa ang sobre kung may laman talagang pera iyon. Kinakabahan ako pero ayokong ipahalata sa kanya iyon. Kung totoo man ang sinasabi ni Scor na masamang tao siya, at least nandito kamo sa mataong lugar.

"Hindi libre 'yan. Sabihin mo sakin ang nalalaman mo tungkol kay Cheska." Kinakabahang sabi ko.

Kumikirot ang dibdib ko marinig ko lang ang pangalang iyon. Sumandal siya at may hinugot na kung ano sa sira sirang pantalon niya. Napagtanto kong litrato iyon. It was a picture of a girl in a white sundress. She was smiling widely to the camera. Agad akong nanlamig sa nakita ko. That girl looked exactly like me. I didn't even know that that is possible. Ang kinaibahan lang ay ang mala bulak ang kutis niya samantalang ang sa akin ay mala ginto.

"Siya ang pamangkin ko. Si Cheska." Panimula niya.

Kada segundong lumilipas pakiramdam ko ay pababa ng pababa ang puso ko. Parang malalaglag iyon mula sa akin. Where is she? Why does she look exactly like me? Mayroon pa ba kaming isang kakambal ni Tequila. This is too much for me to handle. Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras.

"Ang alam ko, first love nila ang isa't isa." Pag papatuloy ni Jojo.

Binaba niya pa ang isa pang litrato. Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama ni Cheska si Scor. Naka-akbay siya sa babae habang parehong malapad ang ngiti nila.
Parang pinipiga ng husto ang puso ko habang nakatingin sa litrato. The girl looked so happy that her eyes are beaming. Parang hindi pa ako nakaka ngiti ng ganon. Parang hindi pa ako nagiging kasing saya nun.

"Nag-hiwalay sila noong nabuntis si Cheska."

Suminghap ako sa narinig ko. Hindi na ata naubusan ng pasabog ang kwento ni Jojo. Nabuntis pa pala siya ni Scor? Kung ganoon ay may anak sila. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ipaalam sa akin ni Scor ang tungkol sa ex niya. All this time he has a child! And he didn't even bother to tell me! Parang binubuksan ang dibdib ko at pinipilit ilabas ang puso ko.

"B-buntis?" Ulit ko.

Parang hindi ako makapaniwala. Patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Bakit hindi man lang sinabi ni Scor sa akin ito para naman maging handa ako? Para naman naihanda ko ang sarli ko?

"Tosca." Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Scor sa likod ko.

What is he doing here? Paano niya nalamang nandito ako? Hindi ko siya nagawang lingunin. Kulang pa. Gusto ko pang malaman kung anong nangyari. Mababaliw ako kapag hindi. Unti unti na akong nakakabuo ng mga walang kwentang kahibangan sa utak ko.

"You just don't know how to listen, do you?" Bakas ang sakit sa kanyang boses ngunit hindi ko iyon ininda.

Humakbang siya at lumagpas siya sa akin. He was towering over Jojo and I can sense the anger in him.

"Hindi ba, sinabi ko? Huwag mo siyang idamay dito? Gusto mo atang bumalik sa kulungan." Matigas na sabi niya.

"Scor! Stop it. Don't make a scene." Hinawakan ko ang pala pulsuhan niya ngunit marahas niyang kinalas iyon.

"Siya ang nagpapunta sa akin dito." Mayabang na sagot ni Jojo sa kanya.

Lumingon siya sa akin at namataan ko sa mga mata niya na naguguluhan siya. Oh, don't you dare. Wala siya sa posisyon upang magalit sa akin ngayon.

"Layuan mo na kami ng girlfriend ko ha. Kung hindi ay magkasamaan na pero ibabalik kita sa kulungang pinanggalingan mo." Aniya.

Paulit ulit niyang minura si Jojo at sa isang iglap ay kinakaladkad na niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Marahas niya akong isinalampak sa loob bago inistart ang sasakyan. He was so angry he was like a raging bull.

"I asked you one thing, Tosca. One thing!" Galit na sigaw niya.

"Why?" Halos bulong nalang iyon nang lumabas sa bibig ko.

"Hindi ba sinabi ko? Let me handle it? Bakit kasi hindi ka marunong makinig?" He cursed a couple of times under his breath.

Hindi niya pa ma-start ang sasakyan dahil hindi pa siya tapos na pagalitan ako. Anong karapatan niya? Siya itong nag-sinungaling sa akin. Akala ko kilala ko siya pero hindi pala.

"I helped him, Scor. Walang masama doon." Mahinahon kong sabi ngunit hindi pa din makatingin ng diretso.

"You don't know him, Tosca!" Galit na sigaw niyang dumagundong sa buong sasakyan.

"And you do?! Sabihin mo nga sakin, is that really the reason why you're upset? O ayaw mo lang talagang malaman ko ang tungkol sa ex mo?!" Sigaw ko pabalik.

Sumabog ang damdaming kanina ko pa kinukubli. Napag kabit kabit ko na ang puzzle na matagal ko nang gustong buuin.  Nakakamatay ba ang emotional pain? Because that's what I'm feeling right this moment. Nakumpirma ko ang teorya ko nang hindi siya makasagot. Nakayuko lang siya habang ang dalawang kamay ay nasa manibela.

"Natakot ka lang na sabihin niya sa akin ang totoo!" Sigaw ko habang nagmamaneho siya.

Alam kong delikado itong ginagawa ko dahil baka hindi siya makapag focus at mabangga kami pero wala na akong pakialam. Mas mabuti pa ngang mabangga kami at mamatay nalang ako.

"You... you don't love me for who I am. Ginawa mo akong ibang tao... You selfish bastard." Nanginginig ang boses ko at hindi ko alam kung paano ko dire diretsong nasabi iyon nang hindi humihikbi.

"What the hell are you talking about?" Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"You don't love me, Scor! I know why now! Alam ko na kung bakit sinusuka mo ako nung una. I fucking look like her! You didn't like the fact that I was the complete opposite of the love of your life!" Bulalas ko.

Bumaha sa isip ko lahat. Lahat laha simula noon. Kung bakit ba naman kasi hindi ko kaagad na realize ito. Iyong mga sundress na palagi niyang sinasabing bagay sa akin. Stupid sandals and that freaking Elizabeth Arden perfume that he likes on me! Lahat 'yon dahil kay Cheska. Lahat 'yon dahil sa ex niya!

Napupuno na ng luha ang mga mata ko at nanlalabo na ang paningin ko. My shoulders couldn't stop shaking and my cheeks started to feel numb.

"Ano bang sinasabi mo? You're speculating things!" Manaka naka siyang sumusulyao sa akin.

"No! No! Alam na alam ko na, Scor. You tried to turn me into a new person. You turned me into her..."

Ang tanga tanga ko dahil hindi ko naisip 'yon! Ang tanga tanga ko dahil willing akong nag-bago para sa isang taong hindi naman pala ako sa mahal sa kung sino ako. Bakit hindi ko ito na realize noon pa?  Kung sabagay, hindi nga naamn normal na kung sino pa ang kamukha ng ex mo, siya pa itong gigirlfriend-in mo.

"Listen to me first! Hindi mo alam ang sinasabi mo, Tosca!"

"Paano ko malalaman kung hindi mo maipaliwanag sa akin?" Umiiyak na untag ko.

Ang sama sama ng loob ko. Hindi ko maipagkakaila ang pagkakahawig namin ng Cheska na iyon! Mukha nga lang mahinhin siya at malayong malayo ang ugali niya sa akin. That picture, she looked so pure and serene, samantalang ako umpisa palang ay maduming babae na ang tingin niya sa akin. He hated the fact that I am the complete opposite of Cheska, kasi magkamukha kami. Kaya dapat magkaugali kami.

"Tosca! She was my ex! Matagal na iyon, for God's sake!" Tila nahihirapang untag na niya.

"Wala akong pakialam! Kaya siguro galit na galit ka sakin dahil may feelings ka pa sa kanya. Ano? Sabihin mo sa akin. Nagkikita pa kayo 'no?" Matapang kong untag.

May anak sila. Hindi pwedeng hindi sila magkikita. Huwag niyang masubok-subukang lokohin pa ako ngayon.

"That's ridiculous!" Frustrated na sagot niya.

"Nakikita mo lang siya sa akin eh. I knew it! I fucking knew it! Ngayong maayos na ang lahat at hindi mo na siya pwedeng balikan ay nandito ka sa akin. Kasi hindi na siya pwede eh, diba? You're just gonna settle to the second best. At least magkamukha hindi ba? Ano? Bakit? Bakit di na kayo? May boyfriend na ba? Asawa?" Nang-uuyam na sabi ko.

I was pouring my heart out and he just sat there, driving. I don't even know if he's listening to me but I don't care! Patuloy ang pagdadakdak ko sa kanya but he seems to not mind me at all. Hanggang sa makarating kami sa kanyang unit ay hindi niya ako sinasagot at sa halip ay marahas niya akong hinalakhak papasok sa bahay niya. Halos magwala na ako nang mga oras na iyon.

"Ano? Hindi ka sasagot? Duwag! Wala kang bayag!"

Sinabunutan niya ang ulo niya habang nakatayo pa siya sa tapat ng couch na kinauupuan ko. Bakit kasi hindi pa niya aminin? Ginawa niya na akong tanga bakit hindi niya pa lubos-lubosin.

"Tosca, will you just shut your delicious mouth for a second? Pakinggan mo ako!" Frustrated na sabi niya.

"Ano pang papakinggan ko sa'yo? Eh diba niloko mo na nga ako. Malinaw na sakin lahat. Kaya mo ako pinatulan kasi kamukha ko yang ex mo!"

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Hindi ko na nga siya gusto! Kaya ng ex hindi ba? Ikaw ang gusto ko!" Pilit niya pa ding paliwanag.

Pero bakit parang ang hirap niyang paniwalaan ngayon? Patuloy ang pag-iyak ko habamg nakatukod ang siko ko sa hita ko at sapu-sapo ang mukha ko. I am so dumb! This is what I get. Hindi ko na dapat ipinagsiksikan ang sarili ko sa taong simula palang ay ayaw na sa akin.

"But you did see her in me, didn't you? Tell me the truth for once." Halos magmakaawa na ako.

Gusto kong marinig iyon galing sa bibig niya.

"Yes! Alright? Is that what you want to hear? Fine!" Sinipa niya ang coffee table at agad na gumalaw iyon.

Tumayo na ako kahit na ang init ng buong mukha ko dahil sa kaka-iyak. Hindi ko na matagalang kasama siya. Aalis nalang ako.

"Saan ka pupunta? Teka!" Huminahon ang boses niya at agad na hinarang ang katawan niya.

Nanatili akong nakayuko at hindi makatingin sa kanya. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung ano 'yung mas masakit. Iyong posibilidad na pinatulan niya lang ako dahil kamukha ko si Cheska, o iyong may anak silang dalawa. I mean, bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Ganon ba ako ka walang halaga sa kanya?

"I-I need space." I said, stuttering.

"No, Tos. Mag-uusap tayo. Ask me what you want! Sigawan mo pa ako kung gusto mo. Just don't leave." Narinig ko ang desperasyon sa boses niya.

Kaya ko pa bang torture-rin ang sarili ko? Kaya ko pa bang mag-tanong?

"May anak kayo?" Mahinang tanong ko.

"Wala, Tos. Hey... Hey. Listen to me. She was just someone from my past. Iyon lang 'yun." Aniya.

"Pero buntis siya, hindi ba? Ano? Nagkikita pa ba kayo? Tell me! Mababaliw na ako." Umiiyak na sabi ko.

"What? No!" Nalukot ang mukha niya at tiningnan ako ng mabuti.

"Sinungaling ka talaga!" Umiirit na sigaw ko.

"I don't think you get it, Tosca... Hindi kami nagkikita. That's impossible because—"

"Because what?!" Putol ko sa sasabihin niya.

Matalim ko siyang tiningnan at nakita ko ang pag-takas ng kulay sa kanyang mukha. Gusto kong ayusin ito. Hindi ako sigurado kung kaya kong wala siya. This is going to be my worst heartbreak if ever. Pero hindi ko alam kung kaya kong tanggapin lahat ng narinig ko kay Jojo. I never knew that the truth could hurt like this.

"Because she's dead, Tosca! She's dead!"

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

110K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...