It Was Him

By SmilingMakeYouSad

75 4 0

A typical high school student Erinna Smile Del Mundo is secretly in love with his classmate, Evan Kyle Dalton... More

00
01

02

16 1 0
By SmilingMakeYouSad

#IWHChapter02


"Ma, alis na 'ko!" Dali-dali kong binitbit ang bag ko palabas ng bahay. Kainis talagang Redentor 'yon! Hindi ako ginising at nauna ng pumasok!

Si Gale naman, usually hindi talaga kami sabay tuwing papasok, masyado kasing masipag 'yun at maaga umaalis ng bahay. Ako naman, papasok lang ng maaga kapag wala akong assignment, para makakopya!

Mabilis naman ang usad ng sasakyan. Isang bus lang ang sinasakyan ko mula sa bahay, hindi naman kasi gaano kalayuan ang School sa tinitirahan namin.

"Magandang umaga po!" Bati ko kay Manong NONO, ang guard ng school. Natatawa naman akong pumasok ng campus. Kung nagtataka kayo kung bakit NONO ang tawag ko kay manong guard, short kasi 'yun ng NO i.d, NO entry. Palagi kasi n'yang sinasabi 'yun sa bawat pagpasok namin!

"Goodmorning, monitor!" Bati ng mga classmates kong nasasalubong ko sa hallway. Nakangiti akong pumasok sa klase ngunit agad ding napawi 'yon nang makita ko si Kyro na kasalukuyang nakaupo sa puwesto ko katabi si Evan.

Nagkunwari naman akong umubo, dahilan para matigil sya sa katatawa nya.

"Alis." Tugon ko. Tinignan nya lang ako ng may pang-aasar.

"Bakit?" Tanong nya. Lalo akong nainis.

"Malamang d'yan ako nakaupo." Sagot ko naman. Ngumisi sya at tsaka umayos ng upo.
Sige, tagalan mo pa. Nangangawit na ako!

"Iniba na ni Mr. Cariño, hindi na boys and girls ang sitting arrangement." Sambit nya. Kumunot naman ang noo ko.

"Wala akong pake! Hindi naman ako kinikilalang babae ni Mr. Cariño! Alis!" Tumawa lang ito. He cross his arms and stare at me.

"Dito na ako nakaupo, simula ngayon." Tugon nya. Napatigil naman ako.
Hindi na ako ang katabi ni Evan? Hindi ko na sya masisilayan? Sino na lang gigising sa'kin tuwing nakakatulog ako?!

"Hindi! Hindi pwede!" Sigaw ko. Napatigil naman si Kyro at bigla nalang tumawa ng malakas habang pumapalakpak pa.

"Hmmm, ayaw mo talaga mawala sa tabi mo si Evan ano?" Pang-aasar nya. Napapikit ako sa inis. Napatingin ako sa mga classmate ko na nakatingin na saamin ngayon! Kainis!

"I'll just get some water." Napatingin ako kay Evan na ngayon ay tumayo mula sa upuan nya. Kinuha nya ang tumblr atsaka diretsong lumabas ng room.

Inis kong hinila si Kyro sa collarbone nya atsaka pilit na pinatayo mula sa upuan ko. Tumatawa pa din ang loko.

"What? Feel embarrassed?" Asar nya pa. Hindi ko sya pinansin at tumungo nalang sa table ko.

Mas lalo akong nainis ng iharap nya ang upuan sa harapan ko at umupo sa tapat ko.

Nilapit nya ang mukha nya saakin, napaatras naman ako.
"You..." Sambit nya. Bigla naman itong ngumiti.
Seriously? Hobby nya ba ang ngumit ng bigla bigla?

"You like Evan!" Sigaw nya. Agad akong napatayo. Napatingin na naman tuloy ang mga classmates ko sa'min!

"A-ano bang pinagsasabi mo!" Utal kong tugon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko!
There's no way he would find out!

Halos maiyak naman ang loko sa katatawa. Sya lang ang natatawa sa pinagagawa nya!

"What about me?" Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Evan. Umupo naman sya sa tabi ko.

"She lik---
Agad kong tinakpan ang bibig ni Kyro ng magsasalita pa sana ito!

"Ah.. w-wala! Ano kasi... nag-aasaran lang. Hehe."
Binigyan ko naman ng akward na ngiti si Evan. Pana'y pa ang salita ng loko pero nakatakip ang kamay ko sa bibig nya. Binitawan ko na 'yon ng tumigil sya sa katatawa. Puro ngiti naman ang loko.

"I heard it." Nanlaki ang mata ko. Seryoso lang ang mukha ni Evan. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya ba ako o kakabahan.
He heard everything! Ano ng gagawin ko?!

"I-iyon ba?! M-mali lang 'yung pagkakarinig mo...hehe." Ang sarap bigla mabura sa mundo.

Magsasalita pa sana si Kyro ngunit agad ko syang hinila patayo palabas ng room.

"A-ako? M-may gusto sayo? Hahaha! Impossible!" Pagsisinungaling ko. Kainis talaga!

"A-alam mo naman, may sayad 'tong kaibigan mo hehe." Sigaw ko pa kay Evan habang hinihila si Kyro.

Seryoso lang na nakatingin si Evan samin. Hindi naman nya narinig na ako mismo ang nagsabing gusto ko sya, kaya baka hindi sya maniwala! Pero kahit na, nakakahiya! Ang sarap bigla manapak ng tao na may pangalan na Kyro!

_______

"Argh! Nakakainis talaga!" Padabog kong sinara ang pintuan ng cubicle.

"May problema ba?" Tanong ni Gale. Napa make face akong humarap sa salamin.

"Sinusubukan talaga ako ng lalaking 'yon. Makakaganti rin ako sakany!"
Kunot noo akong tinignan ni Gale.

"Sino ba 'yang tinutukoy mo?" Mahinhin n'yang tanong.

"Tsk. Si Kyro! Lagi akong binu-bwisit!" Napatigil naman sya at tumingin sakin ng diretso.
"Kelangan ko makaganti sa pang-gugulo n'ya sakin!"
Bigla ay may nabuong ideya sa isipan ko. Mahina akong natawa.
I am the one who make fun of you now!

"T-tutulungan kita!" Sambit ni Gale. Lalo naman akong napangiti. Mas mapapadali ang plano! *evil laugh*

_______

Kyro's POV

"Mr. Rodriguez!"
Walang gana kong tinapunan ng tingin si Mr. Cariño.

"Why your test paper is all blank! Why you didn't answer the whole questions?" My forehead creased. What is he talking about? Halos mapuno na nga nang sagot 'yung buong test paper ko, tapos walang sagot ang sasabihin n'ya?

Tumayo ako upang tignan ang test paper sa harapan. Everybody is looking at me. Sanayan nalang. Nahagip pa ng mata ko si Smile na pasimpleng tumatawa.

Pagtingin ko sa test paper, wala ngang sagot ang nakalagay doon. Bumuntong hininga ako, wala akong ibang choice kundi sagutan nalang ulit.

"Wh--"
Inagaw ko ang ballpen mula kay Mr. Cariño at walang alinlangan na sinagutan ang test paper. I remember all my answers. Kaya tatlong minuto lang ay natapos ko na agad mismo sa harapan ni Mr. Cariño.

Tumalikod ako at bumalik na sa pwesto ko. Gusto kong matawa dahil lahat sila nakatingin sakin, mangha sa ginawa ko. Tch. Kinabisado ko lang naman ang sagot ko.

Pagkaupo ko, lumingon saakin si Smile at masama ang tingin.
Nginitian ko naman ng may pang-asar kaya lalo syang nainis.

Hindi talaga bagay sakanya ang pangalan n'ya. Laging galit sa mundo eh.

_______

Smile POV

"That's all for today. Class dismiss. And monitor, huwag mong iiwan ang classroom na marumi." Kinuha ni Mr. Cariño ang gamit n'ya atsaka nag martsa palabas. Inis akong tumayo at dumiretso sa harap upang burahin ang nakasulat sa board.

I saw Kyro about to leave, then suddenly a bright idea pop up on my mind.

"Hoy! Ikaw, tulungan mo ako mag linis dito." Tugon ko sabay abot ng walis tambo sakanya.

Bitbit ang kanyang bag, nakakunot noo itong tumingin saakin.

"Bilis, nangangawit ako!" Tukoy ko sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak pa din ang walis tambo. He just look at me like he don't give a care.

"Ako na." Nagulat ako ng may ibang kumuha ng walis tambo sa kamay ko.

"Thanks, bro! Kaya mahal kita eh!" Ani ni Kyro. Tuluyan akong nainis dahil hindi na naman tagumpay ang binabalak ko. Binigyan naman n'ya ako ng mapang-asar na tingin atsaka tuluyang umalis.

"Are you okay?" Tanong ni Evan. Nabigla naman ako kaya tumango na lang ako at sinimulang maglinis.

Makakaganti rin ako!

_____

"Smile, hindi naman sobra itong nababalak natin?" Tanong ni Gale. Kasalukuyan kaming naghihitay sa pintuan ng classroom. Binabantayan namin ang pagdating ni Kyro.

"Tsk. Hindi 'yan!" Tugon ko. Hindi ko maiwasan matawa kahit naiisip ko pa lang ang binabalak ko.

Sumilip ako sa pinto kung paparating na s'ya. Kita kong naglalakad na s'ya sa hallway kasama si Evan.

Tinulak ko si Gale sa labas ng pinto para sumenyas kung nasa tapat na ba ng pintuan si Kyro.

Tinaas ko ang eraser na may bakas pa ng mga chalk. I giggled. Makakaganti rin ako.

"Smile--" Pagkasigaw na pagkasigaw ni Gale, agad kong pinagpag ang dalawang eraser na hawak ko dahilan upang magsilaglagan ang ang mga kulay puti dito.

Pero agad din akong napahinto. My smile fade away. Suddenly, my heart stop to beat in a seconds.

"E-evan.." Yeah. Evan is in front of me. I fcking messed his face! Hindi si Kyro ang nabiktima ko kundi si Evan. Nakatingin lang s'ya saakin ng diretso ngunit hindi ko naman kita doon ang galit sa mga mata nya. But I was really dumb. Grr.

Continue Reading

You'll Also Like

Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

182K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
271K 9.9K 50
a very talkative girl named kahmyla came all the way from new jersey & moves to philadelphia. she has no friends but she finds interest in this one g...
106K 3.3K 31
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
164K 12.4K 14
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...