Traje de Boda Trilogy 1: Char...

Af Vanessa_Manunulat

543K 16.7K 421

Traje de Boda Trilogy Mere

Simula
Triplets
Charo
Ang Nakaraan
Ang Sumpa
Celestina, Agustina, Beatrice
Ang Paghihiwalay ng Landas
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Book Info

Chapter 36

11.2K 376 15
Af Vanessa_Manunulat

Nakamasid mula sa ibaba ng lumang bahay si Iñigo. Kahit ikatlong pagkakataon na niyang makarating doon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala na doon na ngayon nakatira si Charo. Hindi rin siya makapaniwala sa lahat ng mga nangyari---ang pagsasauli nito ng lahat ng binawi nito sa kanya.

At lalong hindi siya makapaniwala na ikatlong pagkakataon na niyang nagtutungo roon ngunit hindi pa rin siya nagpapakita hanggang ngayon. Hindi niya alam kung ano ang madarama niya. Hanggang ngayon, sa kabila ng payo sa kanya ng tiyahin niyang palayain na ang nakaraan, ay hindi niya tiyak kung tamang gawin iyon. Napakatagal niyang pinlano ang lahat ng ito. Nabuhay siya, nasawi, nagtagumpay na ang tanging hangarin ay ang pabagsakin ang pumaslang sa kanyang ama na nang sabihin ni Charo sa kanyang hindi ito ang totoong may sala ay hindi niya matanggap.

Dapat ba siyang maniwala? Noong una, ayaw niya ngunit ngayon ay parang wala nang dahilan para hindi siya maniwala. Walang pakay si Charo sa pagsasabi noon. Hindi nito makukuha ang kinuha niya mula rito sa pagsasabi noon sa kanya, bagaman nakuha rin nito sa ibang paraan, kasama pati ang tiwala ng tiyahin niya.

May isang panig pa rin ng puso niya ang nahihirapang tanggapin iyon. This was probably the biggest joke the heavens made at his expense.

Ilang ulit na niyang sinisisi ang sarili niya noong hindi niya babain si Charo nang umalis ito sa farm ng tiyahin niya. Masama ang loob niya nang umagang iyon. Maganda ang pinagsamahan nila at hindi niya matanggap ang sinabi nitong masaya na ito kay Alejo, habang siya ay hindi makalimot sa naging pagsasama nila. Hindi niya alam kung magandang panaginip o isang bangungot ang lahat ng panaginip niyang alaala ng kung ano ang mayroon sila.

Magandang panaginip dahil masaya siya noong mga panahong iyon, kahit ikaila niya sa sarili niya. Kakatwang sa kabila ng dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya na inasikaso rin siya nang husto, itinuring na mahalaga sa buhay ng mga ito, iba ang buhay kasama si Charo. Charo made him feel genuinely cherished and she was happy doing that. Naunawaan niyang iyon ang gusto niyang maging buhay-may asawa. Isang ulirang asawa na hinding-hindi niya inisip na kayang gampanan ni Charo. Nagiging bangungot lamang ang lahat ng iyon kapag nauunawaan niyang ibang lalaki na ang nakatakdang pumalit sa puwesto niya. Nahihirapan siyang tanggapin iyon.

May isang oras na siya sa loob ng sasakyan nang makita niyang papalapit sa kanya ang isang kawaksi. Kumatok iyon sa kanyang bintana at ayaw man niya ay napilitan siyang ibaba iyon.

"Sir, pinapatawag po kayo ni Sir Genaro."

Wala siyang ideya kung paano nalaman na matanda na siya ang sakay ng kotse. Ibang kotse iyon, hindi nito kilalang kanya. Tinted din ang mga bintana niyon. Gayunman ay hindi maaaring hindi siya bababa. He was not a coward.

May nakapa siyang kasiyahan sa dibdib, pananabik na makitang muli si Charo. Ang tanging dahilan kung bakit hindi pa siya umaalis ay dahil hindi pa niya ito nasusulyapan. She made it hard for him to get near her. And Lord knows he tried to stay away. Hindi lang niya kaya.

Nakapasok na siya sa bahay ay hindi niya nakita ang babae. Ang naroon ay ang ama nito. Hinintay niyang dumating sa sistema niya ang galit na noon ay nadarama niya para rito ngunit hindi iyon sumulpot. Naunawaan niya sa mga sandaling iyon na wala na siyang galit dito. Noon lamang niya naunawaan na ang pagdududa sa sinabi ni Charo sa kanya tungkol dito ay nanatiling paimbabaw lamang.

"Pangatlong pagkakataon na kitang nakikita sa ibaba, Iñigo. Sayang ang gasolina." Bahagya itong tumango, itinuro ang upuan.

Doon siya pumuwesto. "How did you know it was me?"

"Nagkandamatay na ang mga kaaway ko noon, at wala rin sigurong kidnapper na magtatangka pa sa aming mag-ama ngayon---malaking ginhawa na wala na kaming bodyguards maliban sa dalawa. Wala akong ibang maisip na maghihintay nang ilang oras para lang masilayan ang dalaga ko."

Bigla siyang nasamid. Eksakto ang pagdating ng inumin. Ibig niyang tutulan ang sinabi nito ngunit hindi niya magawa. Bigla pakiramdam niya ay isa siyang bagito sa harap ng isang eksperto. Sa maraming bagay, ngunit lalong higit marahil sa buhay. At may dahilan para roon. Sadyang totoo iyon, bagito siya at eksperto ito.

Sinulyapan niya ang matanda at naunawaan niyang napakatagal na niyang ikinakaila ang katotohanan sa kanyang sarili---nagi-guilty siya sa ginawa niya rito kahit pa noong panahong handang-handa siyang gawin iyon. Tinatagan niya ang loob niya dahil kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon at sa totoo lang, wala siyang nakapang pagkakuntento sa puso niya at hindi iyon dahil lumalabas na mali ang taong pinaghigantihan niya.

"Madaya kayo," sambit niya mayamaya. "Ilang taon akong nagplano at nang magawa ko na, lumabas na nagkamali pala ako. But even before I found out I've already felt so guilty. How did you that?"

Bahagya itong ngumiti, nakauunawang tumango. "Simple lang ang sagot, Iñigo---mabuti kang tao. Mahirap maging mabuting tao, Iñigo, marami kang bagaheng bibitbitin. Dahil sa mundong ito, mas lamang ang kasamaan. Have you forgiven me?"

"For what, Sir? You didn't kill my father."

"Hindi ako ang kumalabit ng gatilyo pero kung nag-imbestiga muna sana ako, hindi sana nangyari iyon. He was a good man. Wala ako ngayon dito kung hindi dahil sa kanya. At sana sabay kaming nagbagong-buhay kung hindi nangyari ang lahat ng 'yon. Forgive me if I did not send Bolivar to justice. He would incriminate me, you see."

Tumango siya. "Naalala ko... naaalala ko po ang lahat. May putok ng baril noong makalabas kayo ng kubo ng Tatay. Charo said you shot him."

Tumango ito. "I couldn't kill him. He's saved my life a few times as well. Isa pa, nasa buhay ko na si Charo noong mga panahong 'yon. For some reason, that child softened my heart like no one else had."

And you are not alone.

"Where... where..." He cleared his throat. May bumikig doon, mahapdi, mula sa mga mata niya dala ng labis na pangungulila sa babae. Mas mabuti noong nasa Maynila ito. Nakakagawa siya noon ng excuse kapag nakikita siya nito kung saan hindi nito inaasahan. After all, they lived in the same small city. Pero sa pagdayo niya rito, wala siyang magiging excuse pero labis na siyang nangungulila ritong talaga na ganoon ang kalagayan niya hindi pa man niya ito nakikita. "Where is she?"

"Trying to be Superwoman. May balak magtayo ng negosyo sa bayan at titingin daw ng puwesto roon."

"She seems happy here."

"She is." Bumuntong-hininga ito, saka sumilip sa bintana at pagdaka ay sinabi nito, "But she was happiest with you."

"Alejo makes her happy now."

"And I heard someone named Courtney is making you happy now."

"Mukha po ba akong masaya? No, Sir. There was a time in my life when I thought she would be perfect for me but... but you changed everything when you introduced me to your daughter. Funny, isn't it, Sir?"

"You know, hijo, you can still call me Dad." Ngumiti ito. "Sa buhay na ito, hindi puwedeng maupo ka lang sa isang tabi at hintayin mong sumaya ka. You have to chase your happiness sometimes. You have to nurture what makes you happy and if in case you do something terrible and it flees away, you have to chase it again until it becomes yours for the second time. This time you should know better. You hang on to what makes you happy. Hang on with tooth and nail, if you must."

And he made perfect sense. This was the biggest irony of all.

Noon dumating si Charo. May kinukuha ito sa bag kaya hindi siya nakikita. "Daddy, may nakita po akong puwesto pero hindi ako sure kung magugustuhan mo. Malaki naman siya pero parang hindi ko feel." Ipinatong nito ang bag sa bureau, nakatalikod na ito ngayon sa kanya. Patuloy itong may hinanap sa bag nito. "Saan ko ba nilagay ang car keys? Kagagamit ko lang, hindi ko na alam kung saan ko nalagay. You won't believe how good I'm getting at driving, Dad. Sa wakas, may naging silbi na rin ang lisensiya ko. Nabangga ako pag-atras kanina pero maliit lang naman, Dad. Oh, here's the key---"

Nabitiwan nito ang susing hawak nang pumihit at mapatingin sa kanya. Agad nitong dinampot iyon bago pa siya makalapit. God, he missed her. He missed her so much it hurt. She was lovely, she was charming, she was funny, she was beautiful, she was perfect. She was perfect.

"It's time you learn how to chase, boy," wika ng matandang lalaki. Napatingin siya rito. Napangiti siya ang bahagya, saka tumango rito.

Nilapitan niya si Charo at hinawakan ang mga kamay nito. "I love you and I want to marry you again, Charo."

Napamulagat siya nang biglang umigkas ang palad nito sa kanyang pisngi upang gawaran ng sampal iyon.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

9.2K 113 11
Sophia Fisher has always been a nice girl, she's a good sister, daughter, and friend. She's the type of girl who keeps her promises. She's been anxi...
10.3K 257 8
First oneshot tells the story about what happened when Joseph defeated Kars and was staying with Suzi Q. What were his thoughts and emotions about ev...
89.3K 2.3K 30
Was asked to write a Thruce fanfic by one of my readers. Hopefully this goes well. Gonna put smut and fluff. You've been warned. Don't like it then d...
1.8M 113K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...