SA KAHARIAN NG LIREO
MINEA'S PROVERBS
Pinatawag namin ang lahat ng pamilya ng mga nasawi noong nakaraang digmaan katulad nga ng pinag-usapan namin ng aking mga anak noong araw ng pagkatapos ng digmaan na bigyan namin ng lupa ang pamilya ng mga nasawi bilang kapalit ng kanilang kagitingan.
MUROS:Mahal na Hara nandito na po silang lahat!
MINEA:Mabuti naman kung ganon papasukin niyo sila.
Ng makapasok na silang lahat ay pinaalam na namin sa kanila ang dapat nilang malaman.
MINEA:Avisala eshma sa inyong pagdalo dito,kaya ko kayo ipinatawag pagkat mayroong ibinilin ang aking mga anak bago sila umalis ng Encantadia may bibigyan nila kayo ng lupa upang inyong mapagkitian at bilang kapalit ng inyong kagitingan!
DIWATA:Lupa?Saan naman iyon Hara?
MINEA:Lupain sa Timog bahagi ng Lireo pagkat marami pang bakanteng lupain doon na pwede niyong taniman at palaguin!
SAPIRYAN:Avisala Eshma Hara Minea!
MINEA:Kami ang dapat magpasalamat sa inyo kung hindi dahil sa katapangan at tulong ng inyong mga mahal sa buhay ay hindi namin mapatagumpayan ang laban na ito,humihingi kami ulit ng tawad sa nangyari sa inyong mga mahal sa buhay!
ADAMYAN:Wala kang dapat ihingi ng tawad Hara pagkat mas malaki pa ang utang na loob na namin sa inyo!
MINEA:Avisala eshma adamyan ngunit kailangan pa rin namin gawin iyon pagkat hindi ibig sabihin na porket mayroon kayong utang na loob buhay agad ang magiging kapalit.
HATHOR:Naiintindihan namin Hara,avisala eshma ulit sa inyong tulong!
MINEA:Walang anuman iyon,pagkat obligasyon namin na pagsilbihan ang aming nasasakupan,Mga kawal pwede niyo na silang samahan sa kanilang lupain.
MUROS:Masusunod Hara.
Nang makaalis na sila ay lumapit sa akin si Nunong Imaw.
NUNONG IMAW:Parang malungkot ka yata Hara may problema ka ba?
MINEA:Wala naman Nuno naisip ko lang kasi ang aking mga anak at mga apo pinabalik nga kami ng encantadia ngunit hindi ko naman sila makakasama.
NUNONG IMAW:Naiitindihan kita Hara,kung gusto mo ay maari kong ipakita sa iyo kung ano ang na ang nangyari sa kanila sa mundo ng mga tao.
MINEA:Sige Nunong Imaw.
NUNONG IMAW:Aking tungkod ng balintataw ipakita mo sa amin ang mga naganap sa magkakapatid na Sang'gre sa mundo ng mga tao.
Ipinakita naman ito ng tungkod ng matandang Adamyan at nakita ko na masaya naman sila doon bilang isang pamilya at natutuwa ako pagkat lumabas na ang kapangyarihan ng mga bata pagkatapos ay pumunta sila isang gusali na mayroong maraming tao upang magsaya hanggang doon lang ang pinakita ng kanyang tungkod.
SA MUNDO NG MGA TAO
ALENA'S PROVERBS
Pagkatapos naming magturo sa mga batang Sang'gre ay naisipan naming magkakapatid na puntahan ang mga Mulawin upang ipaalam sa kanila ang tungkol sa propesiya nang saganon ay makapaghanda sila at nakapag-paalam na rin kami ng maayos sa aming pamilya ng saganon ay batid nila kung nasaan kami.
Nasa silid kami ngayon ng aming tahanan na wala ibang nakakaalam kundi kaming mag-anak para makapagpalit ng gayak pandigma pagkat mahirap na kung merong kahit isa sa aming mga tauhan namin ang makakita sa aming totoong pagkatao sa ngayon pagkatapos ay ginamit namin ang aming ivictus pamunta doon.
SA AVILA
Sa pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong nila Anya,Pagaspas,Lawiswis,Lakan, Almiro at iba pa nilang mga kasamahan masasabi ko na masaya silang makita kaming magkakapatid dahil sa ngiti sa kanilang mga labi.
ANYA:Bakit kayo naparito mga Hara at Sang'gre Danaya?
DANAYA:Naparito kami upang may nais kaming ipaalam sa inyo.
LAWISWIS:Huh?ano iyon.
ALENA:Pag-uusapan natin ito kung nandirito na ang inyong Hari.
PAGASPAS:Magtungo muna tayo sa loob habang naghihintay sa kanya.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Daragit tumayo naman kami aming kinauupuan upang magbigay pugay ganon din ito.
DARAGIT:Anong nagdala sa inyo dito mga Sang'gre?
AMIHAN:Naparito kami para ipaalam sa inyo ang tungkol sa propesiya ng Bathalumang Cassiopea.
DARAGIT:Propesiya? Anong tungkol doon?
PIRENA:Propesiya na may magaganap na isang malaking digmaan dito sa mundo ng mga tao pitong taon mula ngayon na sisimulan si Criselda ang Hara ng kaharian ng Niyebe pagkat hindi siya nagtumpay sa kanyang balak na sakupin ang buong Encantadia kaya dadalhin niya ang digmaan dito para mapasakamay niya ang mundo ng mga tao.(Direstong sabi ng aking kapatid)
ALMIRO:Nako hindi maari iyan hindi pwedeng madamay ang mga taong walang kamalay-malay!
ALENA:Kaya ipinaalam namin ito sa inyo mas maaga nang saganon ay mapaghandaan natin ito.
DARAGIT:Salamat na pinaalam ninyo sa amin na mas maaga kung ganon man ay kailangan na namin sanayin ang mga bagong kawal mulawin at kailangan din natin magsanib pwersa!
DANAYA:Ganon nga ang ating gagawin Rama iyon lang ang ipinunta namin dito avisala eshma sa inyong oras at magkikita pa tayo muli!😊
DARAGIT:Salamat din sa pagpunta niyo dito!😊
AMIHAN:Paalam sa inyo!
LAKAN:Mag-iingat kayo mga Sang'gre!
Nag-ivictus na kami pabalik sa aming tirahan ngunit doon kami dumeresto sa sikretong silid upang ibalik ang aming kasuotang pang-tao.Pagdating namin sa bahay ay dumiresto agad kami sa tinatawag naming board room sa encantadia pa ay silid pulungan upang iulat sa iba ang mga naganap sa pagpunta namin sa Avila at kumustahin ang encantadia.
Ngunit bago pa man magsimula ang aming pagpupulong ay nilagyan ko muna ng pananggalang ang silid na ito.
ALENA:Bilang Hara ng mga diwata ay sinimulan ko na ang pagpupulong na ito...ngayong alam na ng mga Mulawin ang digmaang magaganap dito ilang taon mula ngayon ay naisipan nilang makipagsanib pwersa sa atin.
PAOPAO:Mabuti naman kung ganon Hara Alena nang saganon ay madagdagan ang ating mga kaalyado.
DANAYA:Hindi lang iyan meron ding mga bagong Kawal Mulawin na sasanayin para sa maganap na labanan.
ANGELO:Sasanayin ba kamo?
DANAYA:Oo.
ANGELO:May nais akong imungkahi,maari sila nating turuan kung paano gamitin ang mga baril na nasa kamara ng mga armas.
AMIHAN:Maari din pagkat,malaki rin ang basketball court natin doon niyo sila turuan.
MIRA:Oo Ada Amihan,kami na nila Angelo at Paopao magtuturo habang kayo pa nila Yna kasama ng mga bata sa pagsasanay.
YBRAHIM:Maari din kami nina Rama Azulan kung wala kaming gagawin.
AQUIL:Oo,maari din iyon pwede rin na si Azulan lang pagkat siya ang eksperto sa pagamit ng baril.
MEMFES:Tama si Aquil siya pa nga ang nagturo sa amin nina Ybrahim noong nasa Encantadia pa tayo.
AZULAN:Grabe naman kayo,hindi naman ako eksperto marunong lang akong gumamit ng baril pagkat ang armas na iyan ay ang pangunahing armas ng aming tribu!
MIRA:Expert ka nga Ama!😊
AZULAN:Oo na!
At nagtawanan kaming lahat sa tinuran ng mag-ama maliban kay Pirena nagtataka kami na bakit tahimik ang aking kapatid kaya tinanong na siya ni Rama Azulan.
AZULAN:Tila tahimik ka yata Mahal may problema ba?
PIRENA:Iniisip ko lang ko ano ang susunod na hakbang ng ating mga kaaway at natitiyak ko na nagpapahinga pa sila at nagpapalakas sa ngayon,di ba nasa propesiya na na pupunta sila dito di ba?
LIRA:Oo Ashti,at sigurado akong lagusan ng mga Bandido ang kanilang gagamitin pagkat wala silang susi.
PIRENA:Tama ka doon Lira,napapaisip lang ako sa mga posibidad na mangyayari dahil maaring mandukot sila ng mga mortal upang gagawin nilang alagad katulad ng kanilang ginagawa sa mga encantado noon.
DANAYA:Kung ganon man ay mag-iisip na tayo ng paraan upang iyan ay maagapan.
YBRAHIM:May mga pangyayari na hindi nating kayang kontrolin kailangan lang nating maging alisto at maging lamang ng dalawang hakbang sa mga kalaban.
AZULAN:Sangayon ako diyan Rama pagkat maari nating maagapan ang maaring mangyari kung ganon tayo.
AMIHAN:Ngunit sa ngayon ipagpaliban muna na natin iyan,ang ating alalahanin ay ngayon ang mga bagay na dapat gawin para maghanda sa paparating na digmaan.
ALENA:Sa ngayon ay kumustahin muna natin ang Encantadia.
DANAYA:Tama kayo mga kapatid ko.
Binuksan namin ang aming palad at nilabas ang aming mga brilyante pagkatapos ay inutusan ito na maging tulay upang kausapin ang mga bagong hirang na pinuno doon at ang kalagayan ng aming nasasakupan.
PIRENA:Inuutusan kita brilyante na sa pamamagitan ng apoy ikaw ay magiging tulay para makausap ang bagong pinuno ng Hathoria!
AMIHAN:Sinasamo ko ang aking brilyante nasa papamitan ng Hangin ay makakausap ang mga bagong pinuno ng Lireo!
ALENA:Brilyante ng tubig inutuusan kita na magiging daan upang makausap ang mga bagong pinuno ng Adamya!
DANAYA:Aking brilyante sinsamo kita na magiging tulay nang saganon ay makausap namin ang mga pinuno ng Sapiro!
Sinunod naman ito ng aming mga brilyante at nakausap nga namin sila sa Hathoria ay si Diwani Deshna sa pamamagitan ng bolang apoy,sa Lireo ay si Yna at si Rehav Raquim sa pamamagitan ng Hangin,sa Adamya ay ang aking Anak sa pamamagitan ng tubig,at Sa Sapiro ay si Ila Esmeralda at Ila Demetria sa pamamagitan ng Lupa bumati kami sa lahat sa kanila at bumati naman sila pabalik.
MINEA:Avisala eshma na nabigyan kami ng pagkakataon upang makausap kayo!
ALENA:Walang anuman Yna,nais sana naming kumustahin ang inyong kalagayan lahat at ang Encantadia.
KHALIL:Ayos naman kami at masaya naman ang mga Adamyan sa aking pamumuno pagkat kumikita sila habang nangingisda at nagtatanim!😊
DESHNA:Sa Hathoria naman ay maayos ang lahat at masaya sila pagkat habang nagmimina at gumawa ng mga armas ay kumita ang mga Hathor ng malaki!😁
AZULAN:Mabuti naman kung ganon Desha at Khalil Avisala Eshma sa pag-aalaga niyo sa Hathoria at Adamya habang wala kami!
DESHNA:Walang anuman iyon Adto pagkat responsibilidad namin ito!😊
KHALIL:Tama si Deshna at parte na rin kami nang kaharian ng aming pinangalagaan!😊
ALENA:Avisala eshma anak na ikaw ay naging isang mabuting pinuno!
KHALIL:Siyempre naman Yna gusto kong maging katulad niyo nila Ashti at Aldo!😁
MINEA:Siya nga pala,nabigay na namin ang mga lupa na pinangako natin sa mga pamilya ng mga nasawi sa digmaan nagsimula na sila magtanim sa timog bahagi ng Lireo.
RAQUIM:Masaya naman ang mga Diwata sa pamumuno ni Minea pagkat katulad ng dati ay naging isa siyang napakabuting Hara.😊
LIRA:Ayyiiee..si Ilo Raquim duma da moves!!😁
MIRA:Lira seryosong bagay ang ating pinag-usapan ano ka ba!(Saway niya sa pinsan)
LIRA:Ay oo nga pala sareh okay..peace po tayo lahat Ilo Raquim peace po tayo!✌😊
Nakita ko si Ybrahim at Amihan na pinipigalan lang ang kanilang sarili na matawa hay..alam ko na kung saan nagmana si Lira samantalang kami ay tinutuloy ang aming pinag-usapan.
ESMERALDA:Sa Sapiro naman ay mas lalong lumabong ang mga tanim doon pagkat inalagaan ito ng mabuti ng mga asqillesue(magsasaka) doon.
DEMETRIA:Masaya naman ang mga Sapiryan pagkat kumikita sila at marami pa silang pagkain.
YBRAHIM:Avisala eshma mga Hara at Rehav Raquim sa pag-aalaga ninyo sa Lireo at Sapiro!
MEMFES:Tanawin talagi namin itong isang napakaling utang na loob sa inyo pagkat mahigit sampung taon niyo pangangalagaan ang bawat kaharian.
AQUIL:At hindi niyo lang aalagan ang mga ito prorotektahan niyo pa kaya Avisala eshma!
DEMETRIA:Walang anuman iyon Mashna at alam kong pagbalik niyo dito ay magiging matagumpay kayo.
ESMERALDA:At sa susunod sa henerasyon ay inyong mga anak naman ang mamumuno at nakita ko ka ang kinabukasan ni Mira at Angelo na magkasama!
ANGELO:Avisala eshma na pinagkatiwalaan niyo ako pagdating kay Mira mga Hara!
DEMETRIA:At sinabi na rin sa amin ng Bathaluman ang kinabukasan ni Lira at Paopao!
PAOPAO:Pangako po aalagaan ko si Lira at si Cassandra!
MINEA:Ipangako niyo rin na hindi niyo sila sasaktan!
ANGELO:Hindi lang namin ito ipapangako gagawin din po ito namin!😊
PAOPAO:Tama po si Angelo!
MINEA:Mabuti naman kung ganon,paano mauna na kami sa inyo pagkat may gagawin pa kami!
AMIHAN:Sige po Yna!😊
At diyan nagtatapos ang aming pag-uusap at nagpaalam na kami sa aming mga mahal sa buhay sa encantadia pagkatapos ay pinuntahan na namin ang mga bata sa hardin na naglalaro.