AMIHAN'S PROVERBS
Nandito pa rin kami sa sala ngayon nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari.
JIGS:Ngayon ko lang nalaman na may mga kapatid pala itong sa Amihan.
ALENA:Ganito kasi iyon medjo magulo ang lugar namin noon kaya naisipan ng aming ina na dito muna sila manirahan.
DANAYA:At saka rin niya na nalaman na meron pa pala siyang ibang mga kapatid sa pagbalik niya sa lugar namin.
PIRENA:Hindi lang iyon pagkat sa pagbalik lang niya nalalaman na meron pa pala siyang ina.
CHOLENG:Infairnes ha parang teleserye lang.
AMIHAN:Parang ganon na rin po,ngunit hindi naman ganon ka drama..
YBRAHIM:Sigurado ka ba doon Mahal? pagkat madrama pa sa teleserye ang estorya niyong magkakapatid!😁(Pang-aasar ng aking asawa)
AZULAN:Oo nga at si Pirena mismo ang nagsasabi na may mga iyakan moments pa raw kayo!(Dagdag pa ni Azulan)
PIRENA:Sheda!tumahimik nga kayong dalawa kung ayaw niyo makatanggap ng batok na nanggaling mismo sa akin!(Pikon niyang sambit)
AZULAN:Tatahimik na po...
Nang biglang sumingit si Memfes at Aquil.
MEMFES:So Bro sino kaya sa kanilang apat ang best actress?!😂
AQUIL:Walang iba kundi si...
Hindi pa nga natapos si Aquil sa kanyang sasabihin lumapit mismo si Pirena sa kanilang dalawa ni Memfes at binatukan.
MEMFES AT AQUIL:Aray naman Hara!!
DANAYA:Bagay lang sa inyo iyan kasi nang-aasar kayo!
ALENA:TAMA!😁
MEMFES:Aray naman Mahal!wala ka na mang support jan!
ALENA:Wala muna sa ngayon!😄
YBRAHIM:Tagos sa buto iyon ha!😂
MEMFES:Oo nga eh...pero ayos lang kasi alam ko na ako ni Alena!😊
AQUIL:Ayyieee!..
DANAYA:Hay nako ewan ko sa inyo....
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na sila Ninong at Ninang sa kanilang gawain habang kami ay pamuntang gym para na rin mag-ensayo at tingnan ang mga paslit sa kanilang pagsasanay pagdating namin doon ay nadatnan namin sila na tinuruan ni Paopao ng mga bagong taktika sa pakikipaglaban ngunit may pangyayaring hindi namin inaasahan habang nilalabanan ni Alana at Cassandra ang isa't-isa ay may bigla nalang lumabas na kapangyarihan ng hangin na nanggaling mismo sa palad ng aking apo habang kay Alana naman ay kapangyarihan ng apoy kagaya ng kanyang Yna ganon din ang nangyari kay Adamus at Dasha habang nilalabanan nila ang isa't-isa ngunit ang kaibahan ay kapangyarihan ng lupa ang lumalabas sa palad ni Dasha at kay Adamus ay kapangyarihan ng tubig.Masyadong yatang maaga na magkaroon sila ng ganon kalakas na kapangyarihan sambit ko sa isipan.
YBRAHIM:Totoo ba itong aming nakikita?(Tanong ni Ybrahim parang hindi makapaniwala)
Nang marinig nila ang boses ng aking asawa ay tinigil muna nila ang kanilang pagsasanay.
ANGELO:Sa katunayan Rama ay hindi nga namin inaasahan iyon.
LIRA:Hindi namin inaasahan na masyadong maaga ang paglabas ng kanilang kapangyarihan.
AMIHAN:Ganon nga din kami,hindi kami makapaniwala sa aming nakikita.
MIRA:Ngunit di bale na nandito naman tayong lahat para kabayan at turuan sila kung paano gamitin ito.
PIRENA:Tama si Mira,kaya umpisahan na natin ang patuturo sa kanila kung paano gamitin ang kanilang kapangyarihan.
ALENA:Kaya kami munang magkakapatid ang magturo sa kanila sa ngayon pagkat ang kapangyarihang taglay ng mga bata ay kagaya mismo sa amin.
PAOPAO:Sa tingin ko ay sasangayon kaming apat dito Hara pagkat kayo ang nakakaalam kung paano gamitin ito.
DANAYA:Alam na natin kung sino-sino ang ating tuturuan.
AQUIL:Kung ganon ay simulan na nating magturo habang maaga pa.
LIRA:Sige po kayo muna ang magturo sa kanila kasi malapit na mag alas 10 magluluto muna kami nila Paopao ng lunch.
AZULAN:Sige kami muna ang bahala sa kanila.
MIRA:Avisala eshma Ama,mauna na po kami.
Gagamitin sana nila ang kanilang ivictus upang magtungo sa kusina buti nalang pinigilan sila si Memfes.
MEMFES:Batid ko kung ano ang nasa isipan niyong apat kung ako sa inyo huwag niyo na itong ituloy pagkat may posibilidad na may makita na bigla nalang kayong sumulpot sa isang lugar.
MIRA:Maglalakad nalang po kami Aldo hehehe..
PIRENA:Mabuti pa nga kaysa, mapahamak pa kayo.
ANGELO:Sige po mauna na kami!😊
Pag-alis nila Lira ay nagsimula na kaming turuan ang mga bata kung paano gamitin ang kanilang kapangyarihan habang ang aking asawa ay nagsasanay din kasama nila Azulan,Memfes,at Aquil.Labis kaming natuwa pagkat napakabilis nilang matuto sa loob lang ng ilang oras naming pagsasanay.
DASHA:Pwede po bang magpahinga muna tayo?
ADAMUS:Oo nga kasi pagod na rin po ako!
CASSANDRA:Ako din!
ALANA:Same here!
Reklamo ng aking mga hadiya at apo kaya pinagbigyan namin sila habang ang aking asawa kasama ng kanyang kaibigan ay nagsasanay pa rin.
AMIHAN:Dahil ginalingan ninyo kanina ay magpapahinga tayo!😊
CASSANDRA:Yehey,thank you mga Ila!
Ilang minuto lang ay lumapit si Ybrahim sa amin at sumunod na rin sila Azulan.
YBRAHIM:Hindi lang kayo magpapahinga lalabas pa tayo upang ipagdiwang ang inyong mga bagong kakayahan!😊
ALANA:Talaga po Aldo Ybrahim?lalabas tayo?
YBRAHIM:Oo naman!
MEMFES:Kagaya ng pinangako namin sa inyo kagabi na kung gagalingan niyo sa pagsasanay ay makakatanggap kayo ng premyo na nanggaling mismo sa amin!😁
ADAMUS:Avisala eshma po talaga !
AQUIL:Di ba sabi ko rin sa inyo na dagdagan ko ang inyong premyo manood tayong sine at bibilhan ko kayo kung anong nais niyong kainin
AZULAN:Bibilhan pa namin kayo kung anong gusto niyo!
DASHA:Excited na ako para jan!
PIRENA:Kaya bumalik na tayo para makabihis at makakain na rin ng pananghalian.
FAST FORWARD
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kaming lahat para sa aming paglabas at natititak ko na pupunta kami sa mall nito ngunit ayos lang dahil matagal na panahon din akong hindi nakapunta doon.
Pagdating namin sa mall ay kagaya ng inaasahan ay binilhan namin sila ng laruan,pumunta kami sa arcade, kumain kami sa Jollibee,at nanood ng sine papauwi na sana kami ngunit naisipan pa ng mga bata mag-ice skating kaya pinagbigyan nalang namin.
ALANA:Yna sali kayo ni Ama para mas masaya!
PIRENA:Salamat anak ngunit manonood nalang kami sa inyo sa labas.
MIRA:Sige na Yna minsan lang naman ito!😊
AZULAN:Pagbigyan na natin ang mga bata Mahal!😊
PIRENA:Ano pa ba ang magagawa ko tatlo kayo isa lang ako!
ALANA:Yehey!
CASSANDRA:Para mas maging masaya tayo ay isali na rin natin sina Ila Amihan,Ila Alena,at Ila Danaya!😁
ADAMUS:Oo nga pati rin sina Ama, Aldo Ybrahim Aldo,at Aldo Aquil!😊
YBRAHIM:Sige kayong bahala,ikaw mahal sasali ka?
LIRA:Sige na Nay mas marami mas masaya!
AMIHAN:Oo na kagaya ng sinabi ni Pirena mag-isa lang ako at tatlo kayo!
MEMFES:Sasali rin kayo ni Danaya di ba,Mahal?
ALENA:Tingnan lang namin,di ba Danaya?
DANAYA:Oo tingnan lang namin ni Alena.
AQUIL:Ang ibig sabihin niyan ay sasali na kayo!
ALENA:Wala naman kaming sinabing ganon!
ADAMUS:Sasali na iyan!
DASHA:Oo nga at sigurado akong masisiyahan sila Yna,di ba po?
DANAYA:Sige na,pagkat marami kayo dalawa lang kami!
ANGELO:Sigurado akong maging masaya ito!😊
PAOPAO:Kung ganon ay bibili na tayong ticket!😊
Pagkatapos nilang bumili ng ticket ay pumasok na kami sa loob at naglaro sa yelo at naghahabulan na parang mga bata masasabi kong masaya din pala ito pagkalipas ng ilang sandali ay umuwi na kami upang makapagpahinga.