Song of the Winter Solstice (...

By iamrurumonster

473K 25.9K 2.8K

When Idrish is accused of killing an elven royalty, the female hunter is forced to join the winter arena in t... More

Author's Note
Song of the Winter Solstice
Chapter 1 -The Sin
Chapter 2 -The Arrest
Chapter 3 -House Calore
Chapter 4 -Killan Calore
Chapter 5 -The Engagement
Chapter 6 -Marrying the Prince
Chapter 7 -Send-off Emotions
Chapter 8 -Worthy
Chapter 9 -The Mors Map
Chapter 10 - Last Night
Chapter 11 -Adieu
Chapter 12 -Camp Meridio
Chapter 13 - The Team
Chapter 14 -First Skill
Chapter 15 - Tower of Pax
Chapter 16 -Chasing Fire
Chapter 17 -Halt Hour
Chapter 18-The Chase
Chapter 19 -Stingers
Chapter 20 -Hold Your Emblem
Chapter 21 -Air Strike
Chapter 22-The Old Tales
Chapter 23 -Hunting Secrets
Chapter 24-Arrows of Pain
Chapter 25 -Between Fire and Wind
Chapter 26 -Dark Enhancer
Chapter 27 -The Ambush
Chapter 29 -Feeding Dominus
Chapter 30 -Boost
Chapter 31- A Series of Veracity
Chapter 32-Both Poles
Chapter 33 -Defend the Base
Chapter 34-Uncovered
Chapter 35-Hundred Arrows
Chapter 36- Hands of Destiny
Chapter 37 -A Single Tear
Chapter 38 -Chasing Evil
Chapter 39 -The Greater Foe
Chapter 40 -Born Warrior
Chapter 41 -Loyal Heart
Chapter 42 -The Song of Winter
An Untold Secret
Special Chapter as Told by Kenru Part 1
Special Chapter as Told by Kenru Part 2

Chapter 28-The Miss

6.9K 470 42
By iamrurumonster

I have always thought that there is something more important than fear—courage. It has always been my emblem against the cruelty of life. The only weapon I have been carrying to survive every day— every damn hard day.

I never knew that the mold of bravery I have in my chest isn't sufficient at this moment. That it could melt with intense fear. Danger. Four enemies—one almost an ally—surrounding me like a precious white fawn ready to be killed.

Hindi ko alam kung saang direksyon ako tatakbo. I know Tigrani and Brugour's capability. They're not an easy kill. It's a 50-50 percent chance if I take their direction. Hindi ko rin alam kung ano ang kayang gawin ni Princess Lanuza. She might be even worse.

Lumingon ako kay Lanuza. Nagngingitngit ang mga panga nito sa gigil at halos madurog ang kanyang mga kamao sa sobrang tindi ng pagkakakuyom no'n. She hates me. Obviously, she was faking it the first time we met.

Napatingin ako sa lalaking nakamaskara sa harapan ko. Umigting ang panga nito nang magtama ang aming mga tingin. Sinubukan kong basahin ang reaksyon nito. Ang bawat titig. Pag-igting ng panga. Paggalaw ng mga braso at magkabilang balikat pati na ang mga binti.

His body language is telling me the opposite. He steps back with the tension on his lead foot. His right shoulder leans back as if they're letting me pass and showing me the way to escape. Gusto niya akong tulungang tumakas. What is he doing? What's his reason?

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Mabilis na dumaloy ang enerhiya mula sa gauntlet patungo sa mga paa ko. Wala pang dalawang segundo ay naramdaman ko nang mabilis na tinatahak ng mga paa ko ang direksyon ni Killan.

Wire grasses come past me as I run. I was fast enough to escape, or atleast it's what I thought it was, but Tigrani's hair won't let me make it easier. Mabilis na sumugod patungo sa akin ang mga buhok nito. Tanaw ko sa aking pagtakbo ang tila mga higanteng sawang matulin na gumapang sa lupa para habulin ako.

"You can't escape!"

Dinoble ko ang aking bilis. Nasa likuran ko lang ang buhok ni Tigrani na pursigidong puluputan ako para hindi makatakas. Napansin ko ang paggalaw ng mga damo mula sa kinatatayuan ni Brugour. I can see sparks from where he is standing.

Aatake ito!

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay naramdaman ko ang malakas na pwersa ng kuryente sa ere. Mga bato iyong balot sa kuryente na siyang ginamit niya para pabagsakin ang pangunahing pax towers ng Meridio. Tantiya ko'y dadapo ang higanteng bato ilang metro kung saan ako patungo.

Naramdaman ng katawan ko panganib sa babagsakan ng bato. The electric current that covers the rock itself could strike back once it hits the ground. Kaya yumukod ako para bumwelo paikot at pabalik sa umaapoy na circle of flame na binuo ni Killan. Kumapit ang kaliwang kamay ko sa makapal na damo saka ko pinadausdos ang katawan ko paikot.

Tumakbo ako pabalik sa pinagmulan ko. Ilang segundo lang ay sumabog ang bumagsak na bato sa direksyong dapat sana'y lulusutan ko para tumakas. Muli, naghanap ako ng malulusutan. Walang tigil ang pagtakbo ng aking mga paa habang inoobserbahan ang bawat galaw ng mga kalaban. I feel every joint in my body burning.

"Groar!"

Sinundan ni Brugour ang naunang bato. Mabuti na lang at ramdam ko ang lakas ng pwersa ng kuryente ng mga bato nito kaya alam ko kung saang direksyon tatama ang mga ito. Tumalon ako pakaliwa nang mapansin kong babagsakan ako ng pag-atake ng taong-bato. Sinadya kong taasan ang pagtalon ko para makaiwas sa nakakakuryenteng hibla na nakabalot sa bato.

Lanuza is standing with calmness in her spot at the left corner. Hinihintay siguro nitong makalapit ako at magkaroon siya ng sapat na distansya para sugurin ako. She just needs enough distance, just the distance, because she already has that big reason to kill me.

Muli kong sinubukang bumalik patungo sa direksyon ni Killan. I pivot with the help of my agile body. My plan is to run towards Killan and throw a spear across Tigrani's direction to distract her.

Napansin ko ang bawat galaw ng mga buhok nito ay naaayon sa utos ng utak niya. I guess a little distraction could somehow open a spot where I can escape.

Killan's reaction did not change as I ran towards his direction. Muli akong pinaulanan ng mga bato ni Brugour. Sa kasamaang palad, hindi ako nito natatamaan.

Nang mabilis kong nabuo ang isang malaking sibat sa aking mga kamay ay wala akong sinayang na oras. Muli akong dumausdos sa lupa upang makaikot at matantiya ang direksyon ng babaeng-buhok. Tumakbo ako ng ilang hakbang saka tumalon ng mataas kasabay ng pagtantiya ko sa babaeng hindi pa rin sinusukuan ang mga buhok para huliin ako.

Malakas kong ibinato ang sibat. Pinuntirya ko ang ulo nito. Nagulat ang babae sa ginawa ko. Napansin kong tila nataranta ito sa pagdating ng patalim sa direksyon nito. Tumigil sa paghabol ang makapal nitong buhok na tila nawalan ng koneksyon sa babae.

Pagkakataon ko iyon para tunguhin ang direksyon ni Tigrani. Surely, the hair opens a spot of escape!

Para dagdagan ang pagkalito ng kalaban, sinundan ko ang sibat ng dalawa pang naghuhumindik na punyal habang tumatakbo palapit dito.

"You little-" hindi natapos ng babae ang sasabihin dahil mas inuna nito ang pag-ilag sa parating na sibat at dalawa pang punyal.

Lumihis ako palayo sa kinaroroonan nito. Muli akong bumuo ng apat pang punyal sa mga kamay ko at magkasunod na ibinato sa kinaroroonan nito. Kailangang maging abala ang utak nito sa pag-ilag sa mga ibinabato ko para makatakas ako. It's working!

Tila hindi na alam ng mga buhok ni Tigrani kung alin ang uunahin—ang sugurin ako o protektahan si Tigrani mula sa mga umuulang patalim. Tigrani's distraction is my chance to finally save my battle.

Sinamantala ko ang maliit na pagkakataong iyon. Tumakbo ako sa ilang metrong espasyo na nasa pagitan nila ni Lanuza. Laking gulat ko nang bumungad sa daraanan ko ang tila maliliit na bolang kulay rosas. Mabilis na lumipad ang mga ito sa espasyong tatahakin ko.

I see lovely shades of red floating in the air, but they smell like a danger to me. Galing ang mga iyon mula sa mahika ni Lanuza na hindi ko lubusang alam kung ano ang kaya nitong gawin. Knowing your enemy is half the battle. Too bad I only know her name.

Napatigil ako sa pagtakas. Umatras ako nang mapansin ko ang paglapit ng maliliit na bola. Awtomatiko namang bumuo ang kamay ko ng isang katana bilang depensa. Napansin kong balik sa normal na ang mga buhok ni Tigrani at tila nautusan na naman nito ang mga iyon para sugurin ako.

Humigpit ang hawak ko sa espada.

Nang akmang pupuluputan na ako ng makapal na buhok mula sa gawing kaliwa ko'y walang alintana kong iwinasiwas palihis ang hawak kong patalim para putulin ang mga buhok na iyon. Sa kasamaang palad ay nahiwa ko rin ang isang pulang bola sa ere. Sumabog ang maliit na bola at naglabas iyon ng kulay pulang usok na halos malanghap ng buo kong sistema.

Nalasahan ko ang pait ng usok na iyon sa aking lalamunan. Halos maduwal ako at matumba mula sa kinatatayuan. Nawalan ako ng balanse. Naramdaman ko ang mahigpit na pulupot ng mga buhok ni Tigrani sa magkabilang binti at braso ko. Maglalabas pa sana ako ng sandata mula sa aking gauntlet ngunit tila pinigil iyon ng mahigpit na gapos ng mga buhok.

"Akala siguro nito maiisahan niya tayong apat!" Tila tagumpay na halinghing ni Tigrani na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakagapos saakit.

Halos mapasigaw ako sa sobrang kirot ng braso at binti ko dahil sa babaeng buhok. Nagawa pa nitong sakalin ako gamit at pahirapan ako ng husto. Nanlaban ako nang maramdaman kong mauubusan na ng hangin sa baga ko.

"Tigrani, stop! You're killing her!" Dinig kong sigaw ni Killan mula sa likuran.

"Isn't that's the reason why we're here? Kill this little gauntlet?" Ayaw papigil at nanggigigil na untag ng babaeng buhok.

"The Miss wants her to be eaten alive by the dominus." Dinig kong wika ni Lanuza. Naglakad ito palapit sa babaeng buhok. Base sa tindig nito, tila natutuwa itong makita akong nakaluhod sa harap nila ni Tigrani. "The Miss will be very disappointed if we do not follow her orders."

Bruguor roars horribly.

"What's taking so long?" Isang boses babae ang sumulpot. Tila narinig ko na ang boses na 'yon. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Natahimik ang lahat. Parang isang mapanganib na nilalang ang dumating. Napansin ko ang pagyuko ni Tigrani bilang pagbibigay pugay sa babaeng dumating. Nadagdagan ang kaba at takot ko sa dibdib. Hinahabol ko ang bawat paghinga habang hinihintay ang susunod ng hatol ng mga ito. Naglalaro na rin sa utak ko kung sino ang nilalang na dumating.

"We have her, Miss." Kalmadong usal ng babaeng buhok.

"Take her to the dominus. Make sure wala ni isang pirasong maiiwan sa kanya."

Her tone. Her pitch. Her accent and the amount of anger in her delivery. Bakit parang kilala ko na ang tinawag nilang Miss kahit na nakatalikod ako dito?

The Miss is here to eliminate me. Eliminate the gauntlet I carry. I have a strong feeling that she's behind the former queen's death. Hindi niya nagawang burahin ang kapangyarihan ng gauntlet mula sa yumaong reyna ng House Calore. Now she made her way here in Mors for the same mission—kill me and get rid of the gauntlet.

The hiems. Enhnace the hiems and find the others...

Whoever is behind the assassination of the gauntlet bearers has the plan to take over the ten kingdoms of Springgan. Naalala ko ang kwento ni Kenru. The four queens: Winter, Vernal, Autumn and Fall once ruled the kingdom but then a certain group caused their disappearance.

The Miss is from that same council which assassinated the queens.

But who is she?

###

Continue Reading

You'll Also Like

873K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
1.1M 39.1K 71
Xin Allison is an assassin, but she is forced to attend school to complete her missions. Now studying and living with thirteen mysterious yet incredi...
3.2M 73.6K 56
An angel was sent to Earth to protect Violet from evil forces. Unknown to them, it was his wings they were after. ...
2.7M 115K 47
When remembering seemed to be the only way for every supernatural phenomenon to make sense, Harmony and the rest of Task Force Indigo try their best...