EMERALD (Published Under Pop...

Por OnneeChan

7.1M 248K 63.1K

Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men... Mais

Emerald
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 - The Vladimirs
Chapter 5 - Bitten
Chapter 6 - Dark Blood
Chapter 7 - Heir to the Throne
Chapter 8 - Queen?
Chapter 10 - Drowning Emerald
Chapter 11 - Under the Water
Chapter 12 - Gretel
Chapter 13 - Candy Rush
Chapter 14 - Dark Prince
Chapter 15 - Chant
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Winter Ball
Chapter 19 - Runaway Queen
Chapter 20 - Blue Ribbon
Chapter 21 - The Glass Shoe Finally Fits
Chapter 22 - Red
Chapter 23 - Howl
Chapter 24 - Bad Dogs
Chapter 25 - Mate
Chapter 26 - I Hate Frogs
Chapter 27 - Kokak!
Chapter 28 - Rocco
Chapter 29 - Princess Frog
Chapter 30 - River of Fantasies
Chapter 31 - Statue
Chapter 32 - Three Sisters
Chapter 33 - Medusa's Curse
Chapter 34 - Time
Chapter 35 - Where Everything Changed
Chapter 36 - Where Aerielle Came
Chapter 37
Chapter 38 - Aeric
Chapter 39 - The Choice
Chapter 40 - Coronation Day
Chapter 41 - The Proposal
Chapter 42 - APPLE
Chapter 43 - Holding on and Letting go
Chapter 44 - The Dark Prince
Epilogue
THELESSA'S POV
Book 2!!!
Published Under Pop Fiction
POP FICTION FEST 5

Chapter 9 - 4 Kingdoms, 3 Suitors

163K 5.9K 2.5K
Por OnneeChan

CHAPTER 9 - 4 KINGDOMS, 3 SUITORS

Tahimik kaming nakaupo habang palakad-lakad si Mama. Tapos na yung party at kami nalang magkakapatid at si Mama ang nandito. Pinauna niya nang magpahinga sina Meredith at Matt.

"Bakit, Mother?" mahinang tanong ni Amethyst. "Bakit si Emerald?"

"Diba kinasal ka na sa panganay na anak ni King Fernee? Hindi ikaw ang pinili ko dahil magiging Queen ka na doon sa kaharian nila, Amethyst," sagot ni Mama. "Iyon din ang dahilan ko sa inyo Ruby, Jade at Sapphire. Si Ruby ay kinasal na kay King Vladimir, si Jade ay kinasal na sa panganay na anak ni King Patrick, at Sapphire naman ay kinasal na sa panganay na anak ni King Julius. Magiging Queen na kayo sa mga kaharian nila."

Tumingin siya sa akin. "Si Emerald nalang ang hindi engaged."

"Hindi pa ako handa," sabi ko.

"Exactly!" sabi naman ni Ate Ruby.

"I'll train you," sabi ni Mama. "Wala ka pa namang asawa eh. Wala ka pa ngang napipili eh!"

"Kailangan ba talaga ng King?" stressed kong sabi. Tinignan ko ang mga ate ko at humingi ng tulong.

"Kaya mo 'yan!" sabi ni Sapphire.

"Kahit naiinggit ako sayo, tutulungan parin kita," sabi naman ni Amethyst.

"You must rest na. May mga bisita tayo bukas," sabi ni Mama.

Napasimangot naman ako. "Sino po?"

"You'll see bukas."

Dahan-dahan na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ayoko. Ayoko pang maging Queen. Ayoko pang magpakasal!

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa gilid ko.

"Bakit gising ka pa, Matt?" tanong ko.

"Hindi ako makatulog eh," sabi niya. "So, okay ka lang ba?"

"Mukha ba akong okay?"

"Nagtatanong ako ng maayos diba? Sana sinasagot mo din ako ng maayos," naiirita niyang sabi. Natawa naman ako.

"Hindi ako okay," sabi ko. Napabuntong-hininga nanaman ako. Nasa tapat na pala kami ng kwarto namin dalawa.

Binuksan ko na yung kwarto ko. "Hindi pa ako handa Matt. Paano kung pumalpak ako?"

"Knowing you, papalpak ka talaga."

"Ouch," naiinis kong sabi kaya natawa siya ng bongga. Ang OA naman nito tumawa (._.)

"Lahat naman tayo nagkakamali diba? Di porket Queen ka ay perpekto ka na. Kaya mo 'yan." Pumasok na siya sa kwarto niya at agad na sinara ang pinto.

Anong nakain 'non? Bakit parang binasbasan siya ng anghel at bumait siya bigla?

~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Emerald!" Napaupo ako bigla dahil sa sigaw ni Lucinda at ni Felicity.

"Bakit?! Anong meron?!" natataranta kong tanong. Nasilaw ako sa sikat ng araw mula sa malaki kong bintana.

"Magbihis ka na! Mag-ayos ka na! Dali!" nagmamadali nilang sabi. Hinatak nila ako patayo at kinaladkad sa banyo. Hinuhubaran nila ako!

"Teka nga!" sigaw ko. Napatigil naman sila sa paghubad saken. "Ano bang meron?"

"May mga bisita sa baba! Magbihis ka na! Aayusan ka pa namin!" mabilis na sabi ni Felicity bago sinara ang pinto ng banyo. Naligo naman na ako at paglabas ko'y binihisan nila ako agad at inayusan. Simpleng dress lang ang sinuot nila sa akin pero bagay na bagay sa akin ang kulay. Light yellow na dress na may butterflies na design. Brinaid pa nila ang buhok ko at nilagyan ito ng maliliit na flowers.

"Sino ba yung bisita sa baba? Nasaan sina Meredith at Aliyah?" tanong ko.

"May inaasikaso sila sa baba. Dali na, tara na," nagmamadaling sabi ni Lucinda. Pababa palang ako ng mahabang hagdan ay pansin ko na na todo ayos at todo linis ang mga servants. Dinala nila ako sa Dining Hall at nakitang nandoon na ang mga ate ko at si Mama. Nandoon na din sina Meredith at sina Matt.

"Ready ka na Emerald?" masayang tanong ni Mama. Tumayo naman na sina Meredith at sina Matt sa mga upuan nila.

Bumukas ang malaking pinto ng Dining Hall at may pumasok na tatlong lalaki. Si Vincent ba 'yon? At sino yung dalawa niyang kasama? Parang pamilyar sila? Nakita ko yata sila kahapon sa party?

"Welcome!" bati ni Mama. "It's nice to see you again."

"It's our pleasure, Queen Diamond," sabi ng isang lalaki. Blonde ang buhok niya at feeling ko magshishine ito pag naarawan. Ang puti puti niya pa at kitang kita ang light blue niyang mata.

"Emerald, kilala mo na siguro si Prince Vincent 'no?" sabi ni Mama. "Ito si Prince Francis." Tinuro ni Mama yung lalaking blonde at shiny yung buhok.

"At ito naman si Prince Allen," turo ni Mama sa isa pang lalaki. Dark brown ang kulot nitong buhok. May cute na dimples sa pisngi at halatang madali lang siya pakisamahan.

Ngumiti ako at binati sila,"Hello."

"Goodmorning Princess Emerald," sabi ni Prince Francis. Agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko. "Just call me Francis."

"Ah, eh, Hello Francis," awkward kong sabi at hinatak ko na ang kamay ko.

"Wag mo siyang takutin Francis!" sabi naman ni Prince Allen. "Hello, Emerald! Allen nalang itawag mo saken."

"Hello, Allen." Nginitian ko siya.

"Lumayo nga kayong dalawa sa kanya, tinatakot niyo siya eh," saway naman ni Vincent.

"Sinasabi mo lang 'yan para masolo mo siya!" asar na sabi ni Francis.

"Ingay niyo!" sigaw naman ni Allen. Natawa nalang ako. Mga prinsipe ba talaga ang mga ito? Akala ko maaarte sila.

"Emerald, gusto kong kilalanin mo silang tatlo," sabi ni Mama. Natahimik naman silang tatlo at nagseryoso. "Mamimili ka sa kanilang tatlo kung sino ang gusto mong mapangasawa."

"HA?" sigaw ko.

"Hindi ko alam kung mao-offend ba kami diyan sa reaksyon mo o hindi eh!" natatawang sabi ni Allen.

"Is there something wrong, Sis?" tanong ni Ate Amethyst.

"Mga anak sila ng King mula sa ibang kingdom. Si Prince Vincent ay kapatid ni King Vladimir, si Prince Francis ay pangalawang anak ni King Fernee at si Prince Allen naman ay anak ni King Patrick," sabi naman ni Ate Ruby. "They are the best choices para mapangasawa."

"Akala ko..."

"Anong akala mo?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Akala ko mamimili ako ng kahit sino. Akala ko pipiliin ko ay yung taong mahal ko talaga. Akala ko pwede kahit hindi anak ng King," mahina kong sabi.

"Matututunan mo naman silang mahalin eh," sabi naman ni Ate Jade.

"Please, give this a try. Kilalanin mo muna sila. Mabubuti silang tao," sabi ni Mama. Tumingin ako sa kanilang tatlo. Nginitian naman nila ako. Ewan ko kung bakit pero tumingin ako kay Matt.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi. Naniniwala siya na kaya ko 'to kaya kakayanin ko 'to. Sana.

"Okay."

~*~*~*~*~*~*~*~

"So, sinong mauuna?" tanong ni Vincent kanila Francis at Allen.

"Panghuli ka dapat!" sabi ni Allen. "Magkakilala na kayo eh!"

"Okay, Fine. Sino mauuna sa inyong dalawa?"

"Ako!" sigaw ni Francis.

"Bakit?" sabay na tanong ni Allen at ni Vincent.

"Kasi sa ating tatlo, ako ang pinakagwapo."

"Seryoso ka? Gusto mo bang pabugbog na kita?" naiiritang sabi ni Allen.

"Sarap sapakin," mahinang bulong naman ni Matt. Nandito na kami sa Great Hall at pinapanood na magtalo yung tatlo kung sino ang mauuna na makasama ko for a day.

"Kapal ng mukha niya eh, Haha!" sabi naman ni Zac.

"Ang ganda ng ating Prinsesa dahil pinag-aagawan siya ng tatlong prinsipe," natatawang sabi ni Brix.

"Titulo lang naman ang gusto nila eh," matabang kong sabi.

"AKO NALANG KASI!" sigaw ni Allen. "Nagsisimula sa letter A ang pangalan ko kaya ako mauuna!"

"Bahala ka! Mauuna ako!" Lumapit sa akin si Francis at hinatak ako patayo. "Runaway with me, my princess."

"Ang corny mo kairita ka!" naiinis na sabi ni Allen. "Sarap mong sapakin!"

"Exactly!" sang-ayon ni Vincent.

"ikaw nalang ang mamili Emerald," malakas na sabi ni Matt. Sinimangutan ko naman siya. Nababaliw ba siya? Ayoko ngang makasama kahit sino sa kanilang tatlo eh! Gusto kong matulog!

"Tama! Si Emerald nalang ang mamimili!"

"Aish," Napapikit nalang ako. "Fine, si Francis nalang muna."

"YES!" Talon nang talon si Francis.

"Tandaan na dapat ingatan ang prinsesa kapag lalabas ng castle," paalala ni Mama.

"Tara na!" sabi niya. Inalok niya sa akin ang kanang kamay niya. "Let's runaway!"

Hinatak niya na ako at tumakbo palabas ng castle.

SERYOSO? TATAKBO TALAGA KAMI?

____________________________________________________________

Continuar a ler

Também vai Gostar

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
60.6K 677 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...
130K 4.2K 34
(Mystery/Thriller: Rank #10 ) Ang lugar kung saan hinuhubog ang mga binatang gustong mapalalim ang paglilingkod Kay Kristo. Dito rin sa lugar na 'to...
Una Vez en Diciembre Por Azul

Ficção histórica

13.7K 756 16
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makik...