The Things I Hate About You

By ceresvenus

169K 4.7K 963

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 23

3.4K 95 10
By ceresvenus

TOSCA

Naantala ang mahimbing kong pag tulog nang may kung anong dunagan sa akin. Sobrang antok na antok pa ako kaya gumalaw ako pero hindi pa din naaalis ang nakadagan sa akin.

"Good morning, beautiful." Bulong ng isang barito at namamaos na boses.

Unti unti akong bumabalik sa ulirat. Naging malinaw sa akin kung ano, I mean sino ang nakadagan sa akin! Si Scor! Bumaha sa alaala ko ang mga pinaggagagawa namin kagabi. Hindi pa man tuloy ako dumidilat ay napapangiti na ako.

"Gumising ka na. Kailangan pa nating mag-empake." Malambing niyang sabi sabay kagat sa exposed kong balikat.

"Wait." Paungol kong sabi bago gumalaw ng kaunti para makahanap ng mas kumportableng posisyon.

Antok na antok pa kasi talaga ako. Parang hindi pa gagana ang mga binti ko kung tatayo ako. Ilang sandali palang akong nakapikit eh nagsisimula nanamang humalik halik si Scor sa balikat ko. Naramdaman ko pang dumapo ang kamay niya sa tiyan ako.

"Tosca, gising na." Paos na sabi niya.

"Five minutes." Antok na antok na sabi ko pa din.

"It's been thirty minutes, Tos." Natatawang sabi niya.

Naiinis na umungol ako at hindi na sumagot. Hindi ko nga maidilat ang mga mata ko dahil sobrang antok ako. Pakiramdam ko pinagdikit na ng muta iyon.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal akong nakaidlip. Pag gising ko ay narinig ko ang bukas na t.v. Gumalaw ako at naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Unti unti akong dumilat at tumambad sa akin si Scor ba bagong ligo.

"Anong oras na?" Antok na tanong ko pa din.

"One pm." Aniya nang nakayuko sa akin.

Lumapit ako para humiga sa hita niya. Grabe mas kumportable dito. Ang bango bango niya pa naman.

"Antok pa din?" Sabi niya ng may halakhak.

"I'm so tired." Naghihikab na sinabi ko.

Ngumiti siya at hinimas iyong buhok ko malapit sa tenga ko. Lalo tuloy akong inaantok sa ginagawa niya. Imayos konpa yung pwesto ko para mas maging kumportable pa ako. Lumipat naman sa hubad kong balikat iyong pag haplos niya. Maya-maya ay nagising na din ako at nakikinood na din sa pinapanood niyang noon time show.

"Kanina ka pa gising?" Tiningala ko siya at nag-tanong.

Tumango siya.

"Ang tagal mo nang tulog." Nangingiting sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago bumalik sa pwesto ko. Kasalanan niya naman eh.

"Pinagod mo ako eh." Sabi ko.

"Isa lang 'yon. Napagod ka?"

Tumango ako pero lukot pa din ang mukha ko.

"Sorry." Halakhak niya.

Tumayo na din ako pagkatapos ng ilang sandali. Binalot ko na muna iyong kumot sa katawan ko. Medyo nahihiya ako eh. Nag-taka ako dahil nakita kong nakalabas iyong maleta ko. Nandoon na sa tabi ng pinto, eh sa closet ko iyon nilagay. Napansin niya siguro.

"Niligpit ko na mga damit mo." Aniya.

Hala! Ang sweet naman! Lumapit tuloy ako at hinalikan siya sa pisngi. Hindi pa din ako makapaniwala na malaya ko na itong magagawa sa kanya. Gumapang naman kaagad kamay niya sa likod konat marahang humaplos doon.

"Maligo ka na. 3 pm aalis ang yacht." Utos niya.

Tumayo ako pero hindi ako makaalis dahil nauupuan niya iyong kumot na nakabalot sa akin.

"Uhm, excuse me." Nahihiyang sabi ko.

Hinihila ko 'yung kumot pero mabigat siya. Hindi ko nanaman mabasa mukha niya, para siyang natatawa.

"Bakit? Nakita ko naman na 'yan." Sabi niya.

"Eh! Kahit na!" Nahihiyang sabi ko.

Confident naman ako sa katawan ko pero pag-dating sa kanya nako conscious talaga ako. Saka medyo nahihiya pa ako, may amats ako kagabi kaya malakas ang loob ko.

Huminga siya ng malalim, sumandal sa headboard ng kama at humalukipkip pa pa habang nakatitig sa akin. Parang nang-aasar ang hitsura niya! Wala talaga siyang planong ibigay sakin 'tong kumot.

Wag niya nga akong hinahamon ng ganon kasi papatulan ko siya. Binitawan ko ang kumot kaya hubad na hubad ako sa harap niya. Kitang kita ko kung paano siya pinanlakihan ng mata. Kumendeng kendeng pa ako pagkatalikod ko at pagpasok ko ng banyo doon na ako humagalpak ng tawa.

Sore na sore ang mga binti at kasu-kasuan ko. Kahit kakagising ko lang ay nanlalata na kaagad ako. Umihi muna ako at nagulantang ako sa hapdi na naramdaman ko doon. Hala? Nasugat ako? Takang taka ako habang naliligo. Hindi naman matalim 'yung 'ano' ni Scor. Pero malaki siya sis.

Pag-labas ko ay salubong nanaman ang kilay niya pero natawa lang ako. Dumiretso ako doon sa maleta para sana kumuha ng damit pero nag-salita siya bigla.

"Hinanda ko na 'iyong susuotin mo." Aniya.

"Ha?"

"There." Turo niya sa tabi ng t.v. kung saan nakapatong ang isang bulaklaking sundress.

"Thank you." Ngumiti ako at dumiretso doon.

Doon na din mismo ako naghubad ng bathrobe at nag-bihis. Inaasar niya ako kanina eh. Edi aasarin ko din siya ngayon. Akala niya ha? Pagkatapos kong mag-bihis lumingon ako kaagad sa kanya. Ayun, nag-lalaway.

"Ganda ba ng palabas sa tv?" Pang-aasar ko pa.

"You're such a tease." Aniya.

"Ikaw naman ang nauna." Inismiran ko siya habang nag-susuklay ako.

"Yari ka sakin mamaya."

Hindi ko alam kung nag-babanta siya pero bakit parang na excite pa ako? Hala! Wala na, ang laswa ko na. Charing!

"Diyan ka lang. Ipapahanda ko mga pagkain mo." Sabi niya. Napaka bossy pa din.

Tumango ako dahil hindi pa naman ako tapos mag-suklay. Noong lumabas siya naisip kong ayusin 'yung kama para na din i-check kung may mga naiwan akong gamit.

Nalaglag ang panga ko pagka hawi ko ng mga unan at comforter na nakatabing sa kama. Puno ng dugo iyong gitna! Parang may na aksidente. Tumingin ako sa pinto kung pabalik na si Scor pero kakaalis lang naman niya. Ano ba 'yun? Sobrang dami talaga! Nagkaroon ba ako kagabi? Wala naman eh hindi naman masakit puson ko. Dinouble check ko pa sa phone ko pero hindi ko pa talaga oras magkaron.

Sobrang curious ko kaya inamoy amoy ko pa kung ano 'yon pero wala namang amoy eh. Saka pinunasan niya ng tissue iyong inilabas niya kagabi at kung tumulo man sa kama 'yon hindi ganito kadami at lalong hindi color red 'yun!

Sobrang nataranta ako kaya binalik ko iyong kumot tapos tinabunan iyon ng comforter. Parang walang nangyari pero mukhang blood bath sa ilalim niyon. Nakita kaya ni Scor iyon? Sana hindi! Nakakahiya!

"Let's go?" Yaya niya pagkabalik niya.

Kinakabahan pa din ako pero iniwan ko na iyon na parang walang nangyari. Parang natatandaan kong sinabi niya kagabi na dumudugo ako. Pero di ko naman inexpect na ganoon pala iyon kapag first time mo. Saka ayoko ngang isipin niya na wala pa akong experience mamaya sabihin niya prude ako.

Sinamahan niya ako sa labas para mag lunch. Kanina pa daw nakakain 'yung iba kaya siya nalang ang sasama sa akin. Pinagtabi niya ako ng inihaw na liempo, hotdog at seafoods.

"Umupo ka na diyan. Ako na." Sabi niya.

Alam niyo 'yung tipong di naman siya nakangiti, ang sungit sungit naman niya pero napaka sweet ng gesture niya? Kaya nga sinusunod ko pa din siya. Gusto ko kasi 'yung feeling na pinagsisilbihan niya ako.

"Thank you. Ikaw? Ayaw mo kumain ulit?" Tanong ko.

"Busog na ako. Sasamahan nalang kita." Sabi niya sabay hila noong isang upuan sa tabi ko at umupo.

Sinimulan kong lantakan ang mga pagkain nang matanaw kong paparating ang grupo ng mga kaibigan ni Scor. Hindi naman sila kumpleto. Si Clint at Eliott ay kasama tapos iyon pang tatlo nilang kaibigan.

"Hoy! Tangina umahon din sa libingan si Tosca." Kakalapit lang nila ay kinantyawan na kaagad ako ni Eli.

Tumayo sila sa harap ng lamesang kinakainan ko at nakisubo pa ng mga ulam ko. Mukhang kakaligo lang din nila.

"May hangover ka? Di ka naman ata lasing kagabi." Sabi ni Clint.

"Ano oras dadating 'yung yate ni Sancho?" Tanong nung isa nilang kaibigan.

"Padating na 'yon." Sabi ni Eli.

"Ano, Tos? Bat tahimik ka?" Ani Clint sakin.

"Baka naman sinasaktan ka netong tropa ko ah? Sabihin mo sakin sasapakin ko." Sabi ni Eli sabay lakad palapit kay Scor.

"May sinasaktan bang ganyan? Puta, alagang alaga." Natatawang sabat naman noong isa nilang kaibigan.

"Pahingi nga!" Lumapit sakin si Clinton at sumubo ng kanin sa plato ko.

Tingnan mo 'to. Patay gutom. Mga bata palang kami ganyan na talaga 'yan eh.

"Tol, pwede wag niyo munang guluhin si Tosca? Pagod 'yan eh." Biglang singhal ni Scor sa kanila.

Sabay sabay tuloy kaming napatingin sa kanya. Ang lalim na ng pagkaka kunot ng noo niya.

"Ayooon! Pinagod naman pala!" Nag halakhakan ang mga huli at nagsi pag apiran pa.

Inirapan sila ni Scor bago ako sinenyasan na kumain pa ako. Sinunod ko naman din siya. Gutom na gutom kaya ako.

Mga bandang alas tres nga dumating iyong yate. Hindi na ako pinatayo ni Scor doon sa kinauupuan ko. Siya na kumuha noong maleta kong pagkalaki laki pero parang wala lang naman sa kanya. Nakikita ko pang nag-gagalawan mga muscle niya sa braso eh. Napapa 'umph' nalang ako.

"Let's go, Tosca." Lumapit siya sa akin at inalok ang kamay niya.

Kinuha ko naman iyon bilang suporta sa pag-tayo. Akala ko nga bibitawan niya na kamay ko pero mali ako. Nakahawak lang siya hanggang sa paakyat kami ng yate. Isang oras at kalahati pa ang bubunuin namin doon. Medyo nalungkot ako dahil maganda ang Gigantes. Babalik talaga ako dito, syempre dapat kasama si Scor.

"Gusto mong mag pahinga?" Tanong niya noong umaandar na.

"Ang OA na ha? Okay na ako." Natatawang sabi ko.

"Sigurado ka ah?"

"Oo nga." Sabi ko.

Hinila ko kamay niya para yakapin siya. Ang sarap sarap niyang yakapin. 'Yung katawan niya kasi, malaki at matigas pero huggable pa din. Tama lang talaga.

"Sorry kung pinagod kita." Malambing na sabi niya.

Naramdaman ko iyong paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Mas lalo ko tuloy hinigpitan pag yakap ko.

"Last na 'yun." Biro ko.

"Tsk. Anong last?" Humiwalay siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Pinigil ko tawa ko pero di ko na siya sinagot.

Nakakapagod pa din ang isa't kalahating biyahe sa dagat kahit na nakaupo lang naman ako. Iniisip ko palang na kailangan pa naming bunuin ang tatlong oras na land travel ay mas napapagod na ako.

Siksikan nanaman kami sa iisang van. Ang hindi lang namin kasama ay si Harris at ang nakakatanda nilang kapatid. Si Falcon. Di ko pa nga natatanong kay Scor na kuya niya pala 'yun. Pati pala si Guideon na nauna nang umalis noong isang araw pa.

"Galaw galaw! Dating pwesto ha?" Sigaw ni Xander.

"Sino sa tabi ng driver?" Tanong naman noong isang babaeng kasama namin.

"Ako nalang. Pucha porket single ako." Nagmamaktol na sabi ni Eli.

"Tabi tayo?" Tiningala ko si Scor at tinanong.

Nakaakbay siya sa akin eh pero nakasimangot naman siya. Niyakap ko pa siya sa baywang. Seryoso naman siyang tumango.

Pagkasakay namin biglang tumawa si Eli sabay binatukan si Clint.

"Oh, tangina ka Clint! You owe me 10k ha?" Aniya.

Hinimas himas ni Clint iyong binatukan ni Eli sa kanya. Kami naman ni Scor parehong nakasimangot na nakatingin sa kanila.

"Pinag pustahan kayo niyan, Tosca. Pag-uwi daw natin, magkatabi na kayo. Panalo si Eli." Natatawang sumabat si Xander.

Inirapan sila ni Scor bago ako hinapit palapit sa kanya.

"Hayaan mo na 'yan. Wala lang mapag tripan 'yan." Bulong niya sa akin.

Pakiramdam ko buong araw na kaming magkadikit ni Scor. Hindi ako nag rereklamo ha? Kung pwede nga lang hindi na kami mag hiwalay eh.

Tatlong oras pa bago kami makabalik ng city proper. Ang plano sana ay mag di dinner kaming lahat bago dumiretso sa airport.

"Sinong kasabay mo mamaya sa flight?" Tanong ko.

Nauna kasi sila dito diba? Eh ang alam ko 11:45 pm ang flight namin ni Clint. Baka mas mauuna sila Scor. Parang narinig ko kasing sabay sabay sila nila Xander.

"Ikaw." Matipid niyang sabi.

"Weh? Diba sila Xander kasabay mo?" Sabi ko pa.

"Pina rebook ko." Parang wala lang na sabi niya tapos pumikit.

Mahina lang usapan namin kasi kung lalakasan namin edi rinig na rinig kami ng mga tao sa van?  Sumandal nalang ako sa kanya tapos pumikit din. Ang bilis niya din namang nag-salita.

"Tutulog ka nanaman?" Malambing niyang bulong.

"Oo. Tulog ka eh." Sabi ko.

"Hindi ah."

"Okay..."

Inaantok nanaman ako. Siguro human pillow itong si Scor. Madikit lang ako sa kanya sobramg safe at kumportable na ng pakiramdam ko.

"Huy!" Umigik ako nang gumapang sa leeg ko ang kamay niya. May kiliti kasi ako dun.

Tumawa naman siya ng mahina.

"Sabi ko sa'yo di ka makakatulog eh."

Oh sige na hindi na ko matutulog. Maghaharutan nalang kami sa loob ng tatlong oras. Ang sarap pala ng may ka seryosohan! Sobrang boyfriend material niya kaya mahal na mahal ko talaga siya.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 11.7K 35
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...