Traje de Boda Trilogy 1: Char...

By Vanessa_Manunulat

543K 16.7K 421

Traje de Boda Trilogy More

Simula
Triplets
Charo
Ang Nakaraan
Ang Sumpa
Celestina, Agustina, Beatrice
Ang Paghihiwalay ng Landas
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Book Info

Chapter 27

8.9K 312 6
By Vanessa_Manunulat

AYON SA kawaksing nakausap ni Iñigo sa bahay nina Charo ay umalis daw ang babae kahapon at ang sabi ay tutungo sa Hong Kong. Hindi raw alam nito kung kailan babalik ang babae.

Hindi niya alam kung bakit gusto na naman niya itong makausap. Gusto niyang bigyang-diin dito na hindi ito maaaring lumabas kasama ang Alejo na iyon habang kasal silang dalawa. It made him mad. It was hurting his pride. Marahil dapat na pabayaan na lamang niya ang babae ngunit hindi niya magawa.

Her dating someone else was not something he could ignore. Pero sa ngayon, dahil wala ang babae sa bansa, ay kailangan muna niyang palipasin iyon. Gayunman ay tinawagan niya ang isa niyang kakilala upang alamin kung nasa labas din ba ng bansa si Alejo. Salamat sa balitang nasa Pilipinas lamang ang lalaki. Samakatuwid, hindi ito kasama ni Charo sa Hong Kong.

Nagtungo na siya sa paliparan upang umuwi sa Cebu. Hindi sinabi ng tiyahin niya kung bakit pinapauwi siya nito ngunit mukhang nagalit ito nang sabihin niyang hindi siya makakauwi kaya't heto siya ngayon. Hindi niya kayang tiisin ang matanda. Marahil ay naglalambing lang ito.

Makaraan ang kulang isang oras na biyahe sa eroplano ay nagtungo na siya sa baryo kung saan naroon ang farm ng tiyahin niya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya. Kakuwentuhan ng tiyahin niya ang babaeng dapat ay nasa Hong Kong.

"Well, hello, my dear husband," anito.

Napalunok siya, hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon, lalo na at kaharap ang tiyahin niya. Alam na ba ng matanda na anak si Charo ni Genaro? It would break his aunt's heart knowing he did not follow her advice all these years. At ang kanyang asawang magaling, hayun ay nakangisi sa kanya. The little witch!

"Nabigla ka, Iñigo?" ang tiyahin niya. "At akala mo siguro ay hindi ko na malalaman na nagpakasal kang hindi sinasabi sa akin?!"

Napayuko siya nang bahagya. Hindi siya kailanman sumagot sa matanda.

"Sumagot ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin ito?"

Hindi niya nagawang sumagot. Nablangko ang isip niya. Damn the little witch and her fair and smooth legs. Naka-shorts lang ito, tila komportable na sa bahay ng tiyahin niya. She was mocking him with her stare.

"Tita, mabilisan nga po ang naging pagpapakasal namin sa huwes, tulad ng nabanggit ko sa inyo," anang babae, lumapit sa tiyahin niya at inabot ang kamay nito. "Two months pa lang po kaming kasal. Pangako po niya sa akin na ipapakilala daw po ako sa inyo. Baka po kaya lang hindi dumating ang panahong 'yon ay dahil... ayaw na niya sa akin."

Oh, he could strangle her lovely neck. May papahid-pahid pa ito sa mga mata na akala mo ay umiiyak talaga. Nabibigla siya sapagkat alam niyang may pakay ang babae, lamang ay hindi niya mahulaan kung ano eksakto iyon.

"Iiwan mo ang asawa mong ni hindi mo pinakilala sa akin kahit buntis siya?" ang tiyahin niya. Bigla siyang nasamid. Mukhang marami agad nalikhang kuwento si Charo. "At dahil lang kay Courtney? Sa totoo lang, Iñigo, hindi ko gusto ang babaeng iyon at lalong hindi ko gusto ang mga ginawa mo kay Venice."

"Ah, Venice, is it?" baling niya sa babae.

"Wala kang masabi kundi iyan?" patuloy ng tiyahin niya. "Ganyan ba kita pinalaki? Ano't hindi mo masagot kung bakit hindi mo man lang nabanggit na nag-asawa ka na?"

"Sasabihin ko po sa inyo, Tiyang, nagkataon lang pong naging busy."

"Busy? Busy?" Nangdidilat ang mga mata nito.

"Tiyang, patawarin po ninyo ako."

"Hmp!" Humalukipkip ito. "Puwes, mag-usap kayong dalawa. At pagkatapos, tayo ang mag-uusap, lalaki."

Tumalikod na ang matanda at nang matiyak na hindi na sila nito maririnig ay saka niya binalingan si Charo. Nakade-kuwatro ito, kalmadong-kalmado, may ngisi sa labi. "It's delicious to see the mighty cower under an old lady's stare."

"You will go home after apologizing to my aunt."

"Why would I do that?"

"Dahil sasabihin ko sa kanya ang totoo. Mas mapapahiya ka kung siya ang magpapaalis sa 'yo rito."

"Oh, you will tell her about everything you did? Really? Then maybe I can pitch in. After all, it's our life you ruined. She's a very delicate and loving old woman. I'm sure it would break her heart to know what a big monster the child she raised turned out to be. I guess that's the real reason why you did not tell her about me. 'Wag tayong maglokohan, Iñigo, hindi mo kayang sabihin sa kanya ang totoo. Kaya mo nga siya itinago sa akin, hindi ba?"

"How much do you want?" aniya, walang paligoy-ligoy.

Tumayo ito. "Oh, so I hit the motherload there." She laughed. All he wanted to do was kiss her senseless to shut her up. Gayunman, kailangan niyang marinig ang sasabihin nito. "I want everything back, Iñigo."

"Then you're fooling yourself, honey. It's easier to suffer a few words from my aunt than to hand over billions to you."

"Touche. Fifty percent?"

Tumawa siya nang sarkastiko. "You're dreaming."

"Forty?"

"I'll save us both the time. I'll give you three more, making your shares five percent and that's it."

"I didn't come all this way to get only three. Three percent is an insult considering I used to own everything!"

Ang sumunod na lumabas sa labi niya ay hindi naproseso ng isip niya at kusang lumabas sa kanyang mga labi, "I'll give you twenty percent more. But you have to warm my bed tonight."

Natigilan ito, halatang nagalit sa sinabi niya. Ito lamang marahil ang babaeng sa kabila ng matinding galit ay napakaganda pa rin. Sa isip niya ay alam niyang malaking pagkakamali ang inalok niya rito sapagkat napakalaki niyon ngunit sa sandaling iyon ay para bang napakadaling ibigay dito ng kompanya, basta't kasama roon ito.

He still wanted her. That much was clear to him.

"My offer expires in a minute. You have to decide."

"You will not be offended if I don't trust your words, will you? Can you put that in writing?" sarkastikong saad nito.

He laughed, admiring her spunk. He couldn't help it if he tried. "Fine."

"Great. What do you want me to tell your aunt?"

"First, tell me what you told her."

"I told her the truth---that you are a pig. Sinabi kong dalawang buwan pa lang tayong kasal at gusto mo akong iwan para kay Courtney. Sinabi kong buntis ako. Ganoon lang kasimple."

"Magaling kang magsinungaling."

"Madali kang tularan." Nilapitan niya ito. Nagsimula itong umatras. "I will not sleep with you unless you have that paper."

"You know what I think though? I can have you with or without the paper."

"Kayo ba'y nagkasundo na?" ang kanyang tiyahin.

Tumango si Charo, inakbayan niya ito. "Opo, Tiyang. May kaunting bagay lang kaming kailangang ayusin. Wala kang dapat problemahin."

"Kung ganoon, tayong dalawa ang mag-uusap." Nagbalik ito sa kusina.

Tiningnan niya si Charo. "I will come up with something. Meanwhile, get yourself on my bed. I want you to be naked when I come in."

Naningkit ang mga mata nito. "I will not enjoy it."

"You will. I promise."

Tiningnan siya nito nang masama, saka tumuloy na sa itaas ng bahay. Nagtungo na siya sa kusina. Naroon at halatang inip na ang kanyang tiyahin. Kailangan niya itong lambingin.

"Tiyang, 'wag na kayong magtampo sa akin."

"Pakakasalan mo sa simbahan ang batang 'yon, Iñigo. Magkakaanak na kayo."

"Hindi pa ho sigurado 'yon. Na-delay lang siya."

"Kahit na! Nagsasama kayo at may nangyayari sa inyo at wala kayong basbas ng simbahan? Hindi maganda 'yan. Madali namang kausapin si Father Bernardino, mabasbasan man lang kayo kahit simpleng kasal lang."

"Hindi muna po, Tiyang. Marami pa po akong kailangang asikasuhin."

"At ipagpapaliban mo ang mahalagang bagay na ito? Ano ba ang nangyayari sa 'yo, anak? Pinalaki ba kitang ganyan? Si Courtney ba ang dahilan? Sa totoo lang, mas gusto ko si Venice."

One day with his aunt and the little witch managed to endear herself to the old lady. Wala ni isa sa mga naging nobya niya ang nakagawa noon. Iilan lang naman ang ipinakilala niya rito ngunit sa lahat ng iyon ay may pintas ito.

"Bueno, buhay mo iyan. Naaawa lang ako sa asawa mo. Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon. Dito na kayo magpalipas ng buong linggo at hindi ako papayag na hindi. Puro ka trabaho, pati personal mong buhay apektado na."

Tumango na lamang siya. Isang linggong pagpapanggap. Isang linggong asawa niyang muli si Charo. Kapalit ng beinte porsiyento ng kompanyang hindi niya alam kung bakit inalok niya rito. Once again, he found himself at the butt of the Almighty's joke. Yet he knew, he would not have it another way.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1K 294 6
Re:forgotten spin off Subaru gets forgotten and tortured, we have heard this a million times. He escapes with his own power and becomes the sage by a...
1.1M 27.8K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
422K 23.6K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...