MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

019

3.7K 179 82
By saltypastry

' Pero Soonbyul, wag kang magbabago ah ? I kinda like your personality '

--

Milk's POV

[Now playing: I Swear - SISTAR]

Lumipas ang tatlong linggo. Ganun padin naman. Puro fanmeet ang inatupag nila.

Kami ni Joshua ? Ganun padin naman. Madalas mag-asaran at mag-away. Pero syempre nagkukunwari padin kami na in a relationship.

Si Vernon ? Feeling ko lang to ah. Medyo nag-seselos na ata sya ng konti. Ewan ko. Ang unpredictable nya.

Ayan ka na naman Milk. Nagpapaka-feelingera ka na naman.

At masasabi ko na ding mas naging close kami ni Vernon. Tsaka na din ng buong Seventeen.

Sa sobrang close ko sa Seventeen, dumating na yung puntong hindi ako naa-awkward sa kanila kahit na maglakad pa sila sa harap ko ng naka-topless. Yep. Sinanay ko na yung sarili ko. Hiyang-hiya naman kasi ako kay Jeonghan eh.

Si Joshua naman nag-level up lalo yung pagiging FC nya. Madalas syang nakikitulog sa apartment ko. Madalas din syang nangyayakap kahit wala si Vernon.

Konting-konti nalang talaga. Itutulak ko na sya sa Han River.

Nandito kaming lahat sa dorm nila. Nakaupo kami sa sahig.

' Oy babs '

Ayan na naman sya.

Yumuko ako sa kanya. Nakahiga kasi sya sa lap ko. Sya nag-insist okay ? Nandito din kasi si Vernon eh. Kanina pa nga sya tingin ng tingin samin.

' Ano na namang problema mong tokwa ka ? '- tanong ko sa kanya.

' Magbihis at magpaganda ka '- sabi nya.

Nag-roll eyes ako.

' Maganda na ko. Bakit ba ? '- tanong ko.

' May date tayo, okay ? Wag ka nang mag-reklamo '- sabi nya.

At kailan pa sya nagkaroon ng perang pang-date ?

' Naks naman si hyung oh. Magde-date daw sila ni Noona '- sabi ni Dino dun sa ibang members.

' Uwian nyo kami ah ? '- sabi ni Mingyu. Mukhang pagkain talaga to kahit kelan.

Pinalayas ko na sya sa lap ko at dumeretso na ko sa apartment ko para magbihis. Duh, kahit ayokong makipag-date sa isang tahong, hindi ako makatanggi since nakatingin samin si Vernon kanina.

Nagsuot lang ako ng hoodie, ripped jeans tsaka hight cut na sapatos. Walang basagan ng trip.

Lumabas ako ng apartment ko at nakita ko syang naghihintay sakin. Bakit ganito suot neto ? Naka semi-formal. Naka-slacks sya tapos naka-polo. Ano bang pupuntahan namin ? Prom ?

' Ano yang suot mo ? '- sabay na tanong namin sa isa't-isa.

Nag-roll eyes sya. Taray neto !

' Wala ka man lang bang dress ? Hindi pwedeng ganyan ang suot mo baliw ka ba ? '- sabi nya tapos hinila nya ako papasok ng apartment ko.

Eh kung sinabi nya kasi sakin kung ano dapat yung isuot ko para di na ako nagsayang ng effort na isuot tong ripped jeans na to. Natagalan kasi akong isuot to kasi palaging maling butas yung napapasukan ng paa ko.

Dumeretso sya sa cabinet ko at naghalungkat ng damit.

' Wag yang mga bra ko gago ka ba ? '- sabi ko sa kanya kasi nakita kong hawak nya yung isang bra ko. Tsk. Ang manyak talaga neto.

' Tanga. Di ko sinasadya. Ayan na isuot mo ! '- sabi nya sabay bato sakin nung dress ko na blue na long-sleeve pero off-shoulder.

Natanga pa.

Pero may sense of style din naman pala kahit papaano tong tahong na to.

' Ano, pagbibihisin mo ko sa harap mo ? '- sabi ko sa kanya.

' Anong mapapala ko dyan sa katawan mo ? Dun ka sa CR ! '- sabi nya sabay higa sa kama ko.

I feel so offended.

Dumeretso na ko sa CR at sinuot yung dress na pinili nya.

Pagkalabas ko, napatingin agad sya sakin.

' Alam kong maganda ako pero wag mo na kong titigan, okay ? '- sabi ko sa kanya.

' Tss. Dami mong alam. Tara na nga '- sabi nya tapos hinila nya ko palabas ng apartment ko.

Yung van ng SVT yung ginamit namin. Marunong palang mag-drive tong tahong na to.

' Magde-date ba talaga tayo ? Akala ko joke lang kasi nandun si Vernon '- sabi ko sa kanya.

Tumingin sya sakin saglit tapos nagpatuloy sa pagda-drive.

' Magde-date talaga tayo. Wala ka bang naaalala ? '- tanong nya.

Ha ?

May okasyon ba ? Malayo pa naman birthday ko. Mas malayo din yung birthday nya.

Anong meron ?

' Tss. Monthsary natin ngayon Pabo '- sabi nya.

Napakunot yung noo ko.

' Kailangan talagang i-celebrate ? Fake lang naman na tayo ah ? '- tanong ko sa kanya.

Nag-roll eyes sya.

' Edi fake na date '- sabi nya.

May nage-exist ba na ganun ?

Nag-park sya sa kung saan. Bababa na sana ako kaso pinigilan nya ako. Umuna syang bumaba tapos pinagbuksan nya ako ng pinto.

' Anong nakain mo ? '- tanong ko sa kanya pagkababa ko.

' Please. I'm trying to be a gentleman. Kahit ngayon lang '- sabi nya.

Minsan di ko rin maintindihan tong lalaking to eh.

Hinawakan nya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad. Nasa Myeongdong pala kami.

' Ano bang una nating gagawin ? '- tanong ko sa kanya.

Pasensya na. Wala akong alam sa date date. First time ko to eh. Kahit 'fake' kuno lang daw to sabi nya.

' Kakain '- simpleng sagot nya.

' Saan ? '- tanong ko habang tumitingin-tingin sa paligid.

' Doon '- sabi nya sabay may tinuro sya na restaurant.

Napatingin ako dun sa tinuro nya.

Hindi sa choosy ako pero ayoko sa mga fancy restaurants. Napaka-dainty kasi eh. Hindi ako sanay sa mga ganun. Mas gusto ko pang kumain ng street foods.

Napa-second look din ako sa mga tao dun. Lahat naka semi-formal. Kaya siguro pinagpalit nya ako ng damit. Ayoko talaga sa mga ganyan. Sino bang magbibihis ng magara, magsusuot ng alahas at magbabayad ng mahal para sa pagkaing hindi mo naman ma-enjoy kasi dapat fine yung kilos mo ?

Definitely not me.

' Jisoo wag nalang dyan '- sabi ko sa kanya.

Napatingin sya sakin.

' Anong tawag mo sakin ? '- tanong nya.

' Uh .. Joshua ? '- unsure na sagot ko.

' Hindi eh. Iba yung narinig ko '- sabi nya.

Ang kulit nya. Pero ang cute nya.

Aish. Ano ba tong sinasabi ko.

' Basta wag na tayo dyan kumain '- sabi ko sa kanya.

' Saan mo ba gusto ? '- tanong nya.

Lumingon-lingon ako at natuwa ako bigla kasi may nakita akong stall ng street foods.

' Doon tayo ! '- tuwang-tuwang sabi ko sa kanya.

' Seryoso ka ? '- tanong nya.

' Oo. Tara bilis ! '- sabi ko sabay hila sa kanya papunta doon sa stall.

Kung ano-ano lang yung in-order namin. Nilubos-lubos ko na. Minsan lang manlibre tong tahong na to.

Palipat-lipat kami bawat stall. Bawat street foods tinitikman namin.

Habang kumakain ako, napansin kong nakatingin sya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

Umiling lang sya tapos nagpatuloy nalang din sa pagkain.

Weird.

Napatingin ako sa paligid. May mga nagtitinginan samin. Dahil siguro sa suot namin. Argh.

Hinila ko na si Joshua paalis dun. I hate attention.

Sabi nya may isa pa daw kaming pupuntahan. Hinawakan nya ulit yung kamay ko tapos dumeretso kami sa van.

Bakit kulay pink yung mood ring ko ? Sira na ata talaga to eh.

Dinala nya ako sa Gwangalli Beach. Tanda ko tong lugar na to. Dito kasi nag-shoot yung part switch version ng Adore U.

Naghabulan lang kami dun. Para kaming bata. Sya kasi pasimuno eh. Bigla akong tinulak tapos tumakbo sya palayo. Aish.

Nang mapagod kaming dalawa, umupo kami sa buhangin sa may dalampasigan. Wala kaming pake kung malagyan ng buhangin yung damit namin.

' Soonbyul, maybe I judged you too quickly '- sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

Ha ?

' Alam mo bang matagal ko nang pinaplano tong araw na to ? Naisipan kong dalhin ka sa isang fancy restaurant kasi akala ko kagaya ka lang nung ibang babae dyan na ganun yung mga gusto. Pero nung sinabi mong mas gusto mo ng street foods, ewan ko ba. Parang nag-iba bigla yung impression ko sayo. Iba ka pala ? '- sabi nya.

Napayuko ako.

' Pati kanina noong nakita kong naka-hoodie, ripped jeans at high cut ka, nagulat ako. Akala ko nga magsusuot ka ng blouse, skirt or dress like what typical girls do. But like I said before, I judged you too quickly '- sabi nya.

Tumingin ako sa kanya.

' Iba ako .. in a negative way ? '- tanong ko.

' What ? No ! Honestly, I like your style. Gusto ko sa mga babae yung simple lang. Yung walang pake kahit na mawalan sila ng poise, basta mag-enjoy lang. Yung mas may pake sa pagkain kesa sa pagda-diet. Yung walang arte. Parang .. '

Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ko yung sunod nyang sasabihin.

' .. Ikaw ? '

My heart skipped a beat.

Ano bang pinagsasabi ng tahong na to ?

' Kilala mo ba kung sinong crush ko ? '- tanong nya.

' Sino ? '- tanong ko.

May crush sya ?

' Starts with letter Y '- sabi nya sabay ngiti.

Letter Y ?

OMG SINASABI KO NA NGA BA

' Bading ka talaga eh no ? '- sabi ko sa kanya.

' Ha ? '- naguguluhang tanong nya.

' Starts with letter Y ! Yoon Jeonghan ! Ikaw ha. Di mo naman kailangang itago sakin eh. I support gay marriage '- sabi ko sabay gulo ng buhok nya.

' Baliw. Hindi ako bading ! Malamang babae yang Y na yan ! '- sabi nya sabay batok sakin.

Sadista talaga ! Sabi nya magpapaka-gentleman daw sya ngayon eh.

' Hulaan ko kung sino ah '- sabi ko tapos tumango naman sya.

' Yuri ? Yoona ? Yeri ? Yura ? Yuna ? '- sunod-sunod na sabi ko.

Umiling sya.

' Wala kang tinama '- sabi nya.

Aish.

Sino ba yang Y na yan ?

Naku-curious ako !

' Sino ba kase ? '- tanong ko sa kanya.

' Basta. Malalaman mo din naman eh '- sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

Ano ba yan.

' Masaya ka ba ? '- tanong nya out of the blue.

I hate to admit it pero nag-enjoy akong kasama sya.

' Nag-enjoy ako. Sobra. Salamat Jisoo '- sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya.

' Pero Soonbyul, wag kang magbabago ah ? I kinda like your personality '- sabi nya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 83 70
"And for the longest time, I got stuck in trying to spend one year fast just so I can get you back. I'm such a jerk, I know. Kasalanan ko lahat. So I...
IBTMITL By Janelle

Teen Fiction

35.3K 909 115
I'll be the matriarch in this Life, Chapter 201-256. Side Stories
167K 1.6K 200
Isang salita noon, isang haiku na ngayon. Haiku noon, haiku pa rin ngayon. (Koleksiyon ng mga 'haiku' sa Wikang Filipino.) -D. Cover by: "Kai" (ang b...
74.5K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...