NINE MONTHS

By BDHOSME

940K 8K 885

9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang un... More

NINE MONTHS
CHAPTER ONE
CHAPTER 2
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
EXTENSION: PART 2 (FINALE)
ABANGAN.....
NINE MONTHS AND BEYOND: ANG BAGONG UMAGA
2.1
2.2
2.3
2.4
2.5
2.6
2.7
2.8
2.9
2.10
2.11
2.12
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 1
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 2 (FINALE)
VULCANIZING MY HEART (JANICA SIDE STORY)
ABANGAN...
Handa ka na ba?
ABANGAN SILA...
nine months and beyond (the second gen)
HEADLINE NO. 1
HEADLINE NO. 2
HEADLINE 3

CHAPTER 6

27.3K 245 19
By BDHOSME

            “From the power empowered in me, I may now pronounced you as husband and wife. You may now kiss the bride.”

            Nagpalakpakan ang mga tao nang binanggit iyon ng judge na nagkasal sa kina Emy at Nathan ilang linggo lang ang nakakaraan makatapos mag-yes ni Emy sa proposal sa kanya ni Nathan.

            Nilapitan ni Nathan ang kanyang asawa. Napabuntong hininga siya. Ito ang unang beses na hahalikan niya ang kabiyak na wala siyang espiritu ng alak. Napayuko rin si Emy, hindi niya alam ang kanyang gagawin, alam niyang ibang-iba ang sitwasyon na yun kumpara sa una niyang paghagkan kay Nathan.

            Inilapit ni Nathan ang kanyang labi sa labi ng asawa at marahan itong hinalikan.

            Lumakas ang hiyawan ng mga tao nang masaksihan ang nakakakilig na tagpong iyon sa bagong kasal.

            Sinamahan ni Nathan si Emy sa bago nitong silid, ang kuwarto ni Nathan ang magiging kuwarto na nilang mag-asawa. Inalalayan ni Nathan si Emy sa paghiga nito sa kama, “Are you okey?”

            Ngumiti si Emy at tumango siya rito.

            “Teka magsashower lang ako.” At hinalikan niya sa noo ang si Emy, “Wait for me.”

            Dahil sa kapaguran ay unti-unti bumabagsak ang mata ni Emy habang sa loob ng banyo ay humuhuni pa si Nathan habang naliligo.

           

            “Uhhh…” napaungol si Emy nang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam na iyon.

            “Emy…”

            Hindi na nakapagsalita si Emy naramdaman na lang naman niya na parang may mainit na bagay na nakadagan sa kanya at hinahaplos ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

            “Nathan…”

            Naramdaman niya ang mainit na labi ng asawa na nasa kanyang tainga, masuyo nitong kinagat ang tainga niya na para siyang tinutukso.

            “Nathan please…”

            Dumako ang mainit na labi na yun sa kanyang leeg papanik sa kanyang pisngi hanggang maabot na nito ang kanyang labi.  Isang maikling halik sa labi ang iginawad nito sa kanya at nagbalik muli ito sa ilalim ng kanyang baba.

            “I want you now…” ang sabi sa kanya ni Nathan.

            Hindi nakasagot si Emy. Bumalik sa ala-ala ang una nilang pagniniig ni Nathan, kundi dahil sa unang iyon ay hindi siguro siya mabubuntis sa lalaking ito. Buntis ako!

            Agad minulat ni Emy ang kanyang mga mata nang maalalang nagdadalang tao siya. Natagpuan niyang nakaibabaw sa kanyang ang asawa at tila hinahanda na ang kanyang sarili sa muli nila ng pagniniig.

            Napasigaw si Emy, “Shet! Nathan ano ba yang ginagawa mo?!” agad niyang itinulak ang asawa palayo sa kanya hanggang sa tuluyang matumba ito at mapaupo sa sahig.

            Inayos ni Emy ang kanyang sarili. Itinuwid ang nakalislis niyang bestida at umupo sa kama.

            “Ano ba? Bagong kasal tayo and its our honeymoon!”

            “Honeymoon! Nathan buntis ako!”

            Tumayo si Nathan at nilapitan ang asawa, “Ano naman ngayon kung buntis ka? Kung sakali ba madadagdagan ba ang laman ng tiyan mo.” Hahalikan sana ni Nathan ang balikat ni Emy ngunit agad itong nasunggaban ng babae at inilayo sa kanya.

            “Kasalanan yan ang iniisip mo. Nakakasama sa baby.”         

            Napatayo si Nathan na parang nagdadabog, “Ano ba yan! Nag-asa-asawa pa tayo kung wala rin namang mangyayari sa atin!”

            “Nathan, ibahin mo naman yung sitwasyon natin ngayon!”

            Muling nilapitan ni Nathan si Emy at pilit itong inihiga sa kama, “Emy naman, pagbigyan mo naman ako, bagong kasal naman tayo. Please for once, please, kahit isa lang…”

            “Nathan tigilan mo ako kundi hindi ako magdadalawang isip na tadyakan ka!”

            Sumuko si Nathan umupo ito sa kama niya at umupo na rin si Emy.

            “Nathan, respetuhin mo naman ako. Kahit hindi na siguro bilang asawa pero bilang ina na lang ng dinadala ko. Alam ko namang bilang asawa mo pananagutan ko na ibigay ko sayo ang sarili ko. Pero not now, not now na buntis ako, after nine months, pagkapanganak ko, hindi na talaga ako magdadalawang isip na pagbigyan ka. Pero as of now please… para sa bata.”

            Padabog na tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Nathan at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa isang upuan ng kanyang kuwarto, “Magsashower na lang uli ako!”

            Pagkatapos maligong muli ni Nathan ay si Emy naman ang naligo. Pagkatapos niyang magshower at magpalit ng pajamas ay natagpuan niya si Nathan na nakahiga sa kama at tinatakpan ang kanyang mukha ng unan.

            Galit siya sa akin. ito ang unang gabi namig bilang mag-asawa tapos galit siya sa akin.

            Itinaas ni Emy ang kumot ng kama at saka nahiga katabi ang asawa, “Goodnight Nathan.” At saka siya tumalikod sa di umimik na si Nathan.

            Katahimikan ang pumagitna sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Katahimikan ngunit parehas silang di dinadalaw ng antok. Parehas silang di makatulog, parang pinakakaramdaman nila ang isa’t isa. Pinapakinggan ang bawat paghinga na ginagawa ng isa’t isa.

            Ganito ba talaga ang buhay mag-asawa? Parehas nilang tinanong sa kanilang sarili habang hindi sila nag-iimikan.

            Bakit ganon? Kahit katabi ko siya, kahit alam kong ilang inches lang ang pagitan naming dalawa ba’t parang mag-isa pa rin ako? Gusto ko siyang makita… gusto kong makita ang lalaking pinakasalan ko.

            Dahan dahan niyang inikot ang kanyang katawan paharap kay Nathan. Parehas silang nagulat sa isa’t isa nang makitang sabay silang umikot sa pagkakahiga upang harapin ang isa’t isa.

            “Nathan, nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” ang tanong niya sa lalaki.

            Hindi sumagot si Nathan at inilagay nito ang kanyang kamay sa likod ng leeg ng asawa.

            Kinabahan si Emy sa balak gawin sa kanya ng lalaki. Mukhang di talaga siya mapipigilan…

            Hinila ni Nathan ang katawan ng asawa at saka inilapit iyon sa kanya, “Wag kang mag-aalala. Gusto ko lang yakapin ang babaeng pinakasalan ko.”

            Napangiti si Emy sa narinig na iyon kay Nathan. Hindi siya nagdalawang isip na gumanti ng yakap sa lalaki. Hindi ko alam kung bakit? Pero ba’t ang sarap ng pakiramdam habang yakap-yakap niya ako ngayon.

            Isang mahigpit at malambing na yakap ang nagpapayapa sa bagong mag-asawa na nagbigay sa kanila na mahimbing na pagpapahinga kapiling ang isa’t isa.

            Nakayuko si Emy nang pinagbuksan siya ng pintuan ni Nathan nang sabay na silang pumasok sa school bilang mag-asawa.

            “Let’s go.”

            Marahang lumabas si Emy ng sasakyan at nanatiling nakayuko. Napapatingin siya sa mga taong tumitingin sa kanila ni Nathan. May mga nagbubulungan at may napapahinto sa paglalakad pagkakita sa kanilang mag-asawa.

            Ano na kaya ang iniisip nila sa akin? Siguro katulad ni Janica, iniisip nila na pinikot ko si Nathan para sa pera niya. Na nagsasama lang kami dahil sa buntis ako at hindi dahil sa mahal naming ang isa’t isa. Na isa lang akong hampa lupa na parang biglang nanalo ng hundred million sa lotto dahil nabuntis ako ng isang Nathan de Silva.

            Napansin ni Nathan na parang malayo na ang distansya nila ni Emy sa isa’t isa kaya napahinto siya paglalakad at nilapitan ang asawa, “Emy, bilisan mo namang kumilos.”

            Napansin ni Nathan na nanatiling nakayuko si Emy na parang conscious na conscious sa mga taong nakatingin sa kanila.

            Iniabot ni Nathan kay Emy ang isa niyang kamay.

            “Bakit?”

            Ngumiti si Nathan sa kanya, “Hold my hand.”

            Sinunod ni Emy ang lalaki at hinawakan nito ang kamay niya.

            Nagulat siya ng hinala siya ni Nathan at pinagkrus nito ang daliri niya sa kanyang daliri.

            Napatingin si Emy sa kanilang kamay ni Nathan. Ni minsan ay di siya nagkaboyfriend at ito ang kanyang first time… na makipag holding hands.

            Napansin ni Emy na napanganga ang ibang taong nakatingin sa kanila nang makita silang magkaboyfriend. May narinig naman siya may nagsabi na ang sweet nilang dalawa. Napangiti si Emy, feeling niya sa mga oras na iyon ay ipinagtanggol siya ni Nathan. Ipinagtanggol siya nito laban sa mga taong humuhusga sa kanyang pagkatao.

Continue Reading

You'll Also Like

84.7K 1.6K 11
Dalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparam...
380K 7.2K 10
Iris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would...
354K 8.7K 34
Makakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahal...
269K 4.9K 29
Lianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able...